Home / Romance / The CEO'S Lethal Obsession / Kabanata 50 The Confession (Part 2)

Share

Kabanata 50 The Confession (Part 2)

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-10-14 08:29:31

Simple lang ang tanong niya at kayang sagutin ng oo at hindi pero hirap na hirap akong sagutin iyon. Parang may nakabara sa lalamunan ko at parang naka tape ang bibig ko kaya hindi ko maibuka para sumagot.

“Uulitin ko, Lily. Oo o hindi. May nangyari ba sa inyong dalawa ng Wade Chilton na iyon?”

Parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba. Namamawis na ang noo at kamay ko. Hindi ganito ang naramdaman ko noong mahuli ako ni Wade sa private room niya. Mas malala ang kabang nararamdaman ko ngayon.

Pumikit ako saglit. Nagbilang ako ng sampung segundo bago muling nagmulat ng mga mata.

“I won’t lie, Alena. Naibigay ko ang sarili ko kay Wade. Alam kong katangahan ang ginawa ko. Maniwala ka! Hindi ko naman iyon ginawa dahil gusto ko lang. It happened because of the drug I ingested. I think I was the one who initiated everything. P-Please don’t be mad at me… Alam kong katangahan ‘yo—”

“So… how was it?” putol ni Alena sa akin habang nakangiti.

Napaawang labi ko sa gulat. “H-hindi ka galit sa akin?
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 52 The only family left (Part 2)

    Ngumiti siya, sabay hawak sa kamay ko. Literal na para siyang batang tuwang-tuwa na muling nakita ang paborito niyang laruan.“Oo naman, anak. Umiinom ako ng mga gamot ko. Kumakain din ako sa tamang oras,” masayang sagot ni mama habang inilalapat ang dalawang palad sa magkabilang pisngi ko. Tinitigan niya ako nang may lambing pero may halong pag-aalala sa mga mata niya. “Ikaw ba? Bakit parang nangayayat ka, anak ko? Hindi ka ba kumakain sa oras? Ang ilalim ng mga mata mo, nangingitim din. Ayos ka lang ba?”Napalunok ako. Kahit gano’n, ramdam ko pa rin ang pagiging ina niya. Ang natural na pag-aalaga niya kahit siya mismo ay may sariling pinagdadaanan.“Kung anuman ang problema mo, anak, malalampasan mo rin ‘yan,” patuloy niya, mahina ngunit buo ang boses. “Nandito lang si mama palagi, ha? Mahal na mahal kita.”Hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil. Tumingala ako. Pilit kong pinipigilan ang pag-iyak. “Mahal na mahal din kita, mama. Gagawin ko ang lahat para sa’yo.”Ngumiti si

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 51 The only family left (Part 1)

    Sa halip na magmukmok sa apartment ni Alena ay nagpasya na lang akong umalis. Kinailangan ko pang magmake up ng makapal para matakpan ang mga pasa sa mukha at sa leeg ko. Kahit pa madalas ay sanay akong light make up lang ang inaapply ko sa mukha kong maamo at maganda.Nagpunta qko sa paborito kong flower shop para bumili ng bulaklak. “Ay, Lily, ikaw pala. Ano, ‘yong usual mo bang order?” tanong ni Rari, ang may ari ng flowershop na suki ko. “Oo, iyon lang ulit,” maikli kong tugon. Kung nandito si Alena, siguradong nagdadaldalan na naman sila ni Rari. Silang dalawa kasi ang laging magkasundo. Madaldal si Rari, at si Alena naman, sobrang friendly. Kaya kahit saan siya magpunta, ang bilis niyang makahanap ng kakilala.“Wala yata si Alena?” tanong ni Rari habang inaabot sa akin ang bouquet.Tipid akong ngumiti. “Ah, may inaasikaso lang siya. Baka sa susunod, kasama ko na ulit.”Ngumiti si Rari, sabay ayos ng bangs niya. “Sige, paki-kumusta mo na lang ako sa kaniya, ha? And thank you fo

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 50 The Confession (Part 2)

    Simple lang ang tanong niya at kayang sagutin ng oo at hindi pero hirap na hirap akong sagutin iyon. Parang may nakabara sa lalamunan ko at parang naka tape ang bibig ko kaya hindi ko maibuka para sumagot.“Uulitin ko, Lily. Oo o hindi. May nangyari ba sa inyong dalawa ng Wade Chilton na iyon?”Parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba. Namamawis na ang noo at kamay ko. Hindi ganito ang naramdaman ko noong mahuli ako ni Wade sa private room niya. Mas malala ang kabang nararamdaman ko ngayon. Pumikit ako saglit. Nagbilang ako ng sampung segundo bago muling nagmulat ng mga mata. “I won’t lie, Alena. Naibigay ko ang sarili ko kay Wade. Alam kong katangahan ang ginawa ko. Maniwala ka! Hindi ko naman iyon ginawa dahil gusto ko lang. It happened because of the drug I ingested. I think I was the one who initiated everything. P-Please don’t be mad at me… Alam kong katangahan ‘yo—”“So… how was it?” putol ni Alena sa akin habang nakangiti.Napaawang labi ko sa gulat. “H-hindi ka galit sa akin?

