Share

CHAPTER 5: BE MY FRIEND

Nagsimula nang maging maingay ang paligid ng kwarto ko. Nakatingin lang ako sa apat na bugok na pumapasok sa kwarto ko.

Bago kami nagsimula sa misyon namin inaral muna namin ang paligid namin. Inaral namin ang kalakaran sa Norte. Inalam namin ang pasikot-sikot ng mga syudad at pati ang mga kinagawian nila dito. Kailangan naming umaktong taga-Norte at gumalaw na taga Norte.

Kailangan namin itong gawin upang magtagumpay kami sa misyon namin.

“Yow, Camuri!” Si Astrion, yung lalaking blonde at tinaas ang kamay niya para makipag-apir pero hindi ko ito pinansin. Nilabas ko ang baril ko mula sa tagiliran ko.

“Hmpt! Yakap lang ehh.” Nayayamot sa sabi ni Corra.

“Hindi tayo close para yumakap ka saken and don’t call me Miss.” I coldly said.

“Hey chill ka lang, Camuri! Maaga pa pero ang hot mo na agad.” Si Tiger.

"I'm what?" I am confused.

"Hot! Mainit ulo, galit, may sapak, may toyo—" hindi na niya natuloy sasabihin niya dahil nakaface to face na niya baril ko.

"My bullet is hotter, I would love to put it in your head and tell me how hot it is when it your head explodes." I coldly said.

Naghands up sa ere si Tiger at nagtago sa likod ni Core.

"She's scary." rinig kong bulong niya kay Core.

Aaminin kong para ko naring kapatid ang apat na bugok na to at napalapit narin ang loob ko sa kanila. Hindi nga lang showy pero ganito kami maglambingan.

“Hi.” Walang buhay na bati ni Core.

“Hello.” Sagot ko.

“Wala na guys, silang dalawa lang ni Core ang magkasundo tsk tsk.” Si Tiger.

Si Core ang pinakaclose sakin, bukod sa pareho kami ng mga hilig at gusto, halos pareho lang sila ng pinagdaanan ng kapatid ko kaya parang nakikita ko ang kapatid ko sa kanyang si Sorobi.

Nagahasa rin si Core noong nuwebe anyos siya. Sa mga kamay mismo ng ama niya kaya ganito siya ngayon. Walang emosyon at parang pasan ang mundo.

Bigla siyang nagkwento noong nasa bundok kami ng Asara para magmanman sa bahay ng Presidente ng Norte at umiyak ito sa balikat ko. Kwinento ko rin ang pinagdaanan ng kapatid ko sa kanya at dinamayan ko ito sa madilim nitong nakaraan.

May kanya-kanya silang talento lima at masasabi kong they are excellent in what they do.Magaling sila kaya siguro sila ang pinili na makasama ko sa mission.

Kanya-kanyang halungkat at gala sila sa kwarto ko. Wala naman silang ginagawang masama, ganyan talaga sila pag nandito sila sa unit ko. Naghahanap ng mapaglilibangan. Kaya nga tinago ko agad ang mga papeles tungkol sa sarili kong misyon at misyon na inutos ng presidente sakin sa isang secure na lugar kase alam kong manghahalungkat tong mga kupal na to.

Knowing these four idiots, uso sa kanila yung bayanihan. Misyon ng isa, misyon ng lahat according to Corra.

“Wala ba tayong gagawin ngayon? Nabobored na ako huhuhu.“Si Corra.

“Magclub tayo! Namimiss ko na magclub eh! “ Si Tiger. Wala lang akong imik habang nakatingin sa kanila.

“Guys, look hindi tayo nandito para magpakasaya, okay?! May misyon tayo at yun ang dapat nating unahin.” Si Astrion.

“Nasend ko na sa South ang mga impormasyon na nakalap natin.Wala muna tayong gagawin sa mga susunod na araw dahil panigurado ako na may ideya na ang Norte tungkol satin.” Seryosong sabi ni Tiger.

"Hinack ko ang system ng gobyerno kagabi at nilagyan yung ng virus. Kinuha ko ang mga mahahalagang impormasyon at sinamantala ang pagkakataon upang isend ito sa South habang magulo pa ang server nila. Dahil sa virus na nilagay ko kailangan nilang i-reboot ang system nila.Magpalamig muna tayo dahil paniguradong tinitrace na nila ang ginawa ko.”

Habang nagsasalita si Tiger ay binuksan ni Core ang bintana ko.

Pasimple akong sumilip para tingnan kong nandun ba si Mr.Confidence buti nalang at wala ito baka ano na namang kabastosan lumabas sa bibig non si Core pa naman nasa bintana.

Kagabi pa ako nandidiri sa mukha ng damuhong hilaw na yon lakas ng tama sa buhay lakas ng confidence din ko mareach grabe!

Sa sobrang tuwa ko gusto ko siyang katayin ng patiwarik habang pinalulunok sa kanya yung mga salitang lumabas sa mabaho niyang bibig.

“Bili lang ako ng pagkain.” Agad akong lumabas. Ewan ko kung bibili ba ako ng pagkain, anlalaki pa naman lumamon ng mga yun tss.

Isa pa wala akong dalang cash kaya di nalang ako bibili maglalakad nalang ako sa labas.

