ANMELDENThe moment I heard it— “Boss wants to meet the girl”—parang may humigpit sa loob ng dibdib ko. Hindi ko na naramdaman kung paano ako gumalaw. Basta ang alam ko lang, sumabay ako sa paglabas ng bahay na iyon, habang ang mga taong minsan kong tinawag na pamilya ay nanatiling nakatayo sa likod ko na parang nanonood lang ng eksenang wala silang balak pigilan.
Walang sumigaw. Walang humabol. Walang tumawag sa pangalan ko at walang nag-aalala para sa kaligtasan ko.
Parang ang dali lang palang palitan ang isang anak kapag may mas mahalagang kapalit. Kung sabagay, sa kanilang paningin, bilang isang anak nararapat lang akong magsakripisyo.
Sa labas, dalawang itim na sasakyan ang nakaparada sa harapan ng bahay namin. Tahimik. Malamig tingnan. Parang hindi ito basta grupo ng tao—kundi bahagi ng mundong hindi ko alam na umiiral pala sa likod ng mga ordinaryong kalsada.
Mabuti na lang at tulog na ang mga kapitbahay namin. Kung hindi, kami na naman ang laman ng usapan kinabukasan.
Binuksan nila ang pinto ng sasakyan.
Pumasok ako.
Walang tanong. Walang paliwanag. Nais kong magtanong ngunit base sa kanilang ikinikilos ay hindi lang din naman nila ako sasagutin.
Pagkasara ng pinto, biglang sumikip ang hangin sa loob. Dalawa silang kasama ko, parehong nakatingin sa unahan, hindi ako pinapansin na para bang wala akong halaga o presensya.
At doon ko lang na-realize—hindi ako hostage.
Mas masahol pa.
Parang isa akong bagay na maingat nilang hinahatid.
Umandar ang sasakyan.
Tahimik. Mabagal. Parang sinasadya nilang pahabain ang bawat segundo.
Habang lumalayo kami, nakikita ko sa rearview mirror ang bahay namin na paliit nang paliit hanggang sa tuluyan na itong lamunin ng dilim.
At sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o matuwa na nakalayo ako.
Pagkalipas ng ilang minuto, huminto kami sa harap ng isang gate.
Hindi ito mansion.
Isang abandonadong gusali.
Tahimik. Malaki. At nakakatakot sa paraang hindi kailangan ng dekorasyon para maramdaman mong hindi ka welcome.
Bumukas ang gate.
Pumasok kami.
Ang sasakyan ay dahan-dahang huminto sa harap ng malawak na hagdanan.
Pagbukas ng pinto, malamig na hangin agad ang sumalubong sa akin.
“Baba ka,” malamig na utos ng isa.
Sumunod ako.
Hindi dahil gusto ko.
Kundi dahil wala na akong ibang choice.
Pumasok kami sa loob.
Mas tumindi ang kaba na nararamdaman ko.
Tahimik ang buong lugar. Walang ingay. Walang kalat. Walang buhay.
Parang bawat bagay ay may kontrol—maski ang hangin.
Habang naglalakad kami sa mahabang hallway, pakiramdam ko lumiliit ako sa bawat hakbang. Halatang abandonado ang lugar dahil sa alikabok at sapot ng gagamba sa mga sulok, pero may ilaw pa rin sa loob—na aking ikinataka.
Sikat itong abandonadong gusali sa amin ngunit bakit tila hindi dahil mayroon itong kuryente?
Huminto kami sa harap ng isang malaking pinto.
Isa sa mga lalaki ang kumatok nang isang beses.
“Sir.”
Sandaling katahimikan.
“Pasok,” malamig na tugon mula sa loob.
Isang salita lang.
Pero sapat na para bumigat ang buong paligid.
Binuksan nila ang pinto.
At pinapasok ako.
Pagpasok ko pa lang, agad akong natigilan.
Malaki ang silid. Mataas ang kisame. Malamlam ang ilaw.
At sa gitna—isang lalaki.
Nakatayo, nakaharap sa basag na salaming bintana, tanaw ang buong siyudad.
Hindi ko makita ang mukha niya mula sa likod.
Pero ramdam ko agad.
Iba siya.
Hindi dahil sa itsura.
Kundi dahil sa presensya niya.
Parang kahit hindi siya lumilingon, alam mong siya ang dahilan kung bakit tahimik ang buong silid.
“Siya ba ’yan?” malamig niyang tanong, hindi pa rin humaharap.
“Opo, sir.”
Napatingin ako sa nagsalita. Hindi ko napansin na may isa pa pala kaming kasama. At doon ko siya nakilala—yung lalaking nag-abot sa akin ng 30 thousand. Maaaring ang sir na kanyang tinatawag ay ang lalaking walang malay sa eskinita.
Sandaling katahimikan ang namayani.
Dahan-dahan siyang humarap sa akin.
At sa unang pagkakataon, nakita ko siya nang buo.
