Share

Kabanata 10: An Eventful Morning

Author: elorahaze
last update Last Updated: 2024-12-09 23:58:11

Kinabukasan, alas-sais pa lang ng umaga ay lumabas ng bahay si Astrid suot ang kaniyang training outfit. Matagal na rin ng huli siyang nakapag-exercise kaya napagdesisyunan niya na pumunta sa parke upang magpractice ng Tai Chi.

Habang naglalakad ay napansin niya ang isang matandang lalaki na may suot ding training outfit at nag-eensayo ng Tai Chi. Nakapaligid sa matanda ang malaking bilang ng mga nanonood dito.

Maririnig ang samut saring magagandang papuri sa lalaking tinatawag nilang Master Lim.

Habang pinapanood ang pagpapractice nito ay kumunot ang noo ni Astrid at hindi napigilang magbigay ng komento, "Parang hindi naman maayos ang ginawa niya." Noong bata pa siya ay araw-araw siyang nagsasanay ng Tai Chi sa probinsya kasama ang kaniyang guro. Kaya hindi niya mapigilang ituro ang mga pagkakamali kapag nakita niya ang mga ito.

Ang sinabi ni Astrid ay nakaagaw ng atensyon ng mga matatandang lalaki dahilan upang ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Force-Driven Engagement: Let the Zillionaire Fall For Me   Kabanata 26

    Dumating ang ika-25 na kaarawan ni Sheila. Pinareserve ng kaniyang boyfriend na si Paul ang pinakamahal na private room sa isang kilalang KTV bar. Hinatak ni Xiara ang kamay ni Astrid habang humihingi ng paumanhin. "Pasensya na talaga Astrid kung pinilit kitang sumama dito. Ikaw lang ang malapit sa akin sa klase at alam ko na mabo-bore lang ako kung wala ka." "It’s okay, Xiara. Magkaibigan tayo kaya hindi mo kailangan mag-sorry.” Pagkasabi nito ni Astrid ay biglang nagsalita si Mira. "Huwag ka na magpanggap, Astrid. Hindi bagay sayo.” Sarkastikong sabi ni Mira. “Anong silbi ng pagiging maganda kung hindi naman siya ang class president? Kaya ba niyang makapunta sa ganitong klaseng lugar?" Para magpakitang gilas kay Paul ay nakisali rin ang iba pa sa kanilang mga kaklase sa usapan. "Naalala niyo ba na may sumundo kay Astrid noong isang araw? Naka-limited edition model ng Mercedes pa iyon." Dagdag komento ng isa. Mapang-asar na tawa ang naging reaksyon ng lahat. "Really? Kung talaga

  • The Force-Driven Engagement: Let the Zillionaire Fall For Me   Kabanata 25

    Ikadalawampu ng buwan, ilang araw bago sumapit ang ika-28. Sa mga panahong ito ay lahat ng pangunahing media outlet ay nag-uulat tungkol sa matagumpay na pananaliksik sa mga bagong nanomaterials. Ngayong gabi ay magkakasamang kumain ang pamilya Trinidad habang nanonood ng balita sa TV. “Sa simula ng buwang ito ang ang pangkat ng pananaliksik na pinamumunuan ni Academian T ng Vista City Research Institute. Matapos ang isang taon ng masusing pag-eeksperimento ay sa wakas matagumpay na nakabuo ng bagong uri ng nanomaterial. Ang pananaliksik na ito ay hindi lamang nagdulot ng sensasyon sa buong bansa kundi pati na rin sa buong mundo.” Maririnig ang pagbabalita ng isang kilala at nirerespetong newscaster sa isang malaking news channel. “Ang galing talaga! Sa loob lang ng isang taon ay nakabuo agad sila ng bagong uri ng nanomaterial. Narinig ko rin na ang pangunahing tao sa grupong researchers ay si Academian T. ay napakabata

