/ Romance / The First Wife of Linus Shaw / Chapter 2: Who will you be without me?  

공유

Chapter 2: Who will you be without me?  

작가: Golden Lee
last update 게시일: 2026-02-07 00:20:54

Mabilis na inayos ni Cecily ang kanyang damit, ang kanyang kamay ay nanginginig.

“I want a divorce,” bigla niyang sabi.

Nagbuga ng usok si Linus at malamig na tumawa.

“Divorce?” Ang kanyang mata’y nababalot ng poot. “Who will you be without me? Huh? Cecily?”

Matalim ang kanyang tingin, walang awa.

“Dinala ko si Mara sa abroad for a trip. Nawala ka ng isang linggo at ngayon gumagawa ka ng eksena? Tinatakot mo ba ako?”

Mapait na napangiti si Cecily.

“At bakit kailangan mong dahil ang babaeng secretary mo?”

Hindi niya binanggit ang mga larawan, magkakaparehang lokasyon, at mga ngiting kinukutsa ang kanyang presensya. Pagod na siyang patunayan ang kanyang sarili.

“Nasa ospital ako,” tahimik niyang sabi. “Tungkol sa anak natin—”

Biglang nandilim ang ekspresyon sa mukha ni Linus. Tinupok niya ang kanyang sigarilyo at liningon siya, ang boses niya’y malamig at tila kayang bumutas sa hangin.

“Sinabi ko na sa’yo noon. Ayoko nang magkaanak. Ang responsabilidad mo lang ay si Mara.”

Bumunot ito ng card sa kanyang wallet at inihagis sa mesa.

“Gamitin mo ‘yan. At huwag kang gagawa ng gulo.”

Sabay alis.

Hindi nagtagal, bumukas ang pinto ulit.

Nakatayo si Mara sa labas, ang kanyang batang mukha ay puno ng inis.

“You made Daddy unhappy again. Just wait and see.” Tila pagbabanta nito sabay talikod at umalis.

Kasabay ng katahimikan ay binalot ng lamig ang kwarto. Ang nakakaginaw na hangin ay pinuno ang silid dahil sa naiwang bukas na bintana. Nagmistulang presinto ang apat na sulok na iyon. Ninamnam ni Cecily ang hangin na tumama sa kanyang mukha nang siya’y magawi sa kanyang bag.

Isang wedding invitation, exclusive na event para sa high-profile auction, kung saan siya ay personal na inimbitahan bilang isang auctioneer.

Kung pupunta siya’y siguradong nandoon si Linus. At hindi ito papayag na magpakita siya sa publiko, dala ang apelyido niya.

Noon, ay ‘tila karangalan ang maging parte ng pamilya Shaw, na handa siyang isuko ang kanyang pangarap nang walang pag-aalinlangan.

Ngayon, hawak ang imbitasyong iyon, ay naiintindihan niya.

Hindi na niya kailangan ang titulong iyon.

At simula ngayon, hindi na niya ipagpapalit ang sarili niya.

-

Dapat sana’y nagpapahinga nang maayos si Cecily matapos ang sinapit niya, ngunit sa halip na makabawi ang kanyang katawan, inabot siya ng matinding lagnat. Dahil sa matagal na pagkabilad sa lamig ay nanghina siya lalo.

Paulit-ulit siyang lumulubog at umaahon sa mababaw na tulog hanggang sa may kumatok sa pinto at muling gumising sa kanya. Mabigat ang kanyang talukap nang idilat niya ang kanyang mga mata. Sa unang sulyap sa orasan at sa katahimikan ng silid, agad niyang napagtantong hindi pa rin umuuwi si Linus kagabi.

At sa pagkakataong iyon, napansin niyang wala na siyang nararamdaman.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

“Room ito ni Daddy,” matigas na sabi ni Mara habang nagmamartsa papasok, kasunod si Julie. Ni hindi man lang nila inisip kung gaano kabastos ang kanilang ginawa.

Paos ang boses ni Cecily nang magsalita. “Ano’ng ginagawa ninyo sa kwarto ko?”

Sumagot si Julie na may pilit na magalang na ngiti, “Mrs. Shaw, inutusan po ako ni Mr. Shaw na kunin ang mga damit na isusuot niya ngayon.”

Magalang ang mga salita nito, ngunit walang bahid ng paggalang ang tono.

Tahimik lamang na itinuro ni Cecily ang aparador. “Nandoon ang mga damit niya.”

Nagulat naman si Julie.

Noon, hindi titigil si Cecily sa pagtatanong. Hihingin niya ang paliwanag sa kung nasaan si Linus, bakit siya mismo ang kumuha ng damit niya, at kung bakit sekretarya pa nito ang ipinadala. Ngunit ngayon, wala. Ni katiting na interes.

Samantala, si Mara, na hindi kailanman naranasang balewalain ni Cecily, ay biglang hinila ang kanyang braso. Sa pagkabigla, habang sinusubukan ni Cecily na kunin ang kanyang gamot, natapon ang mainit na tubig sa kanyang kamay. Sa kalituhan, nadamay ang bata at napaso ang kanyang palad.

