เข้าสู่ระบบ
Nanatili si Cecily ng buong isang linggo sa ospital. Pitong araw at pitong gabi ang dumaan sa ilalim nang putting ilaw, kasama ang paminsan-minsang tunog ng makina, at mahihinang hakbang ng mga nars na pumapasok at lumalabas na hindi alam ang kanyang pangalan.
Sa araw ng kanyang pag-alis ay narinig niyang ang bulungan ng mga nars sa istayon sa labas ng kanyang silid.
“Mag-isa siyang na-admit dito, ‘lam mo ba. Walang pamilya, walang asawa.”
“Siya lang din ang nagdesisyon magpaabort. Kawawa naman… O baka hindi.”
“Sabi nila, maraming mayayaman ang ayaw sa gulo. Baka kabit. Kinuhaa ang pera at naglaho bigla.”
Mababa lang ang kanilang boses, pero tila bawat salita ay tumusok sa kanyang tenga nang walang awa.
Mariing kumuyom ang kanyang mga daliri sa kanyang gilid habang napunta ang kanyang tingin sa kanyang tiyan, na ngayo’y bumalik sa dati nitong hugis, wala nang laman. Sinabi ng doktor na matagumpay ang operayon, na kailangan niya lamang magpahinga. Pero walang gamot ang kayang magpamanhid ng sakit na pumunit sa kanyang dibdib, sakit na parang hinati siya sa loob.
Nagtiim ang kanyang mga labi, sinuot ang kanyang sunglasses, at naglakad palabas ng ospital nang hindi lumilingon.
Samantala, sa labas ay nakakabulag ang sikat ng araw. Taliwas sa anumang kadilimang nakapalibot sa kanyang puso. Noong isang linggo lang ay pumasok siya sa building na iyon dala ang andap niyang pag-asa. Ngayon ay umalis siyang wala.
Tahimik ang hardin ng Dojin gaya ng dati, isang mamahaling residential compound na balot ng pinag-isipang mga landscape at katahimikan. Nang bumalik si Cecily, ay dumiretso siya sa taas patungo sa master bedroom sa ikalawang palapag.
Lahat ay gaya parin ng dati. Walang gumalaw sa kama, ang aparador ay maayos at nakaorganisa, ang matamlay na amoy ng cologne na naiwan sa hangin, ay mga ebidensya ng hindi pagsipot ni Linus sa kanilang tahanan nang siya’y nawala.
Napatingin siya sandali sa silid, hanggang sa malambot siyang natawa.
Hindi na iyon mahalaga.
Kung nasaan man siya. Kung sinong babae man ang naging katabi nito sa mga gabing nagdaan. Kung napansin niya bang isang linggo siyang nawala.
Masyado na siyang pagod para magkaroon pa ng pakialam.
Dahan-dahan siyang umupo malapit sa mesa de noche at kinuha ang isang sisidlan ng gamot. Itinagilid ito upang malaglag ang iilang sleeping pills sa kamay niya at walang pag-aalangan niyang linunok iyon, sabay higa habang namamaluktot sa ibabaw ng higaan. Minuto lang ang tinagal bago siya tuluyang makatulog.
Sa kanyang panaginip, ay bumalik ang nakaraang hubad na katotohan.
20XX Pebrero 12
Ang puting kobre kama ay nabalot ng pula. Isang matalim na sakit ang tila bumuka at hinati ang kanyang katawan. Nanginginig ang kanyang kamay habang sinubukan niyang tawagan nang paulit-ulit ang pamilyar na numero, para lamang marinig ang malamig, mekanikal na boses na nagsasabing walang makakasagot sa tawag niya.
“Rue!”
Napabalikwas siya sa kama, ang kanyang mata’y napadilat nang biglaan, ngunit malabo ang kanyang paningin dahil sa luhang nangingilid sa kanyang mga mata.
Ang kisame sa kanyang harap ay pamilyar, puno ng dekorasyon, pero walang buhay. Bumigat ang kanyang dibdib nang sinubukan niyang tumayo. Ang sakit a kanyang puso ay mas mabigat pa sa kayang tiisin ng katawan niya.
Nang kalaunan ay may biglang kumatok sa pinto.
“Madam,” ani isang katulong, “tumawag si Sir at nagsabing babalik siya ngayong gabi. Tumayo ka na daw at maghanda ng hapunan.”
Napayuko si Cecily at pinilit niyang may lumabas na boses sa kanyang bibig.
“Hindi maayos ang pakiramdam ko. Ipasuyo niyo na lang sa kusinero.”
Pero hindi umalis ang katulong. Bumukas ang pinto, at tumalim ang tono ng boses.
