Share

The Heiress Disguised as a Maid
The Heiress Disguised as a Maid
Author: JohnCalda

Chapter 1

Author: JohnCalda
last update publish date: 2026-11-11 21:59:12

Alas-siyete ng gabi nang dumating si Samantha Hiraya Alcantara sa isang marangyang hotel sa Makati. Nakasuot siya ng isang eleganteng puting bestida, may mahabang buhok na maayos na nakalugay, at may ngiting hindi maalis sa kaniyang mga labi. Espesyal ang gabing iyon dahil ikatlong anibersaryo nila ng kaniyang kasintahang si Kairo Suzara. Matagal niyang pinaghandaan ang gabing ito. Bukod sa mamahaling relo na regalo niya para sa lalaki, mayroon din siyang inihandang sorpresa na tiyak niyang ikatutuwa nito.

Habang naglalakad patungo sa VIP elevator, hindi niya maiwasang tingnan ang kaniyang cellphone. Ilang beses na niyang tinawagan si Kairo ngunit hindi ito sumasagot. Nagpadala rin siya ng mensahe, subalit wala pa rin itong tugon. Napabuntong-hininga siya at bahagyang ngumiti.

"Baka busy lang siya sa meeting," bulong niya sa sarili.

Kilala niya ang nobyo bilang isang abalang negosyante, kaya naman ayaw niyang maging mapaghinala. Sa halip, mas pinili niyang isipin na magiging maganda ang gabing iyon.

Pagdating sa ika-dalawampu't limang palapag, sinalubong siya ng isang waiter na may hawak na listahan ng mga bisita. Binanggit niya ang pangalan ni Kairo at agad siyang pinapasok sa isang pribadong suite. Ngunit bago pa man tuluyang makalapit sa pintuan, napansin niyang bahagyang nakabukas iyon. May naririnig siyang mahinang tawanan mula sa loob, kasunod ang isang pamilyar na boses na matagal na niyang pinapangarap na marinig sa tuwing umuuwi siya. Napangiti siya at dahan-dahang inilapit ang kamay sa p***o.

"Baby, sigurado ka bang hindi tayo mahuhuli?" narinig niyang tanong ng isang babae.

Natigilan si Samantha. Hindi niya kilala ang boses na iyon, ngunit sapat ang lambing nito upang makaramdam siya ng kakaibang kaba. Ilang segundo siyang hindi gumalaw, umaasang baka may ibang paliwanag sa kaniyang narinig. Ngunit tuluyan siyang nanlamig nang sumagot ang lalaking pinakamamahal niya.

"Huwag kang mag-alala. Wala rito si Samantha. Masyado siyang nagtitiwala sa akin."

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ni Samantha. Dahan-dahan niyang itinulak ang p***o at tuluyang bumungad sa kaniyang paningin ang eksenang hindi niya kailanman inakalang masasaksihan. Naroon si Kairo, nakaupo sa gilid ng malaking kama habang yakap ang isang babaeng nakasuot ng pulang damit. Magkadikit ang kanilang mga labi, at tila walang pakialam ang dalawa sa mundong nakapaligid sa kanila. Nabitiwan ni Samantha ang hawak na kahon ng regalo. Bumagsak iyon sa sahig kasabay ng pagkawasak ng kaniyang puso.

"K-Kairo?" mahinang sambit niya. Agad na napalingon ang lalaki at nanlaki ang mga mata nang makita siya. Mabilis nitong itinulak palayo ang babae at tumayo mula sa kama.

"Samantha! Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong nito. Hindi agad nakasagot ang dalaga. Nakatitig lamang siya sa lalaking tatlong taon niyang minahal, habang unti-unting namumuo ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"Ako pa talaga ang tatanungin mo kung anong ginagawa ko rito?" nanginginig niyang sagot. "Anniversary natin ngayon, Kairo. Nakalimutan mo na ba?"

Tumayo rin ang babaeng kasama nito at inayos ang kaniyang damit. Hindi man lamang ito nakaramdam ng hiya nang humarap kay Samantha. Sa halip, bahagya itong ngumisi at inayos ang mahaba nitong buhok.

"Oh, ikaw pala si Samantha. Akala ko ba nasa bahay ka lang at naghihintay sa boyfriend mo?" mapanuyang tanong nito. Lalong nanikip ang dibdib ni Samantha. Tumingin siya kay Kairo, umaasang itatanggi nito ang lahat, ngunit nanatiling tahimik ang lalaki.

"Sino siya?" tanong niya habang nakaturo sa babae. "Sagutin mo ako, Kairo. Sino siya?"

"Kaibigan ko lang siya," mabilis na sagot ni Kairo. "Huwag kang gumawa ng eksena rito, Samantha."

