Share

The Billionaire's Stolen Life
The Billionaire's Stolen Life
Author: Shinzanzou

Chapter 1

“Kumusta ang trabaho?”

Aligaga agad ako at nagmadali sa pagpapainit ng mga pagkaing hinanda ko kanina pa. Alas sais pa lang ay nakapaghanda na ako ng hapunan namin pero nanlamig na lang lahat dahil ang tagal umuwi ni Nero.

Mag a-ala una na ng madaling araw at ngayon pa siya umuwi. Hindi ko maintindihan. Hindi naman siya ganito nung hindi pa kami ikinakasal. Hindi naman siya late kung umuwi.

“Huwag mo nang painitin 'yan. Hindi naman ako kakain,” malamig niyang sabi.

Agad akong nahinto sa ginagawang paglalapag ng plato sa lamesa. Tuluyan ko 'yong inilapag bago sinundan si Nero paakyat sa kwarto.

“Kumain ka na? Saan ka kumain?”

As far as I can ay sinusubukan kong huwag itanong sa kanya kung bakit sunod sunod na ang mga gabi na late siyang umuuwi. Ayaw kong mairita siya sa akin kahit na alam kong karapatan ko naman 'yon. Sinusubukan ko siyang intindihin. Maybe because nag a-adjust pa lamang siya sa buhay na may inuuwiang asawa gabi-gabi.

Dalawang buwan pa lang kaming kasal ni Nero. Pagkatapos ng kasal ay tatlong linggo akong nasa Korea, a day after the honeymoon.

“Nagpadeliver si Anna ng dinner.”

“Anna? Iyong secretary mo?”

Kunot noo akong naupo sa kama habang pinapanood siyang naghuhubad ng longsleeve. Hindi na ako natutuwa sa bago niyang sekretarya. Hindi ko siya nagawang pigilan nang kunin niya itong si Anna bilang secretary niya. Nasa Korea kasi ako no'n at abala sa conference na ginagawa namin doon.

“Yes.”

“Why? Magkasama kayong nag dinner? Sabay kayong nag dinner?”

Tuluyan niyang hinubad ang longsleeve na suot. Nameywang siya at tumingala. Marahas siyang bumuga ng hangin na para bang nauubos na ang pasensya niya sa akin.

“Obviously.”

Sarkastiko akong natawa. Tumayo ako at napabuntonghininga.

“You knew that I cooked dinner right? I texted you, Nero,” dahan-dahan kong sabi, pilit na umaaktong kalmado kahit pa sa loob loob ko'y gusto ko nang sumabog sa galit.

“Hindi ko natanggap ang text mo. I am busy with all the paper works and I have no time for texting, Mitsy.”

Napamaang ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumasok siya ng banyo para maligo. Hindi ako makapaniwalang sinabi niya 'yon. Hindi naman siya ganun noon. Texting is his thing. He loves texting. Doon niya nga ako napasagot noon. Dahil sa pagte-text niya ng mga corny niyang banat. Dahil sa palagi niyang pag u-update kahit na hindi ko naman kailangan.

Ngayon kung saan kailangan ko ng update niya, doon pa siya hindi nag u-update.

Hinintay ko siya hanggang sa matapos siyang maligo at makapagbihis ng pantulog. Agad akong tumayo nang nagtungo siya sa kama at humiga.

“Nero, may problema ba tayo?”

“Wala. I am just busy. Gusto ko nang magpahinga.”

Yeah. Siguro nga para sa kanya ay walang problema. Ako lang naman itong parang napapraning. Hindi ko na maintindihan. We were supposed to live a happy married life pero ganito ang nangyayari. He's acting strange and I don't have any idea of what's happening.

Humugot ako ng isang malalim na hininga saka tumabi na rin sa kanya sa kama.

“Okay. Goodnight, love.”

I kissed him. Sa lips dapat 'yon pero umiwas siya kaya napunta ang halik ko sa pisngi niya.

“Night,” he answered coldly.

Hindi ako nakatulog ng maayos sa gabing 'yon. Ayaw ko siyang pagdudahan pero sa mga kilos niya . . . Binibigyan niya ako ng dahilan para magduda.

Kinabukasan, tulog pa ako ay wala na siya sa tabi ko. Wala na siya sa buong bahay to be exact. Kaya nagpasya akong puntahan siya sa opisina niya.

