LOGIN“K-kuya… saan mo ba ako dinadala?”
Halos mabasag ang boses ko sa panginginig habang pilit kong hinihila ang braso ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak.
Hindi siya sumagot.
Mas lalo lang siyang humigpit.
“Tumahimik ka.”
Mabilis ang mga hakbang niya, halos natitisod ako sa kakahabol. Ramdam ko ang sakit sa pulso ko sa bawat paghila niya, ngunit mas masakit ang kaba na unti-unting sumisiksik sa dibdib ko.
Sa likod namin, naririnig ko ang mga yapak nina Nanay at Tatay.
Pero wala ni isa sa kanila ang pumipigil.
Walang nagtatanong.
Walang nagtatanggol.
Parang… normal lang ang lahat.
Napalingon ako sa paligid.
Pinagtitinginan kami ng mga tao, may ilan pang nagbubulungan. Pero walang lumalapit. Walang gustong makialam.
Sanay na sila.
Katulad ko.
Bigla akong natigilan nang makita ko kung saan kami papunta.
Hindi.
Hindi pwede.
“Huwag… Kuya, huwag dito.”
Nanghina ang tuhod ko.
Ngunit hindi siya tumigil.
Huminto siya sa harap ng isang bahay na pilit kong binubura sa alaala ko.
Kumirot ang dibdib ko.
Dito.
Dito ‘yung lugar kung saan muntik nang mawala sa akin ang lahat.
“Roel!”
Malakas niyang kinatok ang pinto.
Gusto kong tumakbo.
Gusto kong sumigaw.
Pero parang nanigas ang buong katawan ko.
Ilang segundo pa ang lumipas bago bumukas ang pinto.
At doon siya lumabas.
Pareho pa rin ang itsura niya.
Pareho pa rin ang ngisi.
At higit sa lahat—pareho pa rin ang tingin.
Parang wala lang nangyari noon.
“Uy,” natatawa niyang sabi, tila natutuwa pa sa nakita.
“Ano yun pre?” Tanong niya kay Kuya pero hindi iniaalis ang tingin sa akin.
“Hindi ba’t sinabi mong magbabayad ka ng kahit anong halagang sabihin namin basta makasama mo lang ang kapatid ko ng isang gabi. Heto siya. Kailangan namin ngayon ng pera.” Halos mapaiyak ako sa sinabi ni Kuya sa kanyang kaibigan. Balak niya akong ibenta.
Lumingon ako kila Nanay at Tatay na tahimik lang at nakikinig sa usapan nila Kuya. Basta talaga pera hindi na nila ako maalala bilang anak nila.
“Ngayon ka pa talaga dumating. Wala akong pera ngayon.”
Natahimik si Kuya.
Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Saglit akong napapikit.
“Ganun?” malamig niyang sagot.
“Oo pare, kakatapos ko lang bayaran si Bryan. Ikaw naman kasi palagi kang huli kung kailan ko gusto yang kapatid mo, saka ka naman umaayaw.” Ani niya na parang sinisisi pa ang Kuya ko.
Tahimik.
Mabigat.
At sa isang iglap—itinulak niya ako.
Napabagsak ako sa semento.
Napangiwi ako sa sakit habang nararamdaman ko ang gaspang ng lupa sa aking palad.
“Wala ka talagang silbi.”
Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang pagkakatulak niya o ang mga salitang iyon.
Hindi ko na pinilit pang tumingala.
Ayokong makita ang mga mukha nila.
Ayokong makita kung gaano ako kababa sa paningin nila.
“Sayang,” marahan kong narinig ang boses ni Roel.
Dahan-dahan akong napatingin sa kanya.
Mas lalo akong nanlamig.
“Pwede ka naman maiwan kung gusto mo.”
Napaatras ako, kahit nakaluhod pa rin ako sa lupa.
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi.
Hindi na mauulit.
Hindi ko na hahayaang mangyari ulit.
Mabilis akong tumayo, kahit nanginginig ang tuhod ko.
Hindi ko na sila pinansin.
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila.
Tumakbo ako.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Ang alam ko lang—kailangan kong makalayo.
--------
Pagbalik ko sa bahay, tahimik na ulit ang lahat.
Parang walang nangyari.
Parang hindi ako muntik ibenta.
Nasa sofa si Nanay, nanonood ng TV.
Hindi man lang siya napatingin sa akin.
“Oh, anong drama na naman ‘yan?”
Napatigil ako.
Unti-unting bumigat ang dibdib ko.
“Nay…” mahina kong sabi, “ipinagbibibili ako ni Kuya tapos wala man lang kayong ginawa.”
Walang sagot.
Kahit isang tingin—wala.
“Alam mo ‘yon…” nanginginig kong dagdag, “alam mong muntikan na akong pagsamantalahan noon—”
“Kasalanan mo rin.”
