GABBY POINT OF VIEW
Hindi pa rin ako sanay. Dalawang araw na akong gising sa katawan ni Seraphina Velasco—pero hanggang ngayon, parang hindi pa rin nag-si-sink in ang lahat. Araw-araw, pagmulat ng mata ko, ang una kong iniisip ay, tangina, nasan ako? At araw-araw din, ang sagot ay nasa impyernong may aircon at chandelier ka, Gabby. Dito sa mansyon na mukhang pinaglihi sa Versailles, kahit saan ako tumingin, may marble. Parang bawat hakbang ko sa sahig, may kasamang warning na bawal madumihan, bawal sumablay, bawal ang katulad mo dito. Ako, na sanay sa kalye, sa motor, sa aspalto, ngayon ay pinapasuot ng lace robe at pinapatimpla ng green tea kada umaga. Leche. Pero mas malala pa ‘yung natutunan ko tungkol sa babaeng dati kong katawan ngayon—si Seraphina. Una kong nalamang pangalan niya ay sa maid. Pero ang mas malalim na istorya, natuklasan ko nang pasimple akong naghalungkat ng drawers habang wala silang bantay. Andaming gamot. Hindi vitamin C o collagen ha. Kundi anti-anxiety, sleeping pills, mood stabilizers. Parang mini pharmacy ang dresser. May medical notes pa na puro ganito ang laman: “Emotional instability,” “Episodes of hallucinations,” “Recommended psychiatric supervision.” Tangina. At ‘di lang ‘yun. Habang ini-scroll ko ‘yung lumang iPad na nakuha ko mula sa drawer niya, nakita ko rin ang pinakamasakit: mga headline. Dozens of articles from showbiz and business news sites. Lahat, puro paninira. “The Silent Queen: Damian Velasco’s Cold, Useless Wife.” “What’s Wrong with Seraphina? Billionaire’s Spouse Spotted Crying in Public Again.” “Velasco Empire Crumbling? Insiders Blame the Weak Link—Mrs. V.” Sino ba ‘tong mga gago at bakit parang hobby nilang yurakan ‘tong babae? Pero ang pinakamatindi, ‘yung isang archived post na tila tinanggal na pero na-recover pa sa cached files. May leaked email. Galing sa isang insider daw. At ang subject line? “She’s unstable. This marriage is a ticking time bomb.” Napahawak ako sa dibdib ko. Iba ang sakit. Hindi ko alam kung dahil ako na ‘to ngayon, o dahil kahit sa pagkatao ni Seraphina, may kabiguan akong naramdaman na parang akin din. Tahimik siyang asawa ng isang dambuhalang negosyante. At mukhang tahimik din siyang sinira ng mundo sa paligid niya. Ayon sa mga maid, hindi lumalabas si Seraphina sa kwarto for weeks. Hindi raw siya nagsasalita masyado. Kung kausapin, pabulong. Madalas nagkukulong sa banyo, umiiyak. At minsan daw, may mga araw na hindi na siya bumabangon. At ang asawa niya? Wala. Wala ni anino. Ni hindi ko pa rin siya nakikita hanggang ngayon. Si Damian Velasco. Ang mister ng katawan kong ito. Ang tanging alam ko lang, gabi raw siya umuuwi, at kung dumating man siya, derecho lang sa opisina o guest room. Hindi raw siya natutulog dito sa master bedroom. Hindi raw sila nag-uusap. Hindi raw sila... mag-asawa. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis. Pero ang sigurado ako, hindi normal ‘to. Hindi ito kasal. Hindi ito buhay. Tapos ngayon, may narinig pa ako mula sa isang bulung-bulungan ng mga maid habang naglilinis sila sa sala. “Sabi ni Ma’am Lucille, baka maghiwalay na raw sina Sir at Ma’am Seraphina.” “Ewan ko lang, pero narinig ko, sinubukan na raw ni Ma’am... ano, ‘yung... tumalon sa veranda nung isang buwan?” “Grabe. Sayang ang ganda. Pero halatang baliw na si Ma’am, hindi na lumalaban.” Tumigil ako sa hagdanan habang pinapakinggan sila mula sa taas. Hindi nila alam na naririnig ko. Hindi nila alam na iba na ang laman ng katawan ni