Share

Chapter 97

Author: Bookie
last update Last Updated: 2025-08-31 20:58:14

“Anong karapatan mong kunin ang mga anak ko nang wala man lang pasabi?”

Madiin ang boses ni Alyssa, mababa pero parang may halong apoy na handang lumamon sa kanya.

Bahagyang natigilan si Liam. Tila tinusok ang dibdib niya ng salitang “anak ko.”

Napakuyom siya ng kamao, hindi dahil galit siya kay Alyssa—kundi dahil mas lalo niyang naramdaman ang layo ng pagitan nila.

Saglit siyang hindi nagsalita, at iyon mismo ang lalong nagpa-init ng dugo ni Alyssa. Pero bago pa siya muling makapagsalita, si Liam na ang bumasag sa katahimikan.

“Anak mo?” mariing ulit ni Liam, mababa ang tono pero buo. Dahan-dahan siyang lumapit, nakatingin diretso sa mga mata ni Alyssa. “Hindi lang sila anak mo, Alyssa. Anak ko rin sila.”

Parang tinamaan si Alyssa ng matalim na sibat. Mabilis siyang napailing, halos mapatawa sa sobrang sakit at inis.

“Anak mo?” mariin niyang ulit, halos pabulong pero puno ng gigil. “Anong karapatan mong sabihin na anak mo sila? Ha? Wala ka namang pruweba!”

Napakabilis ng paghinga niy
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 112

    Maagang gumising sina Sky, Snow, at Callum. Halos hindi na nakatulog sa sobrang excitement. Sabay-sabay silang nag-ayos ng gamit at nagtanong pa kung kailangan bang magsuot ng pormal.“Hindi na,” sagot ni Alyssa habang inaayos ang buhok ni Snow. “Magpakatotoo lang kayo. Basta huwag ninyong kalimutan ang rules ko.”“Anong rules ulit, Mommy?” tanong ni Callum.“Makikinig kayo sa akin sa lahat ng oras. Kapag sinabi kong tapos na, uuwi tayo. At higit sa lahat—magiging magalang kayo.”Sabay-sabay silang tumango. “Yes, Mommy.”Eksakto sa oras dumating si Liam. Nakasuot siya ng dark slacks at polo, neat pero hindi sobrang pormal. Halatang pinipigilan ang kaba habang papalapit. Pagkakita ng triplets, sabay-sabay silang tumakbo.“Daddy! Ready na kami!” sigaw ni Sky, sabay abot ng maliit na backpack niya.Bahagyang ngumiti si Liam at tinanggap ang bag. “Good. Pero bago tayo umalis…” lumingon siya kay Alyssa, seryoso ang tono. “Salamat, Alyssa, sa tiwala. Hindi ko ito sasayangin.”Tahimik lang s

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 111

    Lunes ng umaga. Maaga pa lang ay gising na si Alyssa, tinutulungan sina Sky, Snow, at Callum na maghanda para sa pasukan. Maayos ang uniform ng tatlo, nakalagay na rin sa bag ang kanilang mga baon. Kahit abala, ramdam ni Alyssa ang kakaibang saya ng mga anak dahil sa nagdaang weekend.“Mommy, masarap pa rin yung picnic natin kahapon!” bulalas ni Callum habang inaayos ang shoelace.“Yeah, Mommy! Tapos si Daddy ang galing magpalipad ng saranggola!” dagdag ni Sky na agad nakangiti.“Ang saya talaga kapag kumpleto tayo,” huling sambit ni Snow, sabay hawak sa kamay ng mommy niya.Saglit na napahinto si Alyssa. Hindi man niya gustuhin, ramdam niyang may epekto na agad si Liam sa mga anak nila. Pinilit niyang ngumiti, pero may bigat pa rin sa dibdib.Habang nag-aalmusal sila, biglang tumunog ang cellphone ni Alyssa na nasa lamesa. Napakunot siya ng noo nang makita ang pangalan na lumabas sa screen. Liam.Halos mabitawan niya ang tasa ng kape. Paano… paano niya nakuha ang number ko?Saglit si

