Share

Chapter 5

"Bakit nyo nilapastangan ng ganito ang anak ko"

Sigaw ni Ka Mando na mas nakatawag ng pansin sa iba kaya nagsilapitan na ang mga ito.

Agad namang inayos ni Ka Merna ang hitsura ni Kycee dahil dumadami na ang tao.Sapat na ang kaninang eksena para sa plano.

"Ho teka, wala akong ginagawang masama? Teka lang.. hindi ako numumuwersa ng babae.bakit ko gagawin yun? "

Katwiran ni Drei na litong lito kung bakit ganun ang hitsura nila.

"Sandali lang po! hindi ko pinuwersa ang babaeng iyan ni hindi ko nga kilala yan?"

Sabi ni Drei.

Lalong naghurumintado si Ka Mando at namula sa galit.Isang malakas na suntok angvpinakawalan nito kaya bumalanda sa may bukana kubol ang binata. Lumikha ng Attensiyon ang pagsigaw ni Kaando at pagsigaw ni Ruby at ka Merna.

Agad tumakbo si Ruby patungo sa Malaking bahay na malamang ay ibabalita kay Senyor Sebastian ang mga nangyayari at inaasahan na iyon ni Ka Mando.

"Itinatangi mo bang d*monyo ka ang nakita naming ito? Hayan may ibang tao pang nakakita?magdedeny ka pa? Sigaw ni Ka Mando.

"Heto kayo ng anak ko halos hubot hubad sa kubo ngayon sasabihin mo sa akin wala kang alam at wala kang ginawa?"

"Wala kang polo at nakababa ang pantalon mo hubad ang anak ko sasabihin mong wala kang ginawang masama" Lalong naghurumentado ni Ka Mando.

Lumabas ito at kinuha ang tabak na hawak ng isa nitong kasapi saka inambahan ang noon ay nakalabas na ring binata. Pero inawat siya ng asawa at nang ilang mga tauhan.

"Ka Mando maghunos dili ka anak ni Senyor yang kinakalaban mo baka nakakalimutan no?"

Sabi ng isa sa mga umaawat.

"So ano? porke mayaman yan, porke Villafuerte ay hahayaan ko na lang lapastanganin ang anak ko? Luluhod nalang tayo at palalamang sa mga yan?" Galit na sabi ni Ka Mando sa taong umaawat sa kanya

"Hay*p ka! mapera ka naman bakit di ka na lang kumuha ng babae sa kabisera bakit ang nagiisang anak ko pa ang nilapastangan mo palibhasa para inyo ay tae lamang kami ng mga kalabaw ninyo"

 sabi ni Mando sabay nagpapalag ulit para itakin si Drei na ng mga sandalng iyon ay takot na rin at halos hindi makapaniwala sa nangyayari.

Inikot ng binata ang paningin sa paligid at halos ang lahat ng mga matang humahanga sa kanya kagabi ay naghuhusga na sa kanya ngayon. Muling inambahan ng itak ni Ka Mando si Drei nagkataong nakabitaw ito sachumahawak atcpumipigil dito pero nakaiwas si Drei kaya sa kawayan ng kubol tumama ang tabak.

Muling pinigilan si Ka Mando at ng ilan sa mga naroon.Ang iba naman ay tinulungan si Drei na natumba sa lupa sa pagiwas sa itak ng lalaki.

"Magsitigil kayo!! Anong kaguluhan ito!!"

Dumadagondong ang boses ni Darwin habang galit naman ang expresssion ng mukha ni Don Sebastian na nasa tabi nito.Nakalapit na pala ang Mga Villafuerte.Si Ruby ang may tulak ng wheel chair ng matanda.

"Magandang umaga po Senyor ar senyorito Darwin" Bating mga naroong tauhan ng hacienda.

"Anong gulo itong ginagawa mo Ka Mando?nakakahiya sa ilang bisita"

"Nakakahiya? kayo ang nakakahiya.Yang hay*op mong kapatid ang tanungin mo. Hah! ako pa ang dapat mahiya pwe?"

