Share

CHAPTER 3: After 5 months

Isang babae ang nakaupo sa isang upuan kung saan siya ay nasa isang kwarto at ang lahat ay nagtitipon-tipon ng dahil sa pagkawala ni Vetarie. Ang mukha nito ay parang isang pusa na hindi makabasag ng pinggan. Nakatingin lamang ito sa kisame o kaya naman sa lapag at ipinapakita ang pekeng emosyon na nararamdaman niya sa pagkawala ng kanyang kakambal na si Vetarie. 

"Kristopher! You need to find Vetarie at any cost. How can she gone without any trace? It's been 5 months since she's been gone." 

Ang ama ni Kristopher at lolo ng dalawang kambal ay hindi maiwasan na tumaas ang dugo at boses ng dahil sa pagkawala ni Vetarie. Paborito niya ang dalaga at hindi niya kayang mawala ito sa kanya ng hindi nalalaman ang rason, kung bakit ito nawala na parang bula at hindi niya ito makita kahit na marami siyang kakayahan na mahanap ang apo. Sa pagkakataong ito ay hindi niya mahanap ang dalaga at hindi rin maiwasan ni Kolton na magtaka. 

"You need to find her!" Muling sumigaw si Kolton at naging alarma ang mga katulong at ang ilang mga doctor ng pamilya nila. Mabilis nilang inabutan ito ng maligamgam na tubig at inalalayan sa pagtayo, pero tinabig lamang ito ni Kolton. 

"Bitawan n'yo ako! Hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko nalalaman kung nasaan si Vetarie. Hanapin mo ang anak mo Kristopher!" 

Tanging pagtango lamang ang nagawa ni Kristopher sa mga oras na ito, sapagkat maging siya ay walang pakielam kay Vetarie katulad ng isa pang anak na si Betania. Si Betania na nakaupo lamang sa isang upuan at pinakikinggan ang mga salitang lumalabas sa bibig ng kanyang lolo ay hindi niya matanggap. Siya ay selos na selos kay Vetania noon pa man at hindi na niya kayang marinig na hanggang ngayon ay bukang bibig pa rin ang kapatid. 

Limang buwan na ang lumipas at wala ng naging koneksyon si Betania sa kapatid at maging sa mga lalaking tauhan ng kanyang ama. Ang kanyang pinanghahawakan na lamang ay ang hindi nito pagbalik at medyo duda pa rin si Betania dahil ang mga tauhan ng kanyang ama ay hindi na rin bumalik pa. 

Sa paglabas ni Kolton sa kwarto kasama ang mga katulong at doktor ay agad na tumayo si Betania at ang mukha nitong isang demonyo ay lumabas na. Inis an inis ang mukha nitong tumungo sa kotse ng kanyang ama at saka isinara nang may kalakasan ang pinto. 

"Dad, anong balita? Hanggang ngayon ba ay wala pa rin balita sa mga tauhan mo? Hindi ako mapanatag lalo na't hindi naman ako sigurado kung talaga bang patay na ang lintek na 'yan," inis na sambit ni Betania habang ang ama niya ay busy lamang sa pagmamaneho ng sasakyan. 

"Don't worry I know that she's dead." 

Sumingkit ang mata ni Betania ng marinig niya ang sinabi ng ama. Kaya naman ang kanyang mapatanong na bibig ay hindi maiwasan na magtanong nang magtanong tungkol sa kakambal. 

"What do you mean by that?" nagtatakang tanong ni Betania at ginulo lang ng ama niya ang kanyang buhok. "Don't worry at sinisiguro ko na talagang wala na si Vetarie. Kaya huwag ka na mag-alala pa okay?"

Hindi maipinta ang saya ni Betania ng marinig niya ang sinabi ng ama. Agad ito yumakap sa ama at saka nag-isip siya ng maraming plano para sa buhay niya. Pinangarap niya na siya ang makita ng lahat at siya lang din ang maging paborito. Kaya naman ang dibdib ni Betania ay hindi matigil ang bilis ng tibok ng kanyang puso ng dahil sa tuwa at wala na rin ang kinaiinisan niya.

Pero ang hindi alam ni Betania ay hindi sigurado si Kristopher sa mga sagot na binitawan. Maging ito rin kasi ay duda sa nangyari sa pagkawala ng kanyang mga tauhan. Pero dahil nga limang buwan nang wala si Vetarie ay malaki rin ang tyansa na patay na ito. Hanggang sa isang abandonadong bahay ang tinigilan nila. Si Betania at Kristopher ay pumasok sa loob at isang masaganang bati ang natanggap nila mula sa mga tao sa loob. 

"Lady Betania and boss Kristopher, welcome back." 

Masayang umiikot-ikot si Betania habang pa-akyat sa isang kwarto at si Kristopher naman ay biglang naging seryoso ang mukha. Sumunod sa kanya ang ilan niyang tauhan na binigyan niya ng mataas na ranggo. Ito ay lumayo sa kwarto kung saan nandoon ang anak na si Betania. 

Ayaw ni Kristopher na marinig ito ng anak lalo na't kilala na niya ito at talagang hindi sila nagkakalayo ng ugali. Mabilis itong mainis at marami rin itong kinaiinisan at ayaw sa paligid. Kaya isa na rin 'yon sa gusto ni Kristopher sa anak at bakit niya ito paborito. Sapagkat nakikita ni Kristopher ang sarili niya kay Betania at nararamdaman niya na ito talaga ang karapat-dapat sa kayamanan na ipamamana sa kanya ni Kolton.

"Boss, nakatanggap po kami ng tawag mula sa taas at hanggang ngayon daw po ay wala pa rin balita. Ang suspensya nila ay talagang patay na si lady Vetania."

Hindi sumagot si Kristopher sa kanyang narinig at seryoso lang ang kanyang mukha na nakatingin sa isang bahay. Ang kajyang kamay ang nakasuot sa bulsa ng kanyang pants at 'yon din naman ang nasa isipan niya. 

Kaso tulad ng anak niya ay hindi rin siya mapakali dahil kung buhay pa ang isa niyang anak ay maaaring mawalan din siya ng mana at tanging kay Vetarie lamang mapunta ang kayamanan na ipapamana ng ama niyang si Kolton. Dahil sa inis na naramdaman ni Kristopher ay agad niyang nakusot ang suot na mamahaling coat. Tanging kay Betania n'ya lamang nais mapunta ang lahat at hindi para kay Vetarie. Kaya naman siya ay agad na tumalikod at kinuha ang isang envelope na naglalaman ng ilang libo-libong pera. 

"I will give them another chance. Gusto ko magkaroon ng kasiguraduhan sa susunod na buwan. Alamin n'yo ang lahat ng nangyari kay Vetarie at doon sa tatlong lalaki."

Mahina lamang ang boses ni Kristopher ng sambitin ang mga kataga at tumango lamang ang kanyang tauhan at nawala na ito ng parang bula. Sa katunayan ay hindi siya pinapatulog sa gabi dahil sa tuwing siya ay mahimbing na natutulog, ang anak na si Vetarie ay palagi niyang nakikita sa panaginip at kung ano ang nangyari sa kanila bago ito mawala. Palibhasa ay hindi rin siya makasigurado dahil walang kahit na anong sign na siya ay patay na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status