Share

Chapter 4

Author: Neko Kuroha
last update publish date: 2026-04-14 05:30:34

Hindi na nawala sa isip ni Caelum ang usapan nila ni Althea kahit natapos na ang shift niya. Pag-uwi niya, tahimik na ang bahay. Patay na ang ilaw sa sala, pero nakapatong pa rin sa mesa ang mga resibo—parang iniwan lang saglit pero hindi na binalikan.

Dumaan siya roon at saglit na tumigil, kinuha ang isa sa mga papel.

Electric bill. Malapit na ang due date.

Napabuga siya ng hangin at ibinalik iyon sa mesa bago dumiretso sa kwarto niya. Hindi siya nag-ilaw agad. Umupo lang siya sa gilid ng kama, nakayuko, magkahawak ang mga kamay.

Tahimik ang paligid, pero sa loob niya, magulo. Hindi siya sanay sa ganito—yung hindi niya alam kung anong tamang gawin.

Maya-maya, kinuha niya ang phone niya. Walang message. Walang kahit ano.

Hindi niya alam kung anong mas nakakainis—yung offer o yung totoo na parang kay dali lang para kay Althea na iwan sa kanya ang desisyon. Parang wala lang kung tumanggi siya. Parang wala rin kung pumayag siya.

Napailing siya at humiga, tinakpan ang mukha gamit ang braso niya. Pero kahit anong pilit niyang magpahinga, bumabalik pa rin sa kanya ang tanong—gaano kalaki ang kayang baguhin ng isang desisyon niya?

Kinabukasan, tahimik siya sa hapag habang nag-a-almusal.

“Hindi ka nagsasalita,” sabi ng tita niya na sumisimsim ng kape. “May iniisip ka.”

Umiling siya na hindi tumitingin. “Wala.”

“Hindi ka ganyan kung wala.”

Hinahalo ni Caelum ang kape niya kahit tunaw na ang asukal niyon. Sa huli ay napabuntonghininga siya.

“Pagod lang.” Saglit siyang tinitigan ng tita niya bago ito napailing.

“Mag-ingat ka lang, ha.”

Napatingin siya rito. “Sa?”

“Sa mga desisyon mo,” sagot nito. “Hindi lahat ng mukhang madali ay maganda ang kapalit.”

Hindi siya nakaimik. Parang tumama ‘yon ng diretso sa kanya, ngunit wala siyang maisagot.

Mas maaga siyang pumasok sa café kaysa sa dati. Hindi dahil gusto niya, kundi dahil gusto niyang mapagod—yung tipong wala na siyang oras para mag-isip.

Habang nag-aayos siya ng mga tasa, paulit-ulit lang ang galaw niya.

Linis. Ayos. Ulit.

Hanggang sa tinawag siya ng manager nila. “Caelum, may naghahanap sa’yo,” sabi nito, sabay turo sa may sulok.

Hindi niya agad tiningnan, pero alam na niya kung sino iyon. Huminga siya ng malalim bago lumingon—at tama siya. Nandoon si Althea, naka-upo, kalmado, parang walang kahit anong nagbago mula kahapon.

Saglit siyang napatigil bago lumapit. “Ma’am,” pagbati niya.

Bahagyang umangat ang kilay ni Althea. “Akala ko Althea na?”

Napabuga siya ng hangin. “Nasanay lang po.”

“Okay,” sabi nito. “Upo ka.”

Nag-alangan si Caelum, sumulyap saglit sa paligid, pero umupo rin sa huli.

Hindi agad nagsalita si Althea. Tinitigan lang siya nito, parang may hinahanap sa mukha niya.

“Ikaw ba, natulog ka?” tanong nito.

Napangiti siya ng bahagya, pagod ang dating. “Hindi masyado.”

“Because of me?” diretsong tanong nito.

Napatingin siya sa babae. “Hindi lang naman ikaw.”

“Pero kasama ako,” kalmadong sagot nito.

Hindi na siya kumontra. Natahimik siya sandali.

“Iniisip ko pa rin,” sabi ni Caelum.

“I know. Hindi ‘to basta-basta,” sambit nito.

“Hindi rin siya yung tipong papasukin ko tapos bahala na.”

“Good,” sabi ni Althea. “Hindi rin kita gusto kung ganun ka.”

Napakunot ang noo niya. “Ha?”

“Kung pumayag ka kaagad kahapon, hindi na kita kakausapin ngayon,” dagdag nito, diretso ang tingin sa kanya.

Natigilan siya. Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis. “Ang weird mo,” sabi niya, sabay napailing.

“Hindi lang ako nagpapanggap,” sagot ni Althea.

“Hindi ko pa rin maintindihan,” sabi niya.

“Hindi mo kailangan intindihin,” sagot ni Althea. “Kailangan mo lang magdesisyon.”

