Thank you for supporting Kara and Marco. Thank you rin sa patuloy na nagbibigay ng gems!
Alas diyes na ng gabi pero wala pa ring hinto ang mga tawag kay Marco. Kung hindi mula sa abogado ng Manila Office ay ang assistant niyang si Enrique at ang inang si Mitch ang salitan niyang kausap sa telepono.Pagkuwan ay binitbit nito ang kanyang laptop sa loob ng maliit na silid at ngayon naman ay nasa online meeting app kausap ang legal at editorial department ng Manila Office.“Hindi tayo chismis magazine, saan nanggaling ang issue na iyan?!” mataas ang boses na tanong ni Marco.Rinig na rinig ang boses ng lalaki kahit nasa loob siya ng small room. Pumitlag pa sa gulat ang anak na natutulog mabuti na lamang at hindi tuluyang nagising.Hindi na nakatiis si Kara at sinilip na ang mister sa loob ng silid. Mula sa atensyon sa laptop ay napaangat ang tingin ni Marco sa asawa at ang salubong niyang mga kilay ay biglang naunat.“You need something, wifey?” mabilis niyang tanong.“Lower your voice, hubby. Nasa ospital tayo, muntik nang magising ang anak mo sa lakas ng boses mo. Baka mama
Napahagalpak nang tawa si Kara sa narinig na exaggerrated na pagsasabi ng I love you ni Marco sa kanya. “Bakit times your networth?” curious niyang tanong sa asawa.“‘Yung kanta kasi I love you 3,000 pero ako I love you times my networth,” nakangiting sagot ni Marco.Natatawa si Kara sa kalokohan ng lalaki. “Bakit gaano na ba kalaki ang networth mo?”“Secret,” nakakalokong sabi ni Marco.“Huwag na nga! Hindi naman ako interesado sa yaman mo,” seryosong sabi ni Kara na bumitaw na sa pagkakahawak ni Marco pero hindi siya pinawalan ng lalaki.“I’ll take note of everything na nakikitang ugali mo para hindi kita sasabayan,” nakangiting sabi ni Marco. “Selosa na matampuhin…”Hindi natapos ni Marco ang sasabihin nang makitang nanlaki ang mga mata ni Kara at parang maiinis sa sinabi ng asawa. Kaya mabilis niyang hinalikan ang labi nito para pigilan na naging effective naman dahil natahimik ang babae. Ngumiti nang bahagya ang lalaki at saka bumulong. “When you left more than two years ago… m
Siniguro ni Kara na maayos ang pagkakaupo niya sa kama at saka napahawak sa kanyang buhok para ayusin ito sa pag-aalalang nagulo ito nang husto habang si Marco naman ay nagtatatalon sa likod ng pinto para paliitin ang galit na galit pa ring pagkalalaki ngunit bigo siya. Gustong matawa ni Kara sa hitsura ng lalaki pero napahinto siya nang bumukas ang pinto at iluwa noon ang food server dala-dala ang rasyon ni Kyros at inilapag iyon sa round table kung saan puwede kumain ang bantay ng pasyente. Bahagya pang yumukod ang food server nang makita si kara na nakaupo sa loob ng silid bago lumabas at maingat na isinara ang pinto. Napatayo si Kara sa kama para silipin ang anak na mahimbing pa ring natutulog. Nagulat na lamang siya ng bigla siyang hilahin ni Marco papasok ng silid at siniil siya ng halik. Nagmamadali ang mga iyon at halatang sabik na sabik habang bumababa sa kanyang leeg.“Marco, baka may kumatok ulit. Mabibitin ka lang...” Pero hindi na natapos ni Kara ang sasabihin nang mar
Padabog na naupo si Kara sa upuan sa tabi ng kama ng anak at saka masungit na tiningnan ang asawa. Nagsimulang kabahan si Marco sa tingin na iyon ng babae. Para kasi itong tigre na anumang oras ay sasakmalin siya sa sobrang inis.“Subukan mo lang na tawagan ang babaeng iyan,” halos pabulong pa niyang banta sa lalaki. Napatiimbagang si Marco sa pagkakaipit sa sitwasyon. Sa unang pagkakataon hindi niya madadamayan si Nickelle kung kailan trabaho ang pinag-uusapan.Binuksan niya ang kanyang phonebook at saka hinanap ang numero ng manager ng legal department sa Manila. Hahakbang sana siya palabas ng pinto nang marinig na nagsalita ang misis.“Ahh sa labas mo kakausapin para hindi ko malaman…” Napahinto siya sa paglalakad at napapikit. Pagkuwan ay naglakad pabalik sa couch pero nanatili siyang nakatayo at hinihimas ang baba habang naghihintay na masagot ng abogado ang kanyang tawag.“Atty. Daniel, the editorial department has just received a subpoena for a libel case,” bungad ni Marco pa
Nagsalubong ang mga kilay ni Marco sa tawa ng kanyang misis. Hindi niya mapigilan ang mapikon. Mahal na mahal niya ang babae at alam niyang nasaktan niya ito nang sobra pero mahigit isang buwan na silang magkasama ulit at hanggang yakap at simpleng halik lang ang puwede niyang gawin sa asawa. Ilang beses nang nagwawala ang pagkalalaki niya at sumasakit na lang lagi ang puson niya sa pagpipigil.“Ayaw mo bang subukan ang suggestion ni Dr. Moore?” kunot-noong sabi ni Marco at ayaw ipakitang napipikon na sa kanyang misis.Pinagtikom ni Kara ang kanyang mga labi para supilin ang pagtawa, napansin kasi niyang napikon ang asawa pero hindi pa rin talaga niya napigilan ang matawa muli. Tatalikuran na sana siya ni Marco pero hinabol niyang inabot ang braso nito.“Sorry! Natatawa ako kasi nai-imagine ko na dumedede ka nga sa akin. Baka mabusog ka sa gatas ko?” napahagikgik pang sabi ni Kara at saka muling pinagtikom ang mga labi kahit na nakangiti pa rin nang makitang seryoso pa rin ang mukha
Nahihiyang napatingin si Marco sa asawa na sandaling natulala sa inasal ng kanyang mga magulang.“Sorry about that. My parents’ love story is unusual.” Pinagtikom ni Marco ang kanyang mga labi.Ngumiti nang matamis si Kara. Sa isang iglap kasi ay nasagot halos lahat ng katanungan niya kung paano naging magkapatid sina Marco at Amari.Habang napatda naman si Marco dahil mula nang mahanap niya ang kanyang misis ay ngayon lamang ito ngumiti nang ganito ang babae pero alam niyang hindi para sa kanya ang ngiting iyon. “Sabi mo sa akin noong ipinakilala mo sa akin si Nana Selina, may boyfriend siyang iniwan sa Pilipinas at mas pinili kang makasama rito sa US. Totoo ba iyon o talagang may relasyon na sila ni Papa Roger?” pagkuwan ay naalala ni Kara.“Ang alam ko may boyfriend dati si Nana. Sinusundo kasi siya noon tuwing dayoff niya at ilang beses ko na rin na-meet dahil minsan sumusulpot na lang iyon kapag nasa mall kami dahil may kailangan akong bilhin,” kwento ni Marco. “I don’t know abo