تسجيل الدخول
Elena's POV
Bagong umaga, bagong pagsubok na naman sa trabaho. “Dalawampu’t apat na ako pero hindi ko pa naranasan magkaroon ng relasyon. Hay, buhay nga naman.” My God! Late na yata ako! Mabilis akong kumilos para maghanda at maligo para makapasok na sa trabaho. Masyadong istrikto ang boss ko at bawal ang late sa kanyang kompanya. Kakarating ko pa lang nang biglang lumapit sa akin ang aking katrabaho at sinabi niyang pinatatawag daw ako ng boss namin. Dali-dali kong inayos ang mga dala kong gamit sa table upang pumunta muna sa boss ko. Habang nasa elevator, hindi ko maitago ang kaba ko. Bakit nga ba ako pinatawag ng boss ko nang ganito kaaga? My God! Anong dahilan? May nagawa ba akong mali sa trabaho ko? Hindi ko mapigilan ang kaba ko, na para bang gusto ko nang bumalik sa aking opisina. Pagbukas ko ng p***o, bumungad agad sa akin ang seryosong mukha ng aking boss. Si Sir Adrian Monteverde, isang CEO at tagapagmana ng Monteverde Group Company. Isang sikat at kilalang kompanya na may mataas na standard pagdating sa kanilang mga empleyado. Malinis at maayos ang opisina ni Sir Adrian na tila nakakatakot galawin ang kanyang mga gamit rito. Napansin ko rin na maraming folder na nakapatong sa kanyang lamesa. Tila mga mahahalagang dokumento ang mga iyon. “Nabasa mo ba ang mga dokumentong ipinadala ko?” tanong sa akin ng boss ko habang hawak nito ang isang folder na tila may laman pang mga papeles. “A-ahh, hindi pa po, Sir Adrian. Inuna ko po kayong puntahan bago ko balikan ang dokumentong ipinadala ninyo sa opisina ko.” “Bilang isang CEO, may kondisyon sa akin ang lolo ko bago niya ipasa sa akin ang kalahati ng negosyo ng pamilya namin. Kailangan kong magkaroon ng legal na asawa na maipapakilala sa kanya bago dumating ang kaarawan niya. Kung hindi ko matutupad ang gusto ng lolo ko, mapupunta sa ibang kamag-anak ko ang kalahati ng kompanya.” “Hindi ko puwedeng ipagsawalang-bahala ang kondisyong iyon ng lolo ko dahil mahal ko ang Monteverde Group. At isa pa, hindi puwedeng iba’t ibang babae ang makikita niyang nakakasama ko. Baka maging dahilan ito ng problema sa negosyo.” “Elena, gusto kitang maging asawa ko.” “Ha? Sir, nagbibiro po ba kayo?” “Hindi ako nagbibiro, Elena.” Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko at tila nanlalamig ang katawan ko sa katagang binitiwan ng boss ko. Tiningnan ko nang matagal ang boss ko. Hindi ito nagbibiro. Seryoso ang mukha nito at tila totoong-totoo ang sinabi niya tungkol sa kasal. “A-ako, Sir Adrian? Bakit ako? Isa lamang akong secretary sa kompanya ninyo, at hindi ako bagay maging asawa mo, Sir Adrian. Marami naman kayong nakakasamang babae. Bakit hindi na lamang isa sa kanila ang kausapin ninyo tungkol dito?” mariing sambit ko kay Sir Adrian. “Elena, matagal ka nang secretary ng kompanyang ito, at kilala na natin ang isa’t isa. Isa pa, alam kong mapagkakatiwalaan kita.” “Hindi mo kailangang mag-isip tungkol sa kasal at sa sarili mo matapos ang kasal natin.” “Magkakaroon tayo ng pormal na usapan bago tayo magpakasal, Elena.” “Hindi ko po naiintindihan, Sir Adrian. Kapag kinasal tayo, kailangan nating magpanggap na tunay na mag-asawa?” “Tulad ng sinabi ko, pormal ang magiging usapan natin, Elena. Matutulog tayo sa iisang silid pero hindi tayo magkatabi. Ako sa sofa, habang ikaw naman sa kama ko.” “Ano? Sa iisang kuwarto tayo matutulog, Sir Adrian?” “Oo, pero hindi tayo magkatabi.” “Sir, teka, pero parang hindi ko yata kaya iyon. Kahit magkaiba tayo ng higaan, iisang kuwarto pa rin