MasukUnti-unting nilalamon ng dilim ang paligid. Tanging liwanag mula sa bahay at liwanag ng buwan ang nagbibigay ng liwanag sa mga puno. Kung mag-isa ako rito, malamang ay matatakot ako.Pero kahit ganoon, surprisingly, cozy pa rin sa pwesto ko.Nakaupo ako sa isang malapad na banig na parang lounge bed, sapat para maprotektahan ako mula sa malamig na hangin. May unan sa likod ko at manipis na kumot na nakapatong sa gilid.Komportable ako.Siguro dahil sa tahimik na paligid.O baka dahil alam kong babalik naman si Enzo.Lumipas ang mahigit labinlimang minuto.Pero hindi pa rin siya bumabalik.Papasok na sana ako sa bahay para doon na lang hintayin si Enzo nang makarinig ako ng kakaibang tunog mula sa kabilang bahagi ng patio.Crack.Parang may nabaling sanga.Napatingin ako sa direksiyong pinanggalingan ng tunog.Baka hayop lang na gumagala-gala.Hindi ko na sana iyon papansinin, pero ilang segundo lang ang lumipas nang muli akong makarinig ng ingay.Mas malakas na ngayon at pakiramdam ko
Hindi ko maiwasang matakot sa kung ano ang pwedeng mangyari bukas. Alam kong hindi magiging madali ang lahat, lalo na dahil alam kong malaki ang pagitan ng edad namin ni Enzo.Alam ko kung ano ang ibig sabihin no’n. Alam kong mas marami siyang karanasan sa buhay kaysa sa akin. Alam kong may mga taong magtatanong kung tama ba ang pinili ko. At alam kong maraming bagay ang kailangan kong harapin kapag pinili kong manatili sa tabi niya.Pero kahit alam ko ang lahat ng iyon, gusto ko pa rin siya.Hindi ko man maipaliwanag nang maayos kung kailan nagsimula o kung paano naging ganito kalalim ang nararamdaman ko, sigurado ako sa isang bagay—hindi ko gustong umatras.Natatakot ako, oo.Pero hindi ako nagdadalawang-isip tungkol kay Enzo.“Please?”Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Marahan akong tumango, this time without hesitation.Halos umabot hanggang tainga ang ngiti niya bago niya ako muling hinalikan. Dumaan ang kamay niya sa buhok ko bago marahang humawak sa batok ko, habang ang isa nam
"Where do you see yourself a few years from now?"Nabigla ako sa tanong niya.Sa totoo lang… hindi ko alam. Kahit yata itaktak niya ako ngayon, baka wala akong maisagot sa kanya. Wala pa akong idea sa mga pwedeng mangyari. Hindi ko pa rin alam kung matutupad ba ang gusto ko. “Hindi ko alam eh…” Bahagya akong tumungo. “Siguro kapag nakapagtapos ako, maghahanap ako ng trabaho sa village.” “Sa village?” Gulat niyang tanong. “Oo. Bakit hindi? Maganda naman do’n. At saka, magandang lugar ‘yon para makapagsimula ulit.” Bahagya akong napangiti habang iniisip iyon.“Pwede akong mag trabaho sa village—kahit ano—basta’t kailangan ko na muna makapagtapos at hintayin si Ethan lumaki.” “Bakit ba palaging kasama si Ethan sa mga plano mo?” Natigilan ako.Oo nga ‘no. Ngayon ko lang na-realize na kasama na pala sila sa plano ko. Kahit hindi ko alam kung gusto ba nilang makasama sa plano ko, isinasama ko pa rin sila. “Simula nang tanggapin mo ako sa hacienda, marami akong natutunan. Pakiramdam
Dumating kami sa beach house na halos dalawang oras ang layo mula sa hacienda. Pagdating namin, nakangiti kaming sinalubong ng mag-asawa. Sabi ni Enzo, caretaker daw sila ng lugar at dito na rin nagkaroon ng pamilya. “Magandang hapon po, Ma’am, Sir! Nako, buti naman po at nakadalaw kayo dito sa amin.” Nakangiting sabi sa’min no’ng lalaki habang nakayakap naman sa braso niya ang kanyang asawa. “Hinding-hindi po kayo madidismaya sa ganda ng dagat dito,” sabi naman ng mahinhin niyang asawa. Lumapit pa ito at ngumiti sa akin. Habang si Enzo naman ay agad na inakbayan si manong. Mukhang close sila. Ipinakilala ako sa kanila ni Enzo. Sila pala si Kuya Elo at Ate Sally. Ipinakilala rin ni Enzo ang kaisa-isa niyang anak na si Ethan. Agad nahulog ang loob ni Ate Sally kay Ethan, at ilang minuto pa lang ay karga na niya ito. Pagkatapos, itinuro naman niya sa akin ang magiging kwarto ko, na katabi mismo ng kwarto ni Enzo. Napaka-friendly ni Ate Sally at parang ang dali niyang pakisam
Nang matapos kami ni Ethan sa pag-aayos, inilagay ko na siya sa stroller at agad na lumabas ng suite. Habang naghihintay kami sa elevator, biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Enzo. Sa tono ng boses niya sa kabilang linya, mukhang inip na inip na siya kakahintay sa akin.Buti na lang sumakay na kami sa elevator kaya’t naputol na ang tawag. Nang makarating kami sa rooftop, hindi ko maiwasan mapatungo at mailang dahil nililingon ako ng mga tao. Kahit mga babae ay napapalingon sa akin at sinasaway pa ang mga kasama nilang lalaki na hindi rin maiwasan na mapatingin sa akin. Pangit ba ang suot ko?Bakit nila ako tinitingnan? Hindi ba bagay sa akin ang kulay ng buhok ko? Sobrang sosyal ng lugar kaya medyo nahihiya ako pero wala akong choice dahil ayoko rin naman mapagalitan ako ni Enzo. Palinga-linga ako sa paligid dahil hindi ko maiwasan na mamangha sa ganda ng mga muebles dito. Halos masilaw din ako sa mga hikaw at kwintas ng mga babaeng lumalampas sa harap ko. Ang gaganda nila
Nakasakay si Ethan sa stroller habang itinutulak ko siya sa loob ng mall. Mahimbing pa rin ang tulog niya habang paikot-ikot akong naghahanap ng mga damit na babagay sa kanya. May mga nabili na ako para sa kanya kaya hindi na ‘ko masyadong nagmamadali.Apat na oras lang ang binigay niya sa’kin at may halos tatlong oras pa ‘kong natitira.Habang naglalakad ako, biglang may babaeng lumapit sa’kin. Balingkinitan na babae, makapal at mataray ang mga kilay, pulang-pula rin ang kanyang mga labi. Agad niyang ipinulupot ang kanyang braso sa akin na para bang kilala niya ako.“Hello, Ma’am! Baka gusto mong magpakulay ng hair? For something new…”Bago pa ako makasagot, hinawakan na niya ang buhok ko at bahagyang pinadaan ang mga daliri niya rito.“Nako, nagmamadali po kasi kami,” sabi ko, sabay tingin kay Ethan.“Kaya ’yan ng two hours, Ma’am. Halika, pasok tayo.”Marahan niya akong hinila papasok ng salon habang kinakausap pa si Ethan kahit tulog ito. Hindi ko na rin alam kung paano tatanggi,







