LOGINAt hindi nagtagal, napagod na rin ako sa pagbabasa.
Nasa Chapter 20 na ako nang mapagpasyahan kong itabi na ang libro.
Napahiga ako sa kama.
Nalipasan na rin ako ng gutom, kaya kahit hindi ako nakapag-dinner, hindi ko na iyon gaanong inisip.
Napansin kong madilim na sa labas.
Siguro gabi na.
Hindi ko na namalayan kung kailan ako tuluyang nakatulog.
Sa panaginip ko, may pumasok sa kwarto.
Hindi ko makita ang mukha niya.
Anino lang ang nakikita ko habang dahan-dahan siyang lumalapit sa kama ko.
Huminto siya sa paanan ng kama at tahimik na pinagmasdan ako.
Nasa magkabilang bulsa ang mga kamay niya.
Hindi siya gumagalaw.
Hindi rin siya nagsasalita.
Pero for some reason, everything felt so real.
Parang hindi panaginip.
Tinitigan niya lang ako nang matagal. at nagising na lamang ako na may narinig akong, katok sa p***o
At nagising ako dahil dun.
Napalingon ako.
May isang babae na pumasok.
Nakasuot siya ng maid uniform, at pamilyar ang mukha niya.
Siya iyong isa sa mga maid na nakita ko noong unang araw ko sa mansion.
Siya rin ang pinakabata sa kanila.
“Good morning po, Ma'am. Ito na po ang breakfast niyo.”
Inilapag niya ang tray sa mesa.
“Iiwan ko nalang po dito.”
Aalis na sana siya nang bigla akong napaisip.
“Wait.”
Napalingon siya sa akin.
“What’s your name?”
Bahagya siyang ngumiti.
“Dahlia po, Ma'am.”
“Okay, Dahlia.”
“Baba na po ako, Ma'am. Baka hinahanap na po ako sa baba.”
Mabilis siyang umalis.
Naiwan akong nakatingin sa p***o.
Napabuntong-hininga ako bago lumapit sa mesa.
At nang makita ko ang pagkain, biglang kumalam ang tiyan ko.
Hindi na ako nagdalawang-isip.
I immediately started eating.
Pagkatapos kong kumain, tumayo ako at saglit na napatingin sa CCTV.
Nakatutok pa rin iyon sa akin.
Napailing ako at dumiretso sa bathroom.
Malaki pala ang bathroom sa loob ng kwarto.
May sariling shower at lahat ng kailangan ko, kaya hindi ko na kailangang lumabas para maligo o mag-ayos.
Habang nagsisipilyo ako, biglang bumalik sa isip ko ang panaginip ko.
Napahinto ako.
Who was that man?
Anino lang ang nakita ko.
Pero bakit parang pamilyar?
Parang…
Si Damian.
Napatingin ako sa sarili ko sa salamin.
“But why would I dream about him?”
Napailing ako.
“Maybe it was just because I was thinking about him too much.”
Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko, hindi mawala sa isip ko ang isang bagay.
It felt too real.
Pagkatapos kong magsipilyo, naisipan kong maligo.
Kinuha ko ang towel sa cabinet at doon ko napansin ang ilang damit na maayos na nakatiklop.
May isang mahaba at puting sundress na may bowtie sa balikat, smocked na bahagi sa dibdib, at maluwag na tiered skirt.
Mukhang bagong bili ang mga damit.
May mga undergarments din sa ilalim, at napansin kong bago rin ang mga iyon.
“Looks like someone prepared these for me.”
Napabuntong-hininga ako.
Hindi ko na iyon masyadong inisip at kumuha na lang ako ng isang set ng damit at bra.
Pumasok na ako sa bathroom.
Napakalaki nito.
May malaking marble countertop, malalaking salamin, at warm lighting na nagbibigay ng eleganteng atmosphere sa buong lugar.
Sa isang bahagi naman ay may malaking glass-enclosed shower.
Pero ang mas nakakuha ng attention ko ay ang freestanding soaking tub na nasa tabi ng malalaking bintana.
May maligamgam na tubig na pala roon.
Napatingin ako rito.
Nang matapos akong maligo, nagbabad muna ako sa tub.
Saglit kong pinilit na alisin sa isip ko si Damian at lahat ng nangyari.
Hindi ko namalayan kung gaano katagal akong nakapikit.
Nang maramdaman kong nagsisimula na akong lamigin, saka ako tuluyang bumangon mula sa tub.
Tinapos ko na ang pagligo at nagpunas ng katawan gamit ang towel.
Paglabas ko ng bathroom, napansin kong nakatutok pa rin sa akin ang CCTV.
Napairap ako.
“Tsk”
Kinuha ko ang mga damit na isusuot ko at dumiretso sa dressing room. Doon na lang ako nagbihis dahil wala namang CCTV sa loob.
