LOGIN
Mainit ang kape.
Pero mas mainit ang titig ni Miguel A. Salvador sa makapal na brown envelope na nakapatong sa conference table. Tahimik ang executive boardroom ng Salvador Empire. Mahigit dalawampung direktor ang naroon, ngunit walang sinuman ang naglakas-loob magsalita. Kahit ang mahinang tunog ng air conditioner ay tila mas malakas kaysa paghinga ng lahat. Sa harap niya ay ang family doctor, ang abogado ng pamilya, at ang matandang lalaking hindi kailanman marunong tumanggap ng pagkatalo. Ang lolo niyang si Don Francisco Salvador. "Dahil ba may mamamatay?" kalmadong tanong ni Miguel habang inaayos ang cuff ng itim niyang suit. "O sinayang lang ninyo ang oras ko?" Napasinghap ang ilang board members. Iyon ang problema kay Miguel, hindi ito yung tipong sumisigaw, hindi din siya yung tipong nagwawala, pero kapag nagsalita, parang may yelong dumadampi sa balat. CEO sa umaga. Pero sa gabi, sa ibang mundo, kahit mga armadong lalaki ay yumuyuko sa kanya. Iniabot ng doktor ang envelope. "Mas mabuti pong kayo na ang magbukas, Sir." Binuksan iyon ni Miguel, isa, dalawa, tatlong pahina. Hanggang sa huminto ang tingin niya sa huling bahagi ng report. Nanigas ang panga niya. Patient may experience a significant decline in fertility after the age of thirty-five. Immediate family planning is highly recommended. Tumingin siya sa doktor. "Sigurado ka?" "Opo." "Impossible." "Naulit na po ang laboratory tests, yan at yan pa din po resulta Mr. Salvador." Isinara ni Miguel ang folder. Tumayo siya. "Walang bisyo, regular ang check-up, healthy ang lifestyle ko, tapos sasabihin mong magkakaroon ako ng problema sa fertility?" "Sir..." "Hindi ko tinatanong ang opinyon mo. Gusto ko ng katotohanan." Hindi agad nakasagot ang matanda. Sa wakas ay nagsalita si Don Francisco. "Umupo ka muna." Hindi siya kumilos. "Uupo ako kapag gusto ko." Napailing ang matanda. "Matigas pa rin ang ulo mo." "Malamang, sa inyo ako nagmana." May ilang executive ang napayuko para pigilan ang ngiti. "Cancel the meeting." Mabilis na tumayo ang corporate secretary. "Meeting adjourned." Isa-isang lumabas ang lahat. Naiwan sa boardroom sina Miguel, Don Francisco, ang family lawyer, at ang doktor. Pero ngayon, mas mabigat. Lumapit si Miguel sa bintanang salamin. Mula sa ikalimampung palapag, kita ang buong lungsod. Mga ilaw. Mga gusaling siya mismo ang nagpatayo. Sa ilalim ng mga gusaling iyon, may isa pa siyang imperyong hindi nakikita ng kahit sinong direktor sa kwartong ito. "Wala akong panahon sa ganitong drama. May merger pa akong aasikasuhin. At may flight ako mamayang gabi. Pwede na ba akong umalis?" "Hindi." Iyon lang ang isinagot ng matanda. Lumingon si Miguel. "Kailan mo balak mag-asawa?" Napabuntong-hininga siya. "Eto na naman tayo." "Seryoso ako." "Ako rin, wala akong balak." "Bakit?" "Dahil ayoko." "Ganun lang?" "Ganun lang." Tumawa si Don Francisco. "Tatlumpu't apat ka na, hindi labinwalo." "At ano ngayon?" "Hihintayin mo pang mag-senior citizen bago ka magkaroon ng anak?" "Kung magkakaanak man ako, kusa, hindi dahil pinipilit ako." Napatango ang matanda. May inilabas siyang isang makapal na dokumento. "Basahin mo." Will and Testament. Unti-unting nagbago ang ekspresyon niya habang binabasa. In the absence of a legitimate heir... all assets under the Salvador Family Trust shall be donated to charitable foundations. And the chairmanship shall be transferred to my adopted son, Jomarie Madrigal. Natawa siya. Isang maikling tawa. "Wala na ba talaga kayong ibang panakot? Inaakala n'yo bang hahabulin ko ang mana?" Tumayo siya. "May sarili akong bilyones. Hindi ko kailangan ang Salvador Trust. Kung gusto n'yong ipamigay sa charity at ibigay kay Jomarie ang upuan. Go ahead." Ibinaba niya ang dokumento, at akmang lalabas na sana. Ngunit ang