Share

Chapter 4

Author: Celeste Voss
last update publish date: 2026-05-08 09:38:31

Ilang linggo na ang lumipas ngunit wala namang nagbago sa bahay namin. Pareho pa rin ang trato nila sa akin—mga salitang paulit-ulit na sumasaksak, mga tinging parang kasalanan ko ang lahat.

Iniiwasan ko si Kuya hangga’t kaya ko. Ayokong maulit ang nangyari, ayokong muling hatakin papunta sa lugar na pilit kong kinakalimutan. Kahit sa loob ng sarili kong bahay, pakiramdam ko wala akong ligtas na sulok.

Nakatayo ako sa tabi ng bintana ng kwarto ko, nakadungaw sa madilim na kalsada. Tahimik ang gabi, at tanging mahinang musika mula sa luma kong cellphone ang pumupuno sa katahimikan.

Hindi na ako umiiyak. Wala na ring lumalabas na luha kahit gusto kong umiyak. Pagod na ako—hindi lang sa katawan, kundi pati sa pakikipaglaban araw-araw sa mga taong dapat sana’y kakampi ko.

Biglang may kumatok.

Napalingon ako sa pinto, kumunot ang noo ko. Hindi sila kumakatok. Kailanman, hindi sila kumakatok. Binubuksan nila agad kapag may gusto silang gawin o sabihin sa akin.

Muling kumatok—mas malakas na ngayon.

Dahan-dahan kong pinatay ang musika. Biglang bumigat ang hangin sa paligid. May kung anong mali. Ramdam ko iyon kahit hindi ko pa alam kung ano.

“N-Nay…?” mahina kong tawag.

Walang sumagot.

Unti-unti akong lumapit sa pinto. Bawat hakbang ay parang may humihila pababa sa dibdib ko. Pag-abot ko sa doorknob, saglit akong nag-alinlangan, pero sa huli ay pinihit ko rin iyon.

Pagbukas ko ng pinto, agad akong natigilan.

Dalawang lalaking nakasuot ng itim ang nakatayo sa labas. Pareho silang tuwid ang tindig, kalmado, at walang kahit anong emosyon sa mukha. Sa isang iglap, bumalik sa isip ko ang eskinita—ang dugo, ang lalaking nakahandusay, ang sobre na iniabot sa akin.

“Isla?” tanong ng isa.

Hindi agad lumabas ang boses ko. Tumango na lang ako.

“Sumama ka sa amin.”

Nanlamig ang buo kong katawan. “B-bakit?”

Sandali silang nagkatinginan bago muling tumingin sa akin.

“May gustong kumausap sa’yo.”

Napahigpit ang hawak ko sa pinto.

“Hindi ako sasama,” sagot ko, kahit nanginginig ang boses ko. “Si Roel ba ang nasa likod nito?”

Hindi sila kumibo.

Hindi sila nagalit.

Mas lalo lang naging tahimik ang paligid—parang hinihintay nila kung kailan ako bibigay.

“Mas makakabuti kung sasama ka nang maayos,” sabi ng isa, mahina ngunit mabigat ang tono.

Hindi iyon pakiusap.

Desisyon iyon.

“Kung hindi?” pilit kong tanong.

Saglit na katahimikan.

“Hindi magugustuhan ng pamilya mo ang susunod na mangyayari.”

Parang may humigpit sa dibdib ko.

Dahan-dahan akong napalingon sa loob ng bahay.

Nasa sala si Nanay, mahigpit ang kapit sa braso ni Kuya. Pareho silang tahimik. Pareho silang hindi makatingin sa akin. Si Kuya, na dati’y puno ng yabang, ngayon ay tila nanghihina. Takot ang nasa mga mata niya.

Ngayon ko lang iyon nakita.

Hindi din nakatakas sa aking paningin ang dumudugong labi ni Kuya.

At doon ko naintindihan—hindi si Roel ang may pakana nitong gulo na ito dahil kung iisipin ay wala namang ganitong yaman si Roel at hindi naman niya magagawang saktan ang kanyang kaibigan. Kababata niya si Kuya at sobrang malapit sila sa isa’t isa. Mukhang mas mayaman ang taong nasa likod nito.

