Thank you po sa pagbabasa!🥺❤️
PINAGBUKSAN ng pinto ni Nathan si Xandra. Likas na rito ang pagiging gentleman nito simula pa noon mapakahit sino pa man 'yan. Awkward na napangiti ang dalaga sa inasal nito dahil dapat ay siya ang magbukas niyon para sa boss niya subalit kabaliktaran ang nangyari.Nagpasalamat na lang ito, at akmang papasok na sana sa shotgun seat nang may biglang kumalabit sa damit niya. Nagulat pa ito nang una pero nang makabawi ay hinarap nito ang pulubing babae na may katandaan na rin kung oobserbahan.Napangiti siya rito at tuwid na napatayo. "Hello po, Lola," bati niya na napayuko pa nang kaunti bilang paggalang. "Teka lang po." She looked inside her wallet.May nakita siya roon na singkuwenta pesos pero naalala niya ang kaniyang mga anak. Baka kasi walang kakainin ang mga ito mamaya kung sakaling ibibigay niya iyon sa matanda.Nahihiyang napakamot ito sa kaniyang tainga. The man behind her made a sound when she was about to tell the old woman that she couldn't lend any help.Napabaling kay Nat
SILENCE HAS enveloped them. Si Xandra ay nag-i-scroll lang sa pasira na nitong cellphone upang aralin ang mga dapat pa nitong malaman tungkol sa Alvarez's Company. Patapik-tapik naman ang daliri ni Nathan sa ibabaw ng lamesa at base sa kaniyang hitsura ay parang gusto niyang magsalita pero hindi niya alam kung paano iyon sisimulan.Tubig pa lang ang nakalatag sa kanilang harapan dahil hindi pa sila nag-o-order ng kahit na ano. Wala ring ibang taong naroon maliban sa kanilang dalawa at sa mga stuffs. Naka-reserved kasi ang lugar sa kanila. "Excuse me, Sir Nathan." Agaran ang paglingon niya kay Xandra nang tawagin siya nito. "Nag-notify sa akin na darating na si Mr. Guzman after thirty minutes." Any business related ay sa sekretarya talaga nakatalagang mag-iwan ng mensahe ang kahit na sino dahil madalas ay hindi nagbubukas ng cellphone si Nathan. Kung important urgent matter naman ay kay Xandra pa rin iyon ipapadala kaya essential talaga na mapagkakatiwalaan dapat ang taong nasa posisy
PANSIN ANG pagnanakaw ng tingin ni Nathan sa babae nang makasakay na ulit sila sa sasakyan. Gusto niya itong kausapin pero nirerespeto naman niya ang nais ng dalaga na maging pormal sila sa isa't isa kaya sa huli ay tahimik na lamang siyang nagmaneho.Nanginginig pa rin ang kamay nito dahil sa nangyari kanina. Ayaw nitong nahahawakan siya ng kahit na sino pa mang lalaki iyan dahil sa nangyari sa kaniyang nakaraan."What time is my next scheduled appointment?" tanong niya. Nang una ay wala siyang tugon na natanggap. Tila naglalakbay na naman ang isipan ng babae. "Ms. Fumidor?" agaw niya sa atensyon nito. Akala niya nang una ay tulala lang ito sa bintana pero kalaunan ay roon lamang niya napansing nakaidlip pala ang dalaga. Hinayaan na lamang niya ito para naman makapagpahinga kahit na papaano. Siguro kung ibang empleyado niya iyon ay tatanggalin na agad niya sa trabaho. Gano'n siya kaistrikto, ngunit pagdating sa dalaga ay hindi siya maghihigpit. May bias na kung may bias. Tahimik na
HINDI NA inalala pa ni Nathan ang mga katagang binitawan ng babae kanina. He didn't want to ruin the mood, so he acted like nothing happened, like it didn't affect the hell out of him. Habang siya ay naglalakad ay may biglang nakaagaw sa kaniyang atensyon. Mula sa shop na nasa gilid lamang niya ay may natanaw siyang necklace na ang disenyo nito ay isang sanggol na anghel.Napangiti siya dahil sa lungkot nang maalala niya ang kanilang anak ni Xandra noon. Patay na ito dahil sa kaniyang kapabayaan. Noong mga panahong iyon ay wala pang halaga ang babae sa kaniya. Ikinama lamang niya ito kapalit ng perang panggamot daw sa tatay nitong may sakit. Pero hindi niya inakalang magbubunga ang kanilang mga pagtatalik na dapat ay hanggang katuwaan lang sana.Dumating ang araw na nagmakaawa ang babae sa kaniya na bigyan siya nito ng pera para panggamot sa anak nilang kasalukuyang inaapoy ng lagnat. Ngunit tinawanan niya lang ito kasama ng kaniyang mga barkada noon. Hindi na nakayanan pa ng bata an
