Share

KABANATA 53

Author: Sweet_Spice
last update publish date: 2026-05-09 15:51:36

AVA POV

Tahimik ang paligid.

Ang ingay mula sa engrandeng birthday party ay tila nilamon na ng distansya habang naririto kami sa likod ng hotel. Ang tanging maririnig lamang ay ang malakas ngunit nakakakalma na agos ng tubig mula sa malaking fountain sa likuran namin. Ang bawat bagsak ng tubig ay parang marahang tibok ng gabi, paulit-ulit na umaalingawngaw sa malamig na hangin.

Ang mga mumunting ilaw na nakapalibot sa garden ay kumikislap na parang maliliit na bituin na bumaba mula sa langit up
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 60

    AVA POVUnti-unti kong inimulat ang mga mata ko habang marahang humahaplos sa balat ko ang malamig na hangin mula sa aircon. Mahinang ugong nito ang tanging tunog na bumabalot sa buong kwarto, habang ang sinag ng araw ay pilit na lumulusot sa manipis na kurtina at gumuguhit ng gintong liwanag sa sahig. Tahimik ang paligid, ngunit hindi iyon iyong klase ng katahimikan na nakakabingi. Isa itong payapang katahimikan na matagal ko nang hindi nararanasan.Napakurap ako habang dahan-dahang bumangon mula sa kama. Doon ko lang napagtanto na nakatulog pala ako mula pa kahapon. Marahil dala iyon ng sobrang pagod at emosyon na ilang araw ko nang kinikimkim sa dibdib. Naalala kong inuwi ako ni Alexander dito kagabi. Maingat niya akong pinasok sa kwarto ko na para bang isa akong bagay na maaaring mabasag sa isang maling galaw. Pagkahiga ko ay hindi ko na namalayang tuluyan na pala akong nalunod sa antok.Napahikab ako habang iniunat ang likod at mga braso ko. Bahagyang pumikit ang mga mata ko dahi

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 59

    ALEXANDER POVTahimik na umiiyak si Ava sa dibdib ko habang mahigpit ko siyang yakap sa gitna ng malamig na hangin sa labas ng café. Ang manipis niyang katawan ay bahagyang nanginginig sa bawat pigil niyang hikbi, at ramdam ko ang init ng mga luha niyang unti-unting bumabasa sa long sleeves ko.Pero wala akong pakialam doon.Mas mabigat para sa akin ang katotohanang matagal niya palang pasan ang lahat ng sakit na iyon nang mag-isa.I lowered my gaze at her.Her fingers were clutching the fabric of my clothes tightly as if I was the only thing keeping her from falling apart. The city around us remained alive. Cars kept passing by the road, headlights reflecting against the glass windows of the establishments nearby. People were walking, laughing, talking, living their own lives as if nothing happened.But for Ava, the world just cracked open.And for some reason... I felt proud of her.Ava is timid and shy. Kapag nasasaktan siya, tatahimik lang siya sa isang sulok at iiyak. She wouldn’

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 58

    AVA POVNapansin agad ni Alexander ang bahagyang panginginig ng mga kamay ko habang papalapit kami sa café. Mahigpit ang hawak niya sa palad ko, para bang alam niyang anumang oras ay maaari akong mabasag na parang manipis na salamin.“Do you still want to go?”Napalunok ako. Biglang nanuyo ang lalamunan ko habang nakatitig sa malaking salamin ng café na nagrereflect sa aming dalawa. Sa loob ay may maiinit na ilaw, marahang tugtog ng piano, at mga taong abala sa sarili nilang buhay. Napakapayapa ng lugar, pero kabaligtaran iyon ng kaguluhang bumabagabag sa dibdib ko.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag tuluyan ko nang hinarap ang sarili kong mga magulang. Ilang taon kong inisip ang sandaling ito. Paulit-ulit kong iniimagine kung ano ang sasabihin ko kapag nakita ko silang muli matapos nila akong pabayaan at ipagpalit sa isang mayamang lalaki kapalit ng kanilang utang. Sa bawat gabing umiiyak ako nang tahimik, lagi kong tinatanong ang sarili ko kung may kahit katiting bang pagsi

