Share

Chapter 6

Penulis: Akiyutaro
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-15 11:34:23

Tahimik ang opisina kung saan naroon si Elera, Ang ilaw mula sa labas ay malamlam, tumatama lamang sa mga salamin ng lamesa ni Elera. Nakaupo siya sa kanyang upuan, nakamasid sa mga numero at report sa laptop, ngunit hindi ang mga papeles ang nakaka-absorb ng isip niya. Hindi. Si Victor ang nasa lahat ng sulok ng kanyang utak.

Walang galit. Walang luha. Walang drama. May hawak siyang kontrol sa bawat kilos, sa bawat desisyon, at sa bawat paghinga. Ngunit kahit gaano siya ka-striktong naka-focus, alam niyang hindi niya kayang burahin ang presensya ng lalaking minsan niyang minahal—at minsan niyang pinili na iwan.

Tumunog ang elevator sa kabilang dulo ng opisina. Hindi siya nagulat. Alam niya—lamang niya sa puso at utak ang oras na darating siya.

“Elera.”

Walang kaba sa tinig. Mababa, malamig, at punong-puno ng pag-aari. Tumayo siya nang walang anumang galaw sa katawan, at kahit hindi siya lumingon, alam niyang nakatayo siya sa likod niya—si Victor.

“Victor,” mahinang bati niya, malamig ngunit walang takot. “Ano na naman ang dahilan ng pagdating mo?”

Ngumiti siya, hindi ngiti ng aliw, kundi ngiti ng isang lalaking tiyak sa sarili. “Hindi dahilan. Plano. At ikaw ang sadya ko.”

Tumango si Elera, walang emosyon, walang pagpapakita ng kahit anong reaksyon. Ipinakita lamang niya ang katahimikan ng kontrol—isang senyales na hindi siya madaling mahahawakan, kahit alam niya sa sarili niya na ramdam niya ang kapangyarihan ni Victor sa loob ng silid.

Lumapit siya sa kanyang mesa, tumayo sa likod ng upuan. “Kung nandito ka para guluhin ako, maaari kang umalis. Hindi ko kailangan ng kausap para sa trabaho ko.”

“Hindi ito trabaho, Elera,” sagot niya, mababa at malinaw, bawat pantig ay parang hinuhukay ang bawat depensa niya. “Pumunta ako rito para kunin ka ulit, alam mo yan kung gaano ako ma desperado.”

Tumango siya nang bahagya. Hindi pumapayag, ngunit malinaw na naiintindihan ang mensahe. Hindi siya magsusumamo, hindi siya magpapakita ng kahinaan. Ngunit kahit gaano siya ka-hard to get, alam niya—alam niya sa kaibuturan ng puso niya—na bawat salita ni Victor ay may epekto.

“Hindi ako pumasok sa trabaho para sayangin ang oras ko sa pag-uusap na walang saysay,” mahina niyang sagot, halos bulong, ngunit sapat para marinig ni Victor.

Tumayo siya sa harap niya, isang hakbang lang, sapat upang maramdaman ni Elera ang init at presensya. “Elera,” ang tinig niya ay may halong pang-aakit at banta. “Alam mo kung ano ang mangyayari kung patuloy mong ipag dadamot ang sarili mo sa akin. Alam mo na hindi lang ito basta galit o paghihiganti.”

Hindi siya kumibo. Tumayo siya nang diretso, walang pagtanggi sa lugar. Ngunit sa puso niya, naramdaman niya ang tinig ni Victor sa bawat sulok ng opisina—isang presensya na hindi niya maalis.

“Hindi mo ako makukuha dahil gusto mo, Victor,” mahina niyang sabi, malamig ngunit malinaw. “Makukuha mo lang ako kung pipiliin ko iyon. Hindi dahil sa puwersa.”

Ngumiti siya nang bahagya, at sa kanyang mga mata, may apoy—isang apoy ng pang-aari, obsesyon, at determinasyon. “Tama,” sagot niya, mababa at nakatutok. “Hindi ko kailangan. Pipiliin mo ako. Ngunit sisiguraduhin kong walang paraan para hindi mo ako piliin.”

Tumahimik sila sa isa’t isa. Walang drama. Walang luha. Walang galit. Ang tensyon ay parang kuryente sa loob ng silid—mapanganib, nakakaakit, at walang bakas ng kahinaan.

Tumayo si Elera at lumapit sa bintana. Tinitingnan ang lungsod, ngunit hindi niya itinaas ang mata kay Victor. Alam niyang naroroon siya, at ramdam niya ang bawat hakbang, bawat paghinga, bawat pagbabago sa temperatura ng silid.

“Ang bawat hakbang mo ay may kahulugan,” bulong niya sa sarili, hindi sa kanya. “At hindi ko hahayaan na manipulahin mo ang isip ko.”

Ngunit sa halip na umatras, lumapit siya nang kaunti, isang maliit na hakbang patungo sa mesa ni Elera, hindi humahawak, hindi nagiging agresibo. Ngunit sapat upang maramdaman niya ang banta ng presensya niya.

