Share

Chapter 19: Crying

Author: Ms. Nini
last update publish date: 2026-03-29 21:49:04

Noong bata pa si Celestine, namatay ang kanyang ama sa isang aksidente. Kasunod nito ang pagguho ng kanilang pamilya—ang kanyang ina, na bata pa at ayaw mahila pababa ng kahirapan, ay nagdahilan na magtatrabaho sa malayo at hindi na muling nagpakita.

Naiwan si Celestine sa kalinga ng kanyang mga lolo at lola. Ang kanyang lolo ay may kapansanan sa binti, habang ang kanyang lola naman ay kumakayod sa kung ano-anong raket para lang may pambili ng gamot at pagkain. Sa kabila ng hirap, ibinigay nila
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 156: Who Else is Welcome? (Part. 2)

    Pero doon pumasok ang isang malaking tanong... Ano namang gagawin ko kapag nahuli ko sila? Baka nga sinasadya ng babaeng iyon na makipagkita sa iba para lang hiyain siya, at pilitin siyang pumirma agad sa divorce paper! Sa buong buhay niya, hawak niya ang kontrol sa lahat ng bagay. Pero ngayon, pakiramdam niya ay unti-unti siyang nawawalan ng hawak. Ni hindi niya kayang mapasunod ang isang maliit na babaeng wala namang kahit anong kapangyarihan o backer sa likod nito. Isang matinding pakiramdam ng kabiguan ang lumamon sa kaniyang pagkatao. Nanatili siyang nakaupo sa loob ng kotse hanggang sa makaramdam na ng ngalay ang kaniyang buong katawan, nang sa wakas ay makita niya ang isang pamilyar na pigura na lumabas mula sa lobby. May kausap sa telepono si Gabriel Domingo habang naglalakad patungo sa kaniyang sasakyan. Hindi niya napansin na mula sa kaniyang paglabas ay may isang pares ng mga mata na matalim na nakatitig sa kaniyang bawat galaw. Nang tuluyang umalis ang kaniyang Porsc

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 156: Not Yet Officially Divorced

    Hindi pa nga kami hiwalay sa batas, pero lakas na ng loob niyang makipaglandian sa kabit niya. Ilang araw silang magkasama rito... baka pati kama, nabubulok na sa sarap? Hindi mapigilan ni Sebastian ang marahas at magulong takbo ng kaniyang isip. Nang maalala niya kung gaano niya ito kapangulila at kagustong angkinin nitong mga nakaraang araw—habang ito naman ay may kalituhang iba ang kapiling—isang matinding udyok na sirain at itumba ang lahat ang biglang sumabog sa kaniyang dibdib! Pero hindi siya bumaba ng kotse para habulin sila. Gusto niyang makita kung gaano katagal magpapakasaya ang dalawang asong iyon ngayong araw. Matapos i-park ang kotse, tinanggal niya ang kaniyang seatbelt, ipinikit ang mga mata, at pinilit na patahimikin ang pagod mula sa kaniyang long-distance flight. Pagkaakyat nina Celestine at Gabriel sa apartment, naroon na pala si Tricia. May duplicate key siya ng unit, kaya diretso na siyang pumasok para mag-antay. Nang makitang magkasamang bumalik ang dalaw

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 155: Rocky Love (Part 2)

    Alam naman niyang may kinalaman ito sa kaniyang asawa. Ngunit ang kasal ng kaniyang boss at ni Celestine ay parang patay na at wala nang sinumang makakapagsalba pa, kaya kahit alam niya ang dahilan ay wala rin siyang magagawang solusyon. May mga ulat pa sana si Rigor na kailangang sabihin, ngunit pagkakita sa nakakatakot na awra ng kaniyang boss ay nanahimik na lang siya at tahimik na nagmaneho. Subalit nang makapasok na sila sa sentro ng lungsod, ang tahimik na lalakeng tila ba galing sa ilalim ng lupa sa lamig ay biglang nagsalita mula sa likurang upuan: "Itabi mo ang sasakyan." Nagulat si Rigor. Tumingin siya sa rearview mirror para kumpirmahin kung tama ba ang narinig niya, at mabilis na isinantabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Bago pa man siya makapagtatanong kung bakit, mabilis nang bumaba ang lalaki mula sa likod, lumapit sa may unahan, at binuksan ang pinto sa tapat ng driver's seat. "Kayong dalawa, mag-taxi na lang kayo pabalik ng opisina. May aasikasuhin ako." Agad

