로그인SYRNN POV
4:00 AM. Mabigat ang ulo ko parang umiikot pa rin ang buong mundo kahit nakapikit ako. Ang ingay… pero hindi na tulad ng kanina hindi na ‘yung malakas na bass, hindi na ‘yung tawanan. Tahimik na mas lalong nakakabingi dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Madilim pa rin ang paligid, tanging ilaw lang galing sa city lights na tumatagos sa manipis na kurtina. “Where… am I…?” mahina kong bulong sa sarili ko. Napahawak ako sa noo ko, ramdam ang sakit ng hangover. Ngunit mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang mapansin ko ang sarili ko nakahiga ako at wala akong suot. “What the—” Mabilis akong napabangon, sabay hawak sa kumot. Nanginginig ang kamay ko habang dahan-dahan ko itong tinaas. At doon ko siya nakita isang lalaki nakatagilid, nakatalikod sa’kin, mahimbing na natutulog. Malapad ang balikat, halatang hindi ordinaryo ang katawan. “Shit…” napatampal ako sa noo ko. “Anong ginawa mo, Syrnn…” Mabilis akong napamura, halos mapaiyak sa gulat at kaba. Hindi ko na inalala pa, hindi ko na tinignan ang mukha niya. Hindi ko na gustong malaman mabilis akong bumangon, pinulot ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. Nanginginig pa rin ang kamay ko habang nagbibihis. “Hindi totoo ‘to… hindi ‘to nangyari… hindi” Pero alam kong nangyari ramdam ko lahat napapikit ako saglit, pilit tinataboy ang alaala ayokong balikan, ayokong isipin. Kailangan ko lang umalis ngayon na pagkatapos kong makapagbihis, hindi na ako lumingon pa. Ni hindi ko sinilip kung gumalaw siya. Hindi ko na hinintay na magising siya. Binuksan ko ang p***o at tumakbo palabas hindi ko napansin. May nahulog mula sa leeg ko isang kwintas may maliit na pendant. “YRNN.” Nahulog ito malapit sa gilid ng mesa… naiwan… kasama ng gabing pilit kong tinatakasan. Paglabas ko ng VIP room, sinalubong agad ako ng ingay ng club at… si Miks. “GIRL!” Napalingon ako, halos matumba sa bilis ng paglapit niya sa’kin. “Nasaan ka?! Hinahanap kita!” sigaw niya, sabay hawak sa braso ko. “Miks…” hingal kong sagot. “Umalis na tayo.” “Ha? Bakit? Anong—” “Please. Umalis na tayo.” Siguro nakita niya sa mukha ko ang takot. Kasi hindi na siya nagtanong hinila niya ako palabas ng club, hanggang sa makarating kami sa parking. Sumakay kami agad sa kotse niya, at wala pang ilang segundo. VROOOOM! Pinaharurot niya agad ang sasakyan. “OH MY GOD!” sigaw niya habang tumatawa. “Girl, ang wild ng gabi na ‘to!” Tahimik lang ako nakatingin sa bintana hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hanggang sa bigla siyang napatingin sa’kin, may kakaibang ngiti. “Wait…” Unti-unti siyang napangisi. "Girl…” Napalingon ako sa kanya. “Ano?” “May nangyari ba sa inyo?” Nanlaki ang mata ko. “Miks” “Don’t lie!” sigaw niya, sabay tili. “Girl! Lumabas ka sa VIP room ng alas-kwatro ng umaga, magulo ang buhok mo, at mukha kang–” Tumigil siya, sabay taas ng kilay. “Hindi nakatulog ng maayos.” “Tumigil ka nga!” “WAIT!” halos sumigaw siya. “Malaki ba?!” “Miks!!” “Girl, I need details!” tawa niya habang nagmamaneho. “Was it worth it? May sparks ba? Or… regret agad?” Napahawak ako sa ulo ko. “Hindi ko maalala…” Bigla siyang natahimik. “Wait… seryoso?” Tumango ako, mahina. “Hindi ko maalala… kung sino siya.” Napabuntong-hininga ako, sabay yakap sa sarili ko. “Hindi ko alam kung anong ginawa ko kagabi… pero pakiramdam ko… mali.” Hindi na siya nagsalita, hindi na siya tumawa. Tahimik na ulit ang sasakyan pero sa loob ko. Mas lalong lumakas ang ingay dahil pakiramdam ko hindi pa tapos ang gabing ‘to. Hindi pa tapos ang problema ko at may isang bagay na naiwan ko. Na maaaring bumalik para guluhin ang buhay ko. RYNZ POV “Shit…” Napahawak ako sa ulo ko parang sasabog ang utak ko sa sakit. Dahan-dahan akong umupo, pilit inuunat ang katawan ko habang hinihilot ang sentido ko. “What the hell happened…” Napatingin ako sa paligid. VIP room pamilyar pero may mali. Napakapa ako sa sarili ko at doon ko napagtanto. “Damn.” Mabilis akong tumayo at nagbihis. Nanginginig ang kamay ko, hindi dahil sa lamig… kundi dahil sa pakiramdam na may kulang. May nangyari pero wala akong maalala kahit isang detalye. “Think, Rynz… think.” Pero wala, blangko napahawak ako sa buhok ko, frustrated. Hanggang sa napatingin ako sa kama may kumot na nakalatag may bakas at… “Shit.”