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 57

    AVA POVNagulat ako sa sinabi niya.Ito na naman siya. Parang wala siyang tiwala sa akin dahil kailangan niya pa akong samahan. Pero sa kaibuturan ng isip ko, alam kong hindi iyon dahil sa pagdududa. Gusto niya lang akong protektahan lalo na ngayon na unti-unti nang gumagalaw ang mga kaaway ng pamilya Valderamos. O baka naman nagseselos lang talaga siya. Hindi ko na talaga mabasa si Alexander. Para siyang malalim na dagat na tahimik sa ibabaw pero hindi mo alam kung gaano kalakas ang alon sa ilalim.“Bakit? Of course, I’m your husband. It’s my duty to come with you,” sabi pa niya.Napairap ako habang nakaupo sa gilid ng kama.“Labas ka na dito.”“But you are involved in it.”Bumuntong-hininga ako. Pakiramdam ko ay bumibigat ang dibdib ko habang palakas nang palakas ang tibok ng puso ko.“Anyway, why are you concerned about your parents and Bella? They didn’t even think about you or show up here.”Tumama sa akin ang sinabi niya.Masakit. Pero totoo.May punto si Alexander. Isang katoto

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 56

    AVA POVNagising ako dahil sa sunod-sunod na ingay mula sa labas ng mansion. Mabibigat na tunog ng makina ang umaalingawngaw sa umaga, kasabay ng mahinang pag-uusap ng maraming tao. May kung anong kalansing ng bakal at pag-atras ng malalaking truck na tila ba may malaking proyekto sa labas ng bahay.Dahan-dahan akong napamulat habang nakatitig sa puting kisame ng kwarto. Bahagyang kumikirot ang sentido ko, hindi dahil sa puyat kundi dahil sa walang tigil na pag-ikot ng isip ko tungkol sa nangyari kagabi.Parang panaginip lang.Ang malamig na hangin sa hotel garden. Ang ilaw mula sa fountain na kumikislap sa tubig. Ang titig ni Alexander na para bang ako lang ang nakikita niya sa buong mundo.At higit sa lahat...Ang pagtatapat niya.Ang paghalik niya sa'kin.Dalawang beses.Napapikit ako habang nararamdaman muli ang init sa pisngi ko. Kahit pilitin kong maging kalmado, para pa ring may maliliit na paru-parong kumakawala sa loob ng dibdib ko."May ganap ba ngayon? Bakit parang ang dami

  • The Billionaire's Debt-Paid Wife   KABANATA 55

    AVA POVHindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Siguro dala na rin iyon ng pasasalamat. Dahil sa buong buhay ko, walang nagparamdam sa'kin na mahalaga ako. Si Ethan, kahit pinapahalagahan ako, hanggang kaibigan lang naman ang tingin sa'kin.Hindi ko naranasan na may taong tunay na nakakapansin sa'kin. Hindi lang lahat ng positibo at mga ngiti ko ang nakita ni Alexander, kundi pati ang mga sugat na pilit kong tinatago. Ang sakit na ilang taon kong kinimkim mula sa sarili kong mga magulang, para bang isa iyong lihim na nakabaon nang malalim sa dibdib ko. Isang bagay na hindi ko kailanman inakalang may taong susubok pang unawain.Hindi ko akalain na magugustuhan niya ang isang tulad ko.Hindi ko akalain na may ganoon siyang pagtingin sa kabila ng malamig niyang pakikitungo sa'kin noon. Ngayon ko lang naaalala ang mga titig niyang matagal ko nang hindi mabigyang-kahulugan. Mga matang tila may gustong sabihin ngunit pinipili niyang ikulong sa katahimikan.Paulit-ulit akong nilamon ng sarili

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status