Share

Chapter 33

Author: kkyrieehale
last update publish date: 2026-04-27 22:17:49

Lumalim ang halikan namin ni Timothy, halos napapakagat na rin ako sa labi niya dahil sa kakaibang init na bumabalot sakin ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba sa beer na ininom namin kanina, o baka dahil sa pag titig at pag halik sakin ni Timothy ngayon.

Habang walang patid ang halikan namin ay naramdaman ko ang kamay niya na dahan-dahang humahaplos sa binti ko, paakyat sa hita ko. Normal lang naman ‘to sa magkarelasyon, ‘di ba? Dapat sana kinikilig ako. Pero sa isang iglap, parang biglang nag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Hailyn Gonzales
update po ms.A..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 33

    Lumalim ang halikan namin ni Timothy, halos napapakagat na rin ako sa labi niya dahil sa kakaibang init na bumabalot sakin ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba sa beer na ininom namin kanina, o baka dahil sa pag titig at pag halik sakin ni Timothy ngayon. Habang walang patid ang halikan namin ay naramdaman ko ang kamay niya na dahan-dahang humahaplos sa binti ko, paakyat sa hita ko. Normal lang naman ‘to sa magkarelasyon, ‘di ba? Dapat sana kinikilig ako. Pero sa isang iglap, parang biglang nagbago ang paligid.Nawala ang amoy ng hotel room. Ang pinalit ay ‘yung malansang amoy ng alak at mapanghing pawis na labing dalawang taon ko nang pilit na kinakalimutan. Bigla kong naalala ‘yung madilim na sala namin noong 16 years old pa lang ako.“H-huwag…” mahinang sabi ko, pero parang hindi niya narinig.Sa isip ko, hindi na si Timothy ang nasa harap ko. Ang nakikita ko na ay ‘yung demonyong kumpare ni Papa. Nararamdaman ko uli ang magaspang niyang kamay na pilit akong hinahawakan habang wal

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 32

    Malamig ang simoy ng hangin mula sa dagat habang unti-unting dumidilim ang kalangitan. Tanging liwanag ng buwan at ang nagliliyab na bonfire sa dalampasigan ang nagbibigay ng ilaw sa paligid.Nakaupo kami sa buhangin, paikot sa apoy. May hawak akong in-can beer habang si Timothy ay nasa tabi ko, may hawak rin na beer habang hawak ang kamay ko.At syempre… hindi mawawala si Trevor na promotor sa trip na to.“So ano? Seryoso na ba talaga na… totohanan na?” hindi pa rin makapaniwalang sabi nito samin ni Timothy.“Bakit ba parang hirap na hirap kang pa ring maniwala?” natatawa ko namang sabi rito.“Hindi naman sa hindi ako naniniwala. Actually expected ko na talaga ‘to e, na magkakagusto kayo sa isa’t isa. Di ko lang expect na ganito kabilis” tawa pa nito kaya inirapan ko siya.“O tapos?” buwelta ko“Anong o tapos? parang nagkakalimutan tayo ng mga sinabi ah?” hagalpak pa nito.“Stop it, bro” mahinang sabi naman ni Timothy, pero bakas sa labi niya na nagpipigil siyang ngumiti.“Oh defensi

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 31

    Ang biyahe patungong Batangas ay naging kabaligtaran ng inaasahan ko. Akala ko ay magiging awkward dahil ito ang unang pagkakataon na kami lang dalawa matapos ang nangyari sa garden kanina, pero kabaligtaran ang nangyari.Sa loob ng sasakyan, payapa ang lahat. Habang bumabagtas kami sa highway, mahina lang ang tugtog sa radyo. Paminsan-minsan ay hinahawakan ni Timothy ang kamay ko habang ang isa niyang kamay ay nasa manibela.“Bakit ka nakangiti dyan?” tanong niya nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.“Wala. Naalala ko lang kung paano ako pasumpa-sumpa noon na hinding-hindi ako magkakagusto sa’yo. Tapos heto tayo ngayon, papunta sa bakasyon na totoong magkasama,” pag-amin ko.Natawa siya nang mahina. “Ako rin naman. I was so sure I’d never fall for a woman as stubborn as you..” “Nakakahiya kaya! Lalo na yung pag-iyak ko sa garden kanina dahil akala ko ay may iba kang kikitain,” bulong ko sabay takip ng mukha ko.Hinuli niya ang kamay ko at hinalikan ang likod niyon. “Don’t be. It