iyon!” “Elena, tatlong taon lamang ang magiging kontrata natin bilang mag-asawa. Mabilis lamang ang tatlong taon, at sinisiguro ko sa iyo ang privacy mo.” “Paano naman ang trabaho ko, Sir Adrian? Kailangan kong magtrabaho para sa kinabukasan ko.” “Elena, pagdating sa trabaho, ikaw ang magdedesisyon. Puwede mong ipagpatuloy ang trabaho mo o mag-stay ka na lamang sa bahay ko. Pagdating sa sahod, pumasok ka man o hindi, tuloy ang sweldo mo. Bukod dito, dodoblehin ko ang sahod mo, Elena.” “Bukod din ang pang-shopping mo at mga kailangan mo. Paano naman ang mga gastusin sa bahay?” “Ako ang sasagot sa lahat at wala kang dapat ikabahala.” “Elena, pumapayag ka ba sa alok ko?” “A-ahmm, Sir Adrian, puwede po bang pag-isipan ko muna ang inaalok ninyo?” “Aalis na po ako. Magandang umaga po.” Lumabas ako ng p***o at nang papasok na ako sa elevator, may maliit na tinig akong narinig. Isang bata ang tumakbo papunta kay Sir Adrian at sinabi nito ang katagang— “Uncle, siya na ba ang magiging mommy ko?”Elena’s POVAgad kong napansin ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ni Sir Adrian. Tila bigla siyang nanlamig at nabahala sa mga narinig niya mula sa kabilang linya.Lumayo pa siya sa akin upang ipagpatuloy ang kanilang pag-uusap.Napakunot-noo ako.Bakit hindi ko puwedeng marinig ang usapan nila? Sino ba ang kausap niya? At bakit ganoon na lamang ang tila pagpapaalala nito kay Sir Adrian?Makalipas ang ilang sandali, ibinaba na ni Adrian ang kanyang cellphone.Hindi ko na napigilang magtanong.“A-ahm… Sir Adrian, sino po iyon? Ano po ang ibig niyang sabihin tungkol sa pagpapakasal? At bakit alam na alam niya ang tungkol sa kontratang pinirmahan ko?”Tumingin siya sa akin nang ilang segundo bago sumagot.“Wala iyon, Elena. Hindi mo muna kailangang malaman kung sino ang kausap ko at kung ano ang alam niya tungkol sa kasal.”“P-pero, Sir Adrian…” Naglakas-loob akong magsalita. “Bahagi ako ng plano mo. Pumirma ako sa napag-usapan natin. Hindi ba dapat alam ko rin ang totoo?”Hindi agad
Elena’s POVNagising ako sa tunog ng aking alarm clock.Napapikit muna ako at ilang segundo lamang akong nakahiga bago ko tuluyang naalala kung nasaan ako.Grabe… hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako sa bahay ng boss ko.At hindi lang iyon.Pagmulat ko ng mga mata, isang bata ang katabi ko.Si Lucas.Dati, kahit anong oras ako gumising kapag wala akong trabaho. Minsan ay gusto ko pang matulog nang matagal at magpahinga buong araw. Pero ngayon, mukhang hindi ko na yata magagawa ang lahat ng iyon.Napabalikwas ako nang bigla kong marinig ang isang pamilyar na tinig.“Mommy!”Napatingin ako kay Lucas. Gising na pala siya.Tila natural na lamang para sa kanya ang pagtawag sa akin ng “Mommy.” Hindi ko rin nakikita na nahihiya siya sa pagyakap sa akin o sa pagtawag niya sa akin ng ganoon.Biglang may narinig akong bahagyang pag-ubo.“Hmm.”Napalingon ako.Si Sir Adrian.Nakatayo siya sa may pintuan at seryosong nakatingin sa amin ni Lucas. Wala siyang imik. Tila nagmamasid lamang
Elena's POVAlas-sais ng umaga nang magmadali akong ayusin ang ilang gamit na dadalhin ko sa bahay ni Sir Adrian. Ito kasi ang unang araw na makikilala ko ang pamilya niya, at dito rin magsisimula ang buhay na pinasok ko dahil sa kontratang pinirmahan ko.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang inaayos ang mga gamit ko. Excited ba ako? O natatakot? Hindi ko rin alam.Paulit-ulit kong tinitingnan ang mga damit na inilalagay ko sa maleta. Ilang beses kong iniisip kung tama ba talaga ang desisyong ginawa ko. Hindi naman ako pinilit ni Sir Adrian. Ako mismo ang pumirma sa kontrata.Pero iba pala ang pakiramdam kapag oras na para gawin na ang lahat ng nakasulat doon.Huminga ako nang malalim bago isinara ang maleta.“Okay, Elena. Kaya mo ’to.”Saktong bubuksan ko pa lamang ang pintuan ng inuupahan kong bahay nang may dumating na sasakyan. Pinasundo ako ni Sir Adrian sa isa sa kanyang mga bodyguard.Napakaganda ng sasakyan at tila napakamahal nito. Hindi ko maiwasang mapatingin sa