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin.
“Hindi sapat ang binibigay mo.”
Nanahimik ako.
Doon ko tuluyang naramdaman—wala nga pala akong kakampi dito sa bahay na ito.
“Tumigil ka na sa kaartehan mo,” dagdag pa niya.
Sa likod ko, narinig ko ang mahinang tawa ni Kuya.
“Grabe ka naman, Isla,” nakangisi niyang sabi. “Akala mo naman ang linis-linis mo.”
Dahan-dahan akong napalingon sa kanya.
At sa pagkakataong iyon—napuno na ako.
Paak!
Umalingawngaw ang tunog ng sampal.
Nanlaki ang mata niya.
Hindi ko hinintay na saktan niya ako.
Tumalikod ako at tumakbo papunta sa kwarto ko.
Isinara ko ang pinto nang malakas.
At doon—saka lang ako tuluyang bumigay.
Isla’s POVBuong maghapon akong pabalik-balik sa pinto upang silipin sila Adrian pero nandoon lang sila.Kung kanina ay yung assistant niya lang ang kasama niya, ngayon ay nadagdagan na naman ng dalawa pa.Maghapon na sila doon sa gazebo at halatang importante ang kanilang pinag-uusapan.Nakarami na din ako ng kain sa mga niluto ko kanina dahil sa kabagutan hoping na pwede ko iyong kainin sa gazebo para may magandang view pero hindi naman na sila umalis pa.Napalingon ako sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok si Adrian na mag-isa.Tumingin ako sa kanyang likuran kung may kasunod pa pero wala akong ibang nakita kundi ang dilim sa labas.“Expecting someone?” Tanong niya sa akin.Inirapan ko lang siya saka binaling muli ang aking pansin sa tv.Maganda ngayon ang palabas at hindi kagaya ni Adrian ang sisira sa aking mood.“Did you eat?” Tanong niya muli sa akin saka tumabi sa aking tabi.“Oo.” Tipid kong wika sa kanya at nakatuon pa din ang atensyon ko sa tv.“Alright.” Tipid niyang wik
Isla’s POVNakatingin lang ako ngayon sa gazebo kung saan naroroon si Adrian.Mula sa kinatatayuan ko sa loob ng villa, kita ko ang bawat galaw nila—ang mga lalaking naka-itim na tila ba laging may tinatagong baril sa kanilang mga baywang, ang malamig na postura ni Adrian habang nakaupo, at ang lalaking kausap niya na pamilyar sa akin.Matagal ko siyang tinitigan bago ko tuluyang naalala.Si Nathan.Yung kanyang assistant. Tahimik pero mapanganib ang aura.Hindi ko alam kung bakit, pero tuwing nakikita ko siya, pakiramdam ko mas maganda pa siyang pakisamahan kaysa kay Adrian.Noong una ko siyang nakita, palangiti siya.Parang siya yung tipo ng taong hindi makakagawa ng masama.Gusto kong lumabas.Gusto kong lumapit.Gusto kong marinig kung ano ang pinag-uusapan nila.Pero saan naman ako pupwesto?Nasa kanila ang gazebo.Kung lalapit ako, siguradong mapapansin ako. At kapag napansin ako ni Adrian… hindi ko alam kung anong klaseng mood ang aabutan ko.Mabuti sana kung dito sila
Isla’s POVMaaga akong nagmulat ng aking mga mata kaysa dati.Hindi dahil mahimbing ang tulog ko, kundi dahil hindi na talaga ako makatulog nang maayos simula kagabi. Kahit nakapikit ako, pakiramdam ko gising pa rin ang katawan ko, laging alerto sa bawat galaw ni Adrian sa tabi ko.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, maingat na hindi siya magising.Nakatalikod siya sa akin, ngunit hindi ako sigurado kung tulog pa ba siya o gising na.Hindi ko na rin sinubukang alamin.Mas mabuti nang hindi.Pumasok ako sa banyo at mabilis na naghilamos. Ilang segundo lang akong tumitig sa sarili ko sa salamin. Namamaga pa rin ang mga mata ko, pero hindi na kagaya ng dati na halatang umiyak ako buong gabi.Kailangan ko nang kontrolin iyon.Hindi na pwedeng puro emosyon.Paglabas ko ng banyo, gising na siya.Nakatayo siya sa may bintana, nakatalikod sa akin habang nakatingin sa labas.“Maaga ka,” sabi niya nang hindi lumilingon.“Hindi ako makatulog,” sagot ko habang dumidiretso sa aparador.Hindi