Agad na sinunggaban ni Julie ang bata at galit na tinitigan si Cecily.

“Bakit kailangan mo pang idamay ang bata para piliting umuwi si Mr. Shaw?!” sigaw niya.

Hindi nagtaas ng boses si Cecily. Tahimik niyang pinahiran ng gamot ang paso sa kanyang braso at malamig na nagsalita, “Kung iyan ang iniisip mo, dalhin mo na lang din siya.”

Nanlaki ang mata ni Julie. Binuhat niya ang bata at mabilis na lumabas, habang sumisigaw pabalik, “Sasabihin ko kay Mr. Shaw ang lahat! Ibubuking ko ang totoong ugali mo!”

Hindi humabol si Cecily.

Masakit ang kanyang braso, ngunit hindi iyon kasing tindi ng kirot sa kanyang dibdib.

Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa diamond ring sa kanyang daliri, malaki, malamig, at kumikinang. Dahan-dahan niya itong hinubad. Naiwan ang pulang bakas sa kanyang daliri, tila isang pangit na pilat na hindi agad mabubura.

Oo.

Aalis siya.

Aalis na siya.

Matagal na niyang naisip ang divorce, paulit-ulit niya itong tinimbang sa kanyang isip. Ang sandaling pagbisita niya sa bingit ng kamatayan, ang mga tawag na hindi kailanman sinagot, at ang malamig na kawalang-pakialam ng lalaking minsan niyang minahal, lahat ng iyon ang tuluyang nagsolido ng kanyang desisyon.

Sa pagkakataong ito, hindi na siya magdadalawang-isip.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 23: Daddy likes mommy

    Nang makita ni Mara ang mga mata ni Cecily, inakala ng bata na humupa na ang galit nito. Agad na sumunggab ang maliit na bata sa mga bisig ni Cecily at mahigpit na yumakap sa kanyang leeg."Miss na miss na po kita..."Madalas man itong mag-Ingles, nagta-Tagalog ito kapag kausap siya. Tanda na kahit hindi man ganun kahalata, may malambot na parte siya sa puso nito. Hindi ito madalas magsalita ng Tagalog dahil sa nabubulol ito na kanyang ikinahihiya.Amoy gatas pa ang bata, at ang malambing nitong boses ay tila haplos na nagpalambot sa puso ni Cecily. Sa sandaling iyon, nagpasya siyang aalagaan muna si Mara hangga't hindi pa pinal ang divorce nila ni Linus. Pero hindi na niya muling kukunsintehin ang bata gaya ng dati. Mahal niya si Mara, pero hindi na niya uubusin ang sarili para sa isang pag-ibig na walang katugunan."Miss ka rin ni Auntie, Mara," mahinahong sabi ni Cecily habang nakatingin sa mga ma

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 22: The third-party  

    Huminto si Cecily at dahan-dahang lumingon kay Siera.Hindi siya ang tipo ng babae na mahilig makialam sa buhay ng may buhay, lalo na sa usaping pag-ibig. Pero marahil dahil alam niya ang pakiramdam ng ikasal sa isang lalaking ang puso ay nasa iba, hindi niya napigilang maawa sa babaeng kasalukuyang asawa ng ex ni Siera, ang babaeng pilit na itinatago sa dilim."Miss Jung," tawag ni Cecily. "Naisip mo ba na may inosenteng biktima sa pag-iibigan ninyo ng ex-husband mo?"Sa halip na magalit o mahiya, isang mapanuyang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Siera. Punong-puno ng garbo at pagmamalaki ang kanyang mga mata."Inosente?" Humakbang siya papalapit, tila sinusukat ang pasensya ni Cecily. "Nang pakasalan niya ang lalaking iyon, kapangyarihan at katayuan ang hinabol niya. Sa loob ng maraming taon, lahat ng luho niya ay galing sa akin, isang limos na ibinigay ko para sa kanya. Hindi siy

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 21: The gavel’s echo

    Maagang nagising si Cecily kinabukasan. Pagbaba niya sa lobby, agad siyang nilapitan ng property manager para iulat ang kinalabasan ng kaguluhan kagabi."Miss Whitman, humihingi po kami ng paumanhin. Isang malaking pagkakamali lang po ang nangyari. Ang lalaki po kagabi ay ang ex-husband ng may-ari ng unit 1703 sa itaas. Lasing po siya at nagkamali ng palapag, kaya po kayo ang naabala.""Ex-husband ni Siera?"Napatigil si Cecily. Sandaling naglakbay ang isip niya sa eksenang nakita niya kagabi, ang dalawang pigura na magkayakap sa gitna ng kadiliman ng gabi. Kung ganoon, paano ito nagkamali ng palapag?"Opo," patuloy ng manager. "Dadalhin na sana namin siya sa presinto, pero tinawagan niya si Miss Jung. Agad naman itong bumaba at sinundo ang lalaki. Sabi niya, nagkaroon lang daw sila ng kaunting sagutan kaya naglasing ang ex-husband niya. Huwag po kayong mag-alala, hindi na ito mauulit."

