CHAPTER 3
CELESTIA P.O.V Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa reception hall. Parang naglalakad ako sa panaginip. O bangungot na pilit kong ginagawang panaginip. Suot ko pa rin ang gown ko, pero iba na ang pakiramdam. Kanina, ang bigat-bigat nito, parang sapot ng alaala ni Enzo na ayaw kumawala. Pero ngayon, parang armor na siya. Parang ito na ang naging saksi ng muling pagtayo ko. Pagpasok namin ni Xavier sa grand ballroom ng hotel, tumayo ang mga tao. Nagpalakpakan. May mga naghiyawan. Ang iba parang sobrang saya. May mga kaibigan kong nagtatatalon sa tuwa. Parang walang nangyari. Parang hindi ako iniwan sa altar. Parang hindi ako ginawang tanga sa harap ng madla. “Congratulations, Cess! You did the right thing!” bulong sa akin ni Ate Lana, pinsan ko, habang kinikilig pa sa itsura ni Xavier. “Girl, ang gwapo ng asawa mo, grabe. Upgrade!” Napangiti ako, pilit man. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat. Asawa ko na si Xavier Arguelles. I mean, legally and technically, we’re married. Pero emotionally? Mentally? Wala pa ako doon. Pagkaupo namin sa presidential table, biglang lumapit si Mama. “Anak,” sabay hawak sa kamay ko. “Proud ako sayo. Hindi ko inakalang kaya mong gawin ’yon. Ang tapang mo.” Napakagat ako sa labi. Baka kasi pag nagsalita ako, umiyak na lang ako bigla. “Hindi ko gusto si Enzo noon pa,” dagdag ni Mama. “Tahimik lang ako kasi ayokong pangunahan ang desisyon mo. Pero anak, sa totoo lang, buti na lang at siya ang iniwan, hindi ikaw ang naghabol.” Tumingin ako sa kanya, at parang saka pa lang ako huminga ng malalim. Ibang klase talaga ang nanay. Kahit basag ka, siya ang nagtatakip ng mga piraso mo. Lumapit din ang kapatid kong si Jomar. “Ate, kung alam ko lang na ito ang magiging ending, sana pinalayas na natin si Enzo noong engagement dinner pa lang. Si Kuya Xavier? Approved agad. May presence, may breeding, may billion.” Sabay tawa silang dalawa ni Mama. Napatingin ako kay Xavier na tahimik lang sa tabi ko, kausap ang ilang ninong. Kahit bagong pasok siya sa gulo ko, parang hindi siya naaapektuhan. Calm, composed, and somehow\... comforting. Parang sanay siyang iligtas ang mga taong pinagtatawanan ng mundo. “Cess,” bulong ni Xavier habang bahagyang lumingon. “You okay?” Tumango ako. “I’m still... processing.” “Take your time,” sagot niya. “Walang pressure. Hindi kita bibiglain.” At doon ko siya unang pinaniniwalaan. Pagdating ng main course, nagsalita ang host. “Ngayon naman, tawagin natin ang bagong kasal para sa kanilang first dance!” Napatingin ako kay Xavier, agad akong tinapik sa kamay. “Only if you want to.” Nagkibit-balikat ako. “Wala namang masama sa sayaw, di ba?” Tumayo kami. Dinala niya ako sa gitna ng dance floor. Biglang naging tahimik ang buong ballroom. Tumugtog ang soft instrumental version ng *Can’t Help Falling in Love*. Hinawakan niya ang kamay ko, maayos at may respeto. Hindi pilit, hindi paimportante. He moved like he knew what he was doing, pero hindi para ipahiya ako. Sa bawat ikot namin, sa bawat hakbang, naramdaman kong kahit hindi ako in love sa kanya, safe ako. Hindi ko na napigilan ang mapangiti. Napansin niya ‘yon. “Ngumiti ka na rin sa wakas,” sabi niya. “Sayo ba ’yon o sa shrimp cocktail kanina?” biro ko. Ngumiti rin siya, hindi pilit. Totoo. Pagbalik namin sa table, may dalawang taong naghihintay. Isang matikas na lalaking may uban at isang eleganteng babae na halatang sanay sa social events. “Xavier,” sabi ng lalaki. “Introduce us properly.” Napatingin sa akin si Xavier. “Celestia, these are my parents. My father, Eduardo Arguelles. And my mother, Adela.” Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil hindi ko inasahang makikilala ko ang mga magulang niya sa mismong araw ng kasal. Parang ang awkward, di ba? Pero ngumiti si Mrs. Arguelles. Hindi plastic. Hindi pilit. Genuine. “Celestia,” sabi niya habang hawak ang kamay ko. “We were surprised, yes. But watching you today... I must say, you handled yourself with grace.” Ngumiti lang ako, hindi ko alam kung anong isasagot. “You did not cry. You did not run. You did not scream. You made a decision with your head high. You’re the kind of woman we want in this family.” Lalo akong natameme. Biglang sumingit si Mr. Arguelles. “And maybe... in the near future, a grandchild or two?” Parang may bombang sumabog sa utak ko. Napalunok ako. Natawa sina Mama at Jomar sa tabi. Si Xavier? Hindi umiwas. Tiningnan niya lang ako, diretso, tahimik, pero may konting galit sa pisngi. “Hindi po namin minamadali ang ganon,” sabi ko, nangingiti pero naguguluhan. “Marami pa pong kailangang pag-usapan.” “Well, anak,” singit ni Mama na obvious na kinikilig, “kung ganyan kaganda ang lahi ng magiging apo ko, bakit hindi?” Hindi ko alam kung saan ako titingin. Parang gusto ko matunaw sa sahig. Pero mas gusto kong tumawa. Lumingon si Xavier sa akin. “Let’s survive this party first. Then we talk babies.” “Agreed,” sabi ko, sabay higop ng tubig. Pagkatapos ng mga speeches at games, nagsimula nang magsi-uwian ang mga bisita. Yung iba nagpa-picture pa. Yung iba kinakausap ako na parang matagal na kaming ni Xavier. “Cess, iba talaga ang kapalaran,” sabi ni Ninang Trina. “Nakala ko kanina sisigaw ka ng ‘I hate you’ tapos magwa-walkout. Pero girl, ang ginawa mo? Hollywood level.” Natawa ako sa wakas. Tawa na hindi sarcastic. Hindi pilit. Pagkalabas ko sa balcony para huminga, sinundan ako ni Xavier. Tahimik lang kami sandali habang pinapanood ang mga ilaw sa lungsod. “Thank you,” sabi ko sa wakas. “Hindi ko pa rin maipaliwanag lahat ng nararamdaman ko, pero... thank you for showing up.” “Hindi kita sinagip,” sagot niya. “You saved yourself. I just stood by your side.” Napatingin ako sa kanya. “Still,” dagdag ko, “salamat sa hindi pag-alis.” “Kung ako ’yon ang iniwan sa altar, I’d burn the whole church down.” Natawa ako. “Ayoko lang kasi na ako ang kawawa.” “Then let’s make sure you never have to be.” At sa unang pagkakataon buong araw, hindi na ako natakot sa susunod. Naramdaman kong namula ako ng mapagtanto kong. I will be living with the same roof with the man I got married with.XAVIER P.O.VPagkasara ng pinto ng kwarto ni Celestia, dahan-dahan akong lumingon. Wala na ang ngiting pilit. Wala na ang mahinahong tinig. Hindi na ako ang Xavier na maingat magsalita sa harap ng madla. Ang natira, ang totoong ako, Xavier Arguelles, ang lalaking walang sinasanto pagdating sa gusto niya.At siya, si Celestia Montes, ang matagal ko nang gusto.Tumayo ako sa hallway nang ilang segundo, nakapikit, pinakikinggan ang katahimikan ng gabi. Sa wakas. Nandito na siya. Sa loob ng bahay ko. Legal. Akin.Everything went according to plan. Hindi aksidente ang kasalang ‘yon. Hindi kapalaran. Hindi kabaliwan. Matagal ko na iyong inihanda. Bawat hakbang. Bawat posibilidad. Bawat detalyeng pinlano ko para lang sa isang bagay na mapunta siya sa akin.Hindi ko ginusto ang kahihiyan niya. Pero alam kong kailangan. Dahil si Celestia, hindi siya basta sumusuko. Kailangan niya ng dahilan para piliin ang sarili niya. At ako ang gusto kong piliin niya pagkatapos.Mula pa noon, matagal ko na s
