LOGINDumating na ang araw ng 7th birthday ni Ethan. Tuwang-tuwa si Akira at Megan. Hindi lang ang anak nila ang masaya ngayong araw dahil maging sila ay nag-uumapaw ang saya na nararamdaman nila. Naging maayos ang relasyon ni Akira at Megan para sa anak nila at tuwang-tuwa naman si Ethan dahil makakasama niya na palagi ang mommy at daddy niya. Nasa likod pa rin sila ng stage. Hindi pa nagsisimula ang program kaya naghihintay pa sila na tatawagin na ang pangalan ni Ethan ng host. “Good afternoon everyone, are you excited to see our birthday celebrant? Can I hear your voice, please?!” Masiglang sigaw ng host sa mga bisita nila. Lahat ng mga classmates ni Ethan ay invited at tuwang-tuwa ang mga ito. Kasama rin ng mga bata ang mga magulang nila. “Yes po! We are excited!” Sabay-sabay na sagot ng mga bata. Napangiti naman si Akira at Megan ng marinig niya ang masiglang sagot ng mga kaklase ng anak nila. “Mommy, daddy,” salitang tiningnan ni Ethan ang mga magulang niya. “Yes baby?” Sagot ni
Parehong tahimik si Kyline at Bianca ng marinig nila ang buong paliwanag ni Megan. Nakatitig lang ang dalawa kay Megan. Hindi nila akalain na kompleto na pala ang pamilya ng pinakamamahal nilang si Ethan. Masaya naman sila para kay Ethan pero palagi silang nag-uusap na mga magkakaibigan sa cellphone pero walang sinabi si Megan sa kanila.“Kung hindi ka pa ba namin bibisitahin dito, hindi pa ba namin malalaman na halos nagsasama na kayo sa iisang bahay ni Akira?” Tanong ni Bianca. Napabuntong hininga si Megan.“Medyo mahirap kasing ipaliwanag sa chat dahil masyadong mahaba. Kung ikwekwento ko naman sa inyo sa video call, sa tingin mo ba magkakaintindihan tayong tatlo kung magsasabay kayong magtanong? Mas mabuting sa personal ko makwento para mas malinaw.” Sagot ni Megan. Napabuga ng hangin si Kyline saka nito inihilig ang batok niya sa sandalan ng sofa.“So, you still love him all these years?” Tanong ni Kyline na nasa kisame naman ang paningin.“Maybe, oo, I don’t know. Nang isilang k
Nakangiting nakatingin si Akira sa mga picture nila ng pamilya niya. Napapatitig na lang siya kay Megan at Ethan. Hanggang ngayon, pakiramdam niya ay nananaginip pa rin siya. Tila ba natulog lang siya ng isang gabi tapos paggising niya kinabukasan may seven years old na siyang anak.Nang biglang bumukas ang pintuan niya ay napatingin siya dun. Sunod-sunod namang pumasok ang mga kaibigan niya.“Iba yata ang ngiti mo ngayon ah. May nangyari ba? Wala na kaming balita sa buhay mo pagkatapos mong hindi tumuloy umuwi ng France.” Nakangising sambit ni Geyvin. Ibinaba ni Akira ang cellphone niya para harapin ang mga kaibigan niya. Ngayon na lang ulit bumisita sa kaniya ang mga kaibigan niya.“So, anong balita sayo?” Tanong ni Sandro nang makaupo ang mga ito sa sofa. Sumandal si Akira sa upuan niya. Hindi pa alam ng mga kaibigan niya ang tungkol sa anak niya dahil masyadong busy din ang mga ito sa buhay nila.“Sayo ako walang balita. Balita ko bumalik na si Yuna. Kumusta naman ang puso mo?” Ba
Napatulala si Akira sa narinig. Pakiramdam niya ay nabingi siya o iba ang narinig niya. Pinoproseso pa niya sa isip niya ang mga sinabi ni Megan. Seryoso ba talaga si Megan sa mga sinabi nito? Tama ba talaga ang narinig niya?Napangiti si Megan dahil gulat na gulat pa rin si Akira at hindi pa rin makapaniwala.“Akira, are you still with me? Did you hear me?”“Yeah, I’m sorry. I’m just… shocked.” Sagot niya. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya at tila ba abnormal na rin ang pagtibok nito. “Tama ba ang pagkakarinig ko? Sinasagot mo na ako? You told me that you want me to be your boyfriend? Please tell me, I am not dreaming.” Napangiti si Megan. Nakapulupot pa rin ang mga kamay ni Megan sa leeg ni Akira at nakahawak pa rin sa bewang niya ang mga kamay ni Akira pero hindi na sila nagsasayaw.“Tama ang narinig mo. Gusto mo bang ulitin ko ulit ang sinabi ko? Like what I say, I want you Akira Del Valle to give you a chance in our life. And I want you to be my boyfriend, so yes, you heard i
