Share

The Billionaire's First Love
The Billionaire's First Love
Author: VENUIXE

CHAPTER 1: No one likes me

Panay ang takbo ng isang babae habang wala itong suot na kahit na anong tsinelas o sapatos. Masakit na rin ang kanyang paa, pero wala siyang magawa. Habang ang suot niyang mamahalin na bistida na kulay puti ay sira-sira na rin at may bahid ng dugo. Panay ang lingon nito sa kanyang likuran, kasabay ang luhang bumubuhos sa kanyang mga mata. Puno ng takot ang kanyang dibdib at mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo kahit parang wala siyang nakikita na tao na tutulong sa kanya.

"Vetarie Kaede! Huwag mo ng tangkaing tumakbo! Kahit anong gawin mo ay mahahabol at mahahabol pa rin kita!" 

Parang bingi si Vetarie at panay pa rin ang takbo niya. Hindi niya pinapakinggan ang sigaw ng kanyang kakambal na si Betania Kaede at pilit niyang tinatakbo ang kalakihan ng gubat. Hanggang sa nakakita ito ng isang batong napakalaki at agad na nagtago. Kasabay no'n ang pangangatal nang mga kamay at tuhod ni Vetarie at hindi na siya makagalaw pa. Tila hindi na siya sisikatan nang araw at panay lamang ang pagdarasal niya. 

"T-tulungan n'yo po ako," iyak na sambit ni Vetarie at sabay punas sa kanyang luha gamit ang kanyang braso. 

Napatingin ito sa gilid at nakita niya ang napakaraming lalaki na may makikisig na katawan na humahanap sa kanya. Hindi niya alam kung paano ito tatakasan at dahan-dahan na gumapang. Pero laking gulat ni Vetarie ng may humawak sa kanyang magkabilang braso dahilan na mapasigaw siya. 

"Bitawan n'yo ako!" 

Sabay pilit na kumakawala sa dalawang lalaki, pero nawalan ng lakas si Vetarie dahil ilang minuto na rin siyang tumatakbo at hindi siya gano'n kalakas para mapantayan ang lakas ng mga lalaking humahawak sa kanyang braso. Kaya tumungo na lang siya at hindi na nagpumiglas pa at tanging pag-iyak lamang ang kanyang ginagawa. 

"Look at you. Nakakaawa ka at wala na ngang nagmamahal sa iyo at iniwan ka pa ng magaling mong nanay!"

Napantig ang taenga ni Vetarie sa kanyang narinig at kumunot agad ang noo niya at tumaas ang isang kilay. Parang lalabas na ang ugat niya sa leeg at namumula rin ang kanyang mga mata ng dahil sa pag-iyak. Hindi niya mawari kung bakit ganito ang kakambal niya at hindi niya alam kung bakit gano'n ito kasama sa kanya. 

"Nanay natin 'yon Betania! Hindi ko lang nanay 'yon at isa pa, bakit ba ang sama-sama mo sa akin? Bakit parang gustong-gusto mong mawala ako?" 

Hindi na naiwasan ni Vetarie na magtanong sa kakambal niya dahil gusto niyang malaman ang dahilan. Baka kasi ito na ang huling araw niya sa mundong ibabaw. 

"Nanay natin? Nanay mo lang 'yon Vetarie. Hindi ko nanay ang isang mahirap na kagaya niya. Isa siyang hampas lupa at palamunin lang ng daddy ko. Kaya nga siya lumayas dahil napagtanto niyang hindi siya better sa pamilya namin. Tapos nagtataka rin ako, bakit iniwan ka ng nanay mo? Siguro naisip niya na wala ka rin pakinabang." 

"Hindi totoo 'yang sinasabi mo! Si daddy ang may problema at hindi si momm–" 

Naputol ang sasabihin ni Vetarie ng makatanggap siya nang malakas na sampal mula kay Betania. Parang tatalsik ang kanyang mukha ng dahil sa lakas ng pagkakatama nito at dahilan na may tumulong luha sa kanyang mga pisngi. 

