LOGINChapter 67Celine’s POVMasayang pinagmasdan ko ang wedding invitation na hawak ko. Ilang beses ko pa itong binasa para lang masigurong hindi ako nagkakamali. Nakalagay doon ang pangalan ni Ethan at ni Romi, malinaw na malinaw, kasama ang petsa ng kanilang kasal.“Invitation? Wedding?”Napatingin ako kay Ethan na parang hindi makapaniwala.“Ethan, what’s this?” halos pasigaw kong tanong habang nakadilat nang husto ang mga mata ko.“Nababasa mo naman, di ba?” natatawa niyang sagot.Ilang segundo akong natigilan bago tuluyang nagsink in sa akin ang lahat. Pagkatapos ay napatakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.“Congratulations!”Halos maiyak ako sa sobrang saya.“Hindi ko namalayan na may something na pala sa inyong dalawa ni Romi!”Napakamot siya sa ulo at napailing.“Your secretary is your best friend’s wife. Sa tingin mo ba may maitatago ako nang matagal?”Napatawa ako.“Sabagay. Pero grabe, ang galing ninyo maglihim. Napakagaling ninyong gumawa ng krimen”“If lov
The Jealous TypeChapter 66Celine’s POVMasaya akong nakilala ang mga kaibigan ni Erica—sina Martha at Benjamin. Magaan silang kasama, masayahin, at marunong makisama. Hindi ko namalayan ang oras sa dami ng naging kuwentuhan namin. Pakiramdam ko ay matagal ko na silang kakilala kahit ngayon ko lamang sila nakasama nang personal.Si Martha ay palabiro at palangiti. Halos lahat ng usapan ay nagagawan niya ng nakatatawang komento, kaya madalas kaming mapahalakhak sa mesa. Samantalang si Benjamin naman ay maginoo at matalinong kausap. Marami siyang alam sa iba't ibang bagay at hindi nakakasawang pakinggan ang kanyang mga kuwento.Habang pauwi ako, hindi ko maiwasang isipin na sana ay maulit pa ang gabing iyon. Matagal na rin kasing puro trabaho ang inaatupag ko. Ngayon lamang ako nakaranas ng simpleng kasiyahan na walang iniisip na responsibilidad o problema.Nagpaalam ako kina Erica, Martha, at Benjamin bago tuluyang lumabas ng restaurant. Nang makarating ako sa parking lot, ako na lama
Chapter 65Celine’s POVNagpunta si Erica sa opisina ko sa Thorne Global. Walang pasintabi itong pumasok sa conference room habang abala ako sa pagrerepaso ng ilang reports at financial projections.“Busy ka na naman,” reklamo niya habang nakasandal sa pintuan.“Unlike you, may trabaho ako,” biro ko nang hindi man lang iniaangat ang tingin sa laptop.“Ay wow. Akala mo naman wala akong ginagawa sa buhay.”“Ang ginagawa mo kasi ay manggulo.”“Correct,” proud niyang sagot.Napailing na lang ako. Si Erica talaga. Kahit gaano kabigat ang araw mo, magagawa niyang pagaanin ang lahat sa pamamagitan ng kanyang kakulitan.Lumapit siya sa mesa ko at walang paalam na umupo sa tapat ko.“Sige na Celine, pumayag ka na.”“Sa alin?”“Sa blind date.”Napabuntong-hininga ako.“Erica, hindi pa ba tayo tapos diyan?”“Hindi pa.”“Bakit ba interesado ka masyado sa lovelife ko?”“Because your lovelife is non-existent.”“Excuse me?”“Anong excuse me? Since nakapag-move on naman na kayo ni Alaric. He is with
Chapter 64Celine’s POV“I support the idea of Celine Herrera.”Malinaw at matatag ang boses ni Erica Sta. Ana nang magsalita siya sa loob ng boardroom. Agad na napalingon ang lahat sa kanya. Isa siya sa mga pinakarespetadong negosyante sa bansa at hindi basta-basta nagbibigay ng suporta sa isang proyekto kung hindi niya nakikita ang potensyal nito.Hindi ko pa siya gaanong kilala, ngunit marami na akong narinig tungkol sa kanya mula kay Alaric. Isa siyang self-made leader na kalaunan ay naging nag-iisang tagapagmana ng kanilang napakalaking negosyo. Ang Sta. Ana Group ang isa sa pinakamalalaking infrastructure at property development companies sa bansa. Nakapag-aral siya sa Amerika at kilala sa pagiging matalino, agresibo sa negosyo, ngunit patas sa pakikitungo.Sa totoo lang, malaking bagay ang suporta niya.Ang proposal ko ay hindi basta ordinaryong expansion project.Gusto kong pumasok ang Thorne Global sa international bidding market.Matagal ko nang pinag-aralan ang posibilidad
