LOGINMariing ipinikit ni Megan ang mga mata niya saka siya humugot ng malalim na buntong hininga. Mabilis na naman ang tibok ng puso niya dahil sa kabang nararamdaman niya.Nasa loob siya ng sasakyan niya ngayon. Pinag-iisipan kung tutuloy pa rin ba siya sa penthouse ni Akira. Isang linggo niya na itong hindi nakakausap at nakikita. Hinihiram lang ni Akira sa kaniya ang anak nila at ibinalik din ito sa gabi.Narealize niyang masyado palang masakit ang mga binitiwan niyang salita. Nasaktan siya at hindi niya matanggap na nagawa siyang pagdudahan ni Akira pero narealize niyang sumobra rin pala ang mga nasabi niya.“What should I do?” Usal niya sa sarili niya. Nagdadalawang isip siya kung bababa ba siya para puntahan si Akira o bumalik na lang sa bahay niya at matulog na lang.“Damn it!” Inis
Tatlong lawyer ang kausap nila ngayon sa private villa na binili ni Arnaldo. Dun sila mag-uusap-usap at magkikita-kita. Ibinigay na nila sa mga lawyer ang hawak nilang ebidensya. Nang makita ng mga lawyer ang mga hawak nilang ebidensya ay napapatango-tango na lang sila.“Kulang pa ba ang mga ebidensya na yan? Ano pang kailangan naming hanapin para hindi na makakalabas ng kulungan si Evelyn at diretso na sa supreme court ang kasong isasampa namin sa kaniya?” Tanong ni Arnaldo.“Wala naman na, Mr. Sinclair. Sapat na ang lahat ng ito para makapagsampa kayo ng kaso. Sa pagbayad niya pa lang ng malaking halaga sa doctor ni Mr. Bernard ay isang malaking krimen na yun. Huwag kayong mag-alala dahil gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para mahuli si Miss Evelyn.” Sagot ng isang lawyer.Nagtinginan naman si Arnaldo at M
Nang makaalis ang lolo ni Megan ay napatulala na lang siya sa sala. Hindi pa rin nakakauwi ang mga kaibigan niya. Pinapasok na muna nila si Ethan sa kwarto nila para makapag-usap silang magkakaibigan.Naupo si Bianca sa kaharap na sofa ni Megan.“Mabuti naman at buhay pa ang lolo mo at may natitira ka pang family member. Kaya pala sagad sa buto ang kasamaan ng stepmother mo dahil wala siyang karapatan sa yaman ng pamilya niyo. Ikaw pala talaga ang totoong tagapagmana ng Sinclair. Anong plano mo ngayon?” Tanong ni Bianca.Humugot naman ng malalim na buntong hininga si Megan. Kahit papaano ay kalmado na ang isip niya dahil hindi niya lang laban ito. May kasama na siya na haharapin ang kasamaan ng stepmother niya.“Magsasampa ng kaso sa kaniya.”&ldquo
“Sigurado ka ba? Si Mariel ang nagbigay sayo ng mga ebindensya laban sa sarili niyang ina? Hindi ka ba niya niloloko lang para pagkatiwalaan mo siya at paniwalaan mo?” Hindi makapanilang saad ni Arnaldo.“Sandali lang po, lo. Kukunin ko lang sa kwarto ko ang mga ibinigay niya sa akin. Magmeryenda ka na po muna.” Aniya saka siya umalis at nagtungo ng kwarto niya.Inililibot naman ni Arnaldo ang paningin niya sa bahay ni Megan at napapangiti siya. Kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala niya dahil maganda ang buhay ng nag-iisa niyang apo. Hindi niya akalain na sasapitin ng pamilya niya ang ganitong pangyayari. Hanggang ngayon sinisisi niya ang sarili niya dahil wala man lang siyang nagawa sa nag-iisa niyang anak.Namatay lang ang anak niya sa mga kamay ng sarili nitong asawa. At ngayon na unti-unti na silang nakakaipon ng
