LOGINNapasimangot ako.“How to send him back? Sa tingin mo ba ay ganun kadali natin siyang maibabalik?” balik tanong ko na naman sa kanya.“Di maghintay tayo.”“At hanggang kailang?”Sumulyap na muna siya sa akin bago siya muling tumingin kay Lucian.“Nawawala ang anak natin. Do you think our future selves won’t be worried? Nag iisip na siguro sila ng paraan para maibalik siya sa hinaharap.”“Uhm.” naipilig ko ang aking ulo na napaisip na naman ng malalim. “Baka hindi.”Napatingin ulit siya sa akin kunot ang noo na nausisa sa nasabi ko.“Anong ibig mong sabihin?”“Malamang sinadya ng sarili natin sa hinaharap na ipadala siya dito sa atin sa kasalukuyan.”“Bakit naman natin iyon gagawin? They’re so incredibly irresponsible.” taas ang boses na sabi niya.“Iyan ang ibig kong sabihin. So irresponsible.” mataas din na boses kong pagsang ayon sa kanya at sa bagay na iyon kami nagkasundo.Iyon na lang ang tanging mas tamang isiping dahilan kung bakit nandito ang anak namin sa hinaharap dahil hind
Katabi niya si Lucian sa pagkakaupo habang naghihitay kaming lumabas ang resulta ng DNA para mapatunayan na hindi ako nagsisinungaling.Kahit na para akong lumubog kanina sa kinatatayuan ko ng sabihin kong virgin pa ako na wala pa akong ginagalaw na kahit isang babae. And I still have my first kiss.Wala pa nga akong karanasan sa bagay na iyon, tapos sasabihin niya sa akin at pinagbibintangan na mayroon akong anak sa labas.Isang oras lang naman ang hinihintay namin dahil talagang nagbayad na ako ng mahal para unahing gawin ang DNA naming tatlo dahil hindi ako maghihintay ng matagal para hindi agad malinis ang pangalan ko.“Mr. Mondragon, Ms. Montes. Narito na ang resulta.”Nagkatinginan pa kami ni Lucy. Tumayo siya kasunog ni Lucian kaya muli namin itong napagitnaan.Inilapag ng doktor ang dalawang piraso ng papel sa ibabaw ng lamesa nito sa harap namin.Sabay pa kaming kumilos para tignan at basahin ang nakaulat sa papel. At ilang sigundo lang ay muli kaming nagkatinginan.Nagtama a
Pinitik pa ni Magnus ang nuo ng bata kaya mabilis ko itong inilayo sa kanya.Hindi naman ganun kalakas ang pagpitik niya sa noo ng bata pero naniniguro lang ako na hindi ito masasakyan.“Tumigil ka nga! Paano mo nasabing nagsisinungaling. Tignan mo kasi ng mabuti.” naiinis na muli kong sabi sa kanya. “At tignan mo ito.” saka ko ipinakita sa kanya ang badge crest na lagi niyang suot na nagsisimbolo ng kanilang pamilya.“Lucy, you’ve been with me for so long. And it’s not hard to fake a family crest.” may inis din na sagot niya. “Ugh! Enough. I’m not going to play along.” saka siya padabog na tumayo.Ngunit bago siya tuluyang makalayo ay muli akong nagsalita.“Sige. If you still don’t believe it, let’s go do a paternity test.” seryoso kong sabi sa kanya.Nagpapaikot-ikot na lang ang aming usapan. At iyon na lang ang tanging paraan para mapatunayan na hindi nagsisinungaling ang bata. Na ang bata ay anak niya.“At bakit ko naman gagawin iyon. Wala akong dapat patunayan dahil alam ko sa sa
“Bakit ka ba nagmamadali? Nasabi sa akin ng secretary mo na maayos naman ang takbo ng kompanya mo. At naayos na ni Lucy ang scandal na naman na kumakalat sa pangalan mo.”Iyon na naman ang ibinungad sa akin ni Mama kinaumagahan.Naabutan ko ito sa hapag at umiinum ng tsaa. Aalis na sana ako agad para puntahan si Lucy ngunit pinigil na naman ako ni Mama.“Umupo ka at mag agahan ka na muna.”“Sa opisina na ako mag aagahan, mama. Tumawag sa akin si Lucy na naghanda daw siya ng agahan para sa akin.” pagdadahalin ko.“Oh! Kung ganun hindi na kita pipigilan. Alam ko naman na kaya kang alagaan ni Lucy pagdating sa mga pagkain.” agad naman naniwala si mama sa sinabi ko.Kapag tungkol kay Lucy ay agad itong naniniwala kaya lagi ko nga siyang idinadahilan lalo na kapag lalabas ako at sasabihin kong kasama ko siya. Pero minsan naniniguro rin si mama at tatawagan pa talaga si Lucy para tanungin kung sasama nga siya sa akin.Ako naman ay mabilis na magpapadala ng mensahe sa kanya at bibigyan ng su
“Huwag kang mag alala. Habang narito ka sa bahay ay kami ang mag aalaga sayo.” sabi sa akin ng mama ni Magnus.Labing anim na ako noon at unang araw ng pasukan sa huling baitang ng highschool.“Habang nag aaral ka, Magnus will take care of you.” sabi pa nito sa akin“Maraming salamat, tita.” sagot ko na sinabayan ng pagtango.Tumingin na ito kay Magnus na abala naman sa paglalaro ng cellphone niya.“Magnus, nakikinig ka ba sa sinasabi ko? Naintindihan mo ba ang sinabi ko?” tanong nito kay Magnus.“Uhm, I heard it.” tugon naman nito na sinabayan ng pagtango.Pero napasimangot ako dahil paano niyang nasabi na nakikinig siya gayong nakasuot ito ng headset habang naglalaro.Sumulyap pa siya sa akin na bahagyang tumaas ang kilay niya.Pairap naman na tumingin ako sa kanya saka ako napasimangot.Sinabi nga niya na narinig niya pero palagi niyang nakakalimutan ang pagsundo sa akin sa paaralan kapag uwian na.…..“Have you thought it through?” tanong niya na nakapagpabalik sa akin sa kasaluku
Para akong mabibingi matapos kong makinig sa mahabang sermon sa akin ni Mama tungkol na naman sa mga balitang kumakalat sa social media. Na kung kani-kanino na lang daw sumasabit ang pangalan ko.Wala akong nagawa kundi ang tapusin ang mahaba nitong sermon bago ako umakyat at nagpasyang maligo na muna bago bumalik ng sarili kong bahay.Nagbabad ako sa bathtub. At habang nagbababad ako ay nakatingin ako sa balitang naging dahilan para sermonan ako ni mama ng pagkahaba-haba.Ngunit ang balitang iyon ay naging maganda ang feedback sa latest na damit na bagong launch ng kompanya.Napangiti ako. Dahil iyon ang trinabaho ni Aliah kanina. Hindi nga nito iyon tinanggal kundi binago lang niya ng caption. At naging patok iyon sa publiko kaya naging marami na ang nag order ng naturang damit na suot ng bagong model nila.“Hmmm, she really did a great job.” naibulong ko.At habang abala ako sa pagbabasa ng mga comment ng balitang iyon ay nakatanggap pa nga ako ng tawag mula kay Lucy na muntik ko p







