Share

Chapter 8

“H-hindi ko alam. A-akala ko.”

Marahan siyang napapikit, kinakalma ang sarili. Saka siya dahan-dahang nagbuga ng hangin.

“Pasensya na talaga, hindi ko alam.”

“Tanghalian ko dapat 'yon. Wala na akong panahong magluto pa ulit dahil pupunta na akong Happy House. Pasensya na rin sa pagsigaw ko, nagulat lang. Sa Happy House na lang ako kakain,” aniya at umakyat na.

Hindi pa naman oras ng tanghalian. Mag a-alas onse pa. Sinundan ko siya sa taas at kumatok ako sa kanyang pintuan.

“Uh . . . Anong oras ba ang in mo?”

“12:30,” tipid niyang tugon.

Nagbaba ako ng tingin sa relong suot-suot ko. Mag a-alas onse pa naman. Kapagka nagluto ako ngayon ay siguradong makakakain pa siya bago umalis.

“Pwede bang ipagluto na lang kita?” tanong ko.

Hindi niya ako sinagot. Pero ilang saglit lang ay bumukas ang pintuan ng kwarto niya. May bitbit siyang puting tuwalya at mga nakatuping damit. Siguradong maliligo na siya sa baba.

“Marunong kang magluto?”

Agad akong tumango ng sunod-sunod.

“Ikaw ang bahala,” aniy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
nakakaexite Naman Ang kwentong ito
goodnovel comment avatar
Gessa Mae Balaso Mercado
baka ito na ang twist
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status