Lalong tumindi ang galit ni Ka Mando ng makita si Darwin Villafuerte ang totoong kinasusulaman niya.

"Ibaba mo ang iyong tabak Mando at pagusapan natin itovng maayos.Hindi tayo magkakaintindihan kong galit ang mangunguna" Sabi ng matandang Villafuerte. Inaasahan na iyon ni Ka Mandoarangal at mahinahon talaga ito noon pa man.

"Halikayo sacloob ngvbahay at doon natin ito pagusapan.Maguumaga na at nakakahiya sa mga bisita"

Sabi ng Senyor saka tinapunan ng masamang tingin ang panganay na anak na nakayuko lamang sa isang sulok.

Nang mga sandaling iyon ay untivuntivnacring nagigising si Kycee at nabungaran niya sng kaguluhan.

Gusto sana niyang bumangon na pero nahihiya siya.Hindi niya alam kung paano haharapin ang gulong ito na ginawa ng kanyang ama. Mula sa siwang ng dingding na kawayan nakita ni Kycee ang mukha ng lalaking biktima ng kanilang kawalanghiyaan. May dugo ang labi nito at namumutla bakas ang pagkalito sa mukha nito.

Gusto ni Kycee na gumising at tulungan ang lalaki. Ewan niya pero iba ang naging epekto ng laaling ito sa kanya ng yakapin siya nito at kagabi. Iba ang naging epekto ng mga halik nito. Pero sa oras naman na magsalita siya ng totoo ang malupit na parusa naman ng ama ang haharapin niya bukod pa sa baka itakwil siya o palayasin nito.

"Saan siya pupunta?paano na? Walang sinabi ang ama niya tungkol dito.Bindicniya alam na ganito ang kalaabasan"

"Anong gagawin ko..anong gagawin ko"

Umiyak na lamang si Kaycee .m umiyak ng umiyak. Dinaluhan siya ni Ka Merna na narinig ng gising na siya.

Dinaluhan rin siya ng ibang pang taong naroroon na tila ba isa nga siyang biktima. Umiyak na lamang ng umiyak si Kycee sa kasalanan nilang mag ama. Halos manginig sa takot At halos mamutal ulit si Kycee ng dumating si Darwin at ang Senyor.

Umiiyak na inalalayan ni Ka Merna si Kycee papasok ng kabahayan ng mga Villafuerte.Pasimple itong binubulungan ng madrasta na umayon lamang sa mangyayari at itikom ang bibig niya. hayaan daw ang kanyang ama na iyusin ang lahat.Bagamat maramign katanungan at hnid nagugustuhan ang nangiging takbo ng pangyayari ay walang magawa si Kaycee. Ang mga pasimpleng sulyap ng kanyang ama ay halos ikanginig ng mga tuhod niya.

Bumungad sa kanya ang marangyang kapaligiran, malayong malayo sa dampa na kanilang tinitirhan.Nanguna ng pumasok sa loob ng bahay si Senyor Sebastian kasunod ang

Dalawang anak nito.Nangatog naman ang tuhod niKaycee, kinatakutan ang kung anumang posibleng maging kapalara ng sandaling iyon. kadalasa sa mg napapanuod niya sa telebisyun ay hindi daw masarap manirahan sa malalaking bahay lalo na ang makisama sa mayayaman.

Inutusan sila ng senyor naaupo sa sala saka ito nagutos sa katulong na maghain ng kape at almusal.

Pero hindi umupo si ka Mando. Tanging si Ka Merna lamang ang umupo at inalalayan ang walang tigil sa pagiyak na si Kycee. Umupo naman si Drei sa malapit sa ama at nanatiling nakatayo naman si Darwin habang titig na titig ito kay kycee.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Ariah
"ayaw paawat eh,ginalingan masyado..
goodnovel comment avatar
Chenny Dalde
paki edet po dami error
goodnovel comment avatar
Greganda Gervhin
acting na acting c ka mando
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status