“Hindi po maaari, Madam. Minsan lang umuwi si Sir Linus ngayong mga araw. Kailangan mong kunin ang pagkakataong ito. Ipagluto mo siya nang paborito niyang pagkain. Subukan niyo namang makuha ang pabor niya at ng batang madam.”
Pakiramdam ni Cecily ay may biglang pumitik sa loob niya.
Sumimangot siya at mahinang sumenyas sa kamay niya. “Ang sabi ko masama ang pakiramdam ko at umalis ka na.”
Gulat naman ang katulong at napangisi nang may pagkaaba bago humakbang palayo.
“At sa akala mo’y may mararatinga ng pag-iinarte mong ‘yan. Pwe…”
Hindi ito masyadong mahina para hindi marinig dahil dinig ni Cecily ang bawat salitang binitawan nito.
Syempre alam ng lahat. Alam ng lahat na kapag umuuwi si Linus ay siya ang magpapakumbaba, magpapansin, pinipilit mamalimos ng pagmamahal na hindi para sa kanya.
Pero, ni minsan ay hindi siya minahal ni Linus.
Ang kanilang kasal ay dahil sa iisang rason lamang. Kailangan ng pamilya Shaw ng respetadong asawa, at si Linus nama’y nais ang isang presentable at mahinahong ina na magpapalaki sa kanyang anak.
Wala sa usapan ang pagmamahal.
Napatagilid si Cecily at napayakap sa kanyang tiyan, na tila ba’y mayroon pa itong laman.
Kahit ngayon lang… gusto niyang magluksa bilang isang babaeng nawalan ng anak.
Hinila siya ulit ng gamot pabalik sa pagtulog at nang magising siya’y madilim ang silid.
Naramdaman niya ang mahinang pagdidikit ng mga tela at ang bigat na tila nalipat sa kabilang bahagi ng kama. Isang pamilyar na presensya ang pumulupot sa kanya bago pa man siya makapag-isip.
Mainit ang kanyang halik, pilit, at walang pasesensya. Ang agresibong mga kamay nito’y dahan-dahang gumagapang sa kanyang mga binti. Balat sa balat ngunit walang lambing o kalamuyutan.
Ni minsan ay hindi nagtanong si Linus. Wala siyang pakialam.
“Huwag…” Mahinang tinulak ni Cecily ang dibdib nito, ang kanyang boses ay nanginginig. “Huwag mo akong hawakan.”
Sa isip-isip ni Linus ay nagpapakipot lang ito at mas lalong dumikit sa kanya, mahigpit na hinawakan ang kanyang pulso at hindi tumigil sa paghalik sa kanyang labi.
Nabalot si Cecily ng hiya dahilan para maiwas ang kanyang mukha.
Napahinto si Linus. Halatang galit ito kahit man maamo ang mukha nito. Nawala ang kanyang interes kasama nang kanyang biglaang pagtigil.
Umalis ito sa pagkakaibabaw sa kanya, binalot ng tuwalya ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, at naglakad sa may bintana. Ang tunog ng lighter ang siyang umalingawngaw sa katahimikan.
“I want a divorce.”
Kakauwi pa lamang ni Cecily mula sa bahay ni Professor Alonso, kung saan matagal nilang pinag-usapan ang direksyon ng kanyang doktoral na pananaliksik at ang mga hakbang na kanyang tatahakin kasunod ng kanyang pakikipaghiwalay, nang biglang umalingawngaw ang tunog ng kanyang cellphone sa kanyang bulsa.Nang silipin niya ang screen, bahagyang napahinto ang kanyang paghinga.Lilibeth Shaw.Ang ina ni Linus.Kahit ang pangalan lamang nito ay sapat na upang magpabigat sa kanyang dibdib. Saglit siyang huminga nang malalim bago sinagot ang tawag.“Hello… Mommy?” magalang ngunit malamig ang kanyang tinig. “May problema po ba?”“Problema?!” sigaw ng boses sa kabilang linya, matinis, puno ng panghahamak. Hindi iyon pagbati kundi isang akusasyong matagal nang naghihintay ng pagkakataong sumabog. Napaatras si Cecily at bahagyang inilayo ang kanyang cellphone sa kanyang tainga.Sunod-sunod na ibinuhos ni Lilith ang sisi at galit sa kanya. Ayon sa mga kasambahay, ilang araw na raw wala si Cecily
