Share

CHAPTER 4: HER MISSION

CAMURI SENAI

Nagising ako ingay ng alarm clock ko at sa inis ko ay hinagis ko ito sa pader ng kwarto ko.

Sino ba nagpauso ng umaga gumising?!

Wasak ang alarm clock ko dahil sa lakas ng pagkabato ko. Napatingin ako sa bintana ko at naalala ko ang nangyari kagabi.

Great! Nasira mo na gabi ko kagabi tapos pati araw ko sinira mo din! Naks! Damn bastard! Sana tinuluyan ko nalang kagabi yun it would be so easy as pie.

Naiinis akong naglakad at nagpunta akong kusina at nagluto ng almusal bago pa ako mawalan ng gana sa mundo at masuka sa damuhong hilaw na yon.

Wondering how did I get here in North Hales?

2 Years Ago...

Location: Cato City, South Hales

I receive a phone call from the president’s secretary. Pinapapunta nila ako sa opisina ng presidente. Hindi na ako nagulat, I’ve been there many times.Mostly missions, important matters at secret matters.

Isa kase ako sa mga agents na pinagkakatiwalaan ng pangulo sa mga misyon lalo na kung pagpatay ng tao ang pag-uusapan at ang pangulo rin ang ama-amahan ko.

Siya ang kumupkop at nag-aruga saming magkapatid pero hindi niya alam na magkapatid kami ni Sorobi pagkat ang sabi ko ay magpinsan kami.

Wala kaming papeles ni Sorobi pareho dahil sinunog ito nila mama at papa bago kami tatakas sana papuntang Norte. Natagpuan niya kami sa kalsada ni Sorobi noong dose anyos ako.

Nagahasa si Sorobi noon ng limang kalalakihan at iyak lang ako ng iyak sa kalsada habang yakap-yakap ko siya pagkat nahuli ako ng dating.

Nakahiga si Sorobi noon, nakahubad sa malamig na kalsada, lumuluha at tulala.Yakap-yakap ko siya at sinusubukan takpan ang kanyang katawan ng karton.May dugo ang bandang pribadong bahagi ng katawan nito at nanginginig ang tuhod nito sa lamig at sa trauma.

Isang kotse ang biglang tumigil sa aming harapan habang sinusubukan kong takpan ang aking kapatid.Lumalakas ang ulan noon at kasabay noon ay kulog at kidlat.Humihikbi ako habang ang kapatid ko ay tulala na lamang pero lumuluha parin.Bumaba ang Presidente sa itim na kotse at pinunasan ang mga luha ko.

“Bakit ka iiyak kung pwede mo namang balikan ang mga gumawa nito sa kanya?Bakit mo sasayangin ang luha mo kung pwede mo namang kunin ang mga buhay nila.” Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya.

”Kaano-ano mo ba ang batang ito? Kapatid mo ba siya?” tanong ng Presidente.

Bigla akong nanlamig sa tanong niya at nakita ko ang mga bodyguard niya na nakatutok ang baril sa kapatid ko.

“H-Hindi P-Po, Sir. Pinsan ko po siya.” Kinakabahan kong sagot.

“Mr. President, we need to verify that first, baka nagsisinungaling ang bata.” Sabi nung lalaking nakatayo malapit sa kanya.

“Regor, narinig mo naman ang bata, hindi ba? Magpinsan daw sila. Segi, isakay niyo sila sa kotse.“ Utos niya sa mga tauhan niya.

“Huwag poo! Bakit niyo po kami kukunin?!!! Wala po kaming ginagawang masamaaa! Wag pooo.” Umiiyak kong paki-usap.

“Huwag kang mag-alala, tutulungan ko kayo ng- pinsan mo. “ makahulugang sabi nito saken.

Doon nagsimula ang lahat hanggang sa kinaroroonan ko ngayon. Kung anong meron ako, kung hindi dahil sa kanya ay baka wala na ako sa mundong to at ang kapatid ko. Nasa harapan na ako ng opisina ng Presidente. Kinapkapan ako ng mga guwardiya at pinadaan sa scanner bago ako tuluyang pinapasok sa loob.

Pagpasok ko sa loob ay nakita naka-upo siya sa upuan niya. Nilibot ko ang tingin sa buong opisina hanggang sa mapadpad ang mga mata ko sa lamesa niya kung saan nandoon ang isang glass na pahaba, may disenyo iyong dragon sa bawat dulo at may sulat na President Douglas Esquire.

“SALUTE!” taas noo kong bati gamit ang matigas na boses saka sumaludo habang nakatayo sa harapan niya.

“Good Morning.” Pormal na sagot nito at sinagot ang saludo ko.” Have a seat, may misyon ako para sayo, My Dear Camuri.”

“Ano po yun?” tanong ko habang pa upo sa upuan.”Sa Isagyo City po ba?”

“No, hindi dito sa South.This time ipapadala kita sa Norte.” Sagot nito sakin na kinagulat ko.” Wag kang mag-alala, hindi ka mag-iisa.Ngunit may misyon akong ipapagawa sayo na ikaw lang ang dapat trumabaho.”

“Babayaran kita ng malaking halaga at pinapangako kong palalayain kita at ang pinsan mo, hahayaan ko na kayo pag nagtagumpay ka sa misyong ito.” Saka ito may inabot na papeles.” Kilala ko ang huling lalaking gumahasa sa pinsan mo,Camuri.Nasa Norte siya and you have all the power to kill him.”

Nabuhay bigla ang galit ko sa loob ko. Binasa ko ito ay naglalaman ito ng mga kontrata na walang pirma.

