ホーム / Romance / The Boss CEO's Contract Lover / Chapter 2 — Ang Kontrata

共有

Chapter 2 — Ang Kontrata

作者: Judith
last update 公開日: 2026-10-08 08:06:53

Elena's POV

Nagulat ako sa narinig ko at tila hindi ko maunawaan ang mga nangyayari. Ano ba ang ibig sabihin ng batang iyon?

Napatingin ako kay Sir Adrian, ngunit seryoso ang mukha nito. Kaya tuluyan na akong umalis, ngunit patuloy pa ring naguguluhan ang isip ko tungkol sa proposal na iyon ni Sir Adrian.

Habang nasa elevator ako, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ng bata.

“Uncle, siya na ba ang magiging mommy ko?”

Bakit niya iyon sinabi?

Hindi ko maiwasang mapaisip. Hindi naman maaaring basta na lamang magsabi ang isang bata ng ganoong bagay. Sigurado akong may dahilan kung bakit ganoon ang tawag niya sa akin.

Pagdating ko sa opisina ko, umupo ako at napabuntong-hininga na lamang dahil sa mga nangyari. Iniisip ko pa rin ang proposal niya at ang batang lumapit kay Sir Adrian.

Sino ba ang batang iyon? At bakit ganoon na lamang ang pagmamahal ni Sir Adrian sa kanya?

Sinubukan kong magtrabaho upang mawala sa isip ko ang mga nangyari, ngunit hindi ko magawang magpokus.

Sa tuwing tinitingnan ko ang mga dokumentong nasa harapan ko, mukha ni Sir Adrian ang pumapasok sa isip ko. Kasunod noon ay ang mukha ni Lucas.

Hindi ko alam kung bakit parang may kakaibang pakiramdam akong nararamdaman.

Kinagabihan, pag-uwi ko sa bahay, hindi ko agad nagawang matulog. Nakahiga ako habang nakatingin sa kisame.

“Bakit naman kasi ako?” bulong ko sa sarili.

Maraming babae ang maaaring piliin ni Sir Adrian. Mayaman, maganda at sigurado akong maraming babaeng gustong mapalapit sa kanya.

Pero ako?

Isa lamang akong ordinaryong secretary.

Wala akong malaking pangalan at hindi rin ako galing sa mayamang pamilya.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako ang pinili niya.

Kinabukasan, isang bagong umaga na naman, ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari kahapon.

Pagdating ko sa opisina, saktong alas-otso ng umaga, nakita ko si Sir Adrian na naroon na at mukhang hinihintay ako.

Nagulat ako at hindi ako makapaniwalang makakapasok siya rito. Pero siyempre, hindi ko na iyon kailangang itanong pa sa kanya. Siya lang naman ang CEO at may access sa lahat ng bagay dito sa kompanya.

“Ahmm… magandang umaga po, Sir Adrian. Bakit parang maaga yata po kayo ngayon?”

“Elena, narito ako upang muling pag-usapan ang proposal ko.”

“Ahh… hmm… Sir Adrian, iyong bata po kahapon, sino po ba siya?”

“Lucas ang pangalan niya. Tatlong taon pa lamang siya nang iwan siya sa akin ng kapatid kong babae. May sarili na itong pamilya ngayon, kaya iniwan niya sa akin ang pamangkin ko para may kasama ako sa bahay.”

Napatingin ako sa kanya habang tahimik na nakikinig.

“Si Lucas ay anim na taong gulang na ngayon, at madalas niyang sabihin na gusto na niyang magkaroon ng mommy.”

Bigla kong naalala ang mukha niya.

“Ang bata po ba talaga ang dahilan kung bakit ninyo ako gustong pakasalan?”

Hindi agad sumagot si Adrian.

“Isa siya sa mga dahilan.”

“Isa?”

Tumango siya.

“May mga bagay na kailangan kong ipaliwanag sa iyo, pero hindi ko pa kayang sabihin lahat ngayon.”

Mas lalo akong naguluhan.

“Kung ganoon po, bakit ninyo ako pinipili?”

“Elena, matagal ka nang secretary ng kompanyang ito. Kilala na kita. Alam kong responsable ka at higit sa lahat, alam kong mapagkakatiwalaan kita.”

“Pero Sir, hindi ba mas madaling maghanap na lamang kayo ng ibang babae?”

“Hindi ko kailangan ng babaeng basta lamang susunod sa akin.”

Napatingin ako sa kanya.

“Kailangan ko ng taong kaya kong pagkatiwalaan.”

Tahimik akong napaisip sa sinabi niya.

“At isa iyon sa mga dahilan kung bakit kailangan kong maging maingat sa babaeng ipakikilala ko sa pamilya ko, lalo na kay Lucas.”

