LOGINAlexandra POV Matapos ang mga laro, nagsimula naman ang program ng Family Day. Isa-isang umaakyat ang mga bata sa entablado kasama ang kanilang mga magulang. May sumasayaw. May kumakanta. May nagkukuwento. At habang pinapanood ko ang mga iyon, napansin kong lalong kinakabahan si Rhenfield. "Baby?" Napalingon siya sa akin. "Ano po?" "Bakit parang kinakabahan ka?" Napakagat siya sa labi. At saka sumulyap kay Rhenan. "Wala po." Ngunit halatang-halata na nagsisinungaling siya. Napangisi tuloy si Rhenan. "Champ." Mababang sabi nito. "Opo?" "Anong binabalak mo?" Nanlaki agad ang mga mata ni Rhenfield. "Wala po!" Mas lalo tuloy kaming naghinala. --- Ilang minuto pa ang lumipas. Hanggang sa marinig namin ang boses ng emcee. "And now, our next presenter..." Napalingon ang lahat sa entablado. "Rhenfield Villareal." Agad na pumalakpak ang mga tao. Habang si Rhenfield naman ay naglalakad papunta sa stage. Nagtataka kaming dalawa ni Rhe
Rhenan POV Pagkauwi namin sa bahay, hindi pa rin maalis sa isip ko ang drawing ni Rhenfield. Nakapatong iyon ngayon sa ibabaw ng mesa sa study room ko. Ilang beses ko na itong tinitigan. Simple lang naman. Guhit ng isang bata. Pero para sa akin... Isa iyon sa pinakamahalagang bagay na natanggap ko sa buong buhay ko. "Daddy!" Napalingon ako nang bumukas ang pinto. Si Rhenfield. May hawak na dinosaur. "Busy ka po?" Napangiti ako. "Para sa'yo? Hindi." Agad siyang tumakbo papasok. At umakyat sa kandungan ko. Parang matagal na niya itong ginagawa. Na para bang hindi kami nawalan ng limang taon. "Daddy." "Hmm?" "Masaya ka po ba?" Napakunot-noo ako. "Bakit?" Kibit-balikat siya. "Curious lang." Napatawa ako. Mana talaga sa nanay niya. Mahilig magtanong. Tinignan ko ang drawing sa mesa. Pagkatapos ay ang anak ko. At saka ako tumango. "Oo." Ngumiti siya. "Ako rin po." At saka niya niyakap ang leeg ko. Mahigpit. Napapikit
Rhenan POV Nanatili kaming tahimik sa loob ng ilang segundo matapos akong yakapin ni Alexandra. Hindi ko rin inaasahan iyon. Sa totoo lang, matagal na panahon na rin simula nang magkaroon kami ng ganitong katahimikan na hindi puno ng galit o sama ng loob. Marahan siyang kumalas sa yakap. Namumula ang kanyang mga mata. At halatang nahiya sa ginawa niya. "Sorry." Mahina niyang sabi. Napailing ako. "Wala kang dapat i-sorry." Muli niyang tiningnan ang singsing. Parang hindi pa rin siya makapaniwala. "Totoo ba ito?" Napangiti ako nang bahagya. "Hindi naman ako nagbibigay ng pekeng singsing." Napatawa siya. At sa pagkakataong iyon, parang bumalik ang dating Alexandra. Iyong masayahin. Iyong hindi pa sugatan ng nakaraan. At hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Pagdating namin sa opisina, agad kaming sinalubong ni Diego. "Good morning, Sir." "Good morning, Ma'am." Ngunit bago pa kami makalayo, napansin ni Diego ang singsing sa daliri ni Alexan
Alexandra POV Nagulat ako pagkagising ko kinabukasan. Marahan akong bumangon mula sa kama at agad na napansin ang isang malaking bouquet ng mga bulaklak sa ibabaw ng desk sa kuwarto namin ni Rhenfield. Nanlaki ang mga mata ko. Dahan-dahan akong lumapit. Napakaganda ng mga bulaklak. Sariwa. At halatang pinag-isipan. Napansin ko ang maliit na card na nakasabit dito. Kinakabahan kong kinuha iyon. At agad kong nakilala ang sulat-kamay. Si Rhenan. "I want to start a new life with you and our son." "— Rhenan" Napakagat ako sa labi. Biglang nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang namuo sa aking mga mata. Hindi ko napigilang mapaupo sa gilid ng kama habang mahigpit na hawak ang card. Sa loob ng maraming taon... Pinangarap ko ito. Pinangarap kong mapatawad niya ako. Pinangarap kong magkaroon kami ng pagkakataong magsimula muli. At higit sa lahat... Pinangarap kong makita niya ako hindi bilang taong sumira sa buhay niya. Kundi bilang bahagi ng p
