LOGINTahimik sa loob ng kotse. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, walang ekspresyon, habang ang repleksyon ko sa salamin ay halos hindi ko na makilala… maputla, may mga matang hungkag, at parang ligaw.
Tahimik lang si Victoria habang nagmamaneho, maputi na ang mga kamao niya sa higpit ng kapit sa manibela. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin, tila nag-aalangan kung ano ang dapat niyang sabihin. Sa huli, bumuntong-hininga siya.
“Saan mo gustong ihatid kita, Liv?”
“Sa bahay,” mahina kong sagot. Naputol pa ang boses ko sa salitang iyon.
Ang bahay na dati ay puno ng tawa at init, pero ngayon, isa na lang paalala ng lahat ng nawala.
Tumango si Victoria at mas hinigpitan ang kapit sa manibela. Nilunok ko ang bukol sa lalamunan ko, pinipigilan ang pagpatak ng luha.
“Vic… matutulungan mo ba akong lumipat bukas?”
Mabilis siyang napatingin sa akin, may bahid ng gulat sa mukha.
“Aalis ka na talaga?”
Tumango ako. “Oo. ‘Yung bahay, lahat ng alaala… hindi ko na kayang manatili doon. Hindi na pagkatapos ng lahat.”
“Syempre,” mahina niyang sabi. “Tutulungan kita kahit anong kailangan mo.”
Bahagya akong ngumiti bilang pasasalamat, saka muling tumingin sa labas. Naghalo-halo ang mga ilaw ng siyudad habang binabaybay namin ang kalsada, pero halos hindi ko na iyon napansin.
Sa isip ko, paulit-ulit pa ring bumabalik ang nangyari kaninang umaga, ang korte, ang mga camera, ang boses ni Hudson… malamig at walang emosyon, paulit-ulit na umuukit sa isipan ko.
Pagdating namin sa bahay, halos bingi ako sa katahimikan. Parang sumasabog sa loob ng tenga ko ang bawat segundo. Lahat ay eksaktong gano’n pa rin tulad noong iniwan namin — ang jacket niya nakasabit sa sandalan ng sofa, dalawang tasa sa counter ng kusina, at ang mahina pero pamilyar na amoy ng pabango niya na nanatili pa sa hangin.
Nakatayo lang ako sa may pintuan, hindi makagalaw. Ramdam ko ang bigat ng lahat, parang unti-unting bumabagsak sa dibdib ko.
Dahan-dahang hinawakan ni Victoria ang balikat ko. “Sigurado ka bang ayaw mong may kasama ngayong gabi?”
Umiling ako. “Hindi na. Kailangan kong gawin ‘to mag-isa.”
Sandaling nag-alinlangan si Victoria bago tumango. “Sige. Tawagan mo ako kung may kailangan ka, ha?”
“Promise,” sagot ko nang mahina.
Pagkaalis niya, ang tunog ng pagsara ng pinto ay parang huling pahina ng isang mahabang, masakit na kabanata.
Isa-isa kong nilibot ang bawat kwarto, hinahaplos ng mga daliri ko ang mga gamit, mga litrato, at maliliit na alaala ng buhay na parang hindi na akin. Pagpasok ko sa kwarto, naamoy ko agad ang mga kumot — amoy pa rin niya. Napakapit ako sa tiyan ko, parang biglang sumikip.
Isa-isa kong sinimulang iempake ang mga damit, dokumento, lumang libro, at mga alaala. Lahat inilalagay ko sa kahon. Bawat tiklop ng tela, bawat bagay na inililigpit, parang isa-isa kong binubura ang mga bahagi ng dating ako.
Pagdating ko sa pinakataas ng dresser, nasagi ng kamay ko ang isang maliit at pamilyar na bote. Isang pabango — L’Interdit. Ang unang regalo sa akin ni Hudson pagkatapos ng kasal namin.
Itinaas ko ang bote, titig na titig dito sa gitna ng mga luhang naglalabo sa paningin ko. Sa sandaling naamoy ko ang pabango, parang bumalik lahat.
Naalala ko ang gabing bumalik siya mula sa London—ang yakap niyang mahigpit sa’kin sa airport, parang ayaw na niya akong bitawan. Ang halik niyang punô ng pananabik, parang ilang buwang gutom na gutom sa presensiya ko. At ako… ako namang tanga, naniwala na sapat ang pag-ibig para ayusin ang lahat.