Pagkatapos kong magbihis, napatingin ako sa mga damit kong basa.
I need to wash these.
Napagpasyahan kong lumabas ng kwarto.
Sinubukan kong buksan ang p***o at nagulat ako nang bumukas iyon.
Hindi pala naka-lock.
Maingat akong lumabas.
Wala akong nakitang CCTV sa loob ng mansion. Mukhang sa labas lamang ng bahay nakalagay ang karamihan ng mga camera.
Bitbit ang mga basa kong damit, tahimik akong naglakad sa hallway.
Napakatahimik ng buong mansion.
Habang dumadaan ako sa hallway malapit sa kwarto ni Damian, may narinig akong mahinang ingay mula sa loob.
''Ugh fuck! damien slow down."
Napahinto ako.
Ano 'yon?
Sandali akong napatingin sa p***o pero agad din akong nagpatuloy sa paglalakad.
Ayokong makialam sa kung ano man ang ginagawa nila.
Pagbaba ko sa hagdan, napansin ko ang isang maid na nasa kusina.
“Miss, saan po ang washing machine?”
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
Pero hindi siya sumagot.
Parang hindi niya ako narinig.
Matalim lang niya akong tiningnan bago siya muling nagpatuloy sa ginagawa niya.
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang pakikitungo niya sa akin.
Bago pa ako makapagsalita ulit, may isa pang maid na lumabas mula sa kabilang bahagi ng kusina.
Si Dahlia.
“Hello, Dahlia.”
Agad siyang lumapit sa akin.
“Ma'am?”
“Saan po ang washing machine? Lalabhan ko sana itong mga damit ko.”
Napatingin siya sa mga damit na hawak ko.
“Ako na po ang gagawa niyan, Ma'am.”
Agad niyang kinuha ang mga damit mula sa kamay ko.
“Hindi, okay lang. Ako na lang.”
“Pero, Ma'am—”
“Hoy, Dahlia!”
Napalingon kaming dalawa sa maid na kanina ko tinanong.
“Tapusin mo muna ang ginagawa mo roon. Ang bagal-bagal mo na naman.”
Napayuko si Dahlia.
“Hayaan mo na siya maglaba ng gamit niya. Hindi naman siya reyna dito sa mansion.” pasigaw na sabi nung maid.
Napatingin ako kay Dahlia.
Mukhang sanay na siyang pagsalitaan nang ganoon.
“Okay lang, Dahlia,” sabi ko.
Napatingin siya sa akin.
“Kaya ko namang gawin. Ituro mo na lang kung saan.” dagdag kopa.
“Sige po, Ma'am. Pasensya na po talaga.”
Tinuro niya ang isang hallway.
“Dito po. Tapos pagliko niyo po, nandun na yung washing machine.”
Tumango ako.
“Thank you.”
Ngumiti ako sa kanya bago ako naglakad papunta sa direksyong itinuro niya.
“Dahlia! Bilisan mo! Pagagalitan ka na naman ni Aling Cora sa ginagawa mo!”
Narinig kong sigaw ng maid mula sa kusina.
“Saglit lang, Ate!” sagot naman ni dahlia.
Ako naman ay nagpatuloy sa paglalakad, hawak ang mga damit kong basa.
Pagkatapos kong labhan ang mga damit ko, inilagay ko na rin ang mga iyon sa dryer.
Habang hinihintay kong matapos, napatingin ako sa paligid.
Mas lalo kong napansin kung gaano karaming security ang nakapaligid sa mansion.
May mga lalaking naglalakad sa paligid ng property, habang ang iba naman ay nakatayo malapit sa mga bakod.
May suot silang earpiece na nakakabit sa kanilang mga tenga, at napansin ko ring may mga baril silang nakatago sa ilalim ng kanilang mga damit.
Ano bang klaseng lugar ito?
Nang tuluyang matuyo ang mga damit ko, dali-dali kong kinuha ang mga iyon at bumalik sa mansion.
Pero paglabas ko pa lang sa laundry area, agad akong napatigil.
Nakita ko si Damian.
Galit na galit ang mukha niya habang nakatayo sa harap ni Dahlia.
Namumula ang mga mata ni Dahlia at halatang umiiyak.
“Where is she?”
Pasigaw niyang tanong.
Magulo ang buhok niya at hindi maayos ang pagkakabotones ng polo niya. Nakatupi hanggang siko ang manggas nito, habang suot niya ang dark slacks niya.
Hindi ko alam kung gaano katagal na siyang naghahanap sa akin.
Pero mas lalong nanlamig ang katawan ko nang makita kong may baril siyang hawak at nakatutok iyon kay Dahlia.
“Damian!”
Mabilis akong lumapit.
“Wala siyang kasalanan! Hindi ako tumakas!”
Halos maiyak na ako habang nagsasalita.
“Ako ang lumabas. Please, huwag mong saktan si Dahlia.”
