로그인Elena's POV
Pagbukas ko ng kontrata, binasa ko ang mga ordinaryong kondisyon. Ngunit may isang kondisyon dito na labis na nagpalito sa aking isipan—isang malaking responsibilidad na hindi ko inaasahan. Labis ang kaba ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa kondisyong nabasa ko. Tumingin ako kay Sir Adrian. Wala itong kibo at hinihintay lamang ang aking pasya. “Sir, bakit kasama po ito sa kontrata? Hindi po ba nagkamali lamang kayo?” Hindi agad sumagot si Sir Adrian. Sa halip, marahan siyang napabuntong-hininga at tumingin sa dokumentong hawak ko. “Hindi iyon pagkakamali, Elena.” Napatingin ako sa kanya. “Kung ganoon, bakit po kailangan itong isama? Hindi ko po yata kayang gawin ang nakasulat dito.” “Alam kong mahirap para sa iyo. Kaya hindi kita pipilitin.” Tahimik akong napatingin sa kontrata. Habang binabasa ko ang bawat salita, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng desisyong kailangan kong gawin. “Si Lucas ay isang matalino at mapagmahal na bata. Lumaki siya nang mag-isa, at hindi ko naibigay ang mga bagay na kailangan niya dahil sa pagtatrabaho ko. Habang lumalaki si Lucas, nararamdaman niyang tila may kulang sa kanyang buhay. Marahil, unti-unti na rin niyang nauunawaan ang mga pangyayari sa kanyang paligid.” Napayuko ako. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang ibang mukha ni Sir Adrian. Hindi na lamang siya ang malamig at istriktong boss na kilala ko sa opisina. Isa rin pala siyang tiyuhin na nag-aalala sa isang batang mahalaga sa kanya. “Pero Sir Adrian, hindi ko po alam kung magiging mabuting tao ako para kay Lucas.” “Hindi ko hinihingi sa iyong maging perpektong ina, Elena.” Napatingin ako sa kanya. “Ang hinihingi ko lang ay maging mabuti ka sa kanya. Bigyan mo siya ng oras at pagmamahal. Iyon lang.” Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang dibdib ko sa sinabi niya. Hindi naman ako sanay sa mga bata. Wala rin akong karanasan bilang ina. Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung paano aalagaan ang isang batang tulad ni Lucas. Pero habang iniisip ko ang kanyang mukha at ang paraan ng pagyakap niya sa akin kahapon, hindi ko maiwasang maawa. “Paano po kung hindi niya ako magustuhan?” “Sa tingin ko, hindi iyon magiging problema.” Bahagya siyang ngumiti. “Kung nakita mo lang ang mukha niya nang malaman niyang ikaw ang makakasama niya, malalaman mong matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong iyon.” Hindi ko napigilang mapangiti. Pero agad ding bumalik ang seryosong ekspresyon ko nang maalala ko ang kontrata. Dahil sa sinabi ng boss ko, unti-unti kong nauunawaan ang mga nais niyang mangyari. Ngunit ang kaba at pagdadalawang-isip ay hindi ko maitago. Malaki ang magbabago sa buhay ko. Magbabago ang kinabukasan ko, at marahil, magkakaroon ako ng pamilyang hindi makakaranas ng mga bagay na naranasan ko. Ngunit paano ko ba ito uumpisahan? Paano ko ba ito tatanggapin? “Sir Adrian…” “Yes?” “Kung pumayag po ako, sigurado po ba kayong susundin natin ang lahat ng nasa kontrata?” “Oo.” “At pagkatapos ng tatlong taon?” “Malaya ka nang umalis. Wala akong pipilitin sa iyo.” Napabuntong-hininga ako. Tatlong taon. Sa isip ko, mahaba iyon. Pero kapag natapos ang tatlong taon, maaari na akong bumalik sa dati kong buhay. Siguro kaya ko. Hindi ko naman kailangang magmahal. Hindi ko kailangang kalimutan kung sino ako. Kailangan ko lamang gampanan ang papel na napagkasunduan namin. Napatingin ako sa kontrata at muling binasa ang bawat kondisyon. May bahagi sa akin na natatakot. Pero may bahagi rin sa akin na umaasang baka ito na ang pagkakataong hinihintay ko upang mabago ang buhay