Share

Chapter 26

ANGELA

Pagkarating namin sa malaking bahay nila Tita Frieda ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Napagod kasi ako sa mahabang byahe namin. Inayos ko lang muna ang lahat ng mga gamit ko pagkatapos ay naligo muna ako at nagsuot ng pantulog bago magpahinga.

Habang nakahiga ay naalala ko na naman ang nangyari kanina. Isang beses lang kaming nagkita ni Fernan kaya sa tingin ko naniniwala siyang namalikmata lamang siya nang makita niya ako.

Hindi ko alam kung bakit nag-aalala ako gayong hiwalay na naman kami ni Rafael. At sigurado naman ako na nakalimutan na rin ako ni Rafael. Pero sa uri ng tingin niya sa akin ay parang may gusto siyang sabihin sa akin kanina. Mabuti na lamang at hindi ako nagpahalata na kilala ko siya at nakaiwas ako agad. Sa sobrang pagod ko ay hinila na rin ako ng antok.

Kinabukasan alas-sais pa lamang ng umaga ay gising na ako. Tumuloy ako sa gym na nasa loob ng mansyon upang magpapawis. Pagkatapos ng isang oras ay nagpahinga muna ako habang tinatanaw ang magandang ta
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
بحسب بحسب
anggnda next po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status