"Pwede ba Vetarie? Huwag mo matawag na daddy ang daddy ko? Baka nakakalimutan mo na ayaw sa iyo ng daddy. Kaya nga tinulungan niya ako sa gusto ko na mawala ka."

"At isa pa. Tinatanong mo ako bakit gustong-gusto kita na mawala? Kasi ikaw ang sisira sa pangarap ko. Nakakasora ang pagmumukha mo Vetarie. Feeling mabait ka para mapansin ka ng matanda sa mansyon. Anong akala mo? Hindi ko napapansin na ikaw ang paborito niya? Kaya dapat talaga mawala ka!"

Biglang nagsikip ang dibdib ni Vetarie at parang hindi na siya makahinga ng dahil sa mga naririnig niya. Hindi niya alam kung bakit parang ayaw sa kanya ng lahat. Iniisip tuloy ni Vetarie na malas siya at walang nagmamahal sa kanya. 

Tanging ang matanda na lamang sa mansyon ang nagmamalasakit sa kanya, bukod sa ina nila na iniwan sila. Ito ay ama ng kanilang ama na si Kristopher Kaede, kaya naman lolo ito ng dalawang kambal.

"Tama na ang drama. Bilisan n'yo na at baka abutin pa tayo ng liwanag," wika ni Betania at nawalan ng malay si Vetarie ng dahil sa pampatulog na pinaamoy sa kanya ng isang lalaki.

Habang ang mukha ni Betania ay nag-uumapaw sa saya. Gustong-gusto kasi niyang mawala ang kapatid, kaya nakiusap na siya sa ama ng sa gano'n ay matulungan siya nito sa balak niya. Isinakay nila sa kotse si Vetarie habang wala itong malay, habang ang isang kilay ni Betania ay nakataas. 

"Siguraduhin n'yo lang na maayos ang trabaho n'yo. Baka nakakalimutan n'yo kung sino ang ama ko." 

May halong banta sa boses ni Betania at alam naman ito ng mga lalaking inutusan niya. Kasi ang ama nila ay boss nito at hindi rin sila pwedeng magkamali dahil maaaring mawala rin sila ng parang bula sa mundo. 

"Siguro naman ay sapat na ang perang binigay sa inyo. Kaya umalis na kayo at huwag na magpakita sa akin. Dahil gusto ko na rin umuwi at magpahinga. Nagkakaintindihan ba tayo?" 

"Yes ma'am!" sigaw nang mga lalaki at pumalakpal si Betania at itinuro ang sasakyan. Hanggang sa nawala na nga ng tuluyan ang sasakyan na sinasakyan ni Vetarie at dadalhin na ito sa gitna ng dagat para mawala na ito ng trace sa mundo. 

Habang abala ang driver, hindi nila maiwasan na maawa kay Vetarie. Kilala kasi nila ito ng dahil na rin sa asawa ng kanilang boss. Ang ugali kasi ni Vetarie ay nagmana sa kanilang ina na si Vanilla Kaede. Mabait ito at talagang wala kang masasabi, wala na rin silang balita matapos nilang malaman na umalis ito. 

"Sigurado na ba tayo?" napatanong ang driver sa mga kapwa niya at tanging paglunok lamang nang laway ang nagawa ng mga ito. 

Takot din sila, pero nangingibabaw pa rin ang awa nila kay Vetarie. Naiisip nila ang ina nito kung paano naging mabuti sa kanila. Pero malaki pa rin ang takot nila sa ama nito dahil na rin sa boss nila ito at kahit kailan ay hinding-hindi nila ito kayang kalabanin. 

"Hindi natin pwedeng suwayin si boss at ma'am Betania. Baka mamaya ay malamin nila at tayo naman ang maging kawawa."

"Naaawa man ako kay ma'am Vetarie, pero natatakot ako." 

Walang nang nagsalita sa kanila at tahimik na nagmaneho sa gitna ng dilim. Nais man nila itong tulungan, pero wala silang magagawa. Hindi sila pwedeng maging malambot sa dalaga, kahit na anong buti pa nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status