sumunod na sinabi ng matanda ang nagpahinto sa kanya. "Hindi kita tinatakot na mawalan ng pera, Miguel." Tahimik na napalingon si Miguel. "Tinatakot kitang maubos." Nagkatinginan silang dalawa. "Anong ibig n'yong sabihin?" Lumapit si Don Francisco. Hindi na siya parang chairman. Isa na lang siyang matandang lolo. "Nakatingin ka ba sa paligid mo? Sampung kumpanya. Daan-daang gusali. Libo-libong empleyado. At sa ilalim, yung isa mo pang imperyo na kahit ako ay hindi ko na kayang pigilan." Bumaba ang boses ng matanda. "Pero pag-uwi mo... sino ang naghihintay sa'yo? Wala." "Kapag nagkasakit ka... sino ang mag-aabot ng tubig? Wala." "Kapag tumanda ka, sino ang tatawag sa'yong Tatay?" "At kapag dumating ang araw na mawala ako... ikaw na lang ang matitirang Salvador na mag-isa sa gitna ng gyera. Si Jomarie at si Sara naghihintay lang na madapa ka. Si Ice Beddingfield naghihintay lang na magkamali ka." "Hindi kita pinipilit magpakasal. Ang hinihiling ko lang, bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong magkaroon ng pamilya bago ka tuluyang lamunin ng mundong ginawa mo." Hindi alam ni Miguel kung bakit, pero sa unang pagkakataon, wala siyang maisagot. ______ Sa kabilang bahagi ng Maynila, isang 22-taong working student ang nakatitig sa screen ng luma niyang cellphone. Hindi niya alam, na sa loob lamang ng ilang oras. Isang simpleng pindot sa "Apply Now" ang tuluyang magbabago sa buhay nilang dalawa. At magiging dahilan kung bakit kahit ang pinakadelikadong mafia boss sa bansa ay matutong matakot... na mawala siya.ASTRID POV :Yung Chanel dress na bigay ni Victoria, simple lang. Black, hanggang tuhod, walang design pero pag sinuot mo alam mong mahal. Yung tela malamig sa balat. Yung zipper sa likod, hindi ko maabot."Ma'am, tulungan ko na po kayo," sabi ni Victoria habang hinila yung zipper pataas.Pagharap ko sa salamin, hindi ako makapaniwala na ako yun.Buhok ko na pinlantsa ni Victoria, dress na Chanel, may light make up. Mukha na akong mayaman. Pero yung paa ko, naka-lumang tsinelas pa rin kasi wala akong heels."Yung heels po, Ma'am, size 7," sabi ni Victoria sabay labas ng box na may red sole. Louboutin. Yung nakikita ko lang sa TikTok ng mga influencer.Jusko, paano ako maglalakad dito? Baka ma-out of balance ako at mahulog sa hagdan.Bago pa ako makapag-reklamo, bumukas pinto. Si Miguel, nakatayo sa may pinto, nakatingin sa akin. Naka-black suit na siya ngayon, buhok ayos na, amoy na amoy ulit pabango.Saglit siyang natigilan. Yung mata niya bumaba mula mukha ko hanggang paa ko.Tumikh
ASTRID POV :Pagpasok namin sa kwarto, literal na napahinto ako sa may pintuan.Bes, hindi to kwarto. Penthouse to. Mas malaki pa to sa buong floor ng apartment namin sa Tondo. Yung bed, king size na parang pwede na tumira buong barangay. Yung closet, glass lahat, may ilaw pa sa loob. Yung banyo, may bathtub na parang pang-movie.At gitna ng lahat, isang kama lang.Isang kama. Uno. Isa lang talaga.Akala ko dalawang kama. O kahit man lang double deck. Pero isa lang.Tumingin ako kay Miguel na nakatayo sa tabi ng pinto, parang wala lang sa kanya."Isang kama lang?" Hindi ko napigilan tanong ko, medyo mataas boses ko.Lumingon siya. "What did you expect? Contract states we are married. Mr. and Mrs. Salvador share a room. If the guards see separate beds, they will know it's fake. And if they know it's fake, Jomarie will know. And if Jomarie knows—""Okay okay gets ko na, ikamamatay ko agad," putol ko. Ang haba mag-explain.Lumapit siya sa gitna ng kwarto at may kinuha sa drawer. Isang ro