.Nakita ko isang mantsa ng dugo sa bedsheets napamura ako, malakas. “Damn it!”.Napaatras ako ng isang hakbang hindi ko maalala ang mukha niya. Hindi ko maalala kung sino siya pero malinaw hindi lang basta ‘yon. “Who the hell was she…” Biglang tumunog ang cellphone ko napatingin ako sa screen….. Dad…… Napapikit ako sandali bago sinagot. “What?”.Galit na agad ang tono ko. “WHERE THE HELL ARE YOU?!” sigaw niya sa kabilang linya napangiwi ako. “Busy.” “Busy?!” mas lalong tumaas ang boses niya. “You have a meeting in two hours! Investors are waiting, and you’re nowhere!” Napabuntong-hininga ako. “I’ll be there.” “Don’t you dare mess this up, Rynz,” malamig niyang dagdag. “You’re already testing my patience.” Napakunot ang noo ko. “Then stop calling me like I’m still a kid.” “Act like a man first,” sagot niya, matalim. “Hindi ‘yung nagpapakalunod ka sa kalokohan!” Napahigpit ang hawak ko sa phone. “Watch your words.” “Or what?” hamon niya. “You think you can run the company with that attitude?” Tahimik ako sandali then– “I’m already running it.” Pinatay ko ang tawag mabigat ang dibdib ko. Galit, agod at… may kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Habang naglalakad ako palabas ng kwarto, may naapakan ako. “Hmm?” Yumuko ako at pinulot iyon isang pendant maliit at simple pero may nakaukit. “YRNN.” Napakunot ang noo ko. “Yrnn…?” Napatingin ako sa kama sa pintuan sa kwarto. “Sa kanya ba ‘to…?” Napahigpit ang hawak ko sa pendant. Isang bagay lang ang malinaw sa’kin ngayon may babae na pumasok sa gabi ko. At nawala na parang bula pero iniwan niya ‘to at hindi ko alam kung bakit. Pero pakiramdam ko hindi ito ang huli naming pagkikita.RYNZ POVPagbukas ko ng pinto wala literal na wala, isang service crew lang ang nakatayo sa harap ko, hawak ang tray na may pagkain. Nakayuko pa ito, halatang kinakabahan.“Good evening, sir… room service po” Napapikit ako nang mariin napahinga nang malalim. At doon ko narealize ano ba ‘yon, Rynz…?“I didn’t order anything,” malamig kong sabi.“Ahhh... s-sorry po, sir! Baka po nagkamali lang ng room” Napasapo ako sa noo ko, inis na inis.“Next time, make sure,” dagdag ko. “Or I’ll report this to your manager.”“Sorry po, sir! Hindi na po mauulit!” Tumango ako nang bahagya at hindi na nag-aksaya ng oras. Bogssshhhh..... Isinara ko ang pinto at sumandal ako roon tahimik pero sa loob ko magulo.“Hallucination lang ‘yon…” bulong ko sa sarili ko. “Pagod ka lang, Rynz. Overthinking.” Pero bakit ganon? Ang linaw ng narinig ko, Ang linaw ng nakita ko, Yung anino, Yung kwintas parehong-pareho napailing ako.“Enough.” Lumakad ako papunta sa kama at basta na lang bumagsak doon nakatingin sa kisa
THIRD PERSON POV Mabigat ang hangin sa loob ng eroplano tahimik si Rynz, nakaupo sa business class, habang mahigpit na hawak ang maliit na pendant sa kanyang palad. Ilang oras na ang byahe, pero ni isang segundo, hindi niya ito binitawan parang doon nakasalalay ang lahat ng sagot na matagal na niyang hinahanap. “Good afternoon, ladies and gentlemen,” mahinahong boses ng captain ang pumuno sa cabin. “This is your captain speaking. We are now cruising at 35,000 feet and expected to arrive in Cebu in approximately one hour. Weather is clear, and we hope you enjoy the rest of your flight.” Kasunod noon, ang malambing na ngiti ng flight attendant habang naglalakad sa aisle. “Sir, would you like something to drink?” tanong nito kay Rynz hindi siya agad sumagot. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana sa ulap sa kawalan. “Sir?” Napakurap siya, saka bahagyang umiling. “No. I’m fine.” Ngumiti ang flight attendant at tumango bago tuluyang lumayo. Pero hindi napansin ni Rynz ang lahat ng iy