Seraphina. Baliw. Depressed. Suicidal. Hindi ko alam kung anong tumama sa akin, pero bumalik ako sa kwarto, sinara ko ang pinto, at naupo sa sahig. Hindi ako iyakin, pero napapikit na lang ako ng mariin, pilit nilulunok ang isang uri ng lungkot na hindi ako sanay. Kasi alam kong totoo. Alam kong itong katawan na ‘to, bago ako dumating, may sugat na matagal nang hindi ginagamot. At walang kahit sinong nag-abot ng tulong. Ni asawa niya, ni pamilya niya, ni katulong. Lahat sila, pinapanood lang siyang unti-unting masira. At ngayon, ako na ‘to. Ako na ang laman ng katawang binasag nila. Ako na ang babaeng pinabayaan. Pero puta, hindi nila ako kilala. Hindi ako iyakin. Hindi ako mahina. At hindi ako mapapayag na tratuhin akong parang multo sa sariling buhay ko. Bumangon ako. Nilapitan ko ang salamin. Tiningnan ko ang mukha ko—este, ni Seraphina. Napakaganda. Pero napakalungkot ng mata. “Alam mo,” sabi ko sa repleksyon ko, “kung buhay ka pa sa loob ng katawang ‘to, pasensya ka na. Pero kung may natira man sa’yo, makinig ka.” Hinawakan ko ang gilid ng salamin. “Hindi kita papayagang mawala ng ganito. Hindi ako papayag na takasan mo ‘tong mundo habang ako ang nasa pwesto mo. Kung ako na si Seraphina, edi tangina, lalaban ako bilang ikaw.” Ngayon ko lang napansin—bukas na ang pinto ng walk-in closet. Lumapit ako. Holy shit. Puro Chanel, Dior, Hermes, at mga sapatos na mukhang hindi pa nababawasan ng alikabok. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Kasi para itong wardrobe ng isang queen. Pero walang kaluluwang nagsuot. Hanggang ngayon, multo pa rin si Seraphina. Pero simula ngayon, ako na ang papalit. At hindi ako multo. Ako ang bangungot nila. _______ Pagkatapos kong halughugin ang walk-in closet na parang department store ng sosyal na babae, tinabihan ko ang sarili ko sa vanity table. Kinapkapan ko ang mga lipstick, foundation, mga mamahaling kagamitang hindi ko alam gamitin. Pero habang tinititigan ko ang sarili ko sa salamin, isang tanong ang paulit-ulit na tumutunog sa utak ko: Ganito ba talaga siya? O ito ang pinilit nilang maging siya? Ang totoo, hindi naman ako si Seraphina. Pero kung ako ang mabubuhay sa katawan niya, ako ang magdedesisyon kung sino siya simula ngayon. Kinuha ko ang gunting mula sa drawer at inangat ang buhok ko. Mahaba, buhol-buhol, walang buhay. Para akong multo sa horror movie. Inisip ko sandali kung dapat ko ba talaga itong gawin. Pero tangina, anong silbi ng pag-iisip kung araw-araw kang tinatrato na parang hindi ka tao? “Sorry ha, girl,” bulong ko sa repleksyon ko. “Pero kailangan natin ng bagong simula.” At chik!—unang putol. Isa, dalawa, hanggang sa bumagsak ang mga hibla ng buhok sa sahig na parang lumang kasinungalingan na tinapon. Hindi ako propesyonal, pero sanay akong mag-DIY. Wala akong pake kung hindi perfect. Ang mahalaga, hindi na ito ang buhok ng babaeng hinayaan nilang malugmok. Nang matapos ako, huminga ako nang malalim. Mas magaan. Mas presko. Mas... ako. Pagkababa ko mula sa kwarto, tulala ang tatlong maid na nakasalubong ko. Mukhang ngayon lang nila ako nakita na lumabas ng kwarto ng may direksyon. Hindi naka-yuko. Hindi mukhang papunta sa banyo para umiyak. “Ma’am Seraphina... gising na po kayo?” tanong ng isa, halos pabulong. “Obvious ba?” sagot ko agad. “At hindi ko na gusto ‘yung mukha ko sa salamin, kaya ayan—bagong gupit.” Kagat-labi silang lahat. Halos hindi makatingin sa akin. “Saan ang kusina?” tanong ko. “N-nasa kaliwa po, ma’am. Pero... gusto n’yo po bang ipahanda