HINDI MATIGIL sa pag-iyak si Xander at maging ang kapatid nitong apat na taong gulang na si Sarah ay napapaluha na rin. Si May na ang umalo sa bunsong anak ni Xandra.Nasasaktan ito na makitang nasa gano'ng kalagayan sila. Masakit iyon para sa bawat ina dahil hangga't maaari ay mas gugustuhin nilang maging masaya ang kanilang mga anak. Ang mga ngiti ng mga ito ay sapat na bilang gamot nila o 'di kaya naman ay pampatanggal ng kanilang pagod."Here. Take this, kid." Napalingon si Sarah sa kadarating lang na si Nathan matapos nitong umalis kanina. Naglaho na ang kalungkutan nito at napalitan ng kaligayahan nang abutin niya ang malaking teddy bear na kulay pink. May disenyo pa itong ribbon na nakalagay sa bandang leeg niyon. Niyakap niya ito nang mahigpit.Ngumiti ang bata sa kaniya. "Tensu po!" nagagalak nitong sambit. Lumapit si Xandra sa kanila pati na rin ang anak nitong si Xander nang medyo tumahan na. "Sir Nathan...""How about you, kid? Ano'ng gusto mo?" nakangiting baling nito sa
MASAYA NILANG pinasok ang kainang lugar na hindi sikat sa mga tao. Simple lamang iyon pero kumpleto naman sa alak at mga pagkaing gusto nila. Ayaw nila sa magarbo dahil kontento na ang mga ito sa gano'n lang.Hinayaan na ni Nathan ang kaniyang mga empleyado na mag-order ng pagsasaluhan nila. Hindi naman siya mapili pagdating sa mga pagkain pero ang ulam niya ay iyong adobong niluto ni Lola Pasing sa kaniya. Hindi rin naman nagtagal ay unti-unti na nilang inilapag ang mga pagkain at alak sa mahabang lamesa na nasa kanilang harapan. Niramihan nila 'yon dahil susulitin na nila ang pagkakataon. Baka raw kasi bumalik na ulit bukas sa dating masungit ang kanilang boss.Mapapansing wala si May dahil may urgent daw itong inasikaso nang siya ay tawagan ni Xandra kanina. Maging si Caroline ay hindi rin nakadalo dahil abala raw ito sa kanilang bahay. Silang dalawa lang naman ang hindi kasama, lahat ay present na."Para sa pagsanib ng mabuting espiritu sa kaluluwa ni Sir Nathan!" pangunguna ng i
ANG SINAG ng araw ang gumising sa natutulog na si Xandra kinaumagahan. Nang una ay ganado pa itong nag-unat-unat ng kaniyang braso pero natigil din nang hindi ang bahay nila ang siyang bumungad sa paningin niya. She had never been here before.Ang huli niyang naalala kagabi ay ang pagdiriwang nila sa kaarawan ng boss nila. Nalasing siya at hindi na niya namalayan pa ang mga sumunod na nangyari matapos niyon."Hindi ito ang condo ni Nathan. Nasaan ako?" bulong niya sa kaniyang sarili dahil tanda pa niya ang bawat detalye sa lugar ng lalaki noon.Napadako ang kaniyang tingin sa damit niya. Nanlaki ang kaniyang mata dahil sa gulat. Hindi iyon ang kaniyang suot kagabi!Unti-unti na siyang dinagundong ng pangamba lalo na noong masilayan niya ang isang libo na nakalatag sa mini table na nasa kaniyang tabi.'May lalaki bang gumalaw sa akin nang hindi ko namamalayan? Ang pera bang ito ang kabayaran niyon?'Napailing-iling siya. Pinilit niyang ikalma ang kaniyang sarili dahil walang mangyayari
HINDI NA nag-abala pang pumasok si Nathan sa loob ng tahanan ng babae nang imbitahan siya nito. Gustuhin man niya ngunit hindi maaari dahil may kailangan pa siyang dapat na asikasuhin.Sinalubong niya ang mga taong pinagdidiskitahan ang buhay ni Xandra nang makatungtong siya ro'n. Nagkunyari lamang siya kanina na may kausap sa kabilang linya upang isipin ng babae na hindi niya iyon naririnig, ngunit ang ang totoo ay wala ni isang salita ang nakatakas sa kaniyang pandinig.Like he used to, he gave them a blank stare as a greeting. Inayos na rin muna nito ang kaniyang suit. Hindi niya ugali ang makisawsaw ngunit ibang usapan na ang harap-harapan nilang pangbabastos kaya hindi niya iyon palalampasin."Sir! Naku, mukhang bigatin ka, ah? Nabingwit ka rin ba ng malanding babae na 'yon? Iwanan mo na habang maaga pa. Peperahan ka lang niyon, sinasabi ko sa 'yo. 'Di ba, Bergie?" Lumingon ito sa kaniyang katabi.Tumango ang babae na tinawag niya sa pangalang Bergie. "Tama. Naghirap na kasi 'yan