Alexandra POV Tahimik ang buong restaurant. Parang walang gustong magsalita pagkatapos ng pag-amin ni Maui. Ako naman ay hindi pa rin makapaniwala. Paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang sinabi niya. "Ako ang gumawa ng sulat." "Ako ang dahilan kung bakit umalis ka." Pakiramdam ko ay bumabalik ang lahat. Ang mga gabing umiiyak ako habang yakap ang tiyan ko. Ang takot na baka mahanap kami ni Rhenan. Ang mga taon ng pagtatago. At ang limang taong lumaki si Rhenfield na walang ama. Dahil sa isang kasinungalingan. "Bakit, Maui?" Nanginginig kong tanong. "Hindi ba sapat na nasira na ang buhay namin noon?" Napayuko siya. At sa unang pagkakataon simula nang makilala ko siya... Mukha siyang pagod. Talagang pagod. "Nasasaktan ako." Mahina niyang sagot. "Pero hindi ko iyon dahilan." Tumulo ang luha niya. "Alam ko." Tahimik na nakikinig si Rhenan. Walang emosyon ang mukha. Ngunit alam kong galit siya. Sobra. "May isa pa akong gustong malama
Alexandra POV Hindi ko na masyadong inisip ang sinabi ni Veronica. Pinilit kong ituon ang isip ko sa trabaho. Pero sa totoo lang... Paulit-ulit pa rin itong bumabalik sa isip ko. "Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso para sa isang bagay na personal." Napailing ako. Hindi ko dapat bigyan ng kahulugan iyon. Lalo na't malinaw naman ang napag-usapan namin ni Rhenan. Nagpapakasal kami para kay Rhenfield. Para sa pamilya. Hindi para sa kung ano pa man. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Yaya Rita. Sinagot ko agad. "Hello?" Ngunit bago pa makapagsalita si Yaya Rita, isang pamilyar na boses ang sumigaw mula sa kabilang linya. "Mommy!" Napatawa ako agad. "Ano na naman iyon?" "Miss na kita." Reklamo agad ni Rhenfield. "Kakaalis mo lang." "Matagal na po iyon." Napailing ako. Mana talaga sa ama niya. "Kumain ka na ba?" "Opo." "At nag-aral?" "Konti." Napataas ang kilay ko. "Konti?"
Alexandra POV Pagkaalis ni Rhenan ay tahimik akong kumain ng almusal. Paminsan-minsan ay napapahawak ako sa tiyan ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na may maliit na buhay na nabubuo sa loob ko. At higit sa lahat... Hindi pa rin ako makapaniwala na hanggang ngayon ay wala pa ring alam si Rh
Alexandra POV Tahimik ang buong silid. Akala ko ay nakatulog na si Rhenan. Nakapikit na rin ako nang marinig ko ang mahina niyang boses sa dilim. “Alex.” Napadilat ako. “Ano?” Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Parang pinag-iisipan niya kung itutuloy ba niya ang sasabihin. Hang
Alexandra POV Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Puting kisame ang unang sumalubong sa akin. Kasunod noon ay ang amoy ng ospital. Napakurap ako nang ilang beses bago tuluyang luminaw ang aking paningin. At doon ko nakita ang isang pamilyar na mukha. “Jas?” Nanlaki ang mga mata ko
Alexandra POV Tahimik akong nakatayo sa gitna ng opisina. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Pakiramdam ko, anumang sabihin ko ay hindi sapat para burahin ang mga sugat na iniwan ko sa kanya. “Rhenan...” Mahina ang boses ko. Ngunit hindi siya lumingon. Nakatayo lamang siya sa harap