namin—” “Hindi ako tanong, iha. Saan. Ang. Kusina.” Doon ko lang napansin kung gaano sila kabisig—takot pero sanay. Parang araw-araw silang pinapaalalahanang mag-ingat sa kilos, sa tono, sa salita. Dahil baka sumabog si Seraphina. O baka... baka maglaho na naman. Pero hindi na ako ang tipo ng babaeng nagpapalamon sa takot. Pagpasok ko sa kusina, luminga-linga ako. Malinis, modernong moderno. May mga kagamitang hindi ko alam gamitin, pero may tinapay, itlog, mantika. Ayos. Keri. Pinagsama-sama ko ang pwedeng almusalin at nagsimula akong magprito ng itlog. Kalmado. Tahimik. Pero ramdam ko ‘yung mga mata nilang nakatitig sa akin mula sa gilid. “Ma’am Seraphina... kayo po ba talaga ‘yan?” tanong ng isa, halos pabulong ulit. “Hindi ko rin alam, ate,” sabi ko habang hinahalo ang itlog sa kawali. “Pero sigurado ako, hindi na ako ‘yung Seraphina na hinayaan n’yong mamatay.” Ngayon pa lang nagsisimula ang gulo. At tangina, excited akong magulo rin sila.GABBY POINT OF VIEW Mula pa kagabi, hindi ako mapakali. Hindi dahil sa kaba o takot sanay na ako ro’n. Kundi dahil sa presensyang naroon sa paligid ko, palaging nandoon sa anino, sa katahimikan, sa mga tanong na hindi ko pa nasasagot. Damian.Kanina lang, ipinatawag niya ako. Hindi bilang CEO. Hindi bilang asawa. Pero bilang siya. Damian Rafael Velasco ang lalaking minsang naging estranghero sa akin pero ngayon, tila ba... masyado na siyang malapit.Pagkapasok ko sa opisina niya, napansin kong walang ibang tao. Tahimik. Nakabukas ang mga bintana, at malamig ang simoy ng hangin. Parang may isasagawang huling hatol."Upo ka," sabi niya, walang emosyon ang mukha pero ang mga mata oo, ang mga matang iyon tila may dinadalang bigat.Umupo ako sa tapat niya. Tahimik."Gusto kong makipag-ayos," panimula niya. "Hindi bilang boss, hindi bilang Velasco. Gusto kong magsimula bilang Damian."Pinilig ko ang ulo ko. "Anong gusto mong sabihin?"Huminga siya nang malalim. Parang hirap na hirap siyang
GABBY POINT OF VIEW Malamig ang conference room. Hindi dahil sa aircon kundi dahil sa mga tingin ng mga matandang lalaki sa harapan ko. Mga board members. Lahat nakatingin sa akin na para bang isa akong bata na aksidenteng napaupo sa hapag-kamay ng mga hari.Pero hindi ako bata. At hindi rin sila hari. At lalong hindi ako si Seraphina na tiniklop ng takot."Ano ang ibig sabihin ng press release na 'to?" tanong ng chairman, si Mr. Gatchalian, habang pinapalo ng ballpen ang papel sa mesa."Kung babasahin n’yo nang buo, malinaw ang sinasabi. Ako na ang bagong acting CEO habang si Damian ay naka-leave dahil sa kondisyon niya," sagot ko nang diretso.Napangisi ang isa sa kanila. Si Mr. Vergara. "Wala ka namang karapatan. Hindi ka pa rin legal na heir. Baka nakakalimutan mo, Mrs. Velasco ka lang sa apelyido, hindi sa kapangyarihan.""Talaga?" tumayo ako. "Siguro kailangan kong ipaalala sa inyo na ang 40 percent ng shares ng yumaong si Don Manuel ay na-transfer sa akin. May mga dokumento ak
GABBY POINT OF VIEW Sa bawat galaw ko, ramdam ko ang mga matang nakabantay. Hindi lang basta mga chismosa o media kundi mga taong may kapangyarihang bumagsak ng pangalan at reputasyon. Kaya’t imbes na umatras, humakbang ako paabante.Lunes ng umaga, pumasok ako sa Velasco main headquarters na parang ako ang may-ari ng buong gusali. Naka-all black power suit ako na may silver brooch ni Seraphina na nasa dibdib. Isang paalala kung sino ako ngayon at kung sino ang hindi ko na.Bumukas ang elevator. Lahat ng empleyado sa 17th floor napalingon. Wala akong pakialam. Sa loob ng conference room, nandoon ang tatlong board members na pinopondohan ni Lourdes. Nagpupulasan ng papel, akala mo busy, pero halatang nagulat sa pagdating ko."Mrs. Velasco," bungad ni Mr. Enriquez, halatang pormal pero may lamig sa tono."Magandang umaga," sagot ko. "Narinig ko may emergency board consultation?"Nagpalitan sila ng tinginan. Isa sa kanila, si Ms. Villa, ngumiti ng pilit. "Yes, uh, we were going over fou
