LOGINChapter 52Celine’s POVPagkatapos kong makipag-meeting sa isang mahalagang kliyente, diretso akong nagtungo sa isang eksklusibong bar kung saan naghihintay na ang mga kaibigan ko.Sa wakas, kompleto kaming lahat.Walang board meetings.Walang financial reports.Walang investors na kailangang kumbinsihin.Walang problema sa negosyo.Girls' night lang.At iyon ang pinaka-importante.Pagpasok ko pa lang ay agad na akong sinalubong ng sigawan at tawanan ng barkada.“Finally! Dumating na rin ang pinakamayamang alipin ng corporate world!” sigaw ni Rhen.“Ako na naman?” napailing ako.“Sino pa ba? Ikaw lang naman ang nagbabayad ng wine natin.”Nagtawanan agad ang lahat.Kasama namin ngayon si Romi, ang bago kong Executive Assistant. Dahil siya ang pinakabagong miyembro ng grupo, natural lang na siya ang naging paboritong tuksuhin ng lahat.Lalo na tungkol kay Ethan.“Romi, kumusta na kayo ni Ethan?” tanong agad ni Carol.“Wala po.”“Ayan na naman ang sagot niya!” reklamo ni Rhen.“Baka nama
Chapter 51Celine's POVHabang nakaupo kami ni Carol sa gilid ng pool, hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood ang aming mga anak na masayang nagtatalsikan ng tubig.Ang lakas ng tawanan nila. Walang iniintinding problema. Walang iniisip na bayarin. Walang takot sa kung ano ang mangyayari bukas.Napailing na lamang ako."Alam mo," sabi ni Carol habang humihigop ng juice, "kung may magsabi sa akin noon na magkakaroon ako ng ganitong buhay, baka sampalin ko pa."Napatawa ako."Totoo."Pareho kaming natahimik sandali.Parang pelikula ang lahat kapag binalikan.Dati-rati, ang pinakamalaking problema namin ay kung saan kukuha ng pamasahe kinabukasan.Minsan sabay kaming umiiyak dahil pareho kaming walang pera.May pagkakataon pang naghahati kami sa isang order ng fries dahil iyon lang ang kaya naming bilhin."Naalala mo noong college?" natatawang tanong ni Carol."Alin doon? Ang dami nating kahihiyan.""Yung isang linggo tayong puro instant noodles."Napahagalpak ako."Tapos nilalag
Chapter 50Celine’s POVPagkauwi namin mula sa resort, magaan ang pakiramdam ko. Matagal na rin mula nang maranasan ko ang ganoong uri ng katahimikan—iyong walang takot, walang pag-aalala, at walang mabigat na alaalang nakapatong sa dibdib ko. Kahit pa nagkaroon ng kaunting gulo dahil sa hindi inaasahang pagdating ni Diana, hindi nito nagawang sirain ang masasayang sandaling nabuo naming mag-anak.Masayang-masaya si Brent sa buong biyahe pauwi. Paulit-ulit niyang ikinukuwento ang mga ginawa namin sa resort. Minsan ay natatawa ako dahil sa sobrang excitement niya. Parang ayaw niyang matapos ang bakasyon.At sa bawat pagkakataong mababanggit niya si Alaric, may kakaibang init akong nararamdaman sa puso.Ngunit kahit gaano ako kasaya, alam kong hindi puwedeng puro emosyon lamang ang pairalin ko.May dahilan kung bakit ako bumalik.May dahilan kung bakit kailangan kong harapin muli ang nakaraan.Kaya kinaumagahan, nagpasya akong pumunta sa HCAF Headquarters upang tiyaking maayos ang lahat
Chapter 49Alaric's POV“We have to open our options. Let's face it—our company needs help.”Ang simpleng pahayag na iyon ang siyang bumasag sa mabigat na katahimikan sa loob ng boardroom.Nakasandal ako sa mataas na leather chair habang isa-isang pinagmamasdan ang mga taong nakaupo sa paligid ng mahabang mesa. Lahat sila ay may parehong ekspresyon—pagod, nag-aalala, at naghihintay ng milagro.Matagal nang nalulugmok ang Thorne Global Holdings sa mga problemang iniwan ng nakaraang pamunuan. Hindi man ito lantad sa publiko, alam naming lahat na unti-unti nang kinakain ng mga maling desisyon ang pundasyon ng kumpanya.“What should we do, Alaric? Tell us.”Lahat ng mata ay nakatuon sa akin.Huminga ako nang malalim bago nagsalita.“Just like before, we need collaboration and investors for us to survive.”Nagkaroon ng bulungan sa loob ng silid.“Do you have someone in mind?”“There are a lot of offers,” sagot ko. “But we haven't confirmed anything yet. After further study, perhaps we can
Chapter 48Alaric’s POVHindi ko alam kung hanggang kailan ko pa ito matitiis.Sa bawat araw na lumilipas, mas lalo lamang akong nahihirapang ilayo ang sarili ko kay Celine. Para bang bawat pagtatangkang iwasan siya ay lalo lamang akong itinutulak papalapit sa kanyaKanina sa party, halos mawalan ako ng kontrol.Napakaganda niya.Hindi sapat ang salitang maganda para ilarawan siya. Nang makita ko siyang bumaba sa grand staircase ng venue, tila huminto ang buong paligid. Ang mga ilaw, ang musika, maging ang mga taong naroon ay naglaho sa paningin ko. Siya lamang ang nakita ko.At iyon ang pinakamalaking problema.Dahil siya ang babaeng pilit kong kinakalimutan.At siya rin ang babaeng hindi ko kailanman nakalimutan.Habang pinagmamasdan ko siya mula sa malayo, naririnig ko pa rin ang walang tigil na paninira ni Diana. Paulit-ulit niyang binabanggit ang mga kasinungalingang siya rin naman ang tumulong na ikalat noon.Unti-unti na akong nauubusan ng pasensya.Kailangan ko nang mapatigil
Chapter 47Celine’s POVMasaya ang lahat sa Thanksgiving Party na inihanda ng HCAF.Punong-puno ng tawanan ang buong ballroom. Naghahalo sa hangin ang masarap na amoy ng mga mamahaling pagkain, tunog ng live jazz band, at mga kuwentuhang matagal nang hindi naipagpatuloy ng mga taong minsang nagsama-sama upang buuin ang kumpanya.Naroon ang mga naging kliyente namin, suppliers, investors, business partners, at mga taong tumulong upang maitayo namin ang imperyong ito mula sa wala. Naroon din ang mga kaibigan kong minsang nakasabay kong mangarap habang hawak lamang namin noon ang mga sketchpad at pag-asa.Ngayong gabi ay hindi lamang pagdiriwang ng tagumpay.Isa rin itong pagkakataon para sa mas malalaking oportunidad.Mga bagong proyekto.Mga bagong venture.At para sa akin...Mga lumang utang na panahon ng singilin.Hindi nakadalo si Ethan dahil nagkaroon ng emergency sa Amerika at kinailangan niyang lumipad agad pabalik upang asikasuhin iyon.Kaya ngayong gabi...Ako ang may kontrol.
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