Now, forever has run out.
Unti-unti nang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Umupo ako sa gilid ng kama, mahigpit na yakap-yakap ang bote ng pabango sa dibdib ko.
“Wala na lahat,” mahina kong bulong, halos pumutol ang boses ko. “Lahat.”
Napatingin ako sa kamay ko, sa manipis na gintong singsing na kumikislap sa ilalim ng ilaw. Nangangatog ang mga daliri kong tinanggal ‘yon. Ilang segundo ko lang tinitigan habang nakapatong sa palad ko—maliit, malamig, at parang walang saysay na.
Pagkatapos, lumakad ako papunta sa sala at marahan kong inilapag ang singsing sa tabi ng bote ng pabango sa mesa.
Matagal lang akong nakatayo ro’n, nakatingin sa pabango at sa singsing, bago ako tuluyang tumalikod at lumakad palabas.
Paglabas ko, parang mas mabigat ang hangin ng gabi. Masakit pa rin sa dibdib, pero hindi na dahil sa iyak. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang biglang tumunog ang cellphone ko. Halos hindi ko na sana papansinin, pero nang makita ko kung sino ang tumatawag, nanigas ako.
It was Jeydon, my former boss. The one who’d once believed in me when no one else did. I hesitated, then answered.
“Jeydon?”
“Olivia!” His voice boomed through the speaker, warm and familiar. “It’s been years! I was hoping this number still worked.”
I forced a small smile. “It does. How have you been?”
“Busy as ever,” he chuckled. “Listen, I’m in the city right now. And before you say no, hear me out. We’re launching a new music program in partnership with a few international studios, and we need someone to oversee the composition team. I immediately thought of you.”
My heart skipped. “Jey… Ilang taon na akong hindi nagsusulat.”
“Then it’s about damn time you start again,” he said. “You were one of the best lyricists I’ve ever worked with, Liv. The world needs your music back.”
Kinagat ko ang labi ko, ramdam ko ang bigat na namumuo sa lalamunan ko. Bago pa ako ikasal, musika ang buhay ko—ang pagkakakilanlan ko. Gigising ako na may tugtugin sa isip, magsusulat ng mga liriko sa mga tissue o napkin, at magpupuyat sa harap ng piano hanggang mag-umaga. Tapos dumating si Hudson.
Iniwan ko ang lahat para sa kanya dahil mas kailangan niya ako. Dahil akala ko, ang pag-ibig ay karapat-dapat sa kahit anong sakripisyo.
At ngayon, wala nang natira sa akin kundi ang katahimikang iniwan niya.
“Olivia?” tawag ni Jeydon, na bumasag sa mga iniisip ko.
“Nandito pa ako,” mahina kong sagot. “Hindi ko lang alam… ang tagal na kasi.”
“I’m not asking you to jump in right away,” he said gently. “Just come by the studio tomorrow. See how it feels.”
I hesitated, then exhaled slowly. “Alright. Pupunta ako.”
“That’s my girl,” he said, sounding genuinely happy. “I’ll text you the details. And, Liv? I’m glad you got away.”