Chapter 63Celine’s POVSinamahan ako ni Alaric sa aking bagong opisina sa Thorne Global. Habang naglalakad kami sa malawak na hallway ng executive floor, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga salaming dingding at eleganteng disenyo ng buong gusali.Pakiramdam ko ay hindi ako empleyado kundi isa sa mga may-ari ng kumpanya.“Ms. Herrera, this will be your office,” nakangiting sabi ni Alaric habang binubuksan ang malaking double door.Pagbukas pa lamang nito ay halos mapasinghap na ako.Napakalawak ng opisina.May floor-to-ceiling glass windows na may tanaw ang buong siyudad. May sariling conference area, mini lounge, at isang napakagandang desk na gawa sa dark mahogany wood. Sa isang sulok ay may bookshelf at reading corner na parang nasa isang luxury hotel.Napakurap ako.“Para sa akin, lahat ito?”“Of course.”“Para kay James, sa kabilang office naman siya.”Napailing ako.“Bakit mo pa kami pinaghiwalay ng opisina, Mr. Thorne? Napakalaki naman nito para sa akin.”Lumapit siya sa akin
One Villain At A TimeChapter 62Celine’s POVNagkaroon ng pinakamahalagang shareholders’ meeting sa kasaysayan ng Thorne Global, at iyon din ang araw na pormal akong ipakikilala ni Alaric sa lahat ng board members, investors, at committee heads ng kumpanya.Hindi ito basta simpleng pagpupulong.Isa itong deklarasyon ng digmaan.Sa loob ng ilang buwan, tahimik na kumilos si Alaric upang alisin ang impluwensya ng pamilyang Montague sa Thorne Global. Isa-isang binili niya ang mga shares na hawak nila. Akala ng lahat ay bahagi lamang iyon ng kasunduang iniwan para kay Diana noon.Pero ang hindi nila alam, matagal nang pinagplanuhan ni Alaric ang lahat.Hindi niya gustong magkaroon pa ng anumang kapangyarihan ang mga Montague sa kumpanyang itinayo ng kanyang pamilya.Gayunpaman, alam naming hindi ganoon kadaling mabubura ang impluwensya nila.Marami silang tauhan.Marami silang kaalyado.At siguradong may mga taong patuloy na nagsisilbi sa kanila sa loob mismo ng kumpanya.Kaya naman ang
Chapter 18Alaric’s POV“Sa Leviste tayo,” utos ko sa driver. Katatapos lang ang meeting ko sa Rufino Tower. Kaya may dadaanan pa akong isang kliyente pa, bago umuwi. Andito rin sa Makati si Celine. Hindi lang niya sinabi ang eksakto. “Nasaan si Celine?” tanong ko kay Assistant MarcusNag-messa
Chapter 17Celine’s POVHinihintay ko ang feedback galing kay Ethan. Nakapagpasa na kasi ako ng design sa proposed design ng cake shop. Nasabi ni Carol na may incentive pa raw na makukuha kapag napili ang aking design. Sa tatlo kong disenyo, ang pinaka-bet at nagustuhan ko ay ang pangalawa kong
Chapter 16Alaric's POVSinabayan niya ako muli sa hapagkainan. Masaya akong nakikita na maganda na siya sa pagkain at komportable na siya dito sa bahay. Sa akin, kaya komportable na rin siya. Mas maganda kung ganuon. “Anong gagawin mo ngayon?” tanong ko.“Ha?”pagtataka pa niya.“Aalis ka ba?”
Chapter 15Celine’s POVSumakay na ako ng sasakyan patungo sa site. Excited ako sa pagkakataong ibinigay ng Samuel’s & Associate sa akin. Kaya hindi ko iyon sasayangin at gagalingan ko talaga para mapili ang aking disenyo.. Nagkita kami ni Carol doon at nauna na siya.“Madam na Madam ah.” pang