Ayokong may mapahamak dahil sa akin.
Napatingin ako kay Dahlia.
Tuloy-tuloy ang pag-iyak niya.
Pagkatapos ay bumaling sa akin si Damian.
Matalim ang kanyang mga mata.
Lumapit siya sa akin.
“Damian, I—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
Bigla niya akong sinampal.
Malakas.
Napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng sampal.
Nanlabo ang paningin ko nang ilang segundo.
Napahawak ako sa pisngi ko.
May naramdaman akong mainit na likido sa gilid ng labi ko.
Dugo.
Napatingin ako sa kanya, halos hindi makapaniwala sa ginawa niya.
At doon ko lang napansin na may isang babae na nakatayo sa hagdan.
Si Samantha.
Kanina pa pala siya roon.
Saglit ko siyang tiningnan bago ko muling ibinalik ang tingin kay Damian.
Hindi ako umiyak.
Kahit gusto kong humagulgol, pinilit kong pigilan ang mga luha ko.
Ayokong makita niya akong mahina.
“Arnaldo!”
Malakas niyang sigaw.
Agad na lumapit ang isang lalaki.
“Take her to the warehouse.”
Tumigil siya sandali bago malamig na nagpatuloy.
“And don't give her anything to eat for three days.”
Nanlaki ang mga mata ko.
Three days?
Hindi ako makapaniwala.
Lumapit si Arnaldo at hinawakan ang braso ko.
Agad ko iyong winaksi.
“Kaya kong tumayo.”
Pinilit kong tumayo kahit nanginginig ang mga tuhod ko.
Masakit ang pisngi ko at patuloy na kumikirot ang sugat sa gilid ng labi ko, pero pinilit kong manatiling matatag.
Tiningnan ko nang diretso si Damian.
Matalim ang tingin ko sa kanya.
At hindi rin siya umiwas.
Lumapit siya hanggang sa halos magkaharap na kami.
“One rule you break…”
Malamig ang boses niya.
“…and you get hurt.”
Wala akong naisagot.
Hindi dahil wala akong gustong sabihin.
Kundi dahil alam kong anumang sabihin ko ay maaari lamang magpalala ng sitwasyon.
“Arnaldo. Carry her.”
Agad na lumapit si Arnaldo at binuhat ako.
“Put me down! Kaya kong maglakad!”
Pumiglas ako, pero hindi niya ako binitiwan.
“Please, let me walk!”
Wala siyang sinabi.
Dinala niya ako palabas ng mansion at isinakay sa kotse.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Ang alam ko lang, papalayo kami nang papalayo sa mansion.
Habang kumakain ako, napansin kong kanina pa nakatingin sa akin si Damian.Lumingon ako sa direksyon niya habang nasa bibig ko pa ang kutsara.Nagtagpo ang mga mata namin.Nakita ko siyang nakaupo na ngayon sa kama habang tahimik na nakatingin sa akin.Tinaasan ko siya ng isang kilay, na para bang tinatanong kung ano ang problema niya.Wala siyang sinabi.Binalik ko na lang ang atensyon ko sa pagkain at ipinagpatuloy ang pagkain na parang wala akong napansin.Ilang sandali pa, tuluyan ko nang ibinaba ang kutsara at tinidor.“Tapos na ako.”Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya.Tumayo agad ako at dumiretso sa banyo.Pagkapasok ko sa bathroom, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang kabilis at kalakas ang heartbeat ko.Napahawak ako sa dibdib ko at ilang seconds ko itong pinakinggan.Why is my heart beating this fast?Pinagsawalang-bahala ko na lang iyon.“Siguro dahil lang sa gutom at pagod,” bulong ko sa sarili ko.Nag-toothbrush muna ako at inayos ang sarili ko. After
Ambilis ng mga araw. Hindi ko namalayan na panghuling araw ko na pala rito.Sobrang hina ko na. Pakiramdam ko, nauubusan na rin ako ng pag-asa na makaalis pa sa poder ni Damian.Biglang may humawak sa hita ko.Napatingin ako sa lalaking kasama ko rito.“Stay away from me!” sigaw ko habang pinagtatadyakan siya.Pero imbes na umatras, tumawa lang siya at lalo pang sumiksik sa akin.Iwiniwaksi ko ang kamay niya habang pilit kong inilalayo ang sarili ko.Nang akmang hahalikan niya ako, biglang bumukas ang pinto.Napalingon ako.Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Damian.Galit na galit ang mukha niya habang nakatingin sa amin.Hindi ako makagalaw.Walang sabi-sabi, dinampot niya ang baril na nakasabit sa kaniyang bewang.Isang putok ang umalingawngaw sa buong silid.Bumagsak ang lalaki sa harapan ko.Napatigil ako sa paghinga nang maramdaman kong may tumalsik na dugo sa aking katawan.Nanginginig akong napatingin kay Damian.“That's what you deserve, you animal.”Bigla niya akong hi