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 49 The Confession (Part 1)

    “Lily, halika na dito. Habang mainit pa ang sabaw ay kumain ka na para makainom ka na ng gamot. Ano ba kasi ang nangyari at mukhang nadagdagan pa ang pasa mo sa mukha?!” iritadong tanong ni Alena sa akin habang nakapamaywang.I am sure Alena will kill me. Nanginginig akong tumayo mula sa sofa. Ngayon pa lang talaga nag sink in sa akin kung gaano kasakit ang lahat ng parte ng katawan ko lalong-lalo na ang sa pagitan ng mga hita ko. Daig ko pa ang binugbog para sa isang initiation para sa isang sorority.“Kita mo na, pati paglalakad ay hirap na hirap ka. Ano ba talaga ang nangyari—”Tinaas ko ang kamay ko upang pigilan siya sa pagsasalita. Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko sa mga talak niya.“Hep! Awat muna, Alena. Masakit pa ang bungo ko at gutom na gutom na ako. Pakainin mo muna ako bago mo ako talakan ulit, p'wede ba?”“Fine!” nakabusangot na tugon ni Alena saka niya ako inalalayang maglakad patungo sa mesa. “Nag-exhibition ka ba kagabi at hirap na hirap kang maglakad ngayon?” Nap

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 48 She won't leave me

    WADE’S POVPinagmasdan ko habang papasok si Lily sa elevator hanggang sa maglaho ang imahe niya. Sa halip na pilitin ko siyang manatili rito sa bahay ay hinayaan ko na lang siyang umalis. Alam ko naman na isang tantrums lang ang nangyayari at babalik din siya agad sa akin kapag tapos na ang tantrums niya. Sa lahat ng naging babae ko, si Lily ang pinakakakaiba. She has the guts to go against me, yet she never failed to show the I am still in control. Kahit pa sinasaktan ko siya dahil sinusubok ko kung hanggang saan aabot ang pasensya at pagkagusto niya sa akin. And to my surprise, kahit natatakot siya ay nanatili pa rin siyang kalmado. Pinanindigan pa rin niya ang desisyon niyang lisanin ang mansyon.Ang hindi ko lang talaga gusto ay ang pag-aaligid ng sarili kong kapatid sa babae ko. Yes, babae ko. The moment, Lilibeth Russell offerred herself to me, pag-aari ko na siya at ang pinaka ayaw ko sa lahat ay kapag may g sumusubok na kunin ang pag-aari ko. Kahit kapatid ko pa siya, I won't

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 47 Leaving the mansion (Part 4)

    “Ayaw kong magdulot pa ng kaguluhan sa pamilya niyo kaya kusa na akong aalis dito.”Gusto ko pang galitin si Wade. Nakakatuwa kasing makitang pinipilit niyang ‘wag mag-iba ang ekspresyon niya. Gan’yan nga, Wade. Mahulog ka pa sa patibong ko. Hindi p'wedeng ikaw lang ay may hawak ng alas sa larong ‘to.“No,” mabigat na sambit ni Wade saka hinawakan ang baba ko ng mahigpit. “Ikaw ang may gusto nito tapos bigla ka na lang aayaw out of the blue? You don’t have the right to decide. Naiintindihan mo ba, Lily? Ako lang ang may karapatang magdedisyon sa relasyong ‘to. The moment you offered yourself to me, I own you. I own your fúcking life!”“Maliwanag pa sa sikat ng araw kung ano ako sa‘yo, Wade. At sa iyo na mismo nanggaling na sinisira ko ang pamilya niyo. Kaya ako na mismo ang lalayo para wala ng gulo pa. Para maibalik na rin sa dati ang pamilya niyo,” nahihirapan kong wika. “Hindi ko maaatim na makakasira ako ng pamilya, Wade…kahit pa gustong-gusto kita!”“B-Bitiwan mo siya, kuya! Sina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status