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 30

    “Seems like we have a real lovers here now?!” napabitaw kami ni Timothy sa isa’t isa ng marinig ang boses ni Trevor na patawa tawa di kalayuan saming dalawa.“Told yah, bro. Lulunukin mo lahat ng sinabi mo. masarap ba?” pang aasar pa nito sa kuya niya pero si Timothy nanatili lang na nakaakbay sakin at nahihiyang nakangiti sa kapatid.“So, yung pinangako mo sakin ha?!”saad pa ni Trevor kaya napatingin ako kay Timothy.“May usapan ba kayo ni Trevor?” tanong ko.“Ahh.. nakipag pustahan kasi siya sakin. Imposible daw na hindi ako magkagusto sayo… and i told him na never ako magkakagusto sayo kaya ayun pusta daw siya na kapag nainlove ako sayo, may 1 month vacation siya.” litanya ni Timothy kaya napahagikhik ako.“Ahh kaya pala” tawa ko pa“O bat tumatawa ka?” tanong nito sakin“Natawa lang ako sa tanong ni Trevor kung masarap ba daw? HAHAHA” hagalpak ko“Masarap… sa pakiramdam. So, gusto mo sama tayo kay Trevor?” biglang sabi Timothy“Ehh? Diba siya lang mag isa?” tanong ko pa“Sabi lang

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 29

    Napapikit na lang ako sa halik ni Timothy at napakapit sa lay layan ng damit niya. Kusa na lang rin tumulo ang mga luha ko sa gilid ng mata ko habang nakikipagsagutan sa halik ni Timothy.Ilang saglit pa ay kumalas siya sa halikan namin at pinagdikit niya ang noo namin. “So, why are you crying?” tanong nito. Nakahikbi lang ako at yumakap sa bewang niya tsaka ko isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.“H-hindi ko alam!” inis kong sagot at basta na lang humagulhol.Agad kong naramdaman ang malapad na palad niya sa likod ko habang hinahaplos ako at inaalo. Parang gumaan at lumuwag bigla ang dibdib ko dahil yakap yakap ko siya at alam kong wala siyang balak na makasama ang babaeng kausap niya kanina. “Tatanungin kita ulit…” biglang sabi ni Timothy at hawak hawak niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako sa mata.“Ayos lang ba sayo na may kasama akong ibang babae?” tanong niya sakin.Muli nanamang nag init ang mata ko at kusa nalamang ako ulit na napahikbi.“Timothy—” mahina kong ba

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 28

    “Ano bang ginagawa mo, Timothy?!” inis kong sambit sakaniya ng makapasok kami sa kuwarto. Nag paalam kasi ako kanina kanila mamy at lola Trina na gusto kong makausap si Timothy ng kami lang.“What?” tugon nito na para bang wala siyang ideya sa mga nangyayari nagyon.“Anong mag papakasal? Timothy nababaliw ka na ba?” “Hindi ba’t napag usapan na natin ‘to? We need to get married so that, iisipin ni lola na settled na ako” sagot niya na ikinatigil ko.Hindi ko alam kung bakit parang may biglang kumurot sa dibdib ko at hindi ako masyadong makahinga.“And… after natin makasal?” tanong ko“It’s up to you. Don’t worry… i’ll never kiss or touch you again.” saad nito habang nakatitig lang sakin.Para akong sinakal dahil sa sinabi niyang yun at kung paano siya tumitig while saying those words, walang kabuhay buhay… I’m confused… So lasing lang talaga siya kagabi?“O-okay…” saad ko na para bang nalunok ko ang dila ko dahil parang walang gustong lumabas na kahit anong salita sa bibig ko.“Don’

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 18

    Naglakad lang ako ng deretsyo at tinungo ang garden na sinasabi ni Lola Trina, para tuloy akong na sa fairy tale dahil sa ganda ng garden niya. May mga iba’t ibang klase ng bulaklak na may iba’t ibang klase rin ng kulay, meron rin siyang fountain sa dulo kung saan sa baba ay mga mga gold fish. “Wa

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 15

    Marianne’s POVNagising ako ng wala na sa tabi ko si mamay, dali dali naman akong tumayo at pag tapos ay lumabas ng kuwarto at nagulat ako ng makita si Tukmol sa kusina na tinutulungan si mamay na magluto kaya pinagmulagatan ko ito ng mata habang siya ay nag kibit balikat lang.“Oh, gising ka na pa

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 10

    Nang makauwi kami sa bahay ay sakto rin ang dating ng mga pinamili ni Tukmol na dumating sa bahay. Nagtaka pa si mamay bakit sobrang dami ng pinamili namin, pero nagawan naman ng palusot ni Tukmol.Nagluto lang si mamay ng putchero, sa una ay parang ayaw pang kumain ni Tukmol pero kumain rin naman

  • The Casanova's Nemesis    Chapter 8

    Hindi ko alam kung gaano kabilis nag maneho si Tukmol kanina, basta ngayon ay nandito na kami sa emrgency room habang tinitignan ng mga doktor si mamay sa loob. Hindi ko rin alam kung ilang tissue na ba ang naubos ko sa kakaiyak.“Tumahan ka na, magiging okay ang mamay mo” pang aalo ni Tukmol sakin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status