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 20: The stranger at my door

    Matapos maligo, gumaan nang bahagya ang pakiramdam ni Cecily. Pagtingin niya sa labas ng bintana, napansin niyang nagsisimula nang bumagsak ang ulan. Malakas ang pagtama nito sa bintana hudyat na anumang oras ay lalakas ang pagbugso nito.Gumawa siya ng mainit na cocoa, nagtalukbong ng kumot, at naupo sa balcony. Lalong lumalakas ang pagbagsak ng ulan; ang mga malinaw na patak ay tila malakas na tumatama sa ilalim ng mga ilaw sa kalsada bago tuluyang maglaho sa agos ng ilog.Sa mga sandaling ito, lalong minamahal ni Cecily ang kanyang bagong buhay nang mag-isa. Ang tanging tanong na lang ay kung kailan tatapusin ni Linus kanilang relasyon at tuluyan nang pipirma sa kanilang divorce. Maraming ari-arian ang kailangang hatiin, kaya siguradong matatagalan. Hindi naman pera ang inaalala ni Cecily dahil kahit walang nararamdaman si Linus sa kanya, palaging bukas-palad ang lalaki pagdating sa pananalapi. Ang tanging tunay niyang inaalala ay ang kan

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 19: Architect of deceit  

    Pinindot ni Cecily ang doorbell, at hindi nagtagal ay bumukas ang pinto.Bumungad sa kanya si Siera na nakasuot ng brown wool dress. Ang kulot at mahaba nitong buhok na nakalaylay sa likuran ay nagbibigay dito ng aura na parehong mapang-akit at sopistikado."Welcome! Pasok ka," bati ni Siera nang may malapad na ngiti.Inabot ni Cecily ang dalang bote ng red wine. "Salamat pala sa pagpapahiram ng coat kanina.""Wala 'yon. Nagluto ako ng steak para sa hapunan, sakto 'yan sa dala mong alak." Magiliw siyang pinatuloy ni Siera. "Libutin mo muna ang bahay, dadalhin ko lang ito sa kusina para mai-salin sa decanter.""Sige."Pinagmasdan ni Cecily ang paligid. Isang palapag lang ang agwat ng unit na ito sa tinitirhan niya, at dahil nasa pinakamagandang bahagi sila ng complex, ang 270-degree na balcony ay nag-aalok ng nakaka-relax na tanawin ng ilog.

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 18: Bitter aftertaste of regret  

    Nang marinig ang iyak mula sa kabilang kwarto, mabilis na tinungo ni Linus ang silid ng mga bata. Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya si Mara na nakaupo sa carpet, humahagulgol at tila pasan ang buong mundo."Anong nangyari?"Lumapit siya at binuhat ang anak. Marahang tinapik-tapik ni Linus ang likod ni Mara para patahanin ito ngunit lalo lamang naging malakas ang iyak ng bata habang nakasubsob sa balikat ng ama. Ayaw aminin ni Mara ang totoo, na kaya siya nasasaktan ay dahil tuluyan nang umalis si Cecily.Dahil hindi nagsasalita ang bata, akala ni Linus ay sumasama muli ang pakiramdam nito. Agad niyang ipinatawag ang family doctor at ang kanilang katulong."Nangangati pa ba ang Miss?" tanong ng katulong pagpasok na pagpasok. "Nilagyan na siya ng gamot ni Madam kagabi, dapat ay maayos na siya ngayon. Ay, nasaan na po si Madam?""She’s gone," hikbi ni Mara.

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 12: How fast did he moved on  

    Napatitig si Cecily sa kanyang cellphone sa hindi malamang dahilan. Hindi niya pa pala nabubura ang mga larawan ni Mara at Linus.Marahil ay dahil sa isang pamilya sa kabilang mesa kaya bigla niyang namiss ang presensya ng dalawa.Bago pa siya makahiwa ng

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 8: The Confirmation

    Hindi agad nagbago ang takbo ng araw ni Linus matapos niyang mabasa ang divorce papers.Kung may isang bagay na kilala sa kanya, iyon ay ang kakayahan niyang huwag magpakita ng reaksyon. Sa loob ng maraming taon sa negosyo, natutunan niyang huwag magpadala sa emosyon, hindi sa harap ng board, hindi

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 16: In sickness you'll seek

    Hinaplos ni Cecily ang screen ng kaniyang cellphone at sinagot ang tawag. Agad na bumungad sa kaniya ang nanginginig na boses ng katulong.“Madam, naglabasan po ang mga pantal sa buong katawan ni Ma’am Mara. Umiiyak po siya at hindi na mapigilan sa pagkakamot. Hin

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 11: Patterns of absence

    Ang unang tawag mula sa daycare ay hindi agad binigyan ng bigat ni Linus.Abala siya sa isang meeting nang ipasa ng sekretarya ang mensahe mula sa St. Bridgette’s Academy. Maikli lamang ang nakasulat: nais siyang makausap ng adviser ni Mara tungkol sa “recent changes in behavior.” Hindi iyon emerge

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status