“Ahmm… Sir Adrian, tanong ko lang po. Bakit parang hindi tungkol sa negosyo ang kasal na ito? Ano po ba ang totoong dahilan ng proposal? Medyo naguguluhan lamang po ako sa mga nakikita at naikukuwento ninyo.”

“Elena, ipaliliwanag ko sa iyo ang lahat sa madaling panahon.”

Umupo siya sa harap ng mesa at inilabas ang isang folder.

“Ayokong pilitin kang pumayag. Kung tatanggapin mo ang proposal, gusto kong malinaw sa iyo ang lahat.”

Inilapag niya ang folder sa harapan ko.

“Mayroon kang tatlong taong kontrata upang magpanggap na asawa ko. Mayroon kang privacy. Tungkol sa pagtulog, maaari nating gawan ng paraan ang kuwarto kung ayaw mong lagi akong nakikita.”

Napatingin ako sa folder.

“Tatlong taon?”

“Oo.”

“Bakit tatlong taon po?”

“Iyon ang panahon na kailangan ko upang maayos ang ilang bagay sa pamilya at negosyo.”

Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa lahat ng sinasabi niya.

“Bilang asawa ko, may karapatan ka sa lahat ng bagay sa bahay. Ikaw ang magdedesisyon kung anong pagkain ang gusto mo at kung ano ang mga bagay na ayaw mo.”

“Matapos ang tatlong taong kontrata, malaya ka nang umalis. Malaya kang gawin ang gusto mo. At ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kailangan mo—tulad ng pera, bahay at sasakyan.”

Napanganga ako.

“Bahay at sasakyan po?”

“Oo.”

“Sir, hindi po ba sobra iyon?”

“Hindi para sa akin.”

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mai-stress sa laki ng inaalok niya.

“Basahin mo ang buong kontrata para mas malinaw sa iyo ang mga bagay na hindi ko pa nabanggit.”

Kinuha ko ang folder at dahan-dahan itong binuksan.

Isa-isa kong binasa ang mga kondisyon.

May mga bagay tungkol sa privacy, tirahan, gastusin at trabaho. Nakasaad din na hindi ako maaaring basta magsabi sa ibang tao tungkol sa tunay na dahilan ng aming pagsasama.

Mas lalo akong napaisip.

“Sir Adrian, paano po kung malaman ng ibang tao na kontrata lamang ang kasal natin?”

“Hindi nila malalaman.”

“Sigurado po kayo?”

“Gagawin ko ang lahat upang maprotektahan ka.”

Hindi ko alam kung bakit parang seryoso ang kanyang mga mata nang sabihin niya iyon.

“Paano naman po ang trabaho ko?”

“Elena, pagdating sa trabaho, ikaw ang magdedesisyon. Puwede mong ipagpatuloy ang trabaho mo o mag-stay ka na lamang sa bahay ko.”

“Pagdating sa sahod, pumasok ka man o hindi, tuloy ang sweldo mo. Bukod dito, dodoblehin ko ang sahod mo.”

Napatingin ako sa kanya.

“Dodoblehin?”

“Oo.”

“Bukod din ang pang-shopping mo at mga kailangan mo. Paano naman ang mga gastusin sa bahay?”

“Ako ang sasagot sa lahat at wala kang dapat ikabahala.”

Tahimik akong napatingin sa mga papeles.

Hindi ko maiwasang isipin ang kinabukasan ko.

Ilang taon na rin akong nagtatrabaho at nagsisikap para magkaroon ng magandang buhay. Ngunit kahit anong gawin ko, parang napakalayo pa rin ng mga pangarap ko.

Ang alok ni Adrian ay maaaring maging daan upang magkaroon ako ng mas magandang kinabukasan.

Pero kapalit nito ay kailangan kong pumasok sa isang kasal na hindi naman nakabatay sa pag-ibig.

“Elena, pumapayag ka ba sa alok ko?”

Napahinga ako nang malalim.

“A-ahmm, Sir Adrian, puwede po bang pag-isipan ko muna ang inaalok ninyo?”

Tumango siya.

“Pag-isipan mo nang mabuti. Ayokong magsisi ka pagkatapos.”

“Aalis na po ako. Magandang umaga po.”

Tumayo ako at kinuha ang aking mga gamit.

Habang naglalakad ako papunta sa elevator, hindi ko pa rin alam kung tama ba ang desisyong gagawin ko.

Isang kasal.

Isang kontrata.

Tatlong taon.

At isang batang naghihintay na tawagin akong mommy.

Pagkabukas ko ng elevator, napahinto ako sandali.

Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay hindi pa iyon ang huling pagkakataong magugulat ako sa mga mangyayari sa buhay ko.

