Share

CHAPTER 2: Shocked

Pero sa hindi inaasahan ng driver, sa sobrang lutang niya ay agad siyang napapreno nang malakas. Isang truck ang nakasalubong nila, pero wala itong ilaw. Kaya naman halos tumilapon ang sasakyan na sinasakyan ni Vetarie at hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. 

Ang sasakyan ay nakabaligtad at nagulat din ang lalaking nakabangga. Bumaba ito sa truck at pinuntahan ang kotse, ang kanyang mga mata ay biglang napatingin kay Vetarie. Hindi niya alam kung bakit ito ang una niyang inilabas sa kotse. Napansin kasi niya na parang mayaman ito ng dahil na rin sa mga kasama niyang nakasuot ng mamahalin na kasuotan. 

"S-sandali lang." Nangangatal pa ang kamay ng lalaki at maglalakad sana ito para puntahan ang mga sakay ng kotse, pero mabilis siyang napayakap kay Vetarie ng biglang sumabog ang kotse. Ang mata ng lalaki ay halos lumaki at napuno ng takot ang kanyang katawan. Bigla siyang napatayo at napatakbo sa kanyang sasakyan na truck.

Mabilis niya itong pinaandar palayo at hindi niya naisip kung naiwan si Vetarie sa gitna ng kalsada at walang malay. Basta makaalis lang siya dahil bigla itong natakot na baka makulong siya sa kanyang ginawa. 

_____

Sa kabilang banda, isang lalaki na nagngangalang Hanlu Stanley ang nakaupo sa shotgun seat habang katabi niya ang kanyang sekretarya. Wala siya sa mood ng dahil sa kapatid niyang umalis ng walang paalam at hindi pa nito nagagawa ang proyekto na inuutos niya. Pero ang noo nito ay kumunot bigla ng tumigil ang sasakyan.

"Young master." Turo nang sekretarya nito at hindi alam ni Hanlu kung bakit siya bumaba sa kotse. Ang kanyang mga mata ay dumako sa kotse na nasusunog at isang babaeng kay puti ang kanyang nakita. Mabilis niya itong binuhat at isinakay sa kotse, habang ang sekretarya nitong si Caden Tobias ay nakatunganga lamang.

"Drive the car. I don't want to repeat myself." Isang malamig na boses ang lumabas sa bibig ni Hanlu ng tignan niya si Caden. Habang kitang-kita niya ang takot sa mga mata nito.

Mabilis na umalis ang sinasakyan ni Hanlu habang bitbit nito ang dalagang si Vetarie. Kahit na magulo ang isipan niya, hindi niya alam kung bakit niya ito kinuha at isinama sa kanila. Samantalang kilala si Hanlu Stanley bilang isang cold CEO ng kanyang kumpanya. Wala itong interes sa lahat at tanging trabaho lamang ang nasa kanyang isipan. Pero ng makita niya ang dalaga, wala siyang kasiguraduhan sa kanyang nararamdaman. Basta ang alam niya ay bumilis ang tibok ng kanyang puso at parang masaya siyang natagpuan ito. 

Napatingin si Hanlu sa natutulog na si Vetarie at parang nakita na niya ito. Wala siyang ideya kung saan niya ito nakita, pero ang mukha ng dalaga ay pamilyar sa kanya. Ang maamong mukha ni Vetarie ay nagbibigay ng kaginhawaan kay Hanlu. Pakiramdam nito ay nawala lahat ng problema niya at nakalimutan ang kapatid. At napatigil sa pag-iisip si Hanlu ng marinig niya ang boses ni Caden.

"Young master, nandito na po tayo."

Bumaba si Hanlu sa kotse habang bitbit si Vetarie na mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig. Isang oras na rin pala ang lumipas at hindi man lang niya namalayan ang oras. 

"Young mast–" 

Hindi naituloy ng mga katulong ang pagbati sa kanilang amo ng mapansin nila ang bitbit nito. Hindi nila alam kung sila ba ay namamalikmata lamang o talagang totoo ang nasa harapan nila. Parang tutulo na ang mga laway nito at ang mga noo ay nakakunot. Kaso lahat sila ay biglang natauhan ng marinig nila ang boses nitong napakalamig.