Napatawa nang mapait ang dalaga. Kaibigan? Iyon lamang ang kaya nitong sabihin matapos niyang mahuling naghahalikan sila? "Kaibigan? Ganiyan ba kayo magpakita ng pagmamahalan sa isa't isa?" tanong niya. "Huwag mo akong gawing tanga. Nakita ko ang lahat!"

Napahawak siya sa kaniyang dibdib habang pilit na pinipigilan ang pag-iyak. "Minahal kita, Kairo. Ipinagtanggol kita sa lahat. Ibinigay ko sa iyo ang tiwala ko, pero ganito lang pala ang kapalit?"

"Kung ganoon, dapat matagal mo nang tinanggap na hindi kita mahal gaya ng pagmamahal mo sa akin," malamig na sagot ni Kairo. Para bang isang matalim na kutsilyo ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito. "Tatlong taon na tayong magkasama, pero wala akong nakikitang pagbabago sa buhay ko. Palagi kang abala sa pamilya mo at sa negosyo mo. Nakakasawa na ang ganoong buhay."

Napailing si Samantha. "Kaya pala? Dahil hindi sapat ang pagmamahal ko? Dahil hindi kita binigyan ng lahat ng gusto mo?"

Hindi sumagot ang lalaki. Sa halip, hinawakan nito ang kamay ng babae sa kaniyang tabi.

"At least, alam kong maynagpapasaya sa akin," sabat ng babae. "Hindi tulad mo, Samantha. Akala mo yata dahil mayaman ka, kaya mong bilhin ang pagmamahal ng isang lalaki."

Napatitig si Samantha sa kaniya. "Wala akong biniling pagmamahal niya. Minahal ko siya nang totoo."

Muling napatawa ang babae. "Kung ganoon, kawawa ka naman. Dahil habang abala kang magplano ng inyong anniversary, kami naman ang magkasama sa mga gabing wala ka."

Hindi na napigilan ni Samantha ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Tumingin siyang muli kay Kairo, ngunit wala siyang nakitang pagsisisi sa mga mata nito.

Pinulot niya ang kahon ng regalo at inilapag iyon sa mesa. "Sa iyo na iyan. Hindi ko na kailangan ang kahit anong bagay na magmumula sa akin kapag ikaw ang makikinabang."

Hinubad niya ang singsing na ibinigay ni Kairo at inilagay iyon sa ibabaw ng kahon. "Tapos na tayo. Huwag mo na akong hanapin kailanman."

Pagkatapos sabihin iyon, mabilis siyang tumalikod at naglakad palabas ng silid. Hindi na niya inintindi ang pagtawag ni Kairo. Sa pagkakataong iyon, mas pinili niyang iligtas ang natitira niyang dignidad kaysa manatili sa tabi ng lalaking walang pakialam sa kaniyang nararamdaman.

Pagkalabas ng hotel, sinalubong siya ng malamig na hangin at mahinang ulan. Wala siyang pakialam kahit nababasa ang kaniyang buhok at damit. Naglakad siya patungo sa gilid ng kalsada habang nanginginig ang mga kamay. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kaniyang matalik na kaibigang si Serene Estrella. Sa unang ring pa lamang ay sinagot na nito ang tawag.

"Hello, Sam? Nasa hotel ka na ba? Kumusta ang surprise mo?" masayang tanong nito. Ngunit nang marinig ang mahinang paghikbi ni Samantha, agad na nagbago ang tono ng kaibigan. "Sam? Anong nangyari? Nasaan ka? Bakit ka umiiyak?"

Hindi agad nakasagot si Samantha. Ilang sandali siyang tahimik bago tuluyang bumigay ang kaniyang emosyon.

"Serene... nahuli ko si Kairo. May iba siya."

Sa kabilang linya ay natahimik ang kaibigan. "Ano? Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita!" mabilis na sagot nito.

"Hindi ko na alam kung saan ako pupunta," umiiyak niyang sambit. "Tatlong taon, Serene. Tatlong taon kong inakala na ako ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay."

Pilit siyang pinakalma ni Serene at nangakong hindi siya nito pababayaan. Sa wakas, nakasakay rin si Samantha sa isang taxi at umuwi sa kaniyang condominium.

Pagsapit ng alas-diyes ng gabi, nakaupo si Samantha sa sofa habang hawak ang isang lumang litrato nilang dalawa ni Kairo. Hindi niya maintindihan kung paano nagawang magbago ng isang taong dati ay nangangakong mamahalin siya habambuhay. Biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Isang mensahe iyon mula sa kaniyang personal assistant. Ma'am Samantha, kailangan po namin kayong makausap bukas tungkol sa ilang dokumento ng kumpanya. May mga hindi po tugmang transaksiyon na nadiskubre sa inyong account. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi niya alam na may problema pala sa kompanya. Agad siyang tumayo at binuksan ang kaniyang laptop upang tingnan ang mga dokumento.