Bumalik ang tingin ko sa dalawang lalaki. Huminga ako nang dahan-dahan, pilit kinokontrol ang panginginig ng katawan ko.

“Saan tayo pupunta?” mahina kong tanong.

Hindi sila sumagot.

Sa halip, bahagya silang tumabi—parang nagbibigay daan.

Para bang wala na akong ibang pagpipilian.

At sa sandaling iyon, bumukas ang pinto sa labas.

Napalingon kaming lahat.

Nandoon si Tatay, hingal na hingal. Ngunit sa unang pagkakataon, wala ang galit sa kanyang mukha—takot lang.

Natigilan siya nang makita ang dalawang lalaki.

Hindi siya makapagsalita.

Isa sa kanila ang bahagyang tumingin sa kanya.

“At ikaw,” malamig nitong sabi, “huli na ang lahat.”

Nanlumo si Tatay ngunit nabuhayan ang kanyang loob nang makita niya ako.

“I-Isla…” nanginginig niyang tawag, “kailangan kita. May utang ako—”

Gumuhit ang galit sa dibdib ko.

“Kaya nandito sila?” mahina kong tanong.

Hindi siya makatingin sa akin.

Tumahimik siya at hindi ako sinagot.

“Magkano?” tanong ko.

“Kalahating milyon.”

Parang may sumabog sa loob ko.

“Kalahating milyon?” hindi makapaniwalang ulit ko.

“Tay, ano bang pinasok mo?” singit ni Kuya, nanginginig din ang boses.

Ngunit hindi na iyon pinansin ng mga lalaki.

“Hindi na pera ang kailangan,” putol ng isa.

“Buhay ang kapalit sa mga kagaya mong palautang na hindi marunong magbayad.”

Nanlamig ang buo kong katawan sa aking narinig.

“Hindi!” sigaw ni Tatay.

Dahan-dahan siyang umatras pero mabilis siyang nahawakan ng dalawa at nagsimula na silang kaladkarin si Tatay.

“T-teka!” sigaw ni Kuya. “Pwede naman siya—kapatid ko ‘yan! Maganda siya! Baka magustuhan ng boss niyo—”

Tuluyang bumuhos ang luha ko.

Hindi dahil sa takot.

Kundi dahil—wala talaga akong pamilya. Nais na naman nila akong ipamigay para lang sa pera.

“Hindi mahilig si boss sa mga babae. Ibenta niyo na lang yan nang mapakinabangan niyo pa.” Malamig na wika ng lalaki habang nakahawak ng mahigpit sa braso ni Tatay na nagpupumiglas.

Isa pang sasakyan ang huminto sa labas.

Mas marami pang lalaking nakaitim ang pumasok sa loob ng bahay.

Mas lalo akong kinabahan.

Isa sa kanila ang nagsalita.

“Miguel,” malamig niyang tawag.

Saglit siyang tumingin sa akin.

“Boss wants to meet the girl.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Captive   Chapter 35

    Isla’s POVBuong maghapon akong pabalik-balik sa pinto upang silipin sila Adrian pero nandoon lang sila.Kung kanina ay yung assistant niya lang ang kasama niya, ngayon ay nadagdagan na naman ng dalawa pa.Maghapon na sila doon sa gazebo at halatang importante ang kanilang pinag-uusapan.Nakarami na din ako ng kain sa mga niluto ko kanina dahil sa kabagutan hoping na pwede ko iyong kainin sa gazebo para may magandang view pero hindi naman na sila umalis pa.Napalingon ako sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok si Adrian na mag-isa.Tumingin ako sa kanyang likuran kung may kasunod pa pero wala akong ibang nakita kundi ang dilim sa labas.“Expecting someone?” Tanong niya sa akin.Inirapan ko lang siya saka binaling muli ang aking pansin sa tv.Maganda ngayon ang palabas at hindi kagaya ni Adrian ang sisira sa aking mood.“Did you eat?” Tanong niya muli sa akin saka tumabi sa aking tabi.“Oo.” Tipid kong wika sa kanya at nakatuon pa din ang atensyon ko sa tv.“Alright.” Tipid niyang wik