ko. Ilang taon na rin akong nagtatrabaho para lamang matustusan ang sarili ko. Wala akong malaking ipon at wala rin akong sariling bahay. Kung tatanggapin ko ang alok ni Adrian, maaari kong simulan ang pagbuo ng kinabukasang matagal ko nang pinapangarap. Ngunit hindi pera lamang ang iniisip ko. May isang batang umaasa sa desisyong gagawin ko. At iyon ang pinakamabigat sa lahat. “Sir Adrian, kung sakaling pumayag ako…” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko. “Ano?” “Paano kung masyado akong ma-attach kay Lucas?” Nanatiling tahimik si Adrian. Sa ilang segundo, nagtagpo ang aming mga mata. “Hindi ko alam, Elena,” mahina niyang sagot. “Pero baka iyon ang bagay na hindi natin kayang isulat sa isang kontrata.” Hindi ko alam kung bakit tila may ibang kahulugan ang sinabi niyang iyon. Muli akong napatingin sa papel sa harap ko. Ang desisyon ay nakasalalay sa akin, at ako ang magpapasya sa mga bagay na nais kong mangyari sa aking buhay. Huminga ako nang malalim at akmang hahawakan na ang ballpen upang tuluyang pirmahan ang kontrata. Ngunit bago ko pa man maibigay ang aking pirma, isang tinig mula kay Sir Adrian ang tila muling magpapabago sa aking desisyon. “Bago mo pirmahan iyan, Elena, may isang bagay pa akong kailangang sabihin sa iyo.”Elena’s POVAgad kong napansin ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ni Sir Adrian. Tila bigla siyang nanlamig at nabahala sa mga narinig niya mula sa kabilang linya.Lumayo pa siya sa akin upang ipagpatuloy ang kanilang pag-uusap.Napakunot-noo ako.Bakit hindi ko puwedeng marinig ang usapan nila? Sino ba ang kausap niya? At bakit ganoon na lamang ang tila pagpapaalala nito kay Sir Adrian?Makalipas ang ilang sandali, ibinaba na ni Adrian ang kanyang cellphone.Hindi ko na napigilang magtanong.“A-ahm… Sir Adrian, sino po iyon? Ano po ang ibig niyang sabihin tungkol sa pagpapakasal? At bakit alam na alam niya ang tungkol sa kontratang pinirmahan ko?”Tumingin siya sa akin nang ilang segundo bago sumagot.“Wala iyon, Elena. Hindi mo muna kailangang malaman kung sino ang kausap ko at kung ano ang alam niya tungkol sa kasal.”“P-pero, Sir Adrian…” Naglakas-loob akong magsalita. “Bahagi ako ng plano mo. Pumirma ako sa napag-usapan natin. Hindi ba dapat alam ko rin ang totoo?”Hindi agad
Elena’s POVNagising ako sa tunog ng aking alarm clock.Napapikit muna ako at ilang segundo lamang akong nakahiga bago ko tuluyang naalala kung nasaan ako.Grabe… hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako sa bahay ng boss ko.At hindi lang iyon.Pagmulat ko ng mga mata, isang bata ang katabi ko.Si Lucas.Dati, kahit anong oras ako gumising kapag wala akong trabaho. Minsan ay gusto ko pang matulog nang matagal at magpahinga buong araw. Pero ngayon, mukhang hindi ko na yata magagawa ang lahat ng iyon.Napabalikwas ako nang bigla kong marinig ang isang pamilyar na tinig.“Mommy!”Napatingin ako kay Lucas. Gising na pala siya.Tila natural na lamang para sa kanya ang pagtawag sa akin ng “Mommy.” Hindi ko rin nakikita na nahihiya siya sa pagyakap sa akin o sa pagtawag niya sa akin ng ganoon.Biglang may narinig akong bahagyang pag-ubo.“Hmm.”Napalingon ako.Si Sir Adrian.Nakatayo siya sa may pintuan at seryosong nakatingin sa amin ni Lucas. Wala siyang imik. Tila nagmamasid lamang