Napailing siya. “Ang dali mong sabihin.

“Hindi ko sinabing madali,” halos pabulong na sambit nito. “Sanay lang ako na hindi nagpapaapekto.”

“Hindi ako charity case,” mahinang sagot niya.

“I know,” sagot ni Althea agad. “Kaya nga hindi kita tinutulungan. Nakikipag-usap ako sa’yo.” Napatingin ito sa kanya. “May kapalit,” dagdag nito. “Hindi libre.”

Napatingin siya sa kaharap. At sa unang pagkakataon, parang may nakita siyang bitak—hindi malaki, pero ramdam niyang mayroon.

“Kung pumayag ako…” sabi niya, mas dahan-dahan na ngayon, “hindi ba ako magsisisi?”

Hindi agad sumagot si Althea. Saglit itong natigilan, parang pinipili ang sasabihin.

“Depende sa’yo,” sagot nito sa huli. “Kung papasok ka na iniisip mong mali, magsisisi ka. Pero kung papasok ka dahil pinili mo… hindi.”

Napatingin si Caelum rito. Hindi iyon yung sagot na inaasahan niya.

“Hindi ka ba nagsisisi?” tanong niya, halos hindi niya namalayan na nasabi niya iyon.

Saglit na tumigil si Althea sa pag-inom ng kape. Hindi ito agad sumagot.

At doon niya nakita—yung saglit na pag-iwas ng tingin nito.

“Hindi ako bumabalik sa mga desisyon ko,” sabi nito sa huli.

Hindi direktang sagot. Pero sapat lang para malaman niya na malalim ang dahilan nito.

“K-Kung pumayag ako…” sabi niya, at napayuko, “…kailan?”

Sa pagkakataong ito ay ayaw na niyang maghirap. Gusto niya ng madaling paraan para sa kanila ng Tita Sandra niya.

“Kapag handa ka na,” sagot ni Althea habang nakatingin ito sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO’s Paid Lover   Chapter 10

    Hindi agad nawala sa isip ni Caelum iyong lalaking nagpunta sa café. Kahit tapos na ang shift niya at naglilinis na lang siya ng counter, bumabalik pa rin sa kanya ang kakaibang pakikipag,-usap nito. “Hoy! Out ka na!” sabi ng katrabaho niyang sumisilip sa orasan. Napatingin si Caelum at napangiti ng bahagya. “Ah—oo nga.” “Pahinga ka na. Mukha kang lutang.” “Ganun ba halata?” biro niya. Ngunit hindi niya maikaila na totoo ang sinabi nito. Pakiwari niya ay buong araw siyang wala sa sarili niya.“Medyo. Ingat ka pauwi.” “Ikaw din.” Nagpalit siya ng damit at lumabas ng café, mas tahimik na ang paligid pero hindi rin siya mapakali. Ilang beses niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na nag-ooverthink lang siya, pero hindi rin siya lubos na naniniwala.Pagdating niya sa bahay, nadatnan niya ang tita niya sa kusina habang nagsusulat sa maliit nitong notebook. “Nandiyan ka na pala,” sambit nito na saglit lamang siyang tiningnan. “Opo,” sagot niya habang hinuhubad ang sapatos. “Kakau

  • The CEO’s Paid Lover   Chapter 9

    Hindi agad naka-adjust si Caelum paglabas niya ng building. Huminto siya sandali sa gilid ng kalsada saka inayos ang strap ng bag niya at naglakad papunta sa sakayan. May dumaan na jeep na punuan kaya pinabayaan niya muna, hanggang sa may sumunod at doon na siya sumakay. “Bayad po,” sabi niya saka inabot ang barya. “Isa?” tanong ng driver. “Opo.” Tahimik siya buong biyahe. Paulit-ulit lang bumabalik sa isip niya yung umaga—yung kape, yung simpleng usapan, at yung “We agreed.” Napabuga siya ng hangin at bahagyang napailing. ‘Tama na ‘yon.’Pagdating niya sa café ay agad siyang dumiretso siya sa loob. “Late ka ng konti,” bati ng manager. “Sorry po, traffic,” sagot niya habang papunta sa locker. “Ikaw muna sa orders, sabay-sabay na naman,” dagdag nito. “Opo.” Isinuot niya ang apron at pumwesto sa counter. May karamihan ang customer para sa araw na iyon. Ayos na rin, aniya sa isipan. Baka dito ay saglit niyang makalimutan ang isang gabing nangyari sa kaniya. Sa kanila...“Uy,