CELESTIA P.O.VPagkapasok namin sa loob ng mansion, saka ko lang naramdaman ang buong bigat ng katawan ko. Mula sa simbahan hanggang reception, parang wala akong oras para huminga. Puro tapik sa balikat, congratulations, tanong na hindi ko alam kung paano sagutin. Pero ngayon, tahimik na. Wala nang kamera. Wala nang nagmamasid. Ako na lang. Kami na lang.Nilakad ko ang marble hallway na parang hindi ko alam kung saan pupunta. Sa totoo lang, wala akong ideya kung anong gagawin ko ngayong nasa bahay na ako ng taong pinakasalan ko pero halos hindi ko kilala.Nakahinto si Xavier sa paanan ng hagdan. Nakatingin lang siya sa akin, nakasuksok ang kamay sa bulsa ng pantalon niyang hindi pa rin niya napapalitan mula sa kasal.“May gusto ka bang inumin?” tanong niya, kalmado ang boses.“Water lang,” sagot ko, sabay bitiw ng mahinang buntong-hininga. “Grabe ang dami kong nasabing thank you kanina, parang natuyo na lalamunan ko.”“Same. Halika, kuha ako.”Sumunod ako sa kanya papunta sa open kitc
CHAPTER 3CELESTIA P.O.VHindi ko alam kung paano kami nakarating sa reception hall.Parang naglalakad ako sa panaginip. O bangungot na pilit kong ginagawang panaginip. Suot ko pa rin ang gown ko, pero iba na ang pakiramdam. Kanina, ang bigat-bigat nito, parang sapot ng alaala ni Enzo na ayaw kumawala. Pero ngayon, parang armor na siya. Parang ito na ang naging saksi ng muling pagtayo ko.Pagpasok namin ni Xavier sa grand ballroom ng hotel, tumayo ang mga tao. Nagpalakpakan. May mga naghiyawan. Ang iba parang sobrang saya. May mga kaibigan kong nagtatatalon sa tuwa. Parang walang nangyari. Parang hindi ako iniwan sa altar. Parang hindi ako ginawang tanga sa harap ng madla.“Congratulations, Cess! You did the right thing!” bulong sa akin ni Ate Lana, pinsan ko, habang kinikilig pa sa itsura ni Xavier. “Girl, ang gwapo ng asawa mo, grabe. Upgrade!”Napangiti ako, pilit man. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat. Asawa ko na si Xavier Arguelles. I mean, legally and technically, we
CELESTIA P.O.VSobrang tahimik ng simbahan, para bang ang bawat yapak ko sa aisle ay dinig na dinig ng buong mundo. Sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa saya. Today is supposed to be the happiest day of my life.Hawak ko ang bouquet ng white peonies, ang favorite flowers ko na siya ring symbol ng pure love and fresh beginnings. Inaayos ko pa ang mahaba kong veil habang pinipilit ngumiti. Lahat ng mga mata nakatuon sa akin. Nakaupo ang mga bisita, nangingiti, kinukunan ako ng video, may mga naiiyak pa nga. Pero hindi ko sila pinapansin. Ang focus ko lang ay siya.Si Enzo. Nakatayo sa altar, naka-white tuxedo. Ang gwapo niya, parang model sa magazine. Nakatingin siya sa akin at ngumiti ng kaunti, pero may kakaiba sa mga mata niya. Parang may pag-aalinlangan. Pero hindi ko na pinansin. Siguro emotional lang din siya, gaya ko.Nang makarating ako sa harap niya, kinuha niya ang kamay ko. Malamig. Pinisil ko iyon. Nagpilit siya
Celestia “Cess” Montes P.O.VSobrang tahimik ng simbahan, para bang ang bawat yapak ko sa aisle ay dinig na dinig ng buong mundo. Sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa saya. Today is supposed to be the happiest day of my life.Hawak ko ang bouquet ng white peonies, ang favorite flowers ko na siya ring symbol ng pure love and fresh beginnings. Inaayos ko pa ang mahaba kong veil habang pinipilit ngumiti. Lahat ng mga mata nakatuon sa akin. Nakaupo ang mga bisita, nangingiti, kinukunan ako ng video, may mga naiiyak pa nga. Pero hindi ko sila pinapansin. Ang focus ko lang ay siya.Si Enzo. Nakatayo sa altar, naka-white tuxedo. Ang gwapo niya, parang model sa magazine. Nakatingin siya sa akin at ngumiti ng kaunti, pero may kakaiba sa mga mata niya. Parang may pag-aalinlangan. Pero hindi ko na pinansin. Siguro emotional lang din siya, gaya ko.Nang makarating ako sa harap niya, kinuha niya ang kamay ko. Malamig. Pinisil ko iyon.