  • The Billionaire's Captive   Chapter 34

    Isla’s POVNakatingin lang ako ngayon sa gazebo kung saan naroroon si Adrian.Mula sa kinatatayuan ko sa loob ng villa, kita ko ang bawat galaw nila—ang mga lalaking naka-itim na tila ba laging may tinatagong baril sa kanilang mga baywang, ang malamig na postura ni Adrian habang nakaupo, at ang lalaking kausap niya na pamilyar sa akin.Matagal ko siyang tinitigan bago ko tuluyang naalala.Si Nathan.Yung kanyang assistant. Tahimik pero mapanganib ang aura.Hindi ko alam kung bakit, pero tuwing nakikita ko siya, pakiramdam ko mas maganda pa siyang pakisamahan kaysa kay Adrian.Noong una ko siyang nakita, palangiti siya.Parang siya yung tipo ng taong hindi makakagawa ng masama.Gusto kong lumabas.Gusto kong lumapit.Gusto kong marinig kung ano ang pinag-uusapan nila.Pero saan naman ako pupwesto?Nasa kanila ang gazebo.Kung lalapit ako, siguradong mapapansin ako. At kapag napansin ako ni Adrian… hindi ko alam kung anong klaseng mood ang aabutan ko.Mabuti sana kung dito sila

  • The Billionaire's Captive   Chapter 33

    Isla’s POVMaaga akong nagmulat ng aking mga mata kaysa dati.Hindi dahil mahimbing ang tulog ko, kundi dahil hindi na talaga ako makatulog nang maayos simula kagabi. Kahit nakapikit ako, pakiramdam ko gising pa rin ang katawan ko, laging alerto sa bawat galaw ni Adrian sa tabi ko.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, maingat na hindi siya magising.Nakatalikod siya sa akin, ngunit hindi ako sigurado kung tulog pa ba siya o gising na.Hindi ko na rin sinubukang alamin.Mas mabuti nang hindi.Pumasok ako sa banyo at mabilis na naghilamos. Ilang segundo lang akong tumitig sa sarili ko sa salamin. Namamaga pa rin ang mga mata ko, pero hindi na kagaya ng dati na halatang umiyak ako buong gabi.Kailangan ko nang kontrolin iyon.Hindi na pwedeng puro emosyon.Paglabas ko ng banyo, gising na siya.Nakatayo siya sa may bintana, nakatalikod sa akin habang nakatingin sa labas.“Maaga ka,” sabi niya nang hindi lumilingon.“Hindi ako makatulog,” sagot ko habang dumidiretso sa aparador.Hindi

  • The Billionaire's Captive   Chapter 32

    Isla’s POV Muli ay nagising na naman ako sa pamilyar na kwarto.Nagising dahil sa marahang paggalaw niya sa tabi ko. Dahan-dahan niyang inalis ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko, parang maingat na ayaw akong magising. Pero kahit ganoon, naramdaman ko pa rin. Hindi na ako muling nakatulog. Nanatili akong nakapikit habang pinakikiramdaman ang bawat galaw niya—ang pag-angat niya mula sa kama, ang bigat na unti-unting nawawala sa likod ko, at ang mahinang tunog ng kanyang mga hakbang palayo. Pagkasara ng pinto, saka ko lang iminulat ang mga mata ko. Masyadong tahimik. Hinayaan ko lang muna ang katawan kong mahiga sa malambot na kama at nagpahinga. Kung sana maayos ang takbo ng buhay ko, nasa trabaho na sana ako ngayon kasama ang aking matalik na kaibigan. Kung sana nasa matinong pag-iisip ang mga magulang ko ay maganda sana ang kinabukasan namin dahil sa maayos kong trabaho. Tumulo ang aking luha nang maalala ko kung paano nila ako binenta. Binenta na parang bagay lang k