Tahimik sa loob ng kotse. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, walang ekspresyon, habang ang repleksyon ko sa salamin ay halos hindi ko na makilala… maputla, may mga matang hungkag, at parang ligaw.Tahimik lang si Victoria habang nagmamaneho, maputi na ang mga kamao niya sa higpit ng kapit sa manibela. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin, tila nag-aalangan kung ano ang dapat niyang sabihin. Sa huli, bumuntong-hininga siya.“Saan mo gustong ihatid kita, Liv?”“Sa bahay,” mahina kong sagot. Naputol pa ang boses ko sa salitang iyon.Ang bahay na dati ay puno ng tawa at init, pero ngayon, isa na lang paalala ng lahat ng nawala.Tumango si Victoria at mas hinigpitan ang kapit sa manibela. Nilunok ko ang bukol sa lalamunan ko, pinipigilan ang pagpatak ng luha.“Vic… matutulungan mo ba akong lumipat bukas?”Mabilis siyang napatingin sa akin, may bahid ng gulat sa mukha.“Aalis ka na talaga?”Tumango ako. “Oo. ‘Yung bahay, lahat ng alaala… hindi ko na kayang manatili doon. Hindi n
The room was unbearably quiet as Dr. Benson reviewed Naomi’s latest medical report. Nakatayo ako sa tabi ng bintana, nakasuksok nang mahigpit ang mga kamay ko sa bulsa, kunwari’y pinag-aaralan ang tanawin sa labas kahit ang totoo, gusto ko lang tumigil ang oras.Nakaupo si Naomi sa gilid ng hospital bed, mahigpit ang pagkakahawak ng payat niyang mga daliri sa kumot. Ang putla-putla niya, parang sobrang hina. Ang babaeng dating kinukuha ng lahat ng kamera, ang laging nangingibabaw sa bawat entablado, ngayon, parang puwedeng maglaho sa hangin kung masyadong malakas ang ihip nito.The doctor sighed heavily, finally setting the papers down.“Naomi,” he began gently, “the cancer has advanced more than we initially hoped. The latest scans show severe infection and bleeding. We’re looking at six months… maybe less.”The words hit me like a punch to the gut. My chest tightened, my throat burning as if I’d swallowed fire.Si Naomi naman, hindi man lang natinag. Tinitigan lang niya ito, tahimik
Hindi ko akalaing mauupo akong muli sa parehong pasilyo ng ospital na ‘yon. Nakapahinga ang mga kamay ko sa tiyan ko, bahagyang nanginginig habang tanging ugong ng mga ilaw ang bumabasag sa katahimikan.Dapat sana ay nakahinga na ako nang maluwag dahil hindi ko itinuloy. Dahil hindi ko kaya.I wanted to. God, I wanted to.Nang sabihin ko kay Victoria kanina na gusto kong ipalaglag ang bata, totoo ‘yon. Pumasok ako sa silid na ‘yon na determinado, manhid, at kumbinsidong tama ang gagawin ko. Pero nang humiga ako sa mesa, sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa tenga ko at doon ko na-realize na hindi ko kayang ituloy.Kaya huminto ako. Sinabi ko kay Victoria na nagbago ang isip ko, at hindi siya nakipagtalo. Tiningnan lang niya ako, na parang alam na niyang mula’t sapul, hindi ko talaga magagawa.Now, sitting here, the guilt was suffocating. What kind of mother was I, to even think about erasing a life before it even began? What kind of woman chooses to love a man who could never love her
Ilang minuto pa akong nanatili sa ospital, hinihintay na magising si Lolo Hugo na hindi naman nangyari, bago ako umalis. Ayoko pa sanang umalis pero kanina pa tawag nang tawag si Hudson na para bang ito na lang ang huling araw ni Naomi at hindi na siya makapaghintay na hiwalayan ako.While I was on my way, a text message popped up from an unknown number.Unknown number: Back in the city. I’ll see you soon, Liv.Unang pumasok sa isip ko agad si Naomi ngunit imposible rin dahil ang sabi ni Hudson ay nakaconfine na ito sa ospital. Kung sino man ang nagtext na ito ay sigurado akong kilala niya ako dahil iilan lang naman ang tumatawag sa akin sa pangalan kong ito. Liv.Halos isang oras ang lumipas bago ako makarating sa munisipyo. He was already there when I arrived, leaning against his car with that same detached look on his face.“You’re late,” he said flatly, glancing at his watch. “You made me miss visiting Naomi.”Marahas akong bumuntong-hininga at tamad na binalingan siya ng tingin.
Our clothes fell to the floor one by one as our kisses grew hungrier and wilder. Tuluyan na akong nawala sa sarili ko nang magsimula siyang gawin lahat ng gusto niyang gawin sa aking katawan.He grasped my waist once more, firm but gentle, as if handling a fragile piece of shattered glass. He pinned me against the wall, his lips trailing down my neck, pressing kisses along the curve of my shoulder.Hanggang ngayon ay binabaliw pa rin talaga ako ng mga halik ni Hudson.He swept me up in his arms, carrying me bridal-style, and laid me gently on the bed. I let myself sink into the soft mattress, and there I saw his perfect, muscular body more clearly than before.Umibabaw siya sa akin at marahas na dinala ang mga kamay ko sa ibabaw ng ulo ko. Napapikit ako nang maramdaman ko ang katigasan ng ari niya na tumutusok sa puson ko. Para akong inaakit nito nang paunti-unti.A flutter of nervousness stirred in my chest as he settled on me. I could feel his manhood brushing lightly at the entranc







