Share

Pag-amin

"May bisita pala tayo," saad ni Don Arnulfo.

Kararating lang nito mula sa kung saan at nadatnan s'ya sa tabi ni Gabriel ba noon ay masaya sa takbo ng kanilang usapan.

"Hi! Napadalaw lang po," tugon n'ya.

"Mabuti naka-recover ka na agad. Kailan ka babalik sa opisina?" tanong nito.

"Hindi ko pa po alam. Hinihintay ko pa ang clearance mula sa mga police. Maari naman ako magtrabaho sa sarili kong opisina," pahayag n'ya.

"Hindi ako makapaniwala na of all places ay nasa gusali ko pa mangyari ang insidente. Napakalakas ng loob ng taong iyon upang sumugod sa teritoryo ko," saad nito.

Ngayon lang narinig ni Xian ang reaksyon ng Don ukol sa insidente. Hindi n'ya maikubli ang pagtataka sa mukha.

"Bakit mukhang na-surpresa ka?" sabi nito sa kanya.

"Nagulat lang ako dahil iba ang sinasabi ng mga tao sa gusali sa naging reaksyon ninyo," pahayag ni Xian.

"Well, who am I to make a conclusion? It was just my opinion," sagot ni Don Mondragon.

"Right. Ano sa palagay mo ang nangyari? Ang alam ko ay wala
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status