LOGIN𝑇ℎ𝑜𝑟 𝑆𝑎𝑛𝑡𝑜𝑠 𝑃𝑜𝑖𝑛𝑡 𝑜𝑓 𝑉𝑖𝑒𝑤"Matteo, damn it, faster!"Halos mabasag ang boses ko sa tindi ng sigaw habang nakaupo ako sa backseat ng humaharurot na SUV. Nanginginig ang buong katawan ko—isang pakiramdam na muli kong naramdaman nang mamatay ang nakakatanda kong kapatid. Hawak ko ang duguang katawan ng asawa ko, pilit kong itinatakip ang palad ko sa dibdib niya para pigilan ang walang humpay na pag-agos ng dugo na unti-unting nagpapadumi sa mga kamay ko.𝐴𝑠𝑡𝑟𝑖𝑑... 𝑝𝑙𝑒𝑎𝑠𝑒... 𝑑𝑜𝑛'𝑡 𝑑𝑜 𝑡ℎ𝑖𝑠 𝑡𝑜 𝑚𝑒..."Boss, ginagawa ko na ang lahat! Limang minuto na lang, nasa pinakamalapit na ospital na tayo!" pabalik na sigaw ni Matteo habang pilit na ino-overtake ang bawat sasakyang humaharang sa daan. Halata rin sa boses niya ang matinding pangamba."Kuya Thor... si Ate... hindi na siya humihinga nang maayos!" umiiyak na boses ni Cris sa tabi ko. Puno ng pasa ang mukha ng bata, pero wala akong oras para aluwin siya ngayon. Ang tanging focus ng buong utak ko ay
Bago pa man tuluyang bumagsak ang katawan ko sa maruming semento ay narinig ko ang isang nakakangilong daing ng sakit."Argh!"Kasabay ng pagbagsak ko ay ang kalabog ng katawan ng misteryong lalaki. Sapul sa kanang balikat ang hayop, dahilan para mabitawan niya nang tuluyan ang patalim at mapahawak sa umaagos na dugo sa kanyang braso. Hindi pa man ako nakakabawi sa tindi ng kabog ng dibdib ko ay naramdaman ko na ang dalawang malalakas na braso na humila sa akin paitaas."Astrid! Tumayo ka, dali-dali!" sigaw ni Thor, hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin.Binuhat niya ako patayo, mabilis at sabay na tumalon sa likod ng isang makapal na sirang pader ng bodega, saktong bago pa magpaulan ng bala ang mga armadong tauhan sa paligid nakatago na kami.Nagwasakan ang mga semento sa itaas ng ulo namin. Agad akong napayakap nang mahigpit sa leeg ni Thor dahil sa matinding takot, habang siya naman ay mabilis na nagpaputok pabalik gamit ang isang kamay."Hawakan mo 'to, huwag mong bibita
Nanatiling nakatitig ang mga mata ko sa nakasulat sa papel habang ang ballpen na hawak ko ay tila ba naging kasingbigat ng isang bloke ng semento. Ang salitang Annulment ay paulit-ulit na sumasariwa sa utak ko, bawat letra ay tila sumasaksak sa puso ko."Ano... bakit ninyo 'to ginagawa?" nanginginig ang buong boses na tanong ko, hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha na pumatak mismo sa clipboard. "Walang kinalaman si Thor sa gulo natin! Bakit kailangan kong pirmahan 'to?"Isang mahigpit na hawak sa aking balikat ang naramdaman ko mula sa kanya sa likod ko. Sapat na ang diin niyon para mapasinghap ako sa sakit at takot."Huwag ka nang maraming tanong, Astrid. Pumirma ka na lang kung gusto mo pang makitang humihinga ang kapatid mo," mariing bulong niya. "Ang amo ko ang nagtakda ng larong ito, at wala ka sa posisyon para makipagnegosasyon."Tumingin ako sa paligid—sa mga armadong lalaking nakatipon, sa bakas ng dugo sa sahig, at muli, sa dokumentong tatapos sa relasyon namin n
Nawalan ng lakas ang mga binti ko, ngunit pinilit kong nanatiling tumayo nang tuwid habang ang salamin ng kotse ay tuluyang bumababa. Ang marahang ugong ng makina ng sasakyan ay tila ba isang babala na sa oras na humakbang ako papunta doon, wala na akong balikan."Pumasok ka na, Astrid," malamig na utos niya mula sa loob. Hindi ko maaninag nang buo ang mukha niya dahil sa dilim, ngunit ang boses na iyon—ang bawat diin at lamig niyon—ay ang bawat letrang narinig ko sa cellphone kanina. "Huwag nating sayangin ang oras. Alam mo kung anong nakataya."Sinulyapan ko ang aming gate. Sa itaas ng balkonahe, madilim ang kwarto namin ni Thor. May bahagi ng isip ko ang sumisigaw na bumalik, gisingin si Thor, at hayaan siyang protektahan kami. Gusto kong magsumbong at sabihin sa kanya na nasa peligro ang nakakabata kong kapatid. Ngunit ang boses ni Cris na nagmamakaawa at umiiyak ang mas lalong umalingawngaw sa sistema ko, alam kong hindi niya pwedeng malaman dahil tiyak na mawawalan ng buhay ang
Nanatiling nakatitig si Thor sa kalsada, ngunit ramdam ko ang panginginig ng kanyang mga kamay sa manibela. Ang bawat segundong lumilipas nang walang sagot ay parang isang taon sa akin. Ang kaba sa dibdib ko ay hindi na maipaliwanag—parang bawat tibok ng puso ko ay sumasabay sa takbo ng sasakyan, mabilis at mapanganib."Please Thor, I want to know the truth..."Mabilis siyang sumulyap sa akin bago ibinalik sa kalsada ang tingin. "M-Mahal, sa bahay na lang tayo mag-usap.""Bakit hindi pa ngayon?" giit ko, hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa tindi ng emosyong naghahalo sa dibdib ko. "Gusto kong malaman ngayon na. Anong alam mo, Thor? Bakit tila may hawak kang alas laban sa sarili mong ama?"Narinig ko ang mabigat na pagbuntong-hininga ni Thor. Hinigpitan niya ang hawak sa manibela, at bakas ang matinding hirap sa kanyang mukha habang pilit na iniaayos ang kanyang sasabihin."Astrid, please..." pagsusumamo niya, ang boses niya ay gumaralgal na rin. "Masyadong malalim a
Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ni Thor na nakakuyom nang napakahigpit sa aking baywang. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang buong katawan, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa nagpupuyos na galit na pilit niyang sinusupil sa harap ng aming anak.Imbis na humakbang paalis tulad ng binalak namin kanina, dahan-dahang binitawan ni Thor ang pagkakahawak sa akin. Iniharap niya ang kanyang buong katawan kay Tony. Ang kanyang tindig ay napuno ng awtoridad, tila ba tuluyan nang naglaho ang imahe ng isang anak na sumusunod sa kanyang magulang, at ang natira na lang ay ang isang lalaking handang pumatay para sa kanyang pamilya.Isang hakbang ang ginawa ni Thor palapit sa kanyang ama, sapat para magkatapat ang kanilang mga mukha."Uulitin ko sa iyo, Dad... Huwag mo akong subukan," mababa, mariin, at tila nanggagaling sa kailaliman ng lupa ang boses ni Thor. Ang bawat salita niya ay may tonong nagbabanta na nagpatahimik maging sa mga bulungan ng mga tao sa paligid. "Huwag mong ubusin ang pasen