“Hindi mo maiwasan na maramdaman ako,” bulong ni Victor, halos sa tenga niya, ngunit hindi siya nagulat. Alam niya—alam niya na iyon ang punto ni Victor. Hindi lang ito tungkol sa pag-angkin; ito ay tungkol sa paghabol ng bawat galaw niya.

Tumalikod si Elera, huminga nang malalim. Pinipilit niyang hindi makita ang ngiti niya—isang ngiti na alam niyang nakalaan para sa kanya lamang, isang ngiti na may halong kalaban, halong pang-aakit, at halong obsesyon.

“Hindi mo ako mapipilit,” malamig niyang sabi, at sa bawat salitang iyon, alam niyang mayroong alon ng pagkabigo sa loob ng mga mata ni Victor. Ngunit hindi siya nagpakita ng kagalit. Walang drama. Tanging kontrol.

“Hindi,” sagot niya, direkta, malamig, at may kasamang pang-aari. “Ngunit gagawin ko ang lahat upang makuha ka ulit. alam kong ikaw ang nais kong makuha.”

Ang bawat salita ay parang hampas sa dibdib ni Elera. Hindi siya magpapakita ng emosyon, ngunit alam niya—alam niya na bawat hakbang ni Victor ay may intensyon. At siya… ay handang lumaban.

Tumigil si Victor, nagbigay ng maliit na ngiti, at dahan-dahang umalis. Hindi siya bumitaw. Ngunit alam ni Elera—alam niya na ito ay simula lamang. Ang digmaan ay nagsimula. Hindi ito tungkol sa drama o luha. Ito ay tungkol sa kontrol, pagpili, at paghabol.

Habang bumabalik siya sa kanyang mesa, huminga si Elera nang malalim. Pinilit niyang panatilihin ang katahimikan at kontrol. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso, may alam siyang katotohanan: hindi siya makakalayo. Hindi ngayon. At kahit gaano siya ka-hard to get, alam niya—alam niya sa bawat patte ng katawan niya—na si Victor ay lalaban para makuha siya, sa bawat paraan na hindi niya kayang pigilan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Ex-Husband CEO Started Chasing Her    Chapter 17

    Tahimik ang umaga sa opisina, pero hindi iyon yung tahimik na kalmado.Alam ng mga empleyado kung bakit.Nandoon si Victor.Hindi siya nakaupo sa sariling opisina niya. Hindi rin siya nasa meeting room. Nandoon siya sa floor kung saan nagtatrabaho si Elera.Nakababa ang tingin niya sa tablet na hawak, ang isang kamay nakapasok sa bulsa ng slacks niya. Hindi siya sumisigaw ngayon.“Why is this incomplete?” malamig niyang tanong habang nakatingin pa rin sa screen.May isang analyst na bahagyang lumapit, halatang kabado. “Sir… pending pa po yung last figures—”Hindi pa tapos magsalita ang empleyado nang ibaba ni Victor ang tablet sa mesa nang may diin.“I didn’t ask what’s pending,” sabi niya, mababa ang boses pero malinaw ang inis. “I asked why it’s incomplete.”Napayuko ang analyst. “We thought—”“Stop thinking halfway,” putol niya agad. “If you start something, finish it.”Tahimik ang buong area. Walang gustong makialam.Sandaling naglakad si Victor sa pagitan ng mga mesa, ang bawat h

  • The Ex-Husband CEO Started Chasing Her    Chapter 16

    Hindi na bago ang eksena.Si Victor sa gitna ng floor, malamig ang mata, mahigpit ang tono.Si Elera sa loob ng glass office, tahimik.Pero ngayon, mas klaro ang pattern.Mas lantad ang pag-angkin.“Why is this delayed?” malamig na tanong ni Victor habang hawak ang tablet ng operations head.“Sir, may revision lang sa—”“I don’t want reasons,” putol niya. “I want results.”Halos hindi na makagalaw ang staff sa paligid. May isa pang nagkamaling magsalita—“Sir, we thought—”“You thought?” Tinaas niya ang kilay. “That’s the problem.”Tahimik.Walang gustong tumingin sa kanya.Ganito siya sa lahat.Diretso. Walang lambot. Walang filter.Pero nang mag-vibrate ang phone niya at makita ang pangalan ni Elera sa screen—Nagbago ang aura.Hindi halata sa hindi sanay tumingin. Pero para sa mga madalas nakakatanggap ng sigaw niya?Ramdam ang difference.He stepped aside.“Yes?”“Nasaan ka?” malamig ang boses ni Elera.“Outside your office.”“Stop scaring my team.”He glanced around. May ilang em