Isla’s POV Muli ay nagising na naman ako sa pamilyar na kwarto.Nagising dahil sa marahang paggalaw niya sa tabi ko. Dahan-dahan niyang inalis ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko, parang maingat na ayaw akong magising. Pero kahit ganoon, naramdaman ko pa rin. Hindi na ako muling nakatulog. Nanatili akong nakapikit habang pinakikiramdaman ang bawat galaw niya—ang pag-angat niya mula sa kama, ang bigat na unti-unting nawawala sa likod ko, at ang mahinang tunog ng kanyang mga hakbang palayo. Pagkasara ng pinto, saka ko lang iminulat ang mga mata ko. Masyadong tahimik. Hinayaan ko lang muna ang katawan kong mahiga sa malambot na kama at nagpahinga. Kung sana maayos ang takbo ng buhay ko, nasa trabaho na sana ako ngayon kasama ang aking matalik na kaibigan. Kung sana nasa matinong pag-iisip ang mga magulang ko ay maganda sana ang kinabukasan namin dahil sa maayos kong trabaho. Tumulo ang aking luha nang maalala ko kung paano nila ako binenta. Binenta na parang bagay lang k
Trigger Warning: This content contains sexual themes and scenes that may be uncomfortable for some readers. Isla’s POV Nagising akong nasa bisig ni Adrian. Mahigpit ang pagkakayakap ng kanyang isang braso sa aking baywang, habang ang isa naman ay nasa ilalim ng aking ulo—parang sinadya niyang gawing unan ang sarili niya. Ang palad ko ay nakadikit sa kanyang dibdib, at bawat paghinga niya ay ramdam ko. Mabigat. Mainit. Hindi komportable. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumingin sa wall clock. Alas-siyete na ng gabi. Madilim na rin sa labas, at ang kurtina ay bahagyang gumagalaw dahil sa hangin mula sa bintana. Gabi na. Ibig sabihin… natulog ako sa tabi niya ng walang kahit na anong harang kagaya ng dati. Nanikip ang dibdib ko. Maingat akong gumalaw paalis, pero agad kong napansin ang paglapit ng mukha niya. Kahit nakapikit, parang ramdam niya ang bawat galaw ko. Bago pa ako makalayo, hinila niya ako pabalik. Ang palad niya ay dumampi sa aking pisngi.
Trigger Warning: This content contains sexual themes and scenes that may be uncomfortable for some readers.-------Adrian’s POVPasuray-suray akong nakarating sa isla.Damn. I was too drunk.Malabo na din ang mga mata ko habang pataas ako.Damn this feeling.I want to kill those bastards for putting aphrodisiac on the drinks.Pumunta ako sa banyo at doon muna ako nagbabad sa tubig.-----Isla’s POVNagising ako nang maramdaman kong may basang tumutulo sa aking mukha.Maliliit ang mga mata kong nagbukas ng aking mga mata.“A-adrian?”Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa pamumugto ng aking mga mata at isa pa hindi din malakas ang ilaw.Magsasalita pa sana ako ulit nang bigla niya akong halikan.Mabilis akong nagpumiglas.Amoy na amoy ko ang alak sa kanya.Tinulak ko siya sa kanyang dibdib na basa din.Tuluyang nagising ang aking diwa dahil sa nangyayari ngayon.“Mmmm.”Pinipilit kong magsalita pero hindi ko magawa.Ang rahas ng kanyang pagkakahalik sa akin.“Wag, Adrian!” Umiiya
Isla’s POV Gustuhin ko mang magsalita, hindi ko magawa. Isang tingin lang ni Adrian—isang malamig, halos hindi mapansing senyales—at agad kong naintindihan. Huwag. Huwag akong kumontra. Huwag akong magsalita. Pati ang mga palihim na paghigpit ng hawak niya sa aking bewang. Kaya nanahimik ako
Isla’s POV Walang araw na hindi ako naiinis sa kanya. Sa bawat galaw ko, sa bawat tingin niya, sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya na parang laging may kahulugang hindi ko agad maintindihan. Unti-unti, pakiramdam ko hindi lang ako nakakulong sa bahay na ito—parang nakakulong din ako sa p
Isla’s POV Ngayon ang araw na sinabi niya. Ang araw kung kailan siya darating. Nakahiga lang ako sa sofa habang paulit-ulit na iniisip kung paano ako makakatakas kapag dumating siya. Kung pupunta siya dito, ibig sabihin may sasakyan siyang ginamit. Iyon ang kailangan ko. Kailangan ko lang maagaw
Maaga pa lang ay umalis na ako at naglakad papunta sa abangan ng mga bus. Hindi ko na inisip kung saan ako pupunta—ang mahalaga ay makaalis ako at tuluyang makatakas kay Adrian. Kaunti lang ang dala kong gamit, puro damit lang. Iniwan ko na ang iba. Mas mahalaga ang kalayaan kaysa sa mga bagay na ma