  • The Force-Driven Engagement: Let the Zillionaire Fall For Me   Kabanata 24

    “Ahchoo!” Malakas na napabahing si Astrid habang naglalakad pauwi mula sa eskuwela. Sino kaya ang kanina pa nag-uusap tungkol sa kaniya? Habang iniisip ito ng dalaga ay biglang may dumaan na magarang sports car palapit sa kanila. Agaw pansin ang lumiliwanag at puno ng pulang rosas na likod ng sasakyan. Mayamaya pa ay huminto ang kotse sa harapan niya at bumaba ang driver nito. Naglakaad papalapit ang lalaki sa kaniya at inabot ang isang malaking bouquet ng rosas. “Astrid, let's go have a meal together?” Puno ng yabang na tanong nito. Habang sinasabi ito ni Paul ay itinaas nito ang kamay at inayos ang ilang hibla ng buhok sa kaniyang noo. Tumingin si Astrid sa rosas na hawak ng binata at dahan-dahang nagsalita, “Nanliligaw ka ba?” “Oh, you’re smart! Ang pinakagusto ko iyong matatalinong babae.” Sagot naman ni Paul at ngumisi. “Ikaw ang boyfriend ng Class President namin. Sigurado ka ba sa sinasab

  • The Force-Driven Engagement: Let the Zillionaire Fall For Me   Kabanata 23

    “Hindi ko na talaga kaya! Pierre, naaawa ako sayo ngayon. Kahit na one month engagement lang ang napagkasunduan niyo, naaawa pa rin ako dahil napakasobrang yabang ng fiancée mo.” Tinitigan ni Nico ang papalayong dalaga sa gate at lalo siyang nakaradamdam ng pagkainis. Inalis na ni Pierre ang tingin niya kay Astrid. “Let’s not talk about that. Kumusta ang naging appointment mo kay Sam Torres?” Ininom muna ni Nico ang tea para kumalma. “The time has been set. We will meet at a suitable time after the launch event of the new research to see who is better.” “Bakit kailanga pa nating maghintay pagkatapos ng press conference?” Nagtatakang tanong ni Pierre. Napaisip din si Nico bago sumagot, “Sa tingin mo ba aattend din si Sam Torres sa press conference ng bagong research project? Or should I say, that she also wants to compete for the authorization of the new nanomaterials?” Sa tingin ni

  • The Force-Driven Engagement: Let the Zillionaire Fall For Me   Kabanata 22: Astrid's Promise

    Pagkarinig sa sinabi ni Astrid ay sabay na napabaling ng tingin sina Pierre at Nico sa kaniya. “You know?” tanong ni Pierre habang nakakunot ang noo kay Astrid. “Yes,” tipid na sagot naman sa kaniya ng dalaga. Kaninang umaga ay ininform siya ng isa sa professor mula sa research institute para ipaalam na nakapili na ng petsa para sa press conference. Sa ika-28 ng buwang ito. Tinawagan siya nito upang tanungin kung ayos lang ang ba oras nito sa kaniya at kung hindi ay maghahanap sila ng iba. “Oh? How did you know?" balik tanong ni Pierre na may bahid ng pagtataka sa mata. Bahagyang kumunot ang noo ni Astrid. “Hindi ko maibibigay ang buong detalye pero masasabi kong sa ika-28 ang sinet na date.” Hinila ni Nico si Pierre sa isang tabi at bumulong para masiguro na silang dalawa lang ang makakarinig, “I really can’t stand her! Kung hindi lang siya maganda ay baka matagal na akong sumuka sa ugali niya. Marami

  • The Force-Driven Engagement: Let the Zillionaire Fall For Me   Kabanata 21: Best Sister-In-Law

    Nasabi ni Astrid sa kaniya noon na hindi siya karapat-dapat para dito. Mukhang ang sinabi ng dalaga sa kaniya ay hindi basta pagmamayabang lang dahil may sarili itong malalim na dahilan. Ang kakayahan nitong mag-ayos ng mga robot ay hindi sapat para maging kapantay niya, lalo nang hindi siya karapat-dapat para sa dalaga. Tiningnan ni Astrid si Lucian na nakaluhod sa harap niya at biglang naalala si Yuna na kaninang umaga ay nagpupumilit din na turuan niya at gawin siyang master nito. Anong bang mayroon sa araw na ito? Bakit sila nag-uunahan na gawin akong teacher nila? “Pagbigyan mo na po ako, Ate. Pangako, hindi ka magsisisi!” Patuloy na pangungulit ni Lucian kay Astrid para tanggapin ang alok niya dito. Napahawak na si Astrid sa kaniyang sentido. “Hindi sa ayaw kitang tanggapin, pero ayaw ko lang talagang tumanggap ng tuturuan. I’m busy everyday at maraming mahahalagang bagay na kailangan kong gawin. Wala na akong oras para magt

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status