Habang sinusuri niya ang mga transaksiyon, unti-unting nagbago ang kaniyang ekspresyon. May ilang malalaking halagang nailipat mula sa account ng kompanya patungo sa isang hindi pamilyar na negosyo. Mas lalong nanlamig ang kaniyang mga kamay nang makita niya ang pangalan ng taong pumirma sa mga dokumento. Kairo Suzara. Hindi lamang pala pagtataksil sa pag-ibig ang ginawa ng dating kasintahan niya. May posibilidad ding sangkot ito sa pagnanakaw at panloloko sa kaniyang negosyo. Napaupo siya nang marahan, hindi makapaniwala sa kaniyang natuklasan. Sa gabing inakala niyang mawawala lamang ang kaniyang kasintahan, maaaring pati ang lahat ng pinaghirapan niya ay tuluyan nang maagaw sa kaniya.

Napahawak si Samantha sa kaniyang noo habang nakatitig sa screen ng laptop. Muli niyang kinuha ang cellphone at tinawagan si Serene.

"Serene, kailangan kita. May mas malaki pa akong problemang kailangang harapin." Ngunit bago pa man makasagot ang kaibigan, may natanggap siyang panibagong email mula sa legal department ng kanilang kumpanya. Nanginginig niyang binuksan iyon at agad na namutla sa nilalaman. Nakasaad doon na pansamantalang pinasususpinde ang kaniyang access sa mga pangunahing account ng kompanya habang iniimbestigahan ang isang malaking kasong pinansiyal na nakapangalan sa kaniya. Napatingin siya sa litrato ni Kairo na nakapatong sa mesa.

"Ano ba talaga ang ginawa mo sa akin?" bulong niya habang tumutulo ang mga luha. Hindi niya alam na ang gabing iyon ang magiging simula ng pinakamalaking pagbagsak sa kaniyang buhay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Heiress Disguised as a Maid   Chapter 8

    Hindi agad nakatulog si Hiraya nang gabing iyon. Paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isip ang mga pangyayari sa nakaraan, lalo na ang pagtataksil ni Kairo. Hawak pa rin niya ang lumang litrato nang mapansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto ng kaniyang silid. Agad niyang itinago ang litrato sa maliit na kahon. "May tao ba?" tanong niya habang dahan-dahang lumalapit sa pinto.Nang buksan niya ito, nagulat siya nang makita si Jiro Panganiban na nakatayo sa labas. "Ay! Sir Jiro, bakit po kayo nandito?" tanong niya. Napangiti ang lalaki. "Pasensya na, hindi ko sinasadyang makinig. Hinahanap ko lang si Emilio dahil may kailangan kaming pag-usapan."Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Hiraya. "Nasa opisina pa po yata siya, Sir." Tumango si Jiro at nagpaalam.Ngunit bago tuluyang umalis, napansin ni Jiro ang maliit na kahon sa ibabaw ng kama. "Mahilig ka palang magtago ng mga alaala?" biro niya. Mabilis na isinara ni Hiraya ang kahon. "Mga personal na gamit ko lang po." Hindi na nagt

  • The Heiress Disguised as a Maid   Chapter 7

    Nanatiling nakatayo si Hiraya sa may pintuan ng Bautista Mansion habang pinagmamasdan ang magandang babaeng kakarating lamang. Mula sa mamahaling damit nito hanggang sa mga alahas na suot, halatang nagmula ito sa isang mayamang pamilya. Nakangiti itong nakatingin kay Emilio na para bang matagal na silang magkakilala. Samantala, nanatiling malamig ang mukha ng kaniyang amo."Hindi mo ba ako papapasukin, Emilio?" malambing na tanong ng babae. "Hindi kita inaasahan ngayon, Mayumi," sagot ng lalaki. "Kailangan ko bang magpaalam bago bisitahin ang lalaking gusto kong makasama?" nakangiting balik nito. Napailing si Emilio at tuluyang pumasok sa mansyon. Sumunod naman si Mayumi na para bang sarili nitong tahanan ang lugar.Napansin ni Mayumi si Hiraya na nakatayo malapit sa hagdan habang hawak ang mga gamit ni Emilio. Sinipat niya ito mula ulo hanggang paa bago bahagyang ngumiti. "Sino naman ang babaeng iyan?" tanong niya. "Bagong katulong. Hiraya ang pangalan niya," walang interes na sa

