Share

CHAPTER 6: THAT WOMAN

RODNEY DELA MEÑEZ

Nasa condo kami ni Sonore ngayon at nag-iinuman.It was 9 o'clock in the evening and we are busy getting ourselves drunk.

Nakwento ko na sa tatlo ang nangyari kahapon at napuno ng hagalpak ng tawa ng mga gago ang buong condo.

Nagkwento rin si Sonore about dun sa kapit-bahay niyang nag-ala Spider Man.Tumalon daw mula sa bintana sa kabila papunta sa terrace niya na ikinatawa ng tropa at naging tumpulan tuloy siya ng tukso.

May ganun ba?

Tss ewan ko! Lasing na nga siya.

Medyo creepy yung story niya pero nakatawa siya mag kwento with action tapos nakakatawa pa mukha niya kaya naging comedy tuloy.

Yung babaeng yun sa club hindi matanggal yung babaeng yun sa utak ko.Simula noong makilala ko siya ay lagi ko nalang siyang iniisip.

Patay na yari na to di naman yata ako inlove na action-star na babaeng yon?

I just don't know why at napapangiti nalang ako doon sa ginawa niya sakin imbes na mainisi o magalit.I find myself laughing every time that scene comes to my mind, I was like ang tanga ko dun grabe!

I'm an expert in the field of combat and walang nakakatalo sakin kahit na isa sa mga kaibigan ko dahil lagi kong napepredict ang magiging galaw nila and just one second snap nasira ang lahat.Nasira ng babae yun ang lahat pero imbis na magalit ay natatawa ako.

Wierrrd?!

Konti lang ang nainom ko di gaya nitong tatlo lalong lalo na si Sonore na di makaget-over sa babaeng yun.

"Phumunta ako sa terrace kashi nakita ko szha dun sa bintana—" tinakpan ko ang bibig niya at pinutol ko na ang pagkukwento niya dalhin apat na libong beses na niya itong inu-ulit.

"Pwede bang tikom mo bibig mo ng baho 'eh, takpan naten 'ah." sabi ko.

"Dreh, baka white laydeeh yun? Baka minumulto kana sa dami ng babaeng pinaiyak moh tsk tsk tsk." namumungay na ang mga mata ni Michale sa kalasingan.

Tsk tsk tsk! Naaawa ako sa tatlong to mga ugok!

Nakita ko si Derrick sa sahig naka-upo at nakayuko habang yakap yakap ang bote.Akala ko ay gising pa ito pero tulog na pala at humihilik.

Hinayaan ko silang tatlo dun sa sala at napagpasyahan kong magpunta sa kwarto ni Sonore at dun matulog.Syempre dahil dakilang gwapo at malinis ako naligo muna ako.

Hihiga na sana ako ng mapansin kong bukas ang terrace.Nanlamig ang buong pagkatao ko ng biglang humangin ng malumanay ngunit kalakasan din.

Habang sinasayaw ng malamig na hangin ang kurtina may imahe ng babae akong nakita sa di kalayuang bintana ng kabilang building.Nagsitayuan ang aking balahibo pati sa batok.Tatakbo na sana ako sa takot pero naalala ko bigla.

Eto siguro yung kinukwento ni Sonore na babae! Yung spider woman! Tama!

Matingnan nga kung maganda ba baka pede maging chicks to ng ilang araw.

Naglakad ako papuntang terrace at nakita ko ang buong imahe.Pamilyar saken ang imahe nito at pamilyar din ang dating nito saken.

Isang babaeng naka-upo sa mismong bintana habang hawak ang isang libro paharap sa gawi ko.

Lakas ng tama niya ah?! Mula 40+ na palapag talaga?! Hanep!

Wait! I think I saw her before!

I know her!

I will never forget her face! 

The girl who kicked me twice!

It's Camille!

"Are you done starring at me?" bigla siyang nagsalita pero nagbabasa parin ng libro.

Damn! Ang lakas ng pandama niya! Alien ba siya?

"Sorry." I look down.

Bumaba siya ng bintana papasok sa loob ng kwarto niya.Akmang isasarado na niya ang bintana nang pigilan ko siya.

"Camille Wait! C-Can we talk? Y-You know, friendly talk?" damn! Why am I talking like this? Bakit ka nauutal Rod?!

"First, I hate talking and second, we are not friends." her cold last words before she shut the window out.

Damn! Her voice makes my spine shiver!

Sinarado ko na ang pinto ng terrace at humiga na sa kama para matulog.

Inaalala ko ang mukha niya saglit at napangiti sa kawalan at napailing.

"Patay Rod ngumingiti ka na sa kawalan naku naku tsk tsk tsk." bulong ko sa sarili ko.

Kinaumagahan ay nagising ako.

I looked at the clock and it was 9 o'clock in the morning.

Nagbanyo muna ako, nagmumog at nagtoothbrush gamit ang toothbrush ni Sonore.

Shhh wag niyo ko isumbong ha? Sikretong malupeett! Pang-ilang beses ko nang ginamit yun no!

Pagkatapos ay lumabas na ako ng banyo at nagpunta sa kusina.

Nadaanan ko sila sa may sala.

Gising na si Derrick pero yung dalawa tulog pa,tumutulo ang mga laway at magkayakap sa sahig.

Tsk! Ewss bromance!