Hindi ko man maaninag nang maayos ang lahat dahil sa dilim, pero sapat na ang nakita ko para maalala ko ang mukha niya—matalim ang features, malamig ang ekspresyon, at nakakatakot ang katahimikan niya.
“M-may kailangan po ba kayo sa akin?” maingat kong tanong. “Kung tungkol po sa utang ni Tatay, pwede ko po bang bayaran paunti-unti?”
Hindi siya sumagot agad.
Sa halip, humakbang siya palapit.
At nang tumama ang ilaw sa mukha niya, tuluyan ko siyang nakita nang malinaw.
Hindi siya ngumiti. Hindi siya sumimangot. Wala siyang emosyon.
Tinitigan niya ako.
Matagal.
Diretso.
At sa simpleng pagtingin lang niya—parang may bumagsak sa dibdib ko.
“What is your name?” malamig niyang tanong.
“I-Isla Hernandez po,” sagot ko, pilit pinapakalma ang boses ko.
“How old are you?” tanong pa nito muli sa akin.
“23 po.”
“Isla,” ulit niya, mababa ang tono.
“Considering you saved me last week, I’ll give a second chance to your useless father to live.”
Nanigas ako.
“B-but…”
Tumigil siya, saka umupo sa upuan sa harap ko, parang siya ang may hawak ng oras.
“However,” dugtong niya, “I am looking for someone to marry.”
Parang huminto ang mundo ko.
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin ulit.
“And you,” malamig niyang sabi, “are the best choice.”
Isla’s POVBuong maghapon akong pabalik-balik sa pinto upang silipin sila Adrian pero nandoon lang sila.Kung kanina ay yung assistant niya lang ang kasama niya, ngayon ay nadagdagan na naman ng dalawa pa.Maghapon na sila doon sa gazebo at halatang importante ang kanilang pinag-uusapan.Nakarami na din ako ng kain sa mga niluto ko kanina dahil sa kabagutan hoping na pwede ko iyong kainin sa gazebo para may magandang view pero hindi naman na sila umalis pa.Napalingon ako sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok si Adrian na mag-isa.Tumingin ako sa kanyang likuran kung may kasunod pa pero wala akong ibang nakita kundi ang dilim sa labas.“Expecting someone?” Tanong niya sa akin.Inirapan ko lang siya saka binaling muli ang aking pansin sa tv.Maganda ngayon ang palabas at hindi kagaya ni Adrian ang sisira sa aking mood.“Did you eat?” Tanong niya muli sa akin saka tumabi sa aking tabi.“Oo.” Tipid kong wika sa kanya at nakatuon pa din ang atensyon ko sa tv.“Alright.” Tipid niyang wik
Isla’s POVNakatingin lang ako ngayon sa gazebo kung saan naroroon si Adrian.Mula sa kinatatayuan ko sa loob ng villa, kita ko ang bawat galaw nila—ang mga lalaking naka-itim na tila ba laging may tinatagong baril sa kanilang mga baywang, ang malamig na postura ni Adrian habang nakaupo, at ang lalaking kausap niya na pamilyar sa akin.Matagal ko siyang tinitigan bago ko tuluyang naalala.Si Nathan.Yung kanyang assistant. Tahimik pero mapanganib ang aura.Hindi ko alam kung bakit, pero tuwing nakikita ko siya, pakiramdam ko mas maganda pa siyang pakisamahan kaysa kay Adrian.Noong una ko siyang nakita, palangiti siya.Parang siya yung tipo ng taong hindi makakagawa ng masama.Gusto kong lumabas.Gusto kong lumapit.Gusto kong marinig kung ano ang pinag-uusapan nila.Pero saan naman ako pupwesto?Nasa kanila ang gazebo.Kung lalapit ako, siguradong mapapansin ako. At kapag napansin ako ni Adrian… hindi ko alam kung anong klaseng mood ang aabutan ko.Mabuti sana kung dito sila
Isla’s POVMaaga akong nagmulat ng aking mga mata kaysa dati.Hindi dahil mahimbing ang tulog ko, kundi dahil hindi na talaga ako makatulog nang maayos simula kagabi. Kahit nakapikit ako, pakiramdam ko gising pa rin ang katawan ko, laging alerto sa bawat galaw ni Adrian sa tabi ko.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, maingat na hindi siya magising.Nakatalikod siya sa akin, ngunit hindi ako sigurado kung tulog pa ba siya o gising na.Hindi ko na rin sinubukang alamin.Mas mabuti nang hindi.Pumasok ako sa banyo at mabilis na naghilamos. Ilang segundo lang akong tumitig sa sarili ko sa salamin. Namamaga pa rin ang mga mata ko, pero hindi na kagaya ng dati na halatang umiyak ako buong gabi.Kailangan ko nang kontrolin iyon.Hindi na pwedeng puro emosyon.Paglabas ko ng banyo, gising na siya.Nakatayo siya sa may bintana, nakatalikod sa akin habang nakatingin sa labas.“Maaga ka,” sabi niya nang hindi lumilingon.“Hindi ako makatulog,” sagot ko habang dumidiretso sa aparador.Hindi
