LOGINNang makaalis ang lolo ni Megan ay napatulala na lang siya sa sala. Hindi pa rin nakakauwi ang mga kaibigan niya. Pinapasok na muna nila si Ethan sa kwarto nila para makapag-usap silang magkakaibigan.Naupo si Bianca sa kaharap na sofa ni Megan.“Mabuti naman at buhay pa ang lolo mo at may natitira ka pang family member. Kaya pala sagad sa buto ang kasamaan ng stepmother mo dahil wala siyang karapatan sa yaman ng pamilya niyo. Ikaw pala talaga ang totoong tagapagmana ng Sinclair. Anong plano mo ngayon?” Tanong ni Bianca.Humugot naman ng malalim na buntong hininga si Megan. Kahit papaano ay kalmado na ang isip niya dahil hindi niya lang laban ito. May kasama na siya na haharapin ang kasamaan ng stepmother niya.“Magsasampa ng kaso sa kaniya.”&ldquo
“Sigurado ka ba? Si Mariel ang nagbigay sayo ng mga ebindensya laban sa sarili niyang ina? Hindi ka ba niya niloloko lang para pagkatiwalaan mo siya at paniwalaan mo?” Hindi makapanilang saad ni Arnaldo.“Sandali lang po, lo. Kukunin ko lang sa kwarto ko ang mga ibinigay niya sa akin. Magmeryenda ka na po muna.” Aniya saka siya umalis at nagtungo ng kwarto niya.Inililibot naman ni Arnaldo ang paningin niya sa bahay ni Megan at napapangiti siya. Kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala niya dahil maganda ang buhay ng nag-iisa niyang apo. Hindi niya akalain na sasapitin ng pamilya niya ang ganitong pangyayari. Hanggang ngayon sinisisi niya ang sarili niya dahil wala man lang siyang nagawa sa nag-iisa niyang anak.Namatay lang ang anak niya sa mga kamay ng sarili nitong asawa. At ngayon na unti-unti na silang nakakaipon ng
Mariing ipinikit ni Megan ang mga mata niya saka siya bumuga ng hangin. Pinilit niya ang sarili niya na makapagfocus sa trabaho niya kahit na paminsan-minsan ay napapahinto siya. Pagsapit ng hapon ay umuwi na siya sa bahay niya. Naabutan niya naman ang dalawa niyang kaibigan. Sila pa rin ang sumusundo kay Ethan para maihatid nila ito ng ligtas sa bahay nila.“What happened to you? Bakit parang pagod na pagod ka?” Tanong ni Bianca. Pabagsak namang naupo sa sofa si Megan at bumuga na naman ng hangin. Hanggang ngayon wala pa rin siyang ginagawa. Ibinigay na ni Mariel sa kaniya ang mga ebidensya sa pagpatay sa daddy niya pero hindi pa rin siya lumalapit sa mga pulis.Hindi niya alam kung sino ang dapat niyang pagkatiwalaan. Hindi siya sigurado kung kakampihan ba siya ng mga pulis dahil nagawang bayaran ni Evelyn ang doctor ng daddy niya noon para patayin ito.“Ma’am may mga bisita po kayo—” Hindi pa man natatapos ang katulong ni Megan na magsalita nang may mga lalaking sunod-sunod na pum
Pakiramdam ni Akira ay pinipiga ang puso niya dahil sa mga binibitiwang salita ni Megan sa kaniya ngayon. Wala na ba siyang karapatan na mag-alala? Hindi niya na ba pwedeng malaman kung anong mga nangyayari kay Megan?Masyadong delikado ang ginagawang pagkilos ni Megan ng mag-isa. Paano kung wala na si Damon? Paano kung hindi sa lahat ng oras ay kaya nilang iligtas si Megan?Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Akira. Napatingala pa siya. Pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha niya. Namumula na rin ang mga mata niya at kita ni Megan ang mga yun ng tingnan siya ni Akira.“Magpahinga ka na. Galit ka lang. Pagod ka lang kaya nasasabi mo ang lahat ng yan. Babalik na lang ako bukas. Kung ayaw mong sabihin sa akin kung ano man ang mga ginagawa mo, hindi na kita pipilitin. Ang gusto ko lang ay maging ligtas ka. Huwag mong hahayaan ang sarili mo na may mangyari sayo because I’m waiting for you to come home lalo na ang anak natin. Iisipin ko na lang na hindi mo sinabi ang mga sal