  • The Billionaire's Captive   Chapter 31

    Trigger Warning: This content contains sexual themes and scenes that may be uncomfortable for some readers. Isla’s POV Nagising akong nasa bisig ni Adrian. Mahigpit ang pagkakayakap ng kanyang isang braso sa aking baywang, habang ang isa naman ay nasa ilalim ng aking ulo—parang sinadya niyang gawing unan ang sarili niya. Ang palad ko ay nakadikit sa kanyang dibdib, at bawat paghinga niya ay ramdam ko. Mabigat. Mainit. Hindi komportable. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumingin sa wall clock. Alas-siyete na ng gabi. Madilim na rin sa labas, at ang kurtina ay bahagyang gumagalaw dahil sa hangin mula sa bintana. Gabi na. Ibig sabihin… natulog ako sa tabi niya ng walang kahit na anong harang kagaya ng dati. Nanikip ang dibdib ko. Maingat akong gumalaw paalis, pero agad kong napansin ang paglapit ng mukha niya. Kahit nakapikit, parang ramdam niya ang bawat galaw ko. Bago pa ako makalayo, hinila niya ako pabalik. Ang palad niya ay dumampi sa aking pisngi.

  • The Billionaire's Captive   Chapter 30

    Trigger Warning: This content contains sexual themes and scenes that may be uncomfortable for some readers.-------Adrian’s POVPasuray-suray akong nakarating sa isla.Damn. I was too drunk.Malabo na din ang mga mata ko habang pataas ako.Damn this feeling.I want to kill those bastards for putting aphrodisiac on the drinks.Pumunta ako sa banyo at doon muna ako nagbabad sa tubig.-----Isla’s POVNagising ako nang maramdaman kong may basang tumutulo sa aking mukha.Maliliit ang mga mata kong nagbukas ng aking mga mata.“A-adrian?”Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa pamumugto ng aking mga mata at isa pa hindi din malakas ang ilaw.Magsasalita pa sana ako ulit nang bigla niya akong halikan.Mabilis akong nagpumiglas.Amoy na amoy ko ang alak sa kanya.Tinulak ko siya sa kanyang dibdib na basa din.Tuluyang nagising ang aking diwa dahil sa nangyayari ngayon.“Mmmm.”Pinipilit kong magsalita pero hindi ko magawa.Ang rahas ng kanyang pagkakahalik sa akin.“Wag, Adrian!” Umiiya

  • The Billionaire's Captive   Chapter 29

    Isla’s POV Gustuhin ko mang magsalita, hindi ko magawa. Isang tingin lang ni Adrian—isang malamig, halos hindi mapansing senyales—at agad kong naintindihan. Huwag. Huwag akong kumontra. Huwag akong magsalita. Pati ang mga palihim na paghigpit ng hawak niya sa aking bewang. Kaya nanahimik ako

  • The Billionaire's Captive   Chapter 27

    Isla’s POV Walang araw na hindi ako naiinis sa kanya. Sa bawat galaw ko, sa bawat tingin niya, sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya na parang laging may kahulugang hindi ko agad maintindihan. Unti-unti, pakiramdam ko hindi lang ako nakakulong sa bahay na ito—parang nakakulong din ako sa p

  • The Billionaire's Captive   Chapter 22

    Isla’s POV Ngayon ang araw na sinabi niya. Ang araw kung kailan siya darating. Nakahiga lang ako sa sofa habang paulit-ulit na iniisip kung paano ako makakatakas kapag dumating siya. Kung pupunta siya dito, ibig sabihin may sasakyan siyang ginamit. Iyon ang kailangan ko. Kailangan ko lang maagaw

  • The Billionaire's Captive   Chapter 18

    Maaga pa lang ay umalis na ako at naglakad papunta sa abangan ng mga bus. Hindi ko na inisip kung saan ako pupunta—ang mahalaga ay makaalis ako at tuluyang makatakas kay Adrian. Kaunti lang ang dala kong gamit, puro damit lang. Iniwan ko na ang iba. Mas mahalaga ang kalayaan kaysa sa mga bagay na ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status