LOGINChapter 47Celine’s POVMasaya ang lahat sa Thanksgiving Party na inihanda ng HCAF.Punong-puno ng tawanan ang buong ballroom. Naghahalo sa hangin ang masarap na amoy ng mga mamahaling pagkain, tunog ng live jazz band, at mga kuwentuhang matagal nang hindi naipagpatuloy ng mga taong minsang nagsama-sama upang buuin ang kumpanya.Naroon ang mga naging kliyente namin, suppliers, investors, business partners, at mga taong tumulong upang maitayo namin ang imperyong ito mula sa wala. Naroon din ang mga kaibigan kong minsang nakasabay kong mangarap habang hawak lamang namin noon ang mga sketchpad at pag-asa.Ngayong gabi ay hindi lamang pagdiriwang ng tagumpay.Isa rin itong pagkakataon para sa mas malalaking oportunidad.Mga bagong proyekto.Mga bagong venture.At para sa akin...Mga lumang utang na panahon ng singilin.Hindi nakadalo si Ethan dahil nagkaroon ng emergency sa Amerika at kinailangan niyang lumipad agad pabalik upang asikasuhin iyon.Kaya ngayong gabi...Ako ang may kontrol.
Chapter 46Celine’s POVHabang nakahiga kami ni Alaric sa malambot na kama, tahimik niyang nilalaro ang mga daliri ko na para bang ayaw niya iyong bitawan kahit isang segundo. Nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya habang pinakikinggan ko ang mahinahon niyang paghinga. Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming taon ng pagdurusa at pagkakahiwalay, pakiramdam ko ay ligtas ako.Tahimik ang paligid. Tanging tunog lamang ng mahinang hangin mula sa balkonaheng bahagyang nakabukas ang maririnig. Ngunit sa kabila ng katahimikan, puno ng plano ang mga isip namin.“Kapag bumalik ka sa bansa, siguradong magkakagulo,” mahinang sabi ni Alaric habang hinahagod ang likod ng kamay ko. “Hindi ko alam kung paano kita poprotektahan.”Ngumiti ako at tinaas ang mukha ko para tingnan siya.“Kaya nga kailangan nating magplano nang maayos,” sagot ko. “Walang dapat makaalam na nagkabalikan na tayo.”Agad siyang napakunot-noo.“What? Magpapanggap na naman tayo?” reklamo niya habang napapailing. “Honey, para
Chapter 45Celine’s POV“Ha? Your child?” halos pasigaw kong tanong kay Alaric habang nanginginig ang buo kong katawan.Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang mundo ko.Ang dibdib ko’y parang pinipiga nang napakahigpit habang paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang mga sinabi niya.Anak niya?Ngayon niya lang sasabihin iyon?Pagkatapos ng lahat?Pagkatapos kong umalis na wasak na wasak ang puso habang karga-karga ko ang batang itinakwil niya?Hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung magagalit ako, iiyak, o hahampasin ko siya sa sobrang sakit na muling bumalik sa alaala ko.Sa pagkakatanda ko, malinaw niyang itinanggi si Brent matapos akong manganak. Hindi niya ako pinakinggan noon. Mas pinaniwalaan niya ang mga taong nakapaligid sa kanya kaysa sa akin na asawa niya.Kaya tumakas ako.Kaya pinili kong mawala.Kasi kung hindi, baka mapahamak ang anak ko sa mga taong gustong burahin ang existence nito.At ngayon… ngayon sasabihin niyang anak niya rin si Brent?Napatawa ako nang mapait h
Chapter 44Celine's POVNapakarami kong meeting na inattend-an buong araw. Sunod-sunod na presentasyon, revisions, at usapan tungkol sa napakalaking high-rise project na itatayo sa Hudson. Pagod na pagod na ako—pisikal, emosyonal, at mental. Pakiramdam ko ay nauupos na kandila ang buong pagkatao ko, pero wala akong choice kundi magpatuloy.Kaya kahit gabi na ay bumalik pa rin ako sa opisina. Kailangan ko pang kunin ang ilang dokumento at ayusin ang mga detalye bago isumite kinabukasan.Pagbukas pa lamang ng elevator sa floor ng opisina ko ay agad kong natanaw si Monica. Nakakunot ang noo niya habang hawak ang telepono.“Celine, I was trying to reach you,” sabi niya habang mabilis na lumalapit sa akin.Bahagya akong napapikit at napahawak sa sentido ko.“Yeah, I forgot to charge my phone. But why? What’s the problem?”“Well… I don’t think there is a problem,” sagot niya, pero halatang nag-aalinlangan.Tumigil siya sandali bago muling nagsalita.“But someone from Manila is waiting for y
Chapter 43Celine’s POVPinagmamasdan ko si Brent habang mahimbing itong natutulog sa kama niya. Bahagyang nakaawang ang labi niya habang yakap ang paborito niyang unan. May munting ngiti pa sa kanyang mukha. Parang may napakagandang panaginip siyang pinapanood sa kanyang isipan.Napabuntong-hininga ako habang marahang hinahaplos ang buhok niya.Napakasaya siya nitong mga nakaraang araw. Halos hindi mapakali sa kakangiti. Masigla siyang gumising, excited na pumasok sa school, at kung minsan ay nahuhuli ko pa siyang nakatulala habang nakangiti mag-isa.Dapat ay ikatuwa ko iyon bilang ina.Pero bakit ganito?Bakit parang may bumibigat sa dibdib ko habang nakikita ko siyang masaya?Parang may kung anong hindi ko maipaliwanag na takot na unti-unting gumagapang sa puso ko.Pagkahalik ko sa noo niya ay marahan akong tumayo mula sa gilid ng kama. Napadako ang tingin ko sa kanyang backpack na nakapatong sa study table.Naalala ko ang mabilis niyang pagsilid kanina ng kung ano roon nang dumati
Chapter 42Celine’s POVTumawag sila Carol sa akin tungkol sa deal na nakuha nila. Ito na yata ang pinakamalaking kontratang nahawakan ng HCAF simula nang itayo namin iyon mula sa wala. Naalala ko pa noon kung paano kami nagharutan at nagkukulitan sa opisina, sabay-sabay na umiinom ng instant coffee habang nangangarap na balang araw ay makikilala rin kami sa industriya. Ngayon, milyon-milyong dolyar na ang pinag-uusapan.At gusto nilang naroon ako sa pagsisimula ng proyekto.“Celine, tutal naman safe na ang sitwasyon,” excited na sabi ni Carol sa video call habang halos hindi mapakali sa kinauupuan. “We think you should come back. Kahit isang buwan lang. Maganda na narito ka para makita mo kung gaano kagagaling ang mga kaibigan mo.”Sa screen ay nagsisigawan pa sina Rhen at Romi na parang mga batang nanalo sa raffle.“OO NGA!” sigaw ni Rhen. “At saka miss ka na namin! Hindi na sapat ang video call, girl!”Napangiti ako pero may kung anong mabigat pa ring bumabalot sa dibdib ko.Limang







