LOGINBalot ng makapal na puting gasa ang pulso ni Wendy, ngunit mabilis na gumagapang doon ang sariwang patak ng dugo. Pulang-pula. Ramdam ang bawat tibok ng sugat.
Alam ni Lia ang larong ito. Noong magkasama pa sila, paulit-ulit na ginamit ni Wendy ang pagpapakamatay at paglalaslas para gabi-gabing gapusin si Adrian sa tabi nito. At ang lalaki naman, sa takot na tuluyang matuluyan ang nobya, ay walang pag-aalinlangang pinili si Wendy, at itinapon si Lia sa pamamagitan ng isan
Mas lalong nagdilim ang mukha ni Adrian sa narinig. Ang multo ng nakaraan noon ay tila marahas na bumalik sa kanyang alaala.Para sa kaligtasan ni Wendy, bulag niyang inihain ang divorce kay Lia. Hindi lang niya basta iniwan ang asawang walang ibang ginawa kundi mahalin siya; muntik na rin niyang mapatay ang sarili niyang anak na babae.Nang mag-krus ang lahat ng lason na ito sa kanyang utak, mariing nagngalit ang mga ngipin ni Adrian. "Ihanda mo ang kotse," utos niya sa assistant gamit ang boses na tila nanggagaling sa kailaliman ng lupa.Pagkalipas ng ilang minuto, marahas na itinulak ni Adrian ang naglalakihang pinto ng mansyon.Sinalubong agad siya ng nakayapak at humihikbing mukha ng kanyang ina. "Adrian! Dalawang beses itinaya ni Wendy ang buhay niya para lang maligtas ka! Dahil doon, hindi na siya makakasayaw... nawalan pa siya ng karapatang maging ina! Aling babae ang hindi mababaliw sa ganit
Nayanig ang buong media nang tuluyang ilabas ni Adrian ang kanyang opisyal na pahayag.Walang pasubali niyang inamin sa harap ng publiko na ang wedding dress ay isang pribadong obra ni Lia Cruz, at hindi isang damit na ipinasadya niya para kay Wendy. Humingi siya ng paumanhin sa paglabag sa copyright at nag-alok ng kaukulang danyos para sa pinsalang idinulot nito.Dahil dito, ang mga komento at usap-usapan ay muling sumabog na parang bulkang nag-alboroto. Ngunit higit sa iskandalo, ang napakalaking halaga ng kompensasyon na ibinigay ni Adrian ang pumukaw sa interes ng lahat tungkol sa pambihirang talento ni Lia sa pagdidisenyo.Sa loob lang ng ilang oras, ang mga kilalang haligi at unibersidad sa mundo ng fashion ay nagsimula nang mag-unahan na kontakin si Lia sa pamamagitan ng iba't ibang channels.Ngunit habang nakatitig sa baha ng mga pribadong mensahe sa kanyang cellphone, walang ibang naramdaman
Nang marinig iyon, buong lakas na itinulak ni Zoe si Bruce palayo. Marahas itong lumapit at kinuwelyuhan si Adrian. Matangkad si Zoe at mas lalo na ngayon dahil sa boots na suot nito kaya magkapantay lang ang mata nila."Adrian, huwag mong isiping natatakot ako sa 'yo! Isinilang ni Lili ang mga anak mo, pero iniwan mo siya noong mga oras na kailangan ka niya! At ngayon, ibinigay mo pa ang obra niya sa kutong ‘yan?! Sa mga kasalanan mo pa lang na 'yan, kulang ang kalahating oras na bugbog sa 'yo!"Itinaas ni Zoe ang kanyang kanang kamay, handang ilapat ang isang malakas na suntok sa mukha ng bilyonaryo.Napapikit na lang si Bruce sa takot. Mula pagkabata, lahat ng taong nagtangkang magbuhat ng kamay kay Adrian ay nagtamo ng hindi mabilang na ganti at kalunos-lunos na katapusan. Tahimik na lang siyang nag-alay ng panalangin para sa kaluluwa ni Zoe.Ngunit lumipas ang ilang segundo, walang tunog n