At sa araw na iyon, hindi ko pa alam na ang simpleng desisyong gagawin ko ay tuluyang magbabago sa buong buhay ko.

Pagdating ko sa bahay, halos buong gabi akong nag-isip.

Kinuha ko ang isang papel at isinulat ko ang mga dahilan kung bakit dapat akong pumayag at ang mga dahilan kung bakit kailangan kong tumanggi.

Sa isang banda, mayroon akong pagkakataong magkaroon ng mas magandang buhay.

Sa kabilang banda, kailangan kong isuko ang ilang bahagi ng kalayaan ko.

Ngunit habang iniisip ko ang lahat, isang bagay ang hindi mawala sa isip ko.

Si Lucas.

Kung tatanggapin ko ang kontrata, hindi lamang si Adrian ang kailangan kong pakisamahan.

May isang batang maaaring umasa sa akin.

At hindi ko alam kung handa ba akong gampanan ang papel na iyon.

Kinabukasan, dala ko pa rin ang mga tanong sa isip ko.

Ngunit bago ko pa man tuluyang makapagdesisyon, alam kong kailangan kong basahin nang mabuti ang bawat salita ng kontratang ibinigay sa akin.

Dahil maaaring may isang kondisyon doon na hindi ko pa alam—isang kondisyon na tuluyang magbabago sa desisyong gagawin ko.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • The Boss CEO's Contract Lover   Chapter 7 — Ang Lihim na Hindi Dapat Malaman

    Elena’s POVAgad kong napansin ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ni Sir Adrian. Tila bigla siyang nanlamig at nabahala sa mga narinig niya mula sa kabilang linya.Lumayo pa siya sa akin upang ipagpatuloy ang kanilang pag-uusap.Napakunot-noo ako.Bakit hindi ko puwedeng marinig ang usapan nila? Sino ba ang kausap niya? At bakit ganoon na lamang ang tila pagpapaalala nito kay Sir Adrian?Makalipas ang ilang sandali, ibinaba na ni Adrian ang kanyang cellphone.Hindi ko na napigilang magtanong.“A-ahm… Sir Adrian, sino po iyon? Ano po ang ibig niyang sabihin tungkol sa pagpapakasal? At bakit alam na alam niya ang tungkol sa kontratang pinirmahan ko?”Tumingin siya sa akin nang ilang segundo bago sumagot.“Wala iyon, Elena. Hindi mo muna kailangang malaman kung sino ang kausap ko at kung ano ang alam niya tungkol sa kasal.”“P-pero, Sir Adrian…” Naglakas-loob akong magsalita. “Bahagi ako ng plano mo. Pumirma ako sa napag-usapan natin. Hindi ba dapat alam ko rin ang totoo?”Hindi agad

  • The Boss CEO's Contract Lover   Chapter 6 — Ang Unang Pagsubok ni Elena Bilang “Asawa” at “Mommy”

    Elena’s POVNagising ako sa tunog ng aking alarm clock.Napapikit muna ako at ilang segundo lamang akong nakahiga bago ko tuluyang naalala kung nasaan ako.Grabe… hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako sa bahay ng boss ko.At hindi lang iyon.Pagmulat ko ng mga mata, isang bata ang katabi ko.Si Lucas.Dati, kahit anong oras ako gumising kapag wala akong trabaho. Minsan ay gusto ko pang matulog nang matagal at magpahinga buong araw. Pero ngayon, mukhang hindi ko na yata magagawa ang lahat ng iyon.Napabalikwas ako nang bigla kong marinig ang isang pamilyar na tinig.“Mommy!”Napatingin ako kay Lucas. Gising na pala siya.Tila natural na lamang para sa kanya ang pagtawag sa akin ng “Mommy.” Hindi ko rin nakikita na nahihiya siya sa pagyakap sa akin o sa pagtawag niya sa akin ng ganoon.Biglang may narinig akong bahagyang pag-ubo.“Hmm.”Napalingon ako.Si Sir Adrian.Nakatayo siya sa may pintuan at seryosong nakatingin sa amin ni Lucas. Wala siyang imik. Tila nagmamasid lamang