"Call the doctors and follow me." Sabay tingin ni Hanlu sa kanilang butler na si Choi. Medyo may ilang kay Hanlu ng makita niya ang mga reaksyon ng mga ito. Siya ay napaiwas agad kanina dahil maging siya ay hindi sanay sa ganito.

Sino naman ang mag-aakala na ang isang Hanlu Stanley ay may bibitbitin na babae sa kanyang mga bisig at dadalhin sa sariling pamamahay? 

Halos nabulabog talaga ni Hanlu ang mga isipan ng tao sa mansyon, pero hindi na lang niya ito inisip at mabilis niyang inihiga sa kama si Vetarie habang si butler Choi naman ay kapapasok lang din sa loob.

"Young master is that Vetarie?" Napatingin agad si Hanlu sa kanilang butler ng marinig niya ang pangalan na binanggit nito. Ang kanyang noo ay kumunot at tila narinig na n'ya ang pangalan na 'yon, pero hindi niya alam kung saan. 

"Do you know her?" tanong ni Hanlu at tumango sa kanya si butler Choi. "Anak siya ni sir Kristopher Kaede at apo ni sir Kolton Kaede." 

Napatingin si Hanlu kay Vetarie na may halong pagtataka at pagkagulat. Tinignan niya ang katawan nitong napakaputi at puro gasgas. Nakita pa nga niya ang sintido nitong dumudugo at agad siyang napatayo. Nakaramdan siya ng inis at kasunod no'n ang pagbukas ng pinto. Bumungad sa kanila ang tatlong doktor ng pamilya ni Hanlu at sumenyas ito agad ng walang pag-aalinlangan. 

"Check her," seryosong saad ni Hanlu, pero bakas sa boses nito ang pag-aalala kay Vetarie. Hindi na rin nagtanong ang mga doktor kung sino ito dahil ng makita pa lang nila si Vetarie ay alam na nilang masama ang nangyari rito. 

Habang si Hanlu naman ay dare-daretso sa labas ng kanyang kwarto na may hindi maganda na awra. Ang kanyang suot na suit ay agad niyang tinanggal. Maging ang suot niyang necktie ay nagbibigay sa kanya ng hindi maganda na pakiramdam. Tinanggal niya ito at napapikit at napahawak sa kanyang sintido. 

Siya ay napaisip kung bakit gano'n ang itsura ni Vetarie. Samantalang ang kanyang pamilya ay isa sa mga pinakamayaman sa kanilang bansa at nang marinig pa lang ni Hanlu ang pangalan ni Kolton ay naalala niya ang kanyang mga magulang, dahil na rin malapit ang kanilang mga pamilya sa isa't isa. 

"Butler Choi," tawag ni Hanlu at mabilis naman itong lumapit. "Why do you know her?" 

"Ang totoo n'yan ay matalik na magkaibigan kami ni Kolton, kaya naman nang araw na nangangailangan siya ng katulong na mag-aalaga kay Vetarie ay ako ang nagprisinta," kwento ni butler Choi. "Siguro ay nasa limang taon pa lamang no'n si Vetarie, pero soolong-soolo ko pa rin ang mukha niya dahil sa akin lang din siya malapit. Dahil maging si Kristopher ay ayaw sa anak niya, kaya bakit si Betania lamang ang ipinapakita nito sa publiko."

Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ni Hanlu matapos niyang marinig ang sinabi ni butler Choi. Hindi pa man maliwanag sa kanya ang lahat, pero alam niya na may hindi magandang relasyon ang dalawa at biglang sumakit ang ulo ni Hanlu sa pag-iisip kay Vetarie. Siya ay nananalangin na sana ay ayos lang ang dalaga, pero natigilan si Hanlu ng marinig niya ang sinabi ng doctor. 

"Y-young master she's in a mild coma."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status