Share

KABANATA 4

Apolonia

Hindi ko mapigilang ma-distract sa mismong tao na nagtuturo at nag-e-explain sa akin sa mga dapat kong gawin lalo pa at ang lapit lang nito sa akin, amoy na amoy ko tuloy ang nanunuot sa ilong na nakakahalinang bango nito at natititigan ko ang mukha nitong kay sarap pagmasdan.

Oh, Lord. Kung ganito ang pagsisilbihan ko everyday, panigurado na inspired at willing na willing akong pumasok at magtrabaho mula umaga hanggang sa mag-uwian, kahit na mag-overtime pa nga.

Kainis. Bakit naman hindi kasama sa mga sinabi sa akin ni Mrs. San Diego na hindi lang mayaman, kundi mabango, mabait at ganito pala kaguwapo ang pamangkin nito?

"Hey, are you still listening to me?"

Napakurap ako at natauhan.

Naabutan ko naman ang lalaki sa harap ko na nakatitig na pala ngayon sa akin.

Para akong estudyante na nahuli ng titser na hindi pala nakikinig at kung saang lupalop na naglalakbay ang isipan!

Oh, fck!

Agad akong napaayos ng upo at umalis sa pagkakapangalumbaba, kulang na lang ay magpalamon ako sa sahig dahil sa nadaramang hiya.

Ay, pucha! Ano bang ginagawa ko?!

Dahan-dahan na yumuko ako at pumikit nang mariin.

Pakshet, parang virus at nahawaan na yata ako ng kalanturan na taglay ni Vi. Bwisit!

Gusto kong pukpukin ang ulo ko upang ipaalala sa sarili na hindi dapat paglandi ang inuuna ko, kundi ang misyon na siyang dahilan kung bakit ba ako narito.

"Katulad nang sinabi ko sa iyo kanina, hindi dapat tayo nag-aaksaya ng oras. If you really want this job, I suggest that you need to fix your focus," nangangaral ang tono na ani ng lalaki, hindi naman tunog galit.

Parang basang sisiw na napaangat tuloy ako ng ulo upang tingnan ito.

"Tinanggap kita rito kahit na walang interview na naganap since nakita ko na okay naman ang nakalagay sa resume mo, related sa business world ang kursong tinapos mo na business administration, maganda rin ang feedback from your previous employer, result ng background investigation and even recommendation from one of the shareholders. Sana lang ay tama talaga ang naging desisyon ko na pinalusot kita sa tamang proseso sa pagha-hire ng tao," may nahimigan akong disappointment sa boses na sabi nito sa dulo.

Hala ka! Iyan kasi, daydream pa nga! First day pa lang, basa na agad ang papel mo!

Mariin na kinurot ko ang palad ko at nakagat ang labi ko. "S-Sorry po, Sir," hinging paumanhin ko.

Pilit na ipinaalala sa sarili ko na nandito lang ako para sa misyon, hindi sa kung ano pang bagay.

Huminga ito nang malalim at hindi kumibo habang nakatitig pa rin sa akin.

"Sorry po talaga. I'll pay more attention to what you're saying from now on, Sir," pangako ko habang magkadaop pa ang dalawang palad.

Baka kasi hindi pa man ako nagsisimula ay masesanti na ako. Kapag nangyari iyon, yare ako. Paano na ang misyon ko? Saan ako kukuha ng ipambabayad kay Mrs. San Diego kung umpisa pa lang ay palpak at bigo na ako?

Medyo nabawasan ang kaba ko nang bahagya na itong ngumiti sa akin.

"Kinakabahan ka na naman. It's okay. Sa susunod, just get your act together, okay? Hindi naman ako galit. Gusto ko lang na matutunan mo ang lahat ng dapat mong matutuhan dahil ayokong mapahiya ka, mapahiya ako, pati na ang shareholder na nag-recommend sa iyo. Lalo pa at hindi basta-basta at may pagkaistrikto ang magiging boss mo."

Napakurap-kurap ako at biglang naguluhan.

Ano raw? Magiging boss ko?

Isn't he referring to himself?

Bakit kung magsalita ito ay parang ibang tao ang tinutukoy nito?