Sa litrato, nakaupo si Wendy sa isang coffee shop kasama ang isang estranghero. Pero hindi ang mukha ng lalaki ang bumasag sa konsentrasyon ni Adrian, kundi ang tattoo ng ulo ng lobo na nakabandera sa braso nito.Biglang umalingawngaw sa isip niya ang babala ni Bruce noon, ang markang iyon ang simbolo ng mga miyembro ng dayuhang mafia.Ibig sabihin, may koneksyon si Wendy sa sindikato.Nang pumasok sa utak ni Adrian ang posibilidad na ang grupong ito ang may gawa sa nangyari sa kanang kamay ni Lia, unti-unting namuti ang kanyang mga daliri sa higpit ng pagkakahawak sa larawan. Lumabas ang nagngangalit na ugat sa kanyang braso. Agad niyang dinial ang numero ni Bruce."Nasaan ka?" matigas niyang tanong pagkasagot pa lang ng linya.Bakas ang gulat sa boses ni Bruce sa kabilang linya. "Nasusunog na ang sarili mong bakod ngayong naisasapubliko palang ang pagtungtong niyo sa global
Habang nakatitig sa mag-iina na tuluyan nang napatawad ang isa't isa, nakaramdam si Adrian ng isang hindi maipaliwanag na emosyon. May kaunting luwag, ngunit mas nangingibabaw ang lungkot. Ang buong pamilya nilang apat na sana’y pagsusumikapan niyang bawiin, ay nalulusaw sa kanyang harapan. Ang kaligayahang abot-kamay na niya sana ay winasak niya nang tuluyan.Naisip niya, wala nang mas tanga pang lalaki sa mundo kaysa sa kanya. Hawak na niya ang pinakamagandang baraha, ngunit winasak niya ang sariling laro. Ngayon, nalalasahan na niya ang mapait na bunga ng pag-iisa at pagka-ulila na ipinaranas niya kay Lia noon. Doble ang balik ng karma sa kanya; ito ang nararapat sa kanya, at wala siyang karapatang magreklamo.Gusto niyang humakbang, gusto niyang sumali sa yakap ng tatlo at maranasan ang init ng isang pamilya. Ngunit ilang beses man niyang sinubukang itaas ang kanyang kamay, nanatili itong nakalaylay sa gilid. Alam niyang wala nang
Isang pilit at sarkastikong tawa ang kumawala sa mga labi ni Lia."Adrian, sa tingin mo ba bobo ba ako para utuin mo ulit?" Malamig ang boses niya, ngunit bawat salita ay may talim na humihiwa sa hangin. "Sa loob ng apat na taong pagsasama natin, pumasok ba kahit isang beses sa isip mo ang pakasalan ako sa harap ng altar? Hindi, 'di ba? Ang tanging inatupag mo araw-araw ay kung paano ako gagamitin at kung paano ako tuluyang palalayasin sa pamilya Serano. Ayoko na sanang magtanim ng galit sa nakaraan, pero sumobra ka na. Sinira mo ang limitasyon ko, at titiyakin kong hindi ka makakalusot ngayon."Nang magtagpo ang kanilang mga mata, halos mapaurong si Adrian sa lalim ng poot na nakita niya sa mga mata ni Lia. Para siyang sinaksak ng kutsilyo diretso sa kanyang puso.Nang magsalita siya, gumaralgal at tuluyang napaos ang kanyang boses. "Lia... handa akong makipagtulungan sa kahit anong gusto mong gawin para maayos 'to. Per
Pagkalipas ng kalahating oras, isang pamilyar na sasakyan ang dahan-dahang huminto sa tapat ng villa. Bitbit si Bunbun sa kanyang mga bisig, mabilis na humakbang si Lia palabas ng lobby.Nang mamataan ang pigura ng lalaki na nakatayo sa tapat ng malaking gintong pinto, mabili
Bago tuluyang mahiga sa gabi, muling kinuha ni Lia ang temperatura ni Noah. Nang makitang bumalik na ito sa normal, bahagyang sumimangot ang bata sa matinding inis.Hindi niya napigilang bumulong sa kanyang sarili habang nakatitig sa kisame. Bakit ba mabilis humupa ngayon?Kad
Inakala niya noon na sadyang madaling kausap at nakauunawa lang si Lia, at naghanda pa nga siya ng ilang plano kung sakaling magwala ito o gumawa ng gulo. Ngunit hindi niya akalain na mabilis itong pumayag dahil tuluyan nang nadurog ang puso nito.Mariing ikinuyom ni Adrian a
Subalit sa loob ng apat na taon na iyon, kailanman ay wala siyang natanggap na kahit isang tawag mula sa kanyang biyenan. At sa tuwing namimiss niya ang anak at siya ang palihim na tumatawag sa villa, ang palaging isanasagot ng matanda ay kung hindi ito tulog, sadyang wala ito sa loob ng bahay. I