Mariing ipinikit ni Megan ang mga mata niya saka siya bumuga ng hangin. Pinilit niya ang sarili niya na makapagfocus sa trabaho niya kahit na paminsan-minsan ay napapahinto siya. Pagsapit ng hapon ay umuwi na siya sa bahay niya. Naabutan niya naman ang dalawa niyang kaibigan. Sila pa rin ang sumusundo kay Ethan para maihatid nila ito ng ligtas sa bahay nila.“What happened to you? Bakit parang pagod na pagod ka?” Tanong ni Bianca. Pabagsak namang naupo sa sofa si Megan at bumuga na naman ng hangin. Hanggang ngayon wala pa rin siyang ginagawa. Ibinigay na ni Mariel sa kaniya ang mga ebidensya sa pagpatay sa daddy niya pero hindi pa rin siya lumalapit sa mga pulis.Hindi niya alam kung sino ang dapat niyang pagkatiwalaan. Hindi siya sigurado kung kakampihan ba siya ng mga pulis dahil nagawang bayaran ni Evelyn ang doctor ng daddy niya noon para patayin ito.“Ma’am may mga bisita po kayo—” Hindi pa man natatapos ang katulong ni Megan na magsalita nang may mga lalaking sunod-sunod na pum
Pakiramdam ni Akira ay pinipiga ang puso niya dahil sa mga binibitiwang salita ni Megan sa kaniya ngayon. Wala na ba siyang karapatan na mag-alala? Hindi niya na ba pwedeng malaman kung anong mga nangyayari kay Megan?Masyadong delikado ang ginagawang pagkilos ni Megan ng mag-isa. Paano kung wala na si Damon? Paano kung hindi sa lahat ng oras ay kaya nilang iligtas si Megan?Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Akira. Napatingala pa siya. Pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha niya. Namumula na rin ang mga mata niya at kita ni Megan ang mga yun ng tingnan siya ni Akira.“Magpahinga ka na. Galit ka lang. Pagod ka lang kaya nasasabi mo ang lahat ng yan. Babalik na lang ako bukas. Kung ayaw mong sabihin sa akin kung ano man ang mga ginagawa mo, hindi na kita pipilitin. Ang gusto ko lang ay maging ligtas ka. Huwag mong hahayaan ang sarili mo na may mangyari sayo because I’m waiting for you to come home lalo na ang anak natin. Iisipin ko na lang na hindi mo sinabi ang mga sal
Bahagyang ngumiti si Estrella dahil sa tanong ni Megan. Nagbabakasakali si Megan na macancel ang wedding nila kung siya ang gagawa ng paraan pero paano kung magalit naman sa kaniya ang stepmother niya kapag nalaman nito ang lahat ng ginawa niya?“Mga bata pa lang kayo ni Akira, ipinagkasundo na nam
Kanina pa tinatawagan ni Megan ang Ate Mariel niya pero ring lang nang ring ang cellphone nito.“Sagutin mo naman ate.” Kinakagat na ni Megan ang kuko niya habang naghihintay na sagutin ng Ate niya ang tawag niya. Inis niya itong ibinaba nang hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Isang buwan
Salitang tinitingnan ni Estrella ang dalawa. Napapakagat labi na lang si Megan dahil baka ito na ang huling araw niya sa mansion ng mga Del Valle. Sa unang kita pa lang niya sa Senyorito ng mansion ay masungit na ito at tila mainitin ang ulo. Siguradong mapapalayas na siya sa mansion at siguradong
Hindi alam ni Akira kung bakit mabilis na nakuha ng babae ang atensyon niya. Kanina pa siya paikot-ikot sa mansion pero hindi niya makita si Megan. Hindi niya naman alam ang pangalan nito kaya hindi niya matanong ang mga katulong nila.Kalahating oras na siyang naglalakad para mahanap si Megan pero