Elena's POVAlas-sais ng umaga nang magmadali akong ayusin ang ilang gamit na dadalhin ko sa bahay ni Sir Adrian. Ito kasi ang unang araw na makikilala ko ang pamilya niya, at dito rin magsisimula ang buhay na pinasok ko dahil sa kontratang pinirmahan ko.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang inaayos ang mga gamit ko. Excited ba ako? O natatakot? Hindi ko rin alam.Paulit-ulit kong tinitingnan ang mga damit na inilalagay ko sa maleta. Ilang beses kong iniisip kung tama ba talaga ang desisyong ginawa ko. Hindi naman ako pinilit ni Sir Adrian. Ako mismo ang pumirma sa kontrata.Pero iba pala ang pakiramdam kapag oras na para gawin na ang lahat ng nakasulat doon.Huminga ako nang malalim bago isinara ang maleta.“Okay, Elena. Kaya mo ’to.”Saktong bubuksan ko pa lamang ang pintuan ng inuupahan kong bahay nang may dumating na sasakyan. Pinasundo ako ni Sir Adrian sa isa sa kanyang mga bodyguard.Napakaganda ng sasakyan at tila napakamahal nito. Hindi ko maiwasang mapatingin sa
Elena's POVSeryoso ang tono ng pananalita ni Sir Adrian, na tila may mahalaga siyang ipinaliliwanag sa akin.“Kailangan ni Lucas ng isang ina. Isang ina na magpapabago ng buhay niya. Kailangan niya ng makakasama hanggang sa kanyang paglaki.”Labis ang aking pagkagulat kaya nabitawan ko ang ballpen na hawak ko.“Sir, bakit kailangan ako? Bakit kailangan ako ang maging mommy ni Lucas?”Hindi agad sumagot si Sir Adrian. Ilang segundo siyang nanatiling tahimik bago siya marahang naupo sa kanyang upuan.“Dahil ikaw ang taong pinagkakatiwalaan ko, Elena.”“Pero Sir, secretary ninyo lang po ako.”“Hindi lang secretary ang tingin ko sa iyo.”Napatingin ako sa kanya.“Sa lahat ng taon na nagtatrabaho ka sa kompanya, hindi kita nakitang nagsinungaling, nang-abuso ng tiwala o gumawa ng bagay na maaaring makasira sa kompanya. Alam kong responsable ka.”Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o lalo lamang kakabahan sa sinabi niya.“Pero hindi ibig sabihin noon ay kaya ko nang maging ina ni Lucas.”“H
Elena's POVPagbukas ko ng kontrata, binasa ko ang mga ordinaryong kondisyon. Ngunit may isang kondisyon dito na labis na nagpalito sa aking isipan—isang malaking responsibilidad na hindi ko inaasahan.Labis ang kaba ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa kondisyong nabasa ko.Tumingin ako kay Sir Adrian. Wala itong kibo at hinihintay lamang ang aking pasya.“Sir, bakit kasama po ito sa kontrata? Hindi po ba nagkamali lamang kayo?”Hindi agad sumagot si Sir Adrian. Sa halip, marahan siyang napabuntong-hininga at tumingin sa dokumentong hawak ko.“Hindi iyon pagkakamali, Elena.”Napatingin ako sa kanya.“Kung ganoon, bakit po kailangan itong isama? Hindi ko po yata kayang gawin ang nakasulat dito.”“Alam kong mahirap para sa iyo. Kaya hindi kita pipilitin.”Tahimik akong napatingin sa kontrata. Habang binabasa ko ang bawat salita, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng desisyong kailangan kong gawin.“Si Lucas ay isang matalino at mapagmahal na bata. Lumaki s
Elena's POVNagulat ako sa narinig ko at tila hindi ko maunawaan ang mga nangyayari. Ano ba ang ibig sabihin ng batang iyon?Napatingin ako kay Sir Adrian, ngunit seryoso ang mukha nito. Kaya tuluyan na akong umalis, ngunit patuloy pa ring naguguluhan ang isip ko tungkol sa proposal na iyon ni Sir Adrian.Habang nasa elevator ako, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ng bata.“Uncle, siya na ba ang magiging mommy ko?”Bakit niya iyon sinabi?Hindi ko maiwasang mapaisip. Hindi naman maaaring basta na lamang magsabi ang isang bata ng ganoong bagay. Sigurado akong may dahilan kung bakit ganoon ang tawag niya sa akin.Pagdating ko sa opisina ko, umupo ako at napabuntong-hininga na lamang dahil sa mga nangyari. Iniisip ko pa rin ang proposal niya at ang batang lumapit kay Sir Adrian.Sino ba ang batang iyon? At bakit ganoon na lamang ang pagmamahal ni Sir Adrian sa kanya?Sinubukan kong magtrabaho upang mawala sa isip ko ang mga nangyari, ngunit hindi ko magawang magpokus.Sa tuw