Palabas na ako ng hotel ng may namataan akong sumusunod sakin habang naglalakad ako.Gamit ang pheriperal vision ko, binantayan ko ang bawat galaw niya at inobserbahan ko siya ng palihim. Base sa suot, amoy at tikas ng katawan nito ay masasabi kong lalaki ito.

Nakasuot ito ng hoodie na maitim, maong na pantalon at itim na sapatos. Pinagana ko ang pang-amoy at pandinig ko.

May kausap siya, hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya pero alam kong may kausap siya. Binagalan ko ang paglalakad ko at ramdam kong binagalan niya rin ang paglalakad niya.

Binilisan ko ang paglalakad ko. May nakita ako maliit na eskinita sa unahan at agad akong naglakad papasok doon. Sinusundan niya parin ako.

Huli ka!

Bigla akong humarap at isang tornado kick ang pinakawalan ko at tinamaan siya sa tiyan at panga. Bumagsak siya at natanggal ang hoodie niya. Pareho kaming nagulat sa isa’t isa.

“You?!” ngumiwe lang siya at kumaway. Napakamot sa batok siyang tumayo.

“Hi?” mukha siyang ewan.

“Bakit mo’ko sinusundan?!” Diretso ang tingin ko sa mga mata niya.

“Sorry, wala naman talaga akong balak na masama eh.” Liar! Lumapit ako sa kanya at kinuwelyohan siya.

“You know what I hate the most? Liars…” I coldly said.

It’s Rodney Dela Meñez.I heared him chuckled.

“At di ako magdadalawang isip na gawing tatlo.” I coldly said.

“Woah woah woahhh! Gusto ko lang makipagkaibigan.” Sabay taas ng dalawa niyang kamay.

“I don’t do friendships.” Ako.

I already met this guy two months ago noong naglalakad ako papasok sa isang club para manmanan ang isa naming target, kasama ko noon si Core at Tiger. Siya ang kauna-unahang lalaking nambastos sakin.

No one ever dared to touch Camuri Senai except this idiot. Habang papasok kami sa club at hinipuan niya ako.

FLASHBACK

Napalingon ako sa likuran ng may isang kamay na humapo sa pwet ko. Agad kong tinabig ang kamay ng kung sino mang demonyo ang humawak saken, tinulak bahagya at sinipa ito sa panga.

Bumagsak siya mismong sahig. He was shock. Natigilan siya at napahawak sa panga niya. Dumugo ang labi niya at napahawak siya rito.

Akala ko ay gulo ang aabutin namin nila Core at Tiger dahil sa ginawa ko but nasorpresa ako nung humagalpak kakatawa ang dalawa niyang kasama at pinigilan nila ang bouncer na palapit sana sa amin.

“Pfffttt Ouch! Saket nun!!! Nice kick,Miss.” Tumatawang komento ng isa niyang kasama. Matagal nakarecover ang dalawa kakatawa.

“Pfftt I’m Derrick and this is Michale and that one you kicked is Rodney.” Sabi ni Derrick.

Nainis ako kaya agad akong pumasok sa loob at sumunod naman sila Core at Tiger. Pagkatapos namin sa club ay nagbackground check ako sa lalaking nambastos sakin sa club dahil hindi parin humuhupa ang galit ko.Tiger knows his information kaya hindi na ako nahirapan pa.

Kung pwede lang ay pinatay ko na siya sa harap ng club pero hindi pwede yun.

END OF FLASHBACK

“Why are you following me?” Tanong ko sa kanya.

“Look, nagpunta ako sa hotel na yun kase dun din ako nakacheck-in and it happened na nakita kitang dumaan dun, I know na hindi ka ordinaryong babae kaya di ako makalapit—” hindi natuloy ang sinasabi niya dahil agad ko itong binara.

“Just make the story short, Don’t waste my time.” Sabi ko.

“I just want to say I’m sorry.Sorry dun sa nagawa ko sa club sayo.” He look down.

“Apology Accepted.” Cold kong sagot sa sorry niya at naglakad pabalik sa highway. Para siyang tangang naiwan dun dahil ganun ko kabilis tinanggap ang sorry niya.

Tinawag niya ako’t nilingon ko siya. Inamin niya sakin na it was a dared by his friends. Dapat ay bewang ko ang hahawakan niya but it landed on the wrong place.

Tss boys excuses.

Sinabi niya rin na he deserves what I did to him that night. Pinatawad ko na siya kaagad para hindi na humaba ang usapan pa. Higit sa lahat ayoko sa lalaking madaldal. Tinahak ko ang daang pabalik ng hotel.

“Hey! Waiittttt!” humabol siya sakin. Hindi ako tumigil sa paglalakad and I ignored him.

“Please! Please tell me your name.” Rinig kong pakiusap niya. Biglang siyang humarang sa dinadaanan ko.

“Get out of my way.” I coldly said.

“I will, If you will tell me your name.” Siya.

“Fine, I’m Cam—Camille” hindi ko pwedeng sabihin ang totoong pangalan ko.

“Nice name… Camille “ nakangiti ito sakin.”It suits you.” Kumindat ito sakin. Tss Flirt!

Ngunit wala akong pake kaya agad akong naglakad palayo sa kanya.

“Till we meet again, Camille.“ nakangiti itong kumakaway sa papalayong ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status