Share

Discovery

Hindi na nag-aksaya ng oras si Noelle dahil hindi s'ya nakatulog sa paggunita ng mga pangyayari simula nang nakilala n'ya si Xian. Kahit na nahihilo sa sobrang antok ay pumasok s'ya sa opisina upang makahanap ng pagkakataon na masimulan ang pagtukoy sa tunay na nangyari kay Kael. Tinawagan n'ya ang isa sa mga kaklase n'ya na may mataas na posisyon sa pulisya. Matagal din sila na hindi nagkita at kung hindi pa n'ya kailangan ang serbisyo nito ay hindi n'ya ito makausap muli.

"I wanted to ask a favor from you. Gusto ko malaman kung nasa kulungan pa ba si Kael Mariano. Please send every bit of information to my email," utos n'ya.

Professional at direct ang kanilang naging pag-uusap. Ilag ang karamihan sa kanyang mga kaklase sa kanya dahil na rin sa kanyang ama.

"No problem. Expect the results in two days time," sagot nito.

Sa isang hindi matao na restaurant sila nagkita dahil iniiwasan n'ya na may makakilala sa kanila.

"Mas mabilis sana ay mas maigi," saad n'ya.

"Okay, I will send you
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status