ASTRID POV :6 AM pa lang gising na ako. As in hindi ako nakatulog. Paano ka makakatulog kung alam mong kinabukasan susunduin ka ka ng Rolls-Royce sa eskinita namin?Katabi ko si Ashley sa papag, ang himbing ng tulog. Hindi na siya hinihingal. Kahapon nung umuwi ako galing Grand Monarch, may dala akong yakult at skyflakes. Sabi ko sa kanya, "Bunso, bukas lilipat na tayo. May aircon na."Sabi niya, "Kasama si poging mayaman?"Hindi ako nakasagot. Paano ko sasabihin na yung poging mayaman na yun, asawa ko na sa papel simula kahapon?Sa labas, si Aling Nena nagkakape. Kanina pa siya pasilip-silip sa kwarto namin. Alam kong may gusto siyang itanong pero hindi niya alam paano."Apo," tawag niya nung lumabas ako dala yung isang maleta. Yung maleta na bigay pa ni Mama bago siya mawala, yung may gasgas na sa gilid. "Totoo ba yung sinabi ni Ashley? Mag-aasawa ka na daw? Mayaman daw?"Napalunok ako. Yung kontrata bawal ikwento kahit kanino. Pero si Aling Nena parang nanay ko na."Parang ganun n
THIRD PERSON POV : PENTHOUSE NG GRAND MONARCHNang sumara ang pinto ng penthouse, tatlo na lang ang natira sa loob. Si Astrid na nakaupo sa dulo ng mahabang table, hawak pa rin ang lumang sling bag na parang ayaw niyang bitawan na parang yun lang ang kakampi niya sa buong mundo. Si Victoria Tan na nakatayo sa gilid, hawak ang tablet na parang hawak niya ang buong buhay ni Astrid. At si Miguel Salvador na nakatayo sa harap ng glass window, nakatalikod sa kanila, nakatingin sa buong Makati na parang pag-aari niya talaga lahat ng nakikita niya.Yung aircon lang ang naririnig. Si Astrid hindi makahinga. Yung apat na babae kanina ang gaganda, ang yayaman, ang talino. Pero siya ang pinili. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mas lalo siyang kabahan.Lumingon si Miguel."Victoria, give us five minutes," utos niya, mababa ang boses pero dominante. Yung boses na kahit hindi sumisigaw, susunod ka.Tumango si Victoria, at bago siya lumabas, tiningnan niya si Astrid nang may konting awa."M
ASTRID POV :Alas-nuwebe ng gabi nang makarating ako sa St. Matthew Medical Center. Hindi na ako nag-jeep. Tumakbo ako hanggang kanto at sumakay ng tricycle kahit alam kong kulang ang pamasahe ko bukas. Wala akong pakialam. Ang nasa isip ko lang ay si Ashley.Pagpasok ko sa third floor, amoy alcohol agad at sahig na kakapunas pa lang. Yung ilaw sa hallway sobrang puti, parang ayaw kang patulugin kahit pagod ka na. Yung mga nurse na nakaputi, halos hindi na makatingin sa akin kasi alam na nila yung balance namin. 387,000. Limang araw."Si Ashley Asuncion, Room 312?" hingal kong tanong sa nurse station. Basang-basa ang likod ng blouse ko sa pawis.Tumingin sa akin si Nurse Jenny. Kilala na niya ako. Mula nung ma-confine si Ashley, halos araw-araw ako nandito. Minsan wala akong tulog, minsan kakain lang ako ng skyflakes sa labas ng hospital para makatipid.Tumayo agad siya at hinawakan ang braso ko."Ate Astrid, okay na siya ngayon. Na-stabilize na namin," sabi niya habang inaalalayan ak
ASTRID'S POVPagod ako. Pero hindi ako pwedeng mapagod. Yun ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili habang mabilis kong sinisilid ang notebook sa lumang backpack na halos punit na ang zipper. Yung zipper parang suko na rin, ayaw nang gumana.Katapos lang ng huling subject ko sa university. Alas-kwatro na ng hapon. Yung ibang kaklase ko nasa labas na, nagyayaya ng milktea, nagpipicture sa harap ng campus na parang wala silang iniisip na bayarin. Ako, iniisip ko pa kung aabot ako sa shift ko sa coffee shop ng alas-sais. Kapag late ako, kaltas na naman."Uy, Astrid!" Napalingon ako. Si Bianca, yung kaklase kong halos kapatid ko na rin, humahangos na tumatakbo papunta sa akin."May meeting tayo sa graduation clearance! Nandun si Ma'am kanina, hinahanap ka!"Napangiwi ako. "Biancs, may pasok pa ako eh.""Dalawang trabaho na naman? Akala ko dalawa lang?""Tatlo na ngayon," sagot ko sabay pilit na ngiti. "Nagdagdag ako sa convenience store tuwing gabi."Hinawakan niya ang braso ko. "Astrid,