RYNZ POVHanggang ngayon… hindi ko pa rin siya nahahanap. Ilang buwan na ang lumipas, pero nananatili pa rin siyang misteryo sa buhay ko parang multong dumaan, pero nag-iwan ng bakas na hindi ko kayang burahin. Mahigpit kong hinawakan ang kwintas sa palad ko 'yung pendant…YRNN.“Sir, nandito na po ‘yung reports for this quarter.” Naputol ang pag-iisip ko nang pumasok ang secretary ko.“Leave it there,” malamig kong sagot, hindi man lang siya nilingon. Narinig ko ang mahinang pagtapik ng mga papel sa mesa ko, kasunod ang marahang pagsara ng pinto.Tahimik ulit lumapit ako sa glass window ng opisina ko. Mula sa taas ng building, tanaw ko ang buong siyudad mga ilaw, mga sasakyan, mga taong abala sa kani-kanilang buhay. At ako? Nakatayo dito may lahat pero may hinahanap.“Kung sino ka man…” bulong ko habang pinagmamasdan ang pendant, “mahahanap din kita.” Hindi ko alam kung bakit, Hindi ko alam kung anong meron sa babaeng ‘yon. Isang gabi lang ,Isang gabing hindi ko man lang nakita ang
STILL SYRNN POVHalos hindi pa bumababa ang kaba sa dibdib ko nang biglang bumalik yung lalaking naka-hoodie.“Mi—Miks…” mahina kong tawag, parang mawawalan na ako ng boses. Napalingon si Miks, hawak pa rin ang kalahating mangga. “Ano na naman, girl? May multo na naman ba”Natigil siya kasi paparating na ‘yung lalaki diretso walang lingon-lingon. At sa totoo lang… parang mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko hindi ko alam kung bakit.“Hoy! Sino ka ba talaga?!” sigaw ni Miks, nakahanda pang ihagis ang mangga na parang granada. Pero biglang tinanggal ng lalaki ang hoodie niya at sa isang iglap—“BABE?!” Sigaw iyon ni Miks napaatras ako.Ha? Babe?! “Anong babe?!” napatingin ako kay Miks, gulat na gulat. At bago pa ako makareact tumakbo si Miks. Hindi… hindi lang basta tumakbo PARANG KABAYO. Literal pa-talon-talon pa siya habang sumisigaw.“RICAN ANGELOOOOOO!!!” Ako naman napanganga.“Anong klaseng entrance ‘yon?!” bulong ko sa sarili ko yung lalaki este si Rican Angel napakunot ang noo
SYRNN POV Hindi ko akalaing darating ako sa puntong ganito tahimik, payapa, at may konting saya sa gitna ng lahat ng sakit na pinagdaanan ko. Simula nang dumating ako rito sa probinsya ni Miks sa Cebu, pakiramdam ko unti-unti akong binubuo ulit. Parang bawat hangin na dumadampi sa balat ko ay nagdadala ng panibagong pag-asa. At kahit may takot pa rin sa dibdib ko, pinipilit kong ngumiti… para sa sarili ko, at para sa batang dinadala ko. “Girl, gising ka na ba?!” sigaw ni Miks mula sa labas ng kwarto. Napapikit ako sabay buntong-hininga. “Oo na… sandali lang…” Pero bago pa ako makabangon, bigla akong napahawak sa bibig ko. “Ughhhh!” Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto at diretso sa CR. “Girl?! Hoy anong nangyayari sa’yo?!” sunod-sunod na katok ni Miks. “Suka…!” hirap kong sagot. “OMG! Wait lang ha, ikukuha kita ng tubig! Wag ka munang mamatay diyan, wala pa akong jowa!” Kahit nahihilo ako, napatawa ako ng mahina. Ganito talaga si Miks kahit seryoso na ang sitwasyon, nagagaw
STILL THIRD PERSON POVDahan-dahang nagmulat ng mga mata si Syrnn. Sumalubong agad ang puting kisame ng ospital, kasabay ng mahinang tunog ng monitor sa tabi niya.“Girl… gising ka na… Napalingon siya sa kanan nandoon si Miks nakaupo sa tabi ng kama, hawak ang kamay niya. Namumugto ang mata nito, halatang hindi natulog nang maayos.“Miks…” mahina niyang tawag.“Shh… okay ka na,” agad na sagot nito, pilit ngumiti. “Nandito lang ako. Napapikit si Syrnn sandali, pilit inaalala ang nangyari Hanggang sa biglang bumalik ang alaala a ng ama niya, ang suntok at ang sakit nanlaki ang mata niya.“Miks… si Tatay”“Don’t worry,” mabilis na sagot ni Miks, mahigpit ang hawak sa kamay niya. “Wala siya dito. Hindi ka niya maabot dito. Tahimik sandali si Syrnn pero hindi nawala ang takot sa mga mata niya. Maya-maya, pumasok ang doktor. Sinuri siya, kinausap si Miks, at ipinaliwanag ang kalagayan niya.“May mga pasa siya sa katawan,” sabi ng doktor, seryoso. “At base sa findings… matagal na siyang inaa