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 110

    Tahimik na nakaupo sina Liam at Alyssa sa gilid ng picnic blanket. Sa di-kalayuan, abala ang triplets sa paggawa ng mga simpleng origami gamit ang papel na dala ni Liam. Tawa nang tawa ang tatlo habang nag-aagawan kung sino ang mas maganda ang fold, at tila ba walang ibang mundo sa paligid. Pero sa pagitan nina Liam at Alyssa, mabigat ang hanging bumabalot. Si Liam ang unang nagsalita. “Alyssa…” mahina pero buo ang boses niya. “Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ang alam ko lang, kailangan kong sabihin sa’yo lahat ng hindi ko nasabi noon.” Hindi tumingin si Alyssa, nakatitig lang sa baso ng juice sa kamay niya. “Kung ngayon mo lang naisip na magsalita, Liam… huli ka na.” malamig niyang sagot. Napapikit si Liam, ramdam ang bigat ng mga salita niya. “Alam kong huli ako. Pero kahit gano’n… gusto kong ipaliwanag. Gusto kong itama kung ano ang mali.” Doon siya tumingin, matalim at puno ng kirot ang mga mata ni Alyssa. “Itama? Kaya mo bang burahin yung gabing iyon, Liam? Yung gabi

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 109

    Mas lalong lumakas ang tawanan ng triplets habang nagkukuwento si Liam tungkol sa iba’t ibang klase ng saranggola. Nakaluhod siya sa damuhan, nakapalibot ang tatlong bata sa kanya na parang nakikinig ng isang kamangha-manghang kwento.“May dragon, may paru-paro, minsan may hugis bituin,” paliwanag niya habang gumuguhit ng simpleng hugis sa lupa gamit ang maliit na patpat.“Wow, Daddy! Gusto ko ng dragon!” agad na sigaw ni Callum, sabay turo sa imahinasyon niyang nasa langit.“Eh ako, gusto ko yung parang unicorn,” dagdag ni Snow, sabay tawa at palakpak.“Pwede ba tatlo ang gawin natin? Para sabay-sabay tayong magpalipad!” tanong ni Sky, nakangiti nang malawak.Hindi naiwasang mapangiti si Liam habang pinagmamasdan sila. “Kung yun ang gusto ninyo, gagawin natin. Kahit araw-araw pa tayong magpalipad kung gusto niyo.”Biglang yumakap si Snow sa leeg niya, masikip at puno ng tuwa. “Thank you, Daddy!”Napasinghap si Liam, ramdam ang init ng yakap na matagal na niyang pinangarap. Marahan ni

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 108

    Kinabukasan, tahimik ang umaga sa bahay nina Alyssa. Ang araw ng Linggo ay karaniwang para lamang sa triplets at sa kanya, ngunit ngayon… may kakaiba. May bigat sa hangin, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa inaasahang pagbabalik ni Liam. Habang nag-aalmusal sila, hindi mapigilan ni Alyssa na mapansin ang kakaibang sigla ng mga anak. Si Sky at Callum ay mas maagang nagising kaysa sa dati, at si Snow naman ay hindi mapakali, paulit-ulit na sumisilip sa bintana. “Mga anak, kumain muna kayo nang maayos. Hindi ko gustong makita kayo na gutom kung sakali man…” Mariin ang boses ni Alyssa, bagama’t halatang nahahalo ang kaba sa tono niya. Ngunit ngumiti lang si Callum, halos hindi maitago ang excitement. “Mommy, hindi mo ba naririnig? Para bang iba ang tunog ng araw ngayon. Sunday kasi.” Nagkatinginan sina Sky at Snow, sabay pa silang tumango. Para bang may lihim na kasunduan silang tatlo. At doon, kumatok si Liam. Hindi malakas, hindi rin pilit. Maingat, parang bata ring nag-aalangan k

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 107

    Matapos ang mabibigat na salita ni Liam. Ang tanging naririnig ay ang mahinang hikbi ni Snow at ang mabilis na tibok ng mga puso nilang lahat. Parang biglang huminto ang oras, at lahat sila’y nasa pagitan ng galit, takot, at pag-asa. “Mommy…” si Sky ang unang nagsalita, bakas ang panginginig ng boses pero puno ng tapang. “Hindi ba’t lagi mong sinasabi sa amin na dapat binibigyan ng chance ang tao kapag gusto nilang magbago?” Natigilan si Alyssa, napalingon sa panganay sa triplets. Mahigpit ang pagkakakunot ng kanyang noo, ramdam ang bigat ng argumento ng anak. “Sky…” mahina niyang tawag, parang hindi makapaniwala na mismong anak niya ang gumamit ng mga salitang itinuro niya. Pero hindi doon natapos. Sumunod si Callum, diretsong tumingin kay Alyssa. “Alam namin na nasaktan ka, Mommy… sobra. Pero hindi mo kailangang patawarin si Daddy agad. Ang gusto lang namin… bigyan mo siya ng pagkakataon na maging ama sa amin. Hindi bilang asawa mo, kundi bilang Daddy namin.” Ang huling boses na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status