“Nasa bahay ka pa ba?” Tanong ni Megan sa kaniya nang masagot niya ang tawag.“Wala kami sa bahay. Nasa Valerius Grand Hotel kami.” Napakunot naman ng noo si Megan. Nasa lobby na siya kaya inilibot niya ang paningin niya.“What are you guys doing here?”“Daddy give me your phone.” Rinig ni Megan sa kabilang linya. Inagaw naman ni Ethan ang cellphone ng daddy niya at siya na ang kumausap sa mommy niya.“We’re in the rooftop po mommy. Can you go here? Is your dinner date with your boss over? If yes, then come here now po.” Utos ni Ethan sa kaniyang ina. Naguguluhan man si Megan kung anong ginagawa ng mag-ama sa hotel kung nasaan din siya ay bumalik pa rin siya. Halos kalalabas niya lang ng elevator pero sasakay na naman siya para naman pumuntang rooftop ngayon.Nakaready naman na si Akira, hawak-hawak niya na ang bouquet habang si Ethan nakaupo sa sofa. May sarili itong table. Siya ang nagrequest na magkaroon ng sariling table para makapag-usap ang mga magulang niya.Tumikhim si Akira a
Hindi kaagad nakasagot si Megan sa sinabi ni Rico dahil masyado siyang nagulat. Pumayag siya sa dinner na ‘to dahil akala niya katulad lang ng dati. Magdidinner lang sila at pag-uusapan ang mga plano para sa kompanya.Nakakuyom naman na ang kamao ni Akira. Gusto niyang lumapit kay Rico at Megan at hilain si Megan palayo sa lugar na ito pero ayaw niyang gawin yun ng nakatingin sa kaniya ang anak niya.Huminga siya ng malalim at hinihintay niya rin ang sasabihin ni Megan. Maging siya ay kinakabahan sa posibleng isagot ni Megan kay Rico. Paano kung pumayag si Megan? Paano na ang pamilya nila? Paano kung may gusto na rin si Megan kay Rico lalo na at palagi pa silang magkasama sa trabaho?“Daddy, are you okay?” Nilingon ni Akira ang anak niya saka niya ito tipid na nginitian.“Yeah, I’m fine. Kumain ka lang diyan. Titingnan ko lang ang mommy mo.” Muling ibinalik ni Akira ang paningin niya sa dalawa at talagang pinakikinggan niyang mabuti ang pinag-uusapan ng mga ito.Iniwas ni Megan ang pa
Tipid na ngumiti si Megan sa Senyora Del Valle. Kinakabahan siya dahil baka masabi niya ang pangalan niya gayong pangalan ni Mariel ang kilala nila.“Please have a seat, darling.” Nakapainit ng pagtanggap sa kaniya ng mga tao sa mansion.“Issa, kunin mo ang gamit ni senyora mo at idiretso mo na sa
“Limang milyon piso, okay na ba ang halagang yun para pumayag ka sa gusto ko?” Napatitig si Megan sa Ate Mariel niya. Sapat na ang limang milyon para masuportahan niya ang sarili niya sa pag-aaral. Hindi niya na kailangang magmakaawa, hindi niya na kailangang sumunod muna sa utos nila bago siya mag
Bahagyang ngumiti si Estrella dahil sa tanong ni Megan. Nagbabakasakali si Megan na macancel ang wedding nila kung siya ang gagawa ng paraan pero paano kung magalit naman sa kaniya ang stepmother niya kapag nalaman nito ang lahat ng ginawa niya?“Mga bata pa lang kayo ni Akira, ipinagkasundo na nam
Kanina pa tinatawagan ni Megan ang Ate Mariel niya pero ring lang nang ring ang cellphone nito.“Sagutin mo naman ate.” Kinakagat na ni Megan ang kuko niya habang naghihintay na sagutin ng Ate niya ang tawag niya. Inis niya itong ibinaba nang hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Isang buwan