May narinig akong click at pagtingin ko ay nakita ko si Derrick na pinipigilan ang pagtawa habang pinipicturan ang dalawa.

Tss di talaga pumapalya sa kalokohan.

Tumatakbo ito papunta sakin at pinakita ang picture.Nakita kong nilagay niya ito sa myday niya habang may heart emoticons.

"Pffttt Baka magkatuluyan yang dalawang yan." Umiiling habang natatawa na sabi ko.

Naglagay ako ng cereals sa bowl, kumuha ng gatas at kumain.

Derrick did the same and said," Bahala yang dalawang yan."

Apakabuti talaga naming kaibigan tsk tsk tsk.

We've been friends since we are kids, nagkahiwa-hiwalay kami ng ilang taon pero nagkita-kita kami ulit limang taon na ang nakakalipas.

Dapat ay lima kami kaso ang isa naming kaibigan ay napatay sa isang engkwentro dalawang taon na ang nakakaraan, isa kase itong sundalo humiwalay ito ng profession samin.

Hindi kami sundalo at hindi rin kami pulis o ano man.

Mga secret agents kami at hidden assets kami ng gobyerno.Our trainning is much hell than militaries and Police training but Hell became Hell-o dahil kasama ang barkada.

Kami kasi lagi ang pinapadala sa malalayong lugar upang mag under cover o di kaya'y mga rescue missions na hindi pede idisclose sa media.We call it Silent Missions.

Ayon sa head namin na si Mattew Rankeillor, kami daw ang pinakamagaling na team sa Norte.

Ewan ko dun.

Ginagawa lang namin ang misyon namin ang magligtas ng buhay lalo na mga magagandang dilag.

Just kidding but half meant lol.

SONORE ASANO

Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong nakapulupot sakin.

Damn! Ramdam na ramdam ko ang hininga ng nilalang na ito! Ang baho shet! Parang hininga ng aso!

Pilit kong minulat ko ang mga mata ko at kinusot-kusot ito.

Gumalaw rin nilalang at it yawned saken bumuga ng hangin kadiri!

Nagkatitigan kami ni Michale sa isa't isa bago namin sinipa ang isa't isa at agad na napatayo.

"What did you do to me?! " sabay naming sigaw.

"Wala akong ginawa sayo! Ouch!— Fuck!" napahawak ako sa ulo ko pagkat para akong pinompyang sa sakit.

Napahawak rin sa ulo si Michale gaya ko ay napangiwe sa sakit.

"Good Morning, Love Birds! Akala ko di na kayo magigising eh, mukhang sarap na sarap kayo sa piling ng isa't isa." Si Derrick na prenteng nakaupo sa sofa.

"Sabi ko na eh! May pagnanasa ka talaga sakin bro!" Si Michale.

"Tss Asa ka!" asik ko sa kanya at pumunta ng banyo para magtootbrush.

"Gago! Naa ko diri!" he said na hindi ko maintindihan.

"Huh???" Ako.

"Nevermind, a bisaya joke you would never understand, hilaw na hapon." sungot ang mukha netong pumunta sa kusina.

Pagpasok ko ng banyo at hinanap ko agad ang toothbrush ko at toothpaste.

Teka! Bat basa tong toothbrush ko?

Nagtoothbrush na ako at pagkatapos ay nagshower narin para mawala ang hang-over ko.

Nakaboxer na ako na lumabas ng banyo.Pumunta agad ako sa closet at kumuha ng white T-shirt.

Nakita ko ang tatlo sa sala na busy sa mga cellphones nila.Bunch of idiots right there Lmao.

Pumunta na ako sa kusina para mag-almusal pero pagtingin ko sa lalagyan ng cereals at gatas ay wala na itong laman.

Damn! Inubusan nila ako.

Kumuha nalang ako ng cup noodles sa cabinet at nag-init ng tubig sa heater.

"Dre, pahinge! " Si Michale.

"Kumuha ka sa cabinet! " sigaw ko.

"Yoko! Share tayo para sweet pffttt." Lokong to ah! Nagpout pa.

"Tigilan mo yan! Mukha kang aso! Para kang aspin na ugok." sabi ko.

Nagtawanan naman yung tatlo at napailing-iling na lamang.

"Sonore." Biglang tawag ni Derrick na nagpatigil sa akin.Ang tingin nito ay seryoso na kahit mga mata nito.

Tumingin ako sa kanila mula sa kusina.Patakbo si Derrick sakin habang hawak ang telepono ko.

Pagtingin ko ay nakarehistro doon ang pangalan ni General.

Hmm Mission is coming na naman.

Sinagot ko ito at lumayo muna sa tropa sa mga sinabi ng heneral at napatigil ako.

Mukhang seryoso tong mission ngayon talaga 'ah sa tono ni Heneral parang nasa bingit siya ng kamatayan.

Napatingin ako sa tropa na seryoso nang nakaupo at naghihintay na lamang ng utos at salita ko.

Sumaludo ako pagkatapos ng tawag saka sinabi ang napag-usapan at agad na nagtungo sa Headquarters.

Nakita naming pumasok din ang malalaking tao sa gobyerno kaya talagang seryoso ang pag-uusapan sa loob.

Inayos ko ang aking necktie at damit pati buhok ganun din ang ginawa ang mga bugok na kasama ko na di ko alam kung natatae o may masamang nakain.

"Hey, chill out mga dre, it's showtime." I grin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status