Malalim na ang gabi nang sa wakas ay makatulog si Mara sa mga bisig ni Linus. Tahimik ang buong bahay, walang yabag, walang boses na maririnig, ngunit sa loob ng kanyang isipan, wala ding kapayapaan.Ilang araw nang hindi umuuwi si Cecily.Bagama’t puno ng mga kasambahay ang mansyon, may kakaibang pagkakapit si Mara sa kanyang ina. Ayaw nitong maiwan sa kahit kanino. Kaya’t saan man magpunta si Linus nitong mga nagdaang araw, buhat-buhat niya ang bata, sa sala, sa opisina sa bahay, maging sa hapag-kainan.Para sa isang lalaking sanay sa kontrol mapanegosyo, sa imahe ng pamilya, sa bawat galaw ng kanyang buhay, ito’y isang uri ng pagkabigo na hindi niya inaasahan.Matigas ang ulo ni Mara. Hindi siya basta napapakalma ng mga estranghero. At sa tuwing magwawala ito, hindi niya maiwasang maalala kung paanong kabisado ni Cecily ang bawat hinga, bawat simangot, bawat luha ng bata. Sa pagkawala niya, si Linus ang napilitang pumalit sa papel na iyon, isang responsibilidad na ngayon lamang niy
Matapos lisanin ni Cecily ang kanyang tirahan, muling nabalot ng tila normal na katahimikan ang mansyon.Bandang hapon, bumalik si Linus kasama si Mara at ang kanyang assistant na si Julie. Pagpasok pa lamang nila sa bahay, agad na naalala ng bata kung saan inilalagay ang pamahid para sa paso. Hindi siya nag-atubiling tumakbo paakyat ng ikalawang palapag, dala ang pagmamadali at inosenteng layunin.Sa master bedroom, tumingkayad siya upang abutin ang lalagyan sa ibabaw ng aparador. Sa kanyang paggalaw, natamaan ang isang maliit na kahong nasa dresser. Isang bahagyang tunog ang umalingawngaw, ting!, habang gumulong ang isang kumikislap na singsing, dumulas pababa, at tuluyang nawala sa ilalim ng kama.Hindi iyon napansin ni Mara.Bitbit ang pamahid, mabilis siyang bumaba.Sa kalagitnaan ng hagdan, bigla siyang tumigil at napaisip. Tumingin siya sa paligid bago nagtanong sa isa sa mga katulong, “Nasaan si Cecily?”Nagkatinginan ang mga kasambahay bago may sumagot, maingat ang tono.“Uma
Mabilis na inayos ni Cecily ang kanyang damit, ang kanyang kamay ay nanginginig.“I want a divorce,” bigla niyang sabi.Nagbuga ng usok si Linus at malamig na tumawa.“Divorce?” Ang kanyang mata’y nababalot ng poot. “Who will you be without me? Huh? Cecily?”Matalim ang kanyang tingin, walang awa.“Dinala ko si Mara sa abroad for a trip. Nawala ka ng isang linggo at ngayon gumagawa ka ng eksena? Tinatakot mo ba ako?”Mapait na napangiti si Cecily.“At bakit kailangan mong dahil ang babaeng secretary mo?”Hindi niya binanggit ang mga larawan, magkakaparehang lokasyon, at mga ngiting kinukutsa ang kanyang presensya. Pagod na siyang patunayan ang kanyang sarili.“Nasa ospital ako,” tahimik niyang sabi. “Tungkol sa anak natin—”Biglang nandilim ang ekspresyon sa mukha ni Linus. Tinupok niya ang kanyang sigarilyo at liningon siya, ang boses niya’y malamig at tila kayang bumutas sa hangin.“Sinabi ko na sa’yo noon. Ayoko nang magkaanak. Ang responsabilidad mo lang ay si Mara.”Bumunot ito n
Nanatili si Cecily ng buong isang linggo sa ospital. Pitong araw at pitong gabi ang dumaan sa ilalim nang putting ilaw, kasama ang paminsan-minsang tunog ng makina, at mahihinang hakbang ng mga nars na pumapasok at lumalabas na hindi alam ang kanyang pangalan.Sa araw ng kanyang pag-alis ay narinig niyang ang bulungan ng mga nars sa istayon sa labas ng kanyang silid.“Mag-isa siyang na-admit dito, ‘lam mo ba. Walang pamilya, walang asawa.”“Siya lang din ang nagdesisyon magpaabort. Kawawa naman… O baka hindi.”“Sabi nila, maraming mayayaman ang ayaw sa gulo. Baka kabit. Kinuhaa ang pera at naglaho bigla.”Mababa lang ang kanilang boses, pero tila bawat salita ay tumusok sa kanyang tenga nang walang awa.Mariing kumuyom ang kanyang mga daliri sa kanyang gilid habang napunta ang kanyang tingin sa kanyang tiyan, na ngayo’y bumalik sa dati nitong hugis, wala nang laman. Sinabi ng doktor na matagumpay ang operayon, na kailangan niya lamang magpahinga. Pero walang gamot ang kayang magpamanh