Isla’s POV Muli ay nagising na naman ako sa pamilyar na kwarto.Nagising dahil sa marahang paggalaw niya sa tabi ko. Dahan-dahan niyang inalis ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko, parang maingat na ayaw akong magising. Pero kahit ganoon, naramdaman ko pa rin. Hindi na ako muling nakatulog. Nanatili akong nakapikit habang pinakikiramdaman ang bawat galaw niya—ang pag-angat niya mula sa kama, ang bigat na unti-unting nawawala sa likod ko, at ang mahinang tunog ng kanyang mga hakbang palayo. Pagkasara ng pinto, saka ko lang iminulat ang mga mata ko. Masyadong tahimik. Hinayaan ko lang muna ang katawan kong mahiga sa malambot na kama at nagpahinga. Kung sana maayos ang takbo ng buhay ko, nasa trabaho na sana ako ngayon kasama ang aking matalik na kaibigan. Kung sana nasa matinong pag-iisip ang mga magulang ko ay maganda sana ang kinabukasan namin dahil sa maayos kong trabaho. Tumulo ang aking luha nang maalala ko kung paano nila ako binenta. Binenta na parang bagay lang k
Trigger Warning: This content contains sexual themes and scenes that may be uncomfortable for some readers. Isla’s POV Nagising akong nasa bisig ni Adrian. Mahigpit ang pagkakayakap ng kanyang isang braso sa aking baywang, habang ang isa naman ay nasa ilalim ng aking ulo—parang sinadya niyang gawing unan ang sarili niya. Ang palad ko ay nakadikit sa kanyang dibdib, at bawat paghinga niya ay ramdam ko. Mabigat. Mainit. Hindi komportable. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumingin sa wall clock. Alas-siyete na ng gabi. Madilim na rin sa labas, at ang kurtina ay bahagyang gumagalaw dahil sa hangin mula sa bintana. Gabi na. Ibig sabihin… natulog ako sa tabi niya ng walang kahit na anong harang kagaya ng dati. Nanikip ang dibdib ko. Maingat akong gumalaw paalis, pero agad kong napansin ang paglapit ng mukha niya. Kahit nakapikit, parang ramdam niya ang bawat galaw ko. Bago pa ako makalayo, hinila niya ako pabalik. Ang palad niya ay dumampi sa aking pisngi.
Trigger Warning: This content contains sexual themes and scenes that may be uncomfortable for some readers.-------Adrian’s POVPasuray-suray akong nakarating sa isla.Damn. I was too drunk.Malabo na din ang mga mata ko habang pataas ako.Damn this feeling.I want to kill those bastards for putting aphrodisiac on the drinks.Pumunta ako sa banyo at doon muna ako nagbabad sa tubig.-----Isla’s POVNagising ako nang maramdaman kong may basang tumutulo sa aking mukha.Maliliit ang mga mata kong nagbukas ng aking mga mata.“A-adrian?”Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa pamumugto ng aking mga mata at isa pa hindi din malakas ang ilaw.Magsasalita pa sana ako ulit nang bigla niya akong halikan.Mabilis akong nagpumiglas.Amoy na amoy ko ang alak sa kanya.Tinulak ko siya sa kanyang dibdib na basa din.Tuluyang nagising ang aking diwa dahil sa nangyayari ngayon.“Mmmm.”Pinipilit kong magsalita pero hindi ko magawa.Ang rahas ng kanyang pagkakahalik sa akin.“Wag, Adrian!” Umiiya
Nakangiti akong lumabas ng coffee shop dahil malaki ang kinita namin ngayong araw at maayos ang takbo ng trabaho kahit pagod na pagod ang katawan ko. Bukod sa malaki ang kita, double pay din kami ngayon. Makakapagpadala ako kay Nanay ng mas malaking halaga. Ngunit nawala ang ngiti ko nang makita k
Kagaya ng napag-usapan namin nila Nanay at Tatay, lumuwas ako ng Maynila.Hindi para tuparin ang utang nila.Kundi para lumayo.Para mawala sa paningin ng lalaking iyon.Bitbit ko pa rin ang cellphone na ibinigay niya. Ilang beses ko iyong sinubukang itapon—sa terminal, sa basurahan, kahit sa kanal
Hindi ko na maalala kung paano ako nakalabas ng gusaling iyon. Parang awtomatiko na lang ang mga galaw ko habang inaalalayan ako ng dalawang lalaki papunta sa sasakyan. Hawak pa rin nila ang magkabilang braso ko—hindi marahas, pero sapat para ipaalala na wala akong kontrol sa kahit anong mangyayari.
Parang huminto ang mundo ko sa narinig ko.“A… ano?” halos pabulong kong tanong, hindi sigurado kung tama ba ang narinig ko o kung nagkakamali lang ako.Hindi siya nagbago ng ekspresyon. Nakatingin lang siya sa akin, kalmado—parang wala lang siyang sinabi na kayang baligtarin ang buong buhay ko.“I