Pagkarating namin, agad kong napansin na nasa gitna kami ng isang masukal na gubat.Pagbukas ng pinto ng sasakyan, bumungad sa akin ang isang lugar na halos walang ibang makikita kundi mga puno at isang malaking lumang building na tila matagal nang ginagamit.Pagkababa ko, nakita ko ang ilang lalaking nakasuot ng itim na damit at may mga armas na nakasabit sa kanilang katawan.Nanlamig ang buong katawan ko.Habang naglalakad kami, may napansin akong mga lalaking nakatali sa gilid ng building.Apat sila naliligo sila sa kanilang dugo na wala ng buhay.Hindi ko maayos na makita ang kanilang mga mukha, pero sapat na ang nakita ko para matakot ako.May mga tauhan ni Damian na nakapaligid sa kanila.Bigla akong napahinto.Ng bigla nalang nila itong pinagpuputukan ang apat na lalake sa ulo hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero sapat na ang eksenang iyon para manginig ako sa takot.Napansin kong may ilang lalaki ring nakatingin sa akin.Hindi komportable ang mga titig nila.Agad akong
At hindi nagtagal, napagod na rin ako sa pagbabasa.Nasa Chapter 20 na ako nang mapagpasyahan kong itabi na ang libro.Napahiga ako sa kama.Nalipasan na rin ako ng gutom, kaya kahit hindi ako nakapag-dinner, hindi ko na iyon gaanong inisip.Napansin kong madilim na sa labas.Siguro gabi na.Hindi ko na namalayan kung kailan ako tuluyang nakatulog.Sa panaginip ko, may pumasok sa kwarto.Hindi ko makita ang mukha niya.Anino lang ang nakikita ko habang dahan-dahan siyang lumalapit sa kama ko.Huminto siya sa paanan ng kama at tahimik na pinagmasdan ako.Nasa magkabilang bulsa ang mga kamay niya.Hindi siya gumagalaw.Hindi rin siya nagsasalita.Pero for some reason, everything felt so real.Parang hindi panaginip.Tinitigan niya lang ako nang matagal. at nagising na lamang ako na may narinig akong, katok sa pintoAt nagising ako dahil dun.Napalingon ako.May isang babae na pumasok.Nakasuot siya ng maid uniform, at pamilyar ang mukha niya.Siya iyong isa sa mga maid na nakita ko noon
Pagbalik ko sa aking silid, hindi ko pa rin maalis sa aking isipan ang lahat ng nangyari kanina. Humagulgol na lamang ako sa pag-iyak habang nakahiga.Bigla kong narinig ang ingay sa labas, kaya sumilip ako sa maliit na butas, wala naman palang bintana rito sa aking kwarto.May kama lamang at lamesa sa gilid. Malawak ang silid, ngunit tila wala itong kulay.Kahit gaano pa kaganda ang mga kulay ng kwartong ito, sa aking paningin ay tila walang buhay at diwa.Mula sa aking kinatatayuan, nakita ko si Damien sa bintana.May kasama siyang isang babae, at tila nagtatalo sila. Napakaganda ng babae, ang buhok niya ay blond hair,at malinaw na may halong ibang lahi. Napakakinis ng kanyang balat,at nakasuot siya ng elegante at kapi na kapit ito sa kaniyang katawan na bumagay na sa kanyang hubog na katawan.Nagulat ako nang makitang nagsimulang umiyak ang babae.Agad siyang hinila ni Damien sa kanyang mga bisig at hinalikan sa labi.Napakalambing niya sa babaeng iyon. Siguro ay girlfrien niya
“Hilika na hija, baka mainit kakahintay si senyorito damien”Napatingin ako kay Aling Cora.Hindi ako agad gumalaw. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko, habang patuloy na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Damian.Prepare yourself. Natatakot ako kung ano ang gagawin niya sakin. Napabuntong-hininga si Aling Cora bago ako tiningnan. Tumalikod siya at nagsimulang maglakad.“may sasabihin ako sa'yo.”Sinundan ko siya.“Kung ayaw mong mapahamak, huwag mo nang subukang tumakas ulit.”Napayuko ako.“Bakit?”Saglit siyang tumigil at tumingin sa akin.“Hindi mo pa nakikita kung paano magalit si Damian.”Nanlamig ang katawan ko.“Mas malala pa siya kaysa kanina?”Hindi siya sumagot.At iyon ang mas nakakatakot.Pagkatapos kong maligo at magpalit ng damit, dinala ako ni Aling Cora sa isang malaking hallway.Tahimik ang buong mansion.Napakalaki nito at halos bawat sulok ay may mga tauhang nakabantay.Nang makarating kami sa isang malaking double door, huminto siya.“Dito na ang kwarto n