  • The Heiress Disguised as a Maid   Chapter 6

    Maagang nagising si Hiraya upang ihanda ang sarili sa panibagong araw ng pagtatrabaho. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari noong nakaraang gabi nang ipatawag siya ni Emilio at biglaang gawing personal na katulong sa bahay at opisina. Habang nagsusuot ng kaniyang simpleng uniporme, napabuntong-hininga siya. "Mukhang mas magiging mahirap ang buhay ko rito," bulong niya sa sarili.Pagdating niya sa kusina, nadatnan niya si Ligaya na naghahanda ng almusal. "Magandang umaga, Hiraya. Handa ka na ba sa bagong tungkulin mo?" nakangiting tanong nito. "Wala naman po akong ibang pagpipilian, Ate Ligaya. Sana lang po ay hindi na ako makabasag o makasira ng kahit ano," biro niya. Natawa si Ligaya at pinayuhan siyang maging maingat at huwag masyadong dibdibin ang ugali ng kaniyang amo.Ilang sandali pa ay bumaba si Emilio, suot ang kaniyang mamahaling itim na suit. Hawak niya ang cellphone habang may kausap sa kabilang linya. Nang makita si Hiraya, tinapos niya ang tawag at agad itong

  • The Heiress Disguised as a Maid   Chapter 5

    Maagang nagising si Hiraya sa kaniyang silid sa Bautista Mansion. Halos hindi pa sumisikat ang araw ay nakapaghanda na siya upang simulan ang kaniyang mga tungkulin. Ayaw niyang magkaroon ng pagkakamali sa unang mga araw niya bilang personal na katulong ni Emilio Bautista. Alam niyang hindi madaling pakisamahan ang kaniyang amo, kaya kailangan niyang maging maingat sa bawat kilos.Paglabas niya ng silid, nadatnan niya si Ligaya na abala sa paghahanda ng almusal. Agad siyang lumapit upang tumulong. "Magandang umaga po, Ate Ligaya. Ano po ang kailangan kong gawin?" nakangiting tanong niya. "Magandang umaga rin, Hiraya. Pakihanda ang kape ni Sir Emilio. Siguraduhin mong tama ang timpla dahil ayaw niya ng sobrang tamis," bilin ni Ligaya.Maingat na inihanda ni Hiraya ang kape. Habang ginagawa iyon, paulit-ulit niyang inalala ang mga tagubilin ni Ligaya. Hindi siya sanay na maghanda ng pagkain at inumin para sa ibang tao dahil dati ay may mga tauhan silang gumagawa niyon sa kanilang taha

  • The Heiress Disguised as a Maid   Chapter 4

    Sa unang pagkakataon matapos ang ilang araw na puno ng problema, nakaramdam siya ng kaunting pag-asa. Nakahanda na sa tabi ng kaniyang kama ang maliit niyang maleta na naglalaman ng ilang damit, personal na gamit, at mahahalagang dokumento. Hindi na niya dala ang mga mamahaling alahas na dati niyang isinusuot sa mga pagtitipon ng mga negosyante. Sa halip, pinili niyang mamuhay nang simple at kalimutan muna ang lahat ng bagay na nagpapaalala sa dati niyang pagkatao. Ngayon, hindi na siya ang Samantha Alcantara na kilala ng maraming tao. Siya na si Hiraya, isang ordinaryong babaeng handang magsimula muli.Habang naghahanda, nakatanggap siya ng tawag mula kay Serene. "Good morning, Sam! Handa ka na ba sa unang araw mo bilang isang personal maid?" masayang tanong nito. Napangiti si Samantha habang inaayos ang kaniyang buhok. "Medyo kinakabahan nga ako. Hindi ko alam kung paano ako makikibagay sa bagong trabaho ko." Tumawa nang mahina si Serene. "Huwag kang mag-alala. Matalino ka at mabi

  • The Heiress Disguised as a Maid   Chapter 3

    Maagang nagising si Samantha, ngunit wala na ang dating sigla sa kaniyang mukha. Nakaupo siya sa gilid ng kaniyang kama habang nakatitig sa mga mamahaling gamit na nakapaligid sa kaniya. Ang bawat sulok ng kaniyang condominium ay nagpapaalala sa buhay na dati niyang tinatamasa. Mga mamahaling damit, sapatos, alahas, at mga regalong minsan niyang ipinagmamalaki. Ngunit ngayon, tila wala nang halaga ang lahat ng iyon. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang panatilihin ang ganitong pamumuhay. Pansamantalang nakabinbin ang kaniyang mga bank account, at hindi rin niya alam kung kailan matatapos ang imbestigasyon sa kaniyang kumpanya. Habang umiinom ng kape, muling tumunog ang kaniyang cellphone. Ang tumatawag ay ang legal adviser ng Alcantara Holdings. Agad niya itong sinagot. "Good morning, Attorney. Mayroon na po ba kayong bagong impormasyon tungkol sa kaso?" tanong niya. Bumuntong-hininga ang lalaki sa kabilang linya. "Ma'am Samantha, kailangan po nating maging handa. May

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status