  • The CEO’s Paid Lover   Chapter 8

    Caelum woke up with a heavy feeling. Hindi agad siya bumangon, bagkus mas lalo lamang niyang binalot ang sarili ng malambot na comforter. Nakatitig lamang siya sa kisame habang dahan-dahang bumabalik sa kanya ang pakiramdam ng nangyari sa kanila ni Althea—yung init ng katawan nito na hindi pa tuluyang nawawala sa balat niya, yung pagod na hindi lang galing sa katawan, kundi sa desisyong ginawa niya.Huminga siya ng malalim. At doon nagsimulang pumasok ang mga alaala. Ang pagitan nila ni Althea na unti-unting nawala. Ang pakiramdam na hindi siya pinilit—pero hindi rin siya umatras. Kung paano siya hinayaan nito na sumabay at magdesisyon sa sarili niyang bilis.Mariin siyang napapikit. Hindi siya nagmadali. Iyon ang malinaw.At marahil iyon ang dahilan kung bakit mas mabigat sa dibdib niya ang lahat. Wala siyang masisisi.Wala siyang pwedeng sabihing hindi niya ginusto ang lahat.Bahagya siyang gumalaw sa kama, saka napahinto. May bakas pa ng init sa mga kumot. May amoy pa ang naiwan

  • The CEO’s Paid Lover   Chapter 7

    Caelum stopped kissing her. Agad siyang umalis sa ibabaw nito at walang pasubaling binuhat niya si Althea. Nangunyapit ang babae sa kang leeg.“Saan ang kwarto mo?” paos niyang bulong habang inaayos niya ang pagbuhat. “Just go straight.”Sinunod niya ang sinabi nito. Habang naglalakad papunta sa kwarto nito ay hindi niya maiwasang magbaba ng tingin para makita ang mukha nito. Althea is just staring at him. Muntikan pa siyang matapilok. “Are you afraid?” tanong bigla nito. Inipon ni Caelum ang natitirang hangin sa paligid niya saka huminga ng malalim. Ngayon pa ba siya matatakot? Kung kailan nasimulan na niya?“Hindi ako takot.”Pagkarating sa tapat ng kwarto ay sinipa niya lang ang pinto. Hindi naka-lock kaya agad silang nakapasok.Agad na nahagip ng mga mata niya ang malaki nitong kama na pulos pula ang kulay. Kahit ang motif ng kwarto ay pula din. Mula sa dingding, sa carpet, at maging sa mga kurtina. Mas lalong nagliyab ang nasa loob ni Caelum. Pagkarating sa kama ay maingat n

  • The CEO’s Paid Lover   Chapter 6

    Tahimik si Caelum sa buong biyahe. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, pinapanood ang mga ilaw ng lungsod na nagiging pahaba habang umaandar ang sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang mas mabilis—yung takbo ng kotse o yung tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa bilis ng tibok niyon.Ramdam niya ang presensya ni Althea sa tabi niya kahit hindi siya tumitingin. Nakatutok ang paningin nito sa daan habang nagmamaneho. Masyadong malapit. Masyadong tahimik.‘Ganito ba talaga ‘to?’Hindi siya sanay sa ganitong klase ng katahimikan—yung may kasamang tensyon na parang may hinihintay na pumutok.Huminto ang pulang sasakyan nito sa tapat ng malaking pent house. Hindi pa sila nakakalabas ng sasakyan ay halos malulua si Caelum. Sa T.V. lang niya nakikita ang ganitong klase ng mga lugar. Pagpasok nila sa pent house, mas lalo siyang natahimik. Malinis ang buong paligid, na kahit sa sahig siya matulog ay ayos lang. Halos lumubog ang suot nyang sapatos sa malambot na ca

  • The CEO’s Paid Lover   Chapter 5

    Hindi agad nakabalik sa trabaho si Caelum matapos ang usapan nila ni Althea. Naiwan lang siya sa mesa, nakatitig sa tasa ng kape na iniwan nito—halos kaunti lang ang nabawasan. Manipis na usok na lang ang natitira, unti-unting nawawala. Hindi niya maiwasang isipin kung gaano kadali para kay Althea ang umalis na parang wala lang, samantalang siya, parang naiwan sa gitna ng isang bagay na hindi niya pa kayang galawin.“Caelum, orders!”Napakurap siya at saka bumalik sa reyalidad. “Ah—opo!” sagot niya, sabay tayo at halos nagmamadaling bumalik sa counter. Pilit niyang ibinalik ang sarili sa trabaho, paulit-ulit na sinasabihan ang sarili na mag-focus lang, na trabaho lang ‘to. Pero kahit anong pilit niya, hindi niya mahanap ang ritmo niya ng mga sandaling iyon. Minsan mali ang naiaabot niyang order, minsan napapatigil siya sa gitna ng ginagawa, parang nawawala sa huwisyo.“Okay ka lang?” tanong ng katrabaho niya habang inaabot nito sa kanya ang tray.“Yeah,” sagot niya agad, pero hindi n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status