Habang kumakain ng breakfast ay tumunog ang cellphone ko para sa isang mensahe. Binuksan ko 'yon at agad na nakita ang mga litratong ipinadala sa akin ng private investigator ko.

Sa nanginginig na mga kamay ay napatakip ako sa bibig ko. Lumantad sa aking mga mata ang litrato ni Nero kasama ang sekretarya niya. Magkahawak kamay habang naglalakad papasok ng hotel.

Magaling. Sobrang galing.

Sa nagpupuyos na galit ay minadali ko ang pagkain ko at agad na nakong dumiretso papuntang office. Hindi man sa hotel pero siguradong parehong posisyon lang din ang madadatnan ko sa kung anong nadatnan ko ngayon sa office niya.

“MGA HAYOP KAYO!”

Tumakbo ako papalapit sa kanila at agad kong hinampas ng bag ang nakatalikod na si Nero. Binabayo niya ang sekretarya niya mula sa likuran nito.

“HAYOP KA, NERO! IBA PALA ANG TINATRABAHO MONG WALANGHIYA KA!”

“Mitsy! Mitsy, stop!”

Sinugod ko sila at pinaghahampas. Hindi pa ako nakuntento sa bag at pati ang mga binder na nasa table ni Nero ay kinuha ko at pinaghahampas pati sa kanilang dalawa. Sinusubukan kong abutin ang sekretarya niya pero hinaharangan ito ni Nero. Pilit na pinoprotektahan mula sa akin.

Kung gaano kalakas ang mga hampas ko sa kanila ay mas malala ang bawat pagkabog ng dibdib ko. Sa bawat bayo ay parang tinutusok ng kutsilyo. Sobrang sakit. Paano itong nagawa ni Nero sa akin? Paano niya ako nagawang lokohin? Paano niya ako nagawang saktan?

“HAYOP KA, NERO! ANG BABOY BABOY NIYO!” Halos mamaos ako sa bawat sigaw.

“Mitsy, STOP!” Hinawakan niya ako sa magkabilang braso upang pigilan ako sa muli kong paghampas.

“BITAWAN MO 'KO!” puno ng galit kong sigaw. Pero imbis na bitawan ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Umigting ang kanyang panga at galit niya akong tiningnan.

Ramdam ko ang paglandas ng mga luha ko papunta sa magkabila kong pisngi.

“Paano mo nagawa sa akin 'to?” Kahit puno ng sakit ay bakas pa rin ang galit sa boses ko.

Binitawan niya ako. Hinayaan kong malaglag ang mga kamay ko. Nakakapagod pala magwala. Pero mas nakakapagod ang makaramdam ng ganitong klaseng sakit. Pakiramdam ko, kinakatay ako ng paunti-unti.

“Tss!” Narinig kong patutsada no'ng sekretarya niyang hindi man lang umalis sa kaninang pwesto at sinuot lang ang puting longsleeve ni Nero.

Gusto kong mahimatay sa mga nakikita ko. Paano niya nagagawang suotin ang damit na ako ang bumili para sa asawa ko? Ako ang bumili, ako ang naglaba, ako ang nagpaplantsa! Tapos kaydali lang para sa kanyang suotin 'yon? How dare she?!

“Hubarin mo 'yan,” I said while gritting my teeth. Nanggigigil ako. At kapag napuno ako ngayon ay kakagatin ko siya hanggang sa mamatay siya sa rabies.

Marahas na napabuga ng hangin si Nero.

“Mitsy, umuwi ka na. Sa bahay na tayo mag usap. Marami pa akong gagawin dito.”

“Tulad ng? Ha? TULAD NG ANO? PAKIKIPAG-SEX SA SEKRETARYA MO?!”

“WILL YOU PLEASE STOP SHOUTING?!” sigaw niya rin pabalik sa akin na siyang ikinagulat ko. Hindi niya ako kailanman sinigawan ng ganito.

“Nero . . . Papaano mo nagawa sa akin ito? Paano mo nagawang mambabae? Kakakasal lang natin? Paano? Akala ko ba mahal mo ako?”

Pumikit siya ng mariin at nang nagmulat siya ng mga mata ay binitawan niya ang mga salitang nagpahiwalay sa puso ko mula sa aking katawan.

“Magpa-annul na tayo. I don't love you anymore.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Ang sakit Naman simula pa lang ng kwento
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status