“Baliw lang ang sasang-ayon sa mga plano nila.” Biglang nagsalita ang Presidente habang nakatingin sa labas.” Ano akala nila saken? Uto-uto?! Hinding-hindi ko ibibigay ang South! Kelangan isa-isahin sila lahat habang nawawala ang bawat kinatawan nila unti-unti ring guguho ang sangay ng gobyerno.”

Kahit kailan ay hindi ako sang-ayon sa mga plano niya. Hindi ko gusto ang prinsipyong pinaglalaban niya. Alam ko kung gaano siya kasama at kung ano ang kaya niyang gawin.

Alam ko lahat, pati ang pinakatago-tago niyang sikreto pero hindi ako nagsalita. Sinarado ko ang bibig ko dahil sa laki ng utang na loob ko sa kanya.Ang utang na loob na yun ay parang tinahi ang bibig ko. Lalo na’t hawak niya ang buhay ng kapatid kong si Sorobi.

“Papayag po, ako. Basta gagawin niyo ang pangako niyo.Saan ko siya makikita.” Pinilit kong maging pormal at kalmado ang boses ko.

“Good girl, Camuri.Kaya hindi ako nagsisisi na kinupkop kita” Ngisi itong nakatingin sakin.

”Makikilala mo rin siya, Camuri. You’ll know him, I tell you siya mismo ang lalapit sayo at siya mismo ang aamin sa kasalanan niya.At kailan ba ako di tumupad sa usapan, Camuri? Wag na wag mo lang akong tatraydurin. Alam mo na ang mangyayari sayo at sa pinsan mo, kaya kong gawin yun.” dagdag pa nito.

Kinuha ng presidente ang telepono at sabay sabing, “Papasukin niyo na sila.” Biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon ang dalawang babae at dalawang lalake.

“Sila ang makakasama mo sa misyon, Camuri.“ ang presidente saka ito nagpaalam sa amin at umalis.

“C-Camuri?! You are Camuri Senai?!” naaamaze na tanong ng babaeng naka pony-tail ang buhok na may suot na combat boots habang yung isa namang babae at gulat.

“No wayyy?!” di makapaniwalang reaksyon ng lalaking blonde ang buhok at ng katabi niya.

Eh? Kilala ba ako ng mga to? They seemed to know me.Bigla silang nagsalute sa akin.

“We are the Alpha Team, reporting for duty, Ma’am!” yung lalaking itim ang buhok. Sinagot ko ang saludo nila ng may pagtataka.

May pumasok ulit na lalaki at napagtanto kong si Gen. Migrado Rewaldon pala ito ang General ng buong kasundaluhan sa South Hales.Nilatag niya ang plano kung paano kami makakalusot sa papuntang Norte.

Kailangan naming dumaan sa Taja River, isa itong ilog na nagkokonekta sa dagat na pwede naming daanan patungong Norte.

Hindi ito biro dahil kailangan naming sumisid ng 1000 Ft. para hindi kami madetect ng detector ng Norte at pumasok sa kweba sa isla ng Kyo. May lagusan sa ibabaw noon palabas ng kweba. Ang kweba ay konektado sa minahan ng Solen dito kami dadaan palabas.

Ito ang tanging daan at pinakamadaling daan para makapuslit kami sa Norte. Ayon ka Gen.Migrado Rewaldon, may chansa paring may makadiskubre ng dinaanan namin at matrack kami kaya kailangan ng ibayong pag-iingat. Binigay na ni Gen. Rewaldon ang mga papeles na kinakailangan namin sa pananatili sa Norte at pati rin ang mga papeles na naglalaman ng mga taong kailangan naming patayin.

Hawak-hawak ko noon ang papeles at folder ng sarili kong misyon.

Kelangan kong tapusin to at magiging maaayos na ang lahat, Sorobi.Pinapangako ko yan sayo, Kapatid ko.

Pinapangako ko ring kukunin ko ang huling buhay ng gumawa nun sayo.Babalik ako ng South pagkatapos ng misyon, babalik ako at lalayo na tayo.

END OF FLASHBACK

Mahigit dalawang taon narin ang nakakaraan ng pumunta kami ng mga kasamahan ko rito sa Norte. Napagawi ang tingin ko sa terrace ni Mr.Confidence at naalala ko ang ginawa ko kagabi.

Biglang bumukas ang pinto ng terrace at niluwa nun ang lalaking pinaka-una sa listahan ng ayaw kong makita. Nakakasira siya ng araw ko kaya agad kong sinarado ang bintana.

Apakasarap niyang gilitan sa leeg at sakalin ng sinturon sabay pilipitin yung bagag niyang makati pa sa higad!

Biglang tumunog ang cellphone ko at pagtingin ko kung sino ay agad ko itong sinagot.

“Papunta kami jan.” Agad na sabi ni Tiger na nasa kabilang linya.

Pinatay ko ang tawag at agad na nilinis ang buong kwarto.Tinago ko ang mga dyaryo, pictures at files pagkat hindi ito pwedeng makita ng kasamahan ko.

May misyon kasing pinapagawa ang Presidente sakin na ako lang mag-isa. Hinahanap ko parin ang taong sinasabi niya saking huling gumahasa sa kapatid ko.

“ …You’ll know him, I tell you siya mismo ang lalapit sayo at siya mismo ang aamin sa kasalanan niya.” Ito ang makahulugang sinabi sakin ng Pangulo.

Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang ipaalam sa kasamahan ko pero hindi maganda ang kutob ko.

 Maya maya pa ay dumating na sila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status