  • The Ex-Husband CEO Started Chasing Her    Chapter 15

    Maaga pa lang, ramdam na agad ang tensyon sa floor. Hindi dahil may deadline. Hindi dahil may audit. Kundi dahil nandoon na naman siya. Victor Alvares. Nakatayo sa gitna ng open office area, naka charcoal suit, sleeves slightly folded, jaw tight. Hawak niya ang isang folder habang may kausap na department head. “At this point, you’re telling me this is the best you can do?” malamig ang boses niya, pero mas delikado dahil kontrolado. “Sir, we’re still adjusting the projections—” “Adjust faster,” putol niya. “I don’t pay people to think slowly.” Tahimik ang buong area. May mga nagkukunwaring busy. May mga hindi na humihinga nang maayos. Ibang-iba siya. Masungit. Direktang magsalita. Walang pasensya. “Redo this,” sabay lapag ng folder sa mesa. “And next time, don’t make me repeat myself.” “Yes, sir.” Umalis ang department head na halos hindi makatingin. Sa kabilang side ng floor, may mahinang bulungan. “Grabe siya.” “Ganito ba talaga siya sa company nila?” “Parang hind

  • The Ex-Husband CEO Started Chasing Her    Chapter 14

    Hindi nagbago si Elera kinabukasan.Parang walang nangyari kagabi.Nauna siyang gumising. Tahimik siyang bumangon mula sa kama, maingat na inalis ang braso ni Victor sa bewang niya. Hindi siya nagmamadali. Hindi rin siya nagpakita ng anumang emosyon.Pero isang bagay ang hindi niya maitatanggi—Hindi siya lumayo agad.Sandali muna siyang nanatili sa pagkakahiga, nakatingin sa kisame, iniisip ang mga sinabi ni Victor kagabi. Ang tono nito. Ang pakiusap. Ang “please”.Hindi niya akalaing maririnig niya iyon mula sa lalaking sanay mag-utos.Paglingon niya, tulog pa si Victor. Bahagyang magulo ang buhok, relaxed ang mukha. Mas bata ang itsura kapag hindi seryoso. Mas tao.Umiwas siya ng tingin.She won’t make this easy.Tahimik siyang nag-ayos sa kusina. Nag-init ng tubig. Gumawa ng kape. Dalawang tasa.Hindi niya alam kung bakit dalawa.Paglabas ni Victor mula sa kwarto, naka-white shirt lang at dark slacks. Malinis na ulit ang itsura, parang walang bakas ng kahinaan kagabi. Pero iba ang

  • The Ex-Husband CEO Started Chasing Her    Chapter 13

    Elera (POV)Hindi ako tulog.Alam ko ang eksaktong sandali kung kailan siya bumalik sa kama. Ramdam ko agad ang pag-angat ng kutson sa likod ko, ang bahagyang pag-shift ng bigat niya na parang nag-iingat—parang natatakot na baka magising ako. Kung alam lang niya.Pinagmasdan ko ang sarili kong paghinga, sinadya kong panatilihing mabagal at pantay. Ayokong mahalata. Ayokong maunahan ang kilos niya. Gusto kong maramdaman kung ano ang gagawin niya kapag akala niya wala akong depensa.Tahimik ang buong unit. Tanging tunog lang ng ulan sa labas at ang mabigat niyang paghinga ang naririnig ko. Amoy ko pa rin ang sabon na ginamit niya sa banyo—malinis, pamilyar. Victor.Matagal siyang hindi gumalaw. Ramdam ko ang alanganin niyang presensya, parang pinag-iisipan kung lalapit ba siya o hindi. Noon, hindi siya nagdadalawang-isip. Noon, sanay siyang kunin ang espasyo ko na parang natural lang.Pero ngayon… may distansya.At doon ako napangiti sa loob.Nang tuluyan niyang ipatong ang braso niya s

  • The Ex-Husband CEO Started Chasing Her    Chapter 12

    Pagbalik ni Victor sa condo, tahimik.Isinara niya ang pinto sa likod niya, bitbit ang bag na may lamang extrang damit. Tinanggal niya ang sapatos, natural ang galaw, parang matagal na niyang ginagawa iyon sa lugar na ito kahit matagal na ring hindi.“Elera?” tawag niya, mababa ang boses.Walang sumagot.Naglakad siya papasok, dumaan sa sala. Maayos ang lahat. Nakasindi ang isang ilaw sa hallway. Doon niya napansing bukas ang pinto ng banyo.At saka—Narinig niya ang buhos ng tubig.Huminto siya, sapat na para malamang naliligo si Elera.Hindi siya lumapit agad. Hindi rin siya umatras. Tumayo lang siya roon, nakikinig sa tunog ng shower, sa tubig na tumatama sa tiles, sa mahinang ugong na parang humaharang sa lahat ng ibang isip niya.Umupo siya sa gilid ng sofa, inilapag ang bag sa sahig. Pinilit niyang mag-isip ng iba. Trabaho. Meeting. Numbers. Contracts.Maya-maya, humina ang buhos.Tumayo ulit si Victor.Hindi niya alam kung bakit, pero kusa siyang napatingin sa direksyon ng bany

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status