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 155: One Week Sick

    "Ano? Bakit? Parang ayaw mo pang madaliin?" takang tanong ni Gabriel nang makita ang reaksyon niya. "Hindi, hindi naman sa ganoon... Siyempre gusto ko hangga't maaari eh bukas na bukas din tapos na 'to, kaya lang—" Napalunok si Celestine, dahilan para medyo maguluhan si Gabriel. Direkta nitong sinabi, "Kung may iba ka pang inaalala, sabihin mo lang sa akin. Gagawa ako ng paraan para maayos natin 'yan." Bahagyang umayos ng upo si Celestine. "Wala naman akong ibang iniisip. Kaya lang kasi, nasa business trip si Sebastian ngayon, at hindi ko alam kung kailan siya babalik. Pakiramdam ko, sinasadya niyang takasan at iwasan muna ang usaping ito." Bahagyang ngumiti si Gabriel, na tila ba inaasahan na niya ang ganitong galaw mula sa kalaban. "Huwag kang mag-alala, naipadala at natanggap na ang court summons. Kung sadyang tumanggi siyang sumipot sa pagdinig, pwedeng magbaba ang korte ng judgment in absentia, at sa totoo lang, mas mapapadali ang lahat para sa atin." Matapos ang lahat, kung

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 154: Next Week

    Nalilito si Floriece: "Girl, naririnig ko sa boses mo, parang malala pa rin naman. Bakit ayaw mo pang magpa-confine para maalagaan ka nang maayos?" "Huwag na, okay lang ako..." mahina niyang sagot. "Trangkaso lang 'to, lilipas din." Confine? Saan naman siya kukuha ng pambayad? Isang malaking question mark ang financial status niya ngayon. Mukhang naramdaman naman ni Floriece ang silent struggle niya, kaya hindi na ito nag-usisa pa at ibinahin na lang ang usapan. "Nandiyan pa ba si Sebastian? Grabe, I didn't expect Leandro to be so bida-bida kagabi. Pinagsabihan ko nga uli kaninang umaga... well, kayong dalawa... okay lang ba? Hindi ba siya gumawa ng eksena?" Napangiti nang mapait si Celestine. "Okay lang, no harm done. Mabuti naman ang intensyon ng asawa mo, huwag mo na siyang ituring na bad guy... Sige na, Floriece, pabalik na ako ng apartment. Lowbatt na rin 'tong phone ko, chat na lang tayo mamaya." "Sige," sagot ni Floriece, pero humabol pa ito. "Punta ako riyan sa apartment

  • The CEO's Midnight Addiction to His Ex-Wife   Chapter 153: Can’t You Settle Down?

    Isang mapait at sarkastikong ngiti ang sumilay sa gwapong mukha ni Sebastian, "Thank you? Mas mabuti pa kung magsalita ka na lang ulit ng mga bagay na ikagagalit ko kaysa magpasalamat ka riyan." Kalahating oras lang ang nakalilipas, nagising siya mula sa mahimbing na pagtulog dahil sa isang tawag. Nang makitang si Franco ang tumatawag, akala niya ay may napakahalagang emergency sa kumpanya. Hindi niya inaasahan na ibabalita sa kaniya ni Franco na tumawag si Atty. Leandro Guevarra para sabihing may sakit ang kaniyang asawa at walang mag-aalaga rito. Sa sobrang antok at gulo ng isip niya noong una, hindi niya agad maalala kung sino si Atty. Leandro Guevarra. Matapos itong ipaliwanag ni Franco, doon niya lang narehistro sa utak na ito pala ang lalaking napagkamalan niya noon, na asawa rin ng matalik na kaibigan ni Celestine. Ang cellphone na iyon ay madalas na hawak at binabantayan, kaya naman kay Franco mismo pumasok ang tawag ni Leandro. Buong biyahe siyang nagngitngit sa galit a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status