"Kapag may hindi na naman kasi iyon nagustuhan, panigurado na masesesante ka on the spot, katulad noong mga nauna sa iyo na sinesante rin niya. Kaya nga ako na mismo ang nagkusa na personal na maghahanap ng magiging sekretarya ng pinsan kong iyon kahit hindi pa siya pumapayag, nakakailang palit na ba naman kasi pero wala talagang nagtatagal. Sa totoo lang... wala akong mahanap, mabuti na nga lang at inirekomenda ka ni mommy, sakto naman at tingin ko ay qualified ka sa position."

Pinsan? At mommy? Anak ito ni Mrs. San Diego?

Gulat at nanlalaki ang mata na naituro ko ito nang may mapagtanto. "W-Wait, don't tell me, hindi po kayo si Sir Druskelle?" pagsasatinig ko sa naiisip ko.

Bigla itong natawa nang malakas at sa huli ay nailing-iling. "I can't believe this. Kanina pa tayo magkasama at magkausap pero hindi mo pa pala ako kilala?" halata ang amusement sa tono na tanong nito.

Hindi man tahasan pero tila kinumpirma na rin nito ang hinala ko.

Fck. Hindi nga ito ang magiging boss ko?

"Hala. Ang buong akala ko po ay kayo si Sir Druskelle. 'Yong totoo po? Hindi nga po talaga kayo ang magiging boss ko?" paglilinaw ko pa rin.

Umiling ito habang nangingiti pa rin. "Well, technically I'm one of the many bosses here. I'm currently holding the position of Vice President for operations... next in line kay Druskelle, since he's the CEO and President," simpleng sabi nito.

Ngunit wala man lang akong nahimigan na pagmamayabang sa tinig nito paukol sa posisyon nito gayong next in line pala ito sa pinakamataas sa kompanya.

"So, hindi nga po talaga kayo si Sir Druskelle? Sagutin ninyo po ako ng totoo at walang halong keme dahil hindi po ako nakikipagbiruan, Sir," makulit na tanong ko, kahit na hindi nakikipagbiruan ay umaasa pa rin ako na nagbibiro lang ito.

Mahina itong natawa. "Hindi nga. Hindi naman ako nagbibiro, ah. Pinsan ko si Druskelle."

Pinigilan ko ang mapalabi dahil sa pagkadismaya. "Sayang naman pala..." mahina kong sabi.

"Alin ang sayang?" tanong nito, na narinig pa pala ang sinabi ko.

"Akala ko po kasi everyday akong magiging inspired na pumasok at magtrabaho dahil kayo ang magiging boss ko," walang preno ko namang sagot.

Tumaas ang kilay nito at pumorma ang magandang ngiti sa labi nito. "Really?"

Sasagot na sana ako upang sumang-ayon kaso ay na-realize ko ang mga pinagsasabi ko kaya kinagat ko agad ang dila ko at nag-isip ng maisasagot habang ramdam ang pag-iinit ng pisngi ko.

Fck! Bakit ako nadulas?! Nakakahiya! Ang daldal mo, self!

"I'm flattered. Pero bakit mo naman nasabing magiging inspired kang pumasok at magtrabaho kung ako ang magiging boss mo?" untag nito sa akin, halatang pinipigil ang ngiting naaaliw.

Napalunok ako at alanganing napangiti habang nag-iisip.

Nang may maisip na ay lumunok muna ako bago magsalita. "U-Uh... what I mean po is... a-ano... ah, mukha po kasi kayong mabait at madali lang pakisamahan, mukhang makakasundo ko rin po kayo. Oo, iyon nga, gano'n nga po. 'Di ba po ang sarap magtrabaho kapag may harmony sa workplace dahil kasundo mo ang mga kasama mo, Sir?" mahabang paliwanag ko at halos hindi na makahinga dahil sa bilis kong magsalita.

Sana lang ay maniwala ito at naintindihan nito ang sinabi ko.

"Well, thank you. And you're right. Pero  mukhang masyado na tayo parehong nalilibang, let's get back to business, may mga ibibilin pa ako sa iyo regarding dos and don'ts when your boss is around," sabi nito.

Hays. Oo nga pala... ano ba iyan!

Balak ko pa sanang tumutol at makausap pa ito nang hindi tungkol sa trabaho at personal na bagay patungkol dito, lalo na ang tanungin ang pangalan nito pero sa pagkadismaya ko ay seryoso na itong nagsimulang magpatuloy sa pagdi-discuss sa mga bagay na dapat kong gawin at tandaan.

Gusto ko tuloy na tapikin ang sariling balikat ko.

Bawi ka na lang sa next life, self.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status