  • The Boss CEO's Contract Lover   Chapter 5 — Ang Unang Araw sa Bahay ni Adrian

    Elena's POVAlas-sais ng umaga nang magmadali akong ayusin ang ilang gamit na dadalhin ko sa bahay ni Sir Adrian. Ito kasi ang unang araw na makikilala ko ang pamilya niya, at dito rin magsisimula ang buhay na pinasok ko dahil sa kontratang pinirmahan ko.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang inaayos ang mga gamit ko. Excited ba ako? O natatakot? Hindi ko rin alam.Paulit-ulit kong tinitingnan ang mga damit na inilalagay ko sa maleta. Ilang beses kong iniisip kung tama ba talaga ang desisyong ginawa ko. Hindi naman ako pinilit ni Sir Adrian. Ako mismo ang pumirma sa kontrata.Pero iba pala ang pakiramdam kapag oras na para gawin na ang lahat ng nakasulat doon.Huminga ako nang malalim bago isinara ang maleta.“Okay, Elena. Kaya mo ’to.”Saktong bubuksan ko pa lamang ang pintuan ng inuupahan kong bahay nang may dumating na sasakyan. Pinasundo ako ni Sir Adrian sa isa sa kanyang mga bodyguard.Napakaganda ng sasakyan at tila napakamahal nito. Hindi ko maiwasang mapatingin sa

  • The Boss CEO's Contract Lover   Chapter 4 — Ang Sikretong Hindi Ko Alam

    Elena's POVSeryoso ang tono ng pananalita ni Sir Adrian, na tila may mahalaga siyang ipinaliliwanag sa akin.“Kailangan ni Lucas ng isang ina. Isang ina na magpapabago ng buhay niya. Kailangan niya ng makakasama hanggang sa kanyang paglaki.”Labis ang aking pagkagulat kaya nabitawan ko ang ballpen na hawak ko.“Sir, bakit kailangan ako? Bakit kailangan ako ang maging mommy ni Lucas?”Hindi agad sumagot si Sir Adrian. Ilang segundo siyang nanatiling tahimik bago siya marahang naupo sa kanyang upuan.“Dahil ikaw ang taong pinagkakatiwalaan ko, Elena.”“Pero Sir, secretary ninyo lang po ako.”“Hindi lang secretary ang tingin ko sa iyo.”Napatingin ako sa kanya.“Sa lahat ng taon na nagtatrabaho ka sa kompanya, hindi kita nakitang nagsinungaling, nang-abuso ng tiwala o gumawa ng bagay na maaaring makasira sa kompanya. Alam kong responsable ka.”Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o lalo lamang kakabahan sa sinabi niya.“Pero hindi ibig sabihin noon ay kaya ko nang maging ina ni Lucas.”“H

  • The Boss CEO's Contract Lover   Chapter 3 — Ang Kondisyong Hindi Ko Inaasahan

    Elena's POVPagbukas ko ng kontrata, binasa ko ang mga ordinaryong kondisyon. Ngunit may isang kondisyon dito na labis na nagpalito sa aking isipan—isang malaking responsibilidad na hindi ko inaasahan.Labis ang kaba ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa kondisyong nabasa ko.Tumingin ako kay Sir Adrian. Wala itong kibo at hinihintay lamang ang aking pasya.“Sir, bakit kasama po ito sa kontrata? Hindi po ba nagkamali lamang kayo?”Hindi agad sumagot si Sir Adrian. Sa halip, marahan siyang napabuntong-hininga at tumingin sa dokumentong hawak ko.“Hindi iyon pagkakamali, Elena.”Napatingin ako sa kanya.“Kung ganoon, bakit po kailangan itong isama? Hindi ko po yata kayang gawin ang nakasulat dito.”“Alam kong mahirap para sa iyo. Kaya hindi kita pipilitin.”Tahimik akong napatingin sa kontrata. Habang binabasa ko ang bawat salita, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng desisyong kailangan kong gawin.“Si Lucas ay isang matalino at mapagmahal na bata. Lumaki s

  • The Boss CEO's Contract Lover   Chapter 2 — Ang Kontrata

    Elena's POVNagulat ako sa narinig ko at tila hindi ko maunawaan ang mga nangyayari. Ano ba ang ibig sabihin ng batang iyon?Napatingin ako kay Sir Adrian, ngunit seryoso ang mukha nito. Kaya tuluyan na akong umalis, ngunit patuloy pa ring naguguluhan ang isip ko tungkol sa proposal na iyon ni Sir Adrian.Habang nasa elevator ako, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ng bata.“Uncle, siya na ba ang magiging mommy ko?”Bakit niya iyon sinabi?Hindi ko maiwasang mapaisip. Hindi naman maaaring basta na lamang magsabi ang isang bata ng ganoong bagay. Sigurado akong may dahilan kung bakit ganoon ang tawag niya sa akin.Pagdating ko sa opisina ko, umupo ako at napabuntong-hininga na lamang dahil sa mga nangyari. Iniisip ko pa rin ang proposal niya at ang batang lumapit kay Sir Adrian.Sino ba ang batang iyon? At bakit ganoon na lamang ang pagmamahal ni Sir Adrian sa kanya?Sinubukan kong magtrabaho upang mawala sa isip ko ang mga nangyari, ngunit hindi ko magawang magpokus.Sa tuw

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status