LOGINELOWENIsang buwan na ang lumipas mula noong unang beses kong pumasok sa Velvet Noir.Hindi ko alam kung paano eksaktong dumaan ang mga araw, basta ang alam ko lang ay naging routine na ang lahat-pila, briefing, clients, report, at tahimik na pagbabalik sa accommodation tuwing gabi.Mas sanay na ako ngayon.Konti lang.Hindi pa rin nawawala ang kaba, pero hindi na siya kasing tindi noong una.Mas naiintindihan ko na rin ang English. Hindi pa perfect, pero hindi na ako parang nalulunod sa bawat salita. Si Nadine ganun din, pareho kaming may improvement.At higit sa lahat, may bago na kaming mundo sa loob ng maliit naming kwarto.Cellphone.Nakabili kami pagkatapos ng ilang sessions.Simple lang, hindi mamahalin, pero para sa amin parang malaking bagay na iyon. May Facebook na kami, may access sa labas, at sa unang pagkakataon mula nang pumasok kami rito, nakakapag-message kami sa pamilya."Okay ka lang?" message ng nanay ko."Opo," sagot ko kahit hindi ko masabi lahat.May mga gabi na
ELOWENTahimik muna kami pagkatapos ng tanong niya."Do you actually want to be there... at Velvet Noir?"Hindi ako agad nakasagot.Hindi dahil hindi ko alam ang English niya, kundi dahil kahit sa isip ko, magulo pa rin ang sagot.Kaya imbes na magsalita, umiwas ako ng tingin.Sandaling katahimikan.Si Dominique naman ay hindi nagpumilit. Umupo lang siya ulit sa couch, bahagyang sumandal, parang tinatantya kung hanggang saan lang ako komportable."Forget it," sabi niya kalaunan, mas mabagal na ang English niya ngayon. "You don't have to answer."Tumango lang ako, mahina.At para ma-divert ang kaba ko, napatingin ako sa paligid.Mas malinaw ko nang nakikita ngayon ang gulo sa condo.May mga basag na bote sa sahig, may mga damit na nakasampay lang kung saan, may mga lata at papel sa mesa. Parang hindi naman ito normal na tirahan ng isang taong tulad niya.Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napatayo.Napatingin siya sa akin."Where are you going?" tanong niya."Linisin ko lang po,
ELOWENPagkapasok ko sa VIP briefing room, agad bumungad sa akin si Madame Glory.Mas malamig pa rin ang presensya niya kaysa sa buong hallway."Sit," maikli niyang utos.Umupo ako sa harap ng isang glass table habang ang ID ko-EL REYES-ay tila mas mabigat tingnan sa ilalim ng ilaw.Sandaling katahimikan.Tapos binuksan niya ang folder sa harap niya."Your first assignment," sabi niya.Parang huminto ang paghinga ko.Hindi ko alam kung bakit pero kahit inaasahan ko na iyon, parang mas lalo pa rin akong kinabahan kapag narinig ko na."Client profile: Dominique Hudson."Napakurap ako."Hudson?" ulit ko, hindi ko alam kung bakit ko kinailangan ulitin.Tumango siya."Thirty-two. Business investor. Half-American. Frequent VIP guest."Ipinakita niya sa akin ang tablet.At doon ko siya nakita.Matangkad.Malawak ang balikat.Matalim ang jawline, parang modelo sa magazine pero mas "real"-yung tipo ng itsura na alam mong sanay sa mga lugar na hindi mo kayang pasukin basta-basta.6'4 ang taas,
ELOWENNapahigpit ang hawak ko sa sarili kong kamay habang nakatayo sa harap ng VIP escort.Hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung bakit ganito kabilis ang lahat. Kanina lang, nasa training room kami ni Nadine na pareho lang namang nangangapa kung anong klaseng lugar ang Velvet Noir. Ngayon, hinihila na ako palayo, papunta sa mas mataas na palapag na parang hindi na para sa mga tulad ko."Name," ulit ng staff na nag-aabot ng laminated card.Dahan-dahan ko iyong kinuha.Pagtingin ko pa lang, parang may bumigat agad sa dibdib ko.EL REYES"Stage name assigned. VIP classification," malamig niyang sabi.VIP.Iyon na naman ang salitang paulit-ulit na tumatama sa utak ko mula kanina.Mas mataas. Mas pribado. Mas restricted.Mas hindi ko naiintindihan.Isinabit ko ang ID card sa lanyard na ibinigay nila sa akin. Sa bawat galaw ko, pakiramdam ko may ibang taong unti-unting ipinipilit sa akin. Hindi Elowen ang nakasulat. Hindi na rin Sullivan na tunay kong apelyido.El Reyes.Parang bagong
ELOWENTahimik ang buong training room. Halos marinig ko na ang tibok ng puso ko habang nakatayo kami ni Nadine sa gitna ng line-up, suot ang silk crop top at shorts na kaparehong ipinasuot sa lahat. Nakatitig lang si Madame Glory sa amin. Hindi siya nagmamadali magsalita, parang sinasadya niyang pahabain ang kaba sa loob ng silid. Pagkatapos ng ilang segundo, bahagya siyang ngumiti."Before we start training..." malamig niyang sabi, "you should understand what this job really is." Sandaling katahimikan. Mas lalong humigpit ang dibdib ko."Entertainer here is not what you think it is." Nagtinginan ang ilang babae sa paligid. May iba na biglang nawala ang kumpiyansa sa mukha. Humakbang si Madame Glory palapit sa gitna."Your job is not just to talk, not just to smile, and not just to accompany clients." Mas humigpit ang hawak ko sa kamay ni Nadine."And no... it is not only dancing either." Huminto siya. Tumingin siya isa-isa sa amin.Then she said it."Some clients don't come here for
ELOWENHalos alas-diyes na ng gabi nang matapos ang proseso ng applications. Pagod na pagod na ako sa kakahintay at kakaisip kung tama pa bang manatili kami roon ni Nadine. Ilang beses ko nang gustong umatras ngunit sa tuwing maaalala ko ang malamig na bench na tinulugan namin kagabi, napipilitan akong manatili.Tahimik kaming nakaupo sa waiting area nang muling lumabas ang babaeng may hawak ng clipboard.Isa-isa niyang tinawag ang mga pangalan ng mga natanggap.Habang tumatagal ay mas lalo akong kinakabahan.Paano kung hindi kami matanggap?Saan kami pupunta?Paano kami bukas?"Elena Cruz.""Jasmine Velasco.""Rina Torres."Sunod-sunod ang pagtawag niya ng pangalan habang isa-isang tumatayo ang mga babae.Mariin kong pinisil ang sarili kong mga daliri.Hanggang sa-"Elowen Sullivan"Nanlaki agad ang mga mata ko.Halos sabay kaming napatingin ni Nadine sa isa't isa."Nadine Flores."Mabilis na tumayo si Nadine habang hindi makapaniwala."Natanggap tayo..." bulong niya.Hindi ko alam k