Elena's POVSeryoso ang tono ng pananalita ni Sir Adrian, na tila may mahalaga siyang ipinaliliwanag sa akin.“Kailangan ni Lucas ng isang ina. Isang ina na magpapabago ng buhay niya. Kailangan niya ng makakasama hanggang sa kanyang paglaki.”Labis ang aking pagkagulat kaya nabitawan ko ang ballpen na hawak ko.“Sir, bakit kailangan ako? Bakit kailangan ako ang maging mommy ni Lucas?”Hindi agad sumagot si Sir Adrian. Ilang segundo siyang nanatiling tahimik bago siya marahang naupo sa kanyang upuan.“Dahil ikaw ang taong pinagkakatiwalaan ko, Elena.”“Pero Sir, secretary ninyo lang po ako.”“Hindi lang secretary ang tingin ko sa iyo.”Napatingin ako sa kanya.“Sa lahat ng taon na nagtatrabaho ka sa kompanya, hindi kita nakitang nagsinungaling, nang-abuso ng tiwala o gumawa ng bagay na maaaring makasira sa kompanya. Alam kong responsable ka.”Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o lalo lamang kakabahan sa sinabi niya.“Pero hindi ibig sabihin noon ay kaya ko nang maging ina ni Lucas.”“H
Elena's POVPagbukas ko ng kontrata, binasa ko ang mga ordinaryong kondisyon. Ngunit may isang kondisyon dito na labis na nagpalito sa aking isipan—isang malaking responsibilidad na hindi ko inaasahan.Labis ang kaba ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa kondisyong nabasa ko.Tumingin ako kay Sir Adrian. Wala itong kibo at hinihintay lamang ang aking pasya.“Sir, bakit kasama po ito sa kontrata? Hindi po ba nagkamali lamang kayo?”Hindi agad sumagot si Sir Adrian. Sa halip, marahan siyang napabuntong-hininga at tumingin sa dokumentong hawak ko.“Hindi iyon pagkakamali, Elena.”Napatingin ako sa kanya.“Kung ganoon, bakit po kailangan itong isama? Hindi ko po yata kayang gawin ang nakasulat dito.”“Alam kong mahirap para sa iyo. Kaya hindi kita pipilitin.”Tahimik akong napatingin sa kontrata. Habang binabasa ko ang bawat salita, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng desisyong kailangan kong gawin.“Si Lucas ay isang matalino at mapagmahal na bata. Lumaki s
Elena's POVNagulat ako sa narinig ko at tila hindi ko maunawaan ang mga nangyayari. Ano ba ang ibig sabihin ng batang iyon?Napatingin ako kay Sir Adrian, ngunit seryoso ang mukha nito. Kaya tuluyan na akong umalis, ngunit patuloy pa ring naguguluhan ang isip ko tungkol sa proposal na iyon ni Sir Adrian.Habang nasa elevator ako, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ng bata.“Uncle, siya na ba ang magiging mommy ko?”Bakit niya iyon sinabi?Hindi ko maiwasang mapaisip. Hindi naman maaaring basta na lamang magsabi ang isang bata ng ganoong bagay. Sigurado akong may dahilan kung bakit ganoon ang tawag niya sa akin.Pagdating ko sa opisina ko, umupo ako at napabuntong-hininga na lamang dahil sa mga nangyari. Iniisip ko pa rin ang proposal niya at ang batang lumapit kay Sir Adrian.Sino ba ang batang iyon? At bakit ganoon na lamang ang pagmamahal ni Sir Adrian sa kanya?Sinubukan kong magtrabaho upang mawala sa isip ko ang mga nangyari, ngunit hindi ko magawang magpokus.Sa tuw