Dumiretso na si Megan sa comfort room niya sa sala para makapaghilamos at mumog dahil nalalasahan niya pa rin ang asim ng suka niya. Mas lalo siyang nasusuka kapag naaamoy niya ang sarili niya.Ramdam niya pa rin ang hilo niya dahil para bang lumilipad na ang sasakyan niya kanina.“Naiwan pa yata yung kaluluwa ko.” Usal niya. Napatingin siya sa sarili niya nang makapaghilamos siya. Pakiramdam niya ay naalog ang utak niya at kapag bumangga ang sasakyan niya kanina, siguradong hindi na sila mabubuhay ni Damon sa lakas ng impact pero maswerte pa rin siya dahil nakauwi siya ng ligtas.Kalmado lang naman si Damon, mukhang sanay na sanay na itong magpalipad ng sasakyan.Nakapatong ang parehong mga kamay ni Megan sa sink saka siya mariing ipinikit ang mga mata niya. Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Kailangan niyang i-ready ang sarili niya dahil mukhang marami pa siyang haharapin na laban.Kapag pinili niyang iakyat sa supreme court ang ikakaso niya sa stepmother niya, siguradong m
Tulala pa rin si Megan at isa-isa niyang pinoproseso sa isip niya ang mga sinabi ni Mariel. Mahigpit niya ring hawak-hawak ang ebidensya laban kay Evelyn.“What did she say to you? At ano yung binigay niya sayo?” Kunot noong tanong ni Damon na nakabantay kay Megan gamit ang araw-araw niyang dalang telescope.“Maraming sinabi si Mariel sa akin tungkol sa kasamaan ng mommy niya. At hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakakamit ang hustisya para kay daddy. Hindi ko hahayaan na malaya siyang nakakapaglakad habang ang taong pinatay niya, hanggang ngayon ay nagsusumigaw ng hustisya.” May diing saad ni Megan habang nagngingitngit ang mga ngipin niya.“So, what did you find out?”“Hindi anak ni dad si Mariel at para hindi malaman ng lahat ang totoo, pinapatay ni Evelyn ang daddy ko. Sinira niya ang preno ng sasakyan ni dad at dahil hindi namatay si dad sa aksidente, may doctor siya na inutusan para patayin si dad. Ibinigay sa akin ni Mariel ‘to dahil nakita niya ang mga ‘to sa mga gamit ni Ev
Bahagyang ngumiti si Estrella dahil sa tanong ni Megan. Nagbabakasakali si Megan na macancel ang wedding nila kung siya ang gagawa ng paraan pero paano kung magalit naman sa kaniya ang stepmother niya kapag nalaman nito ang lahat ng ginawa niya?“Mga bata pa lang kayo ni Akira, ipinagkasundo na nam
Kanina pa tinatawagan ni Megan ang Ate Mariel niya pero ring lang nang ring ang cellphone nito.“Sagutin mo naman ate.” Kinakagat na ni Megan ang kuko niya habang naghihintay na sagutin ng Ate niya ang tawag niya. Inis niya itong ibinaba nang hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Isang buwan
Salitang tinitingnan ni Estrella ang dalawa. Napapakagat labi na lang si Megan dahil baka ito na ang huling araw niya sa mansion ng mga Del Valle. Sa unang kita pa lang niya sa Senyorito ng mansion ay masungit na ito at tila mainitin ang ulo. Siguradong mapapalayas na siya sa mansion at siguradong
“Limang milyon piso, okay na ba ang halagang yun para pumayag ka sa gusto ko?” Napatitig si Megan sa Ate Mariel niya. Sapat na ang limang milyon para masuportahan niya ang sarili niya sa pag-aaral. Hindi niya na kailangang magmakaawa, hindi niya na kailangang sumunod muna sa utos nila bago siya mag