GABBY POINT OF VIEW Hindi ko akalain na makakabalik pa ako rito sa mismong building na itinayo ni Seraphina ilang taon na ang nakalipas. Maliit lang ito kumpara sa ibang ari-arian ng Velasco estate, pero may sariling parking, isang maliit na hall, at dalawang palapag ng opisina. Ang pangalan sa tapat ng main entrance ay medyo kupas na: “Seraphina Foundation.”Napailing ako. “Buhay ka pa noon pero patay na patay ang mission mo.”Kasama ko ngayon si Kendra, ang dati niyang personal secretary na unti-unti ko na ring pinagkakatiwalaan. Bitbit niya ang mga blueprints at proposal drafts na pinagawa ko sa kanya dalawang araw matapos kong basagin ang buong legacy ni Doña Beatrice sa presscon.“Ready ka na ba?” tanong niya habang binubuksan ang pinto.“Hindi ako ‘ready’. Ako ang dahilan kung bakit ito muling bubukas,” sagot ko.Pagpasok namin, amoy agad ang luma. Amoy ng kinakalawang na pangako at abandonadong pangarap. Pero hindi na ako ‘yon. Hindi rin si Seraphina. This time, bubuhayin ko a
GABBY POINT OF VIEW “Handa na po kayo, Ma’am?” tanong ng producer habang inaayos ang microphone sa kwelyo ng blazer ko.Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin—mataas ang cheekbones, matalim ang titig, at nakaayos ang buhok sa isang fierce low bun. Ang dating Seraphina na nanginginig sa harap ng camera? Patay na. Ang babae sa salamin ngayon ay ako—Gabby, sa katawang ‘to, at handang muling kunin ang kapangyarihang matagal nang tinanggal sa kanya.Tumango ako. “Let’s do this.”Lumabas ako sa glass doors ng Velasco main estate, kung saan naghihintay ang ilang press, cameramen, at mga emosyong gustong-gusto kong basagin. Nakasuot ako ng itim na pantsuit na may manipis na pulang lining sa gilid. Suot ko rin ang pulang lipstick na suot ko sa unang baril ko sa dati kong buhay. Symbolic? Maybe. Pero ngayon, ito ang sandata ko.Tahimik ang paligid habang tumayo ako sa podium sa gitna ng malawak na garden ng Velasco estate. May iilang kalmot ng sunog ang isang parte sa likod, galing sa guest
Gabby's Point of ViewTahimik ang buong mansion habang nasa veranda kami ni Damian. Umiihip ang malamig na hangin, pero hindi iyon sapat para pahupain ang init sa dibdib ko. Ilang araw na rin mula nang sunugin ko ang guest house. Ilang gabi na rin akong hindi maayos ang tulog. Lahat ng kilos ko, pakiramdam ko'y binabantayan. Pero ngayon, habang hawak ko ang tasa ng mainit na tsaa, ang kabog ng dibdib ko ay hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa taong nasa harapan ko.“Gabby,” tawag niya. Tahimik ngunit buo ang boses.Tiningnan ko siya. Suot niya ang dark navy suit, ngunit wala siyang tie. Nakabukas ang unang dalawang butones ng polo niya, parang gusto niyang ipakitang hindi siya ngayon ang businessman na kilala ng mundo, kundi ang lalaking nasa harap ng babae na mahal niya.“I want to marry you.”Napasinghap ako. Hindi dahil sa sorpresa, kundi sa paraan ng pagkakabitaw niya ng mga salitang iyon diretso, walang pag-aalinlangan. Parang matagal